Professional Documents
Culture Documents
Pangalan: Kuha:
Baitang at Pangkat: Petsa:
Pagganyak (Motivation)
Sa ating buhay, humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng “ano,” “alin,” “paano,” at “bakit.”
Kailangang gumawa tayo ng mga pasiya mula sa ating pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ikaw? Ganyan
ka rin ba?
Mga Angkop Na Kilos Upang Itama ang mga Maling Pasyang Ginawa
Paano nalalaman ng tao ang mga kilos niya kung ito ba’y tama o mali? Ang pagsusuri sa paghatol ng
konsensiya ay nangyayari sa sarili nitong panahon. Maaaring suriin ang isang hatol sa loob ng isang araw o
maaaring tumagal ng maraming taon. Ang tamang paghatol ng konsensiya ay naglalapit sa tao sa Diyos at
kaniyang kapwa, kung kaya’t mahalagang hubugin ito nang mabuti upang makagawa siya ng tamang
pagpapasiya na patungo sa tamang pagkilos.
May ikinilos ka na bang pinagsisisihan mo dulot ng maling pasya? Paano mo ito naitama o nabigyang
linaw?
Ang pagpapasya ay ang pagpipili ng aksyon, kilos na gagawin o tugon ayon sa kinakaharap na sitwasyon.
Maaring tama o mali ang pasya ng isang tao. Ayon kay Wikipedia ang mga pagpapasya o pag-pili na
isinasagawa sa mental na paraan ay nagbubunga ng isang galaw o aksiyon o kaya isang napiling opinyon.
Karaniwang hinahangad ng bawat nilalang ang tamang pasya. Kaya’t ang pagpapasya ay ginagamitan ng
malalim at malawak na pag- iisip upang makabuo ng angkop at tamang pasya ang isang tao. Bawat isa sa atin
ay araw- araw na bumubuo ng pasya. Mula sa mga karaniwan hanggang sa masalimuot na pagpapasya. Ang
pagbuo ng pasya ay maaring tama o kaya naman ay nangangailangan ng pagtatama.
Mga paraan o hakbang na makatulong sa atin bilang gabay upang makagagawa tayo ng tamang pagpasya sa
mga maling ating ginawa.
1. Alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo.
Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at
totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa katotohanang tayo ay nilikha upang mahalin ang Diyos at
ang kabutihan.
2. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang gawaing kaugnay nito
tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng
pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. Sa sandaling ito, nailalapat natin ang ating
nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon.
3. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos. Mula sa unang yugto na tumatalakay sa pagnanais sa
mabuti at sa ikalawang yugto ng pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon, ang ikatlong
yugto ay oras ng paghatol ng konsensiya, kung saan wari’y sinasabi sa atin, “Ito ay mabuti, ito ang
kinakailangan mong gawin,” o kaya naman ay, “Ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.” at,
4. Pagninilay. Sa sandaling ito, binabalikan natin ang ginawang paghatol. Pinagninilayan natin ang ating
paghatol upang matuto mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama ang
naging paghatol ng konsensiya, kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama
at higit na pinagtitibay ang ating moralidad. Sa kabilang banda, ang negatibong resulta ng maling
paghatol ng konsensiya ay indikasyon na itama ito kung maaari pa at matuto rin mula sa maling
paghatol.
Pagmomodelo:
Gawain: Alamin natin kung paano makagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang
ginawa.
1. Pagkakalat sa daan.
Sagot: Hindi dapat gawin ang ganyang gawain. Bumuo ng proyektong makakatulong para mapanatili ang
kalinisan sa paligid dahil iyan ay isang halimbawa ng pagkakataon para makatulong sa lipunan.
Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:
2.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa (EsP10MP-Ic-
2.3)
Gawain: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Pag-isipan kung ito ba’y tama o mali. Itama
kung sa palagay mo ay mali. Isulat ang inyong sagot sa patlang bago ang bilang.
1) Ang pagbuo ng proyektong makakatulong para mapanatili ang kalinisan sa paligid ay isang halimbawa ng
pagkakataon para makatulong sa lipunan.
2) Ang paggamit ng reusable na bayong ay isa sa mga bunga ng pasyang nabuo mula sa mga impormasyong
nakalap na ang mga plastics ay naiipon sa karagatan na siyang pumapatay ng mga yamang tubig at siya ring
dahilan ng acid rain tuwing ito’y sinusunog.
3) Ang pagkukumpuni ng mga sirang gamit ay isang sitwasyon na tumutugon sa pasyang may
pagsaalang-alang sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan.
5) Ang pagsangguni sa guro o nakatatanda ay isang matalino at maingat na hakbang sa pagbuo ng pasya
dahil sa mga payo o gabay na kanilang ibibigay.
SELF LEARNING MATERIAL 7 EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO UNANG MARKAHAN
Grade 10
Pangalan: Kuha:
Baitang at Pangkat: Petsa:
Pagganyak (Motivation)
Konsiyensiya Ko! Konsiyensiya Mo! Ano ang tumatakbo sa iyong isip kapag nakabasa at nakarinig ka ng
katagang ito? Ikaw ba ang taong may konsiyensiya?
Maipakikita ang pananagutan sa kilos ng tao kung gagawin niya ang sumusunod:
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos. Tinitimbang
ng mga mapanagutang tao ang mga katotohanan bago kumilos sa halip na sinusunod lamang ang sariling
kapritso at maling palagay.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting layunin at hindi
mula sa makasariling interes.
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay. Kung sapat ang panahon na inilalaan ng
isang kabataan sa pagninilay sa mga bagay na nagawa niya sa bawat araw, mas magiging mulat siya sa kaniyang
mga pagkukulang o pagmamalabis.
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung moral at mga implikasyong
panlipunan ng mga ito. Mahalagang kilalanin ang mga pagpapahalagang nilabag ng mga ito.
Pagmomodelo:
Gawain: Basahin ang bawat aytem, pag-aralan at patunayan ang bawat pahayag kung ito ba’y MABUTI o
MASAMA ayon sa mga pasiyang nagawa batay sa tamang pagpasya at pagkilos.
1. Tinanggap ko ang Social Amelioration Program ng pamahalaan dahil ako ay kuwalipikado. ( ) MABUTI (
) MASAMA
Sagot: Mabuti
2. Huwag pulutin ang basurang hindi sa akin. ( ) MABUTI ( )
MASAMA
Sagot: Masama
3. Bilang isang babae kailangan ipagpaalam ako ng aking kasintahan sa mga magulang ko. ( ) MABUTI ( )
MASAMA
Sagot: Mabuti
4. Uminom ng gamot na hindi komonsulta sa doctor. ( ) MABUTI ( )
MASAMA
Sagot: Masama
5. Sasagutan ko nang buong katapatan ang modyul na ito para matuto ng wasto.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
Sagot: Mabuti
Gawain: Patutunayan mo na ang nahubog mong konsinsya ay batay sa Likas na Batas Moral na nagsisilbing
gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. Basahin ang sumusunod na sitwasyon.
Sitwasyon #1: Si Ben ay magdamag gumamit ng kanyang gadget. Paggising palang sa umaga kaharap na niya
ang kanyang gadget. Kung minsan, makalimutan na niyang kumain ng tanghalian. Ano ang mga dapat mong
isagawa upang maitama ang hindi magandang epekto ng gadget?
Sagot:
Sitwasyon #2: Bilang kabataan, ano ang dapat mong gawin upang makatulong ka sa iyong kapwa na nalululong
din sa maling paggamit ng gadget?
Sagot: