You are on page 1of 7

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Unang Markahan – Modyul 4: ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP


AT KILOS LOOB

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Philip B. Belgica San Jose National High School
Content Editors:
Edna D. Barrameda Daraga National High School
Ellen B. Abarientos Principal, Caguiba National High School
Language Editors:
Gina L. Hernandez Daraga National High School
Ma. Dolores B. Castro Bonga National High School
Quality Assurance Team:
Norma B. Samantela, CESO V Schools Division Superintendent
Wifredo J. Gavarra Assistant Schools Division Superintendent
Fatima D. Buen Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Sancita Peñarubia Chief, Curriculum Implementation Division
Edison L. Mallapre EPS, LRMDS
Judith P. Restubog EPS, Edukasyon sa Pagpapakatao
Lay-out Editor:
Sherwin Jay A. Aguilar Bonga National High School
I. PANIMULA

Bilang tao nalaman mo na may kakayahan tayong malaman ang


katotohanan at piliin kung ano ang mabuti dahil sa ating isip at kilos loob.
Sa tulong ng araling ito ay pwede mong matukoy ang mga hakbang tungo
sa katotohanan at paggawa ng mabuti.

II. LAYUNIN

Sa modyul na ito inaasahan ang kabataang tulad mo na:

1.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang


mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

III. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Gawain. Tukuyin at ibigay ang mga hinihingi ng tsart na nasa ibaba.


Bagay na alam mong totoo dahilan kung bakit ito ay totoo

Bagay na alam mong mabuti dahilan kung bakit ito ay mabuti

Mangatwiran ka:
Kung ang tao ay may isip na siyang naghahanap ng katotohanan, at may
kilos loob para gumawa ng mabuti, bakit may mga taong hindi totoo ang
kanilang nalalaman at gumagawa ng masama?

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAGUNAWA

Magbigay ng mga halimbawa na hakbang upang matukoy at mahanap


ang isang katotohanan at pag gawa ng mabuti na tinutukoy sa tsart.

Sitwasyon Mga hakbang/pamamaraan


Paghahanap ng
Katotohanan tungkol sa
LIVE-IN
Pagbibigay ng ayuda o
tulong sa panahon ng
ECQ

Tanong:
1. Paano ka nakasisiguro na ang iyong nalalaman ay totoo?
2. Paano mo masasabi na ang ginagawa mo ay mabuti o mapagmahal?

1
V. PAGPAPALALIM
Ang tao ay mayroong kaisipan (intellect) upang mahanap niya ang
katotohanan. kaya sinasaliksik at tinutuklas niya ang mga bagay na nasa
kanyang paligid upang higit niyang mapalawig at mabigyan ng patunay ang
mga bagay at pangyayari.
Dahil sa kaalaman, maari niyang mapaunlad, mapagaan at mapabuti ang
pamumuhay ng tao.
Higit niyang nauunawaan ang mga pagbabagong nagaganap sa kanyang
paligid. Nalulutas niya ang mga bagay na palaisipan para sa kanya. Higit sa
lahat, dahil sa kaisipan nagagamit niya ang tamang katwiran.
Mayroon din malayang loob (will) ang tao. Maari niyang piliin ang mabuti at
umiwas sa masama. Ngunit ito ay tinatawag na blind faculty dahil ito ay
umaasa lamang sa kaisipan (intellect). Kaya ang mga mabubuting birtud ay
nararapat na linangin at isabuhay upang masanay na mag isip nang
naaayon sa mga tamang batayan at naaayon sa kalikasan ng tao.

Upang higit pang masanay ang intellect at will ay narito ang mga paraan
mula kay Esther J. Esteban.

Pagsasanay ng Intellect Pagsasanay ng Will


Suriin ang katotohanan at Mahalin ang Diyos at kapwa
kahalagahan ng buhay
Unawain ang ganap na Piliin ang higit na mabuti
katotohanan (universal truth)
Unawain at mangatwiran batay sa Malayang isagawa ang pasya
katotohanan at moralidad at
iugnay ito sa buhay
Bumuo ng pasya batay sa ganap Maging responsable sa paggamit
na pamantayang moral ng kalayaan
Suriin ang kalalabasan ng iyong Tahakin ang likas at lohikal na
pasya at kilos landasin ng bawat pasya
Maging rasyonal sa paglutas ng Magkaroon ng disiplina at pagpigil
suliranin sa emosyon
Magkaroon ng determinasyon sa
pagpapasya
Maging handa sa pagbabago at
pagunlad
Isabuhay ang mga pagpapahalga
at mga birtud

Kung sa iyong palagay ay nahihirapan kang mamili at gumawa ng pasya


sa mga bagay na sa iyong palagay ay magkasing halaga, maaari momg
gawin ang mga sumusunod:

2
1. Lumapit, sumangguni at humingi ng payo sa mga taong eksperto at
mahaba ang karanasan tulad ng iyong mga magulang, nakatatandang
kapatid, guro o pari.
2. Ipagpaliban muna ang pasya kung sa iyong palagay ay makasisira ng
buhay ng ibang tao hanggang hindi mo natitiyak ang kahihinatnan ng
pasya.
Mahalagang mahubog at masanay ang isip sa pagmumuni-muni at
pagsusuri ng mga bagay-bagay batay sa katotohanan bago gumawa ng pasya.
Ang kalayaan naman sa pagpapasya ng kalooban o will ay maisasagawa sa
pagsasaalang-alang ng kabutihan ng sarili, kapwa, kalikasan at Diyos. Sa
ganitong paraan ang tao ay magkakaroon ng kaganapan tungo sa karunungan
at kabutihan.
Halimbawa, ang isang tao na mula sa pagkabata ay namulat na sa mga
masasamang gawain at kaisipan, hindi malayo na balang araw siya ay
makakagawa ng anumang masama at pwedeng maging isang criminal.
Kumpara naman sa isang tao na namulat sa kabutihan at napapaligiran ng mga
mabubuting impluwensiya, hindi malayo sa kanya ang pagiging mabuting tao.
Ika nga, ang taong palamura ay posibleng galing sa angkan ng palamura o di
kaya ay naiimpluwensiyahan ng mga palamura.

VI. PAGSASAPUSO

1. Batay sa iyong naintindihan sa modyul na ito, Paano nagkakaugnay ang


isip ng tao at ang kanyang kalooban?
2. Ano ang pakiramdam mo kung ikaw ay gumagawa ng mali at nagsasabi ng
hindi totoo?
3. Paano mo itinatama ang mga maling nagagawa at nasasabi? Madali bang
manindigan sa tama? Bakit?

VII. PAGSASABUHAY MO
Dahil lockdown at hindi makapagtrabho ang mga magulang mo, kaya
napakahalaga ng pera sa ngayon bilang pangtustus ng pangangailangan ng pamilya
mo. Habang ikaw ay naglalakad, may napulot kang wallet na maraming pera ang
laman.
Tanong:
1. Ano ang gagawin mo? bakit?
2. Dahil sa ginawa mo, ano ba ang pinapahalagahan mo? Bakit?
3. Bumuo ng isang plano o gagawin ngayong lockdown/covid-19 pandemic
para ipakita ang ugnayan ng isip at kalooban mo bilang isang tao.

3
VIII. PAGTATAYA
Tukuyin ang hinihingi sa tsart
EPEKTO NG PAGPAPASYANG…
PINAG-ISIPAN DI PINAG-ISIPAN MAY WALANG
PAGMAMAHAL PAGMAMAHAL

TANONG:
1. Alin sa dalawang epekto ang nanaisin mo? Bakit:
Pagnilayan ang sitwasyon

Ikaw ay naatasan sainyong barangay para ilista ang mga


totoo at kwalipikadong benepisyaryo ng Social
Amelioration Program (SAP) ng gobyerno para sa cash
assistance nito.

Tanong:
Paano mo masisiguro na ang lahat ng nilista mo at ililista mo ay totoo at
kwalipikadong mga tao para tumanggap ng cash assistance ng SAP?

4
SANGGUNIAN:
Edukasyon sa Pagpapakatao, modyul para sa mag aaral
Esteban, Esther J. 1998. Education in Values: What, Why and for Whom,
Manila: Sinagtala Publishers, Inc.
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga

You might also like