Professional Documents
Culture Documents
4. PAGSUSURI/PAGNINILAY:
PAGHUBOG NG KONSENSIYA
BATAY SA LIKAS NA BATAS
MORAL
Likas na Batas Moral — ay ibinigay
sa tao noong siya ay likhain. Ito ay
sa dahilang nakikibahagi siya sa
karunungan at kabutihan ng Diyos.
UNANG PRINSIPYO NG LIKAS NA
BATAS MORAL
“Gawin ang mabuti, iwasan
ang masama”
ANG PANGALAWANG PRINSIPYO NG
LIKAS NA BATAS MORAL
“Kasama ng lahat ng
may buhay, may
kahiligan ang taong
pangalagaan ang
kaniyang buhay”
MGA KATANGIAN NG LIKAS NA BATAS MORAL:
a. Obhetibo – Ang batas na namamahala sa tao ay
nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa
mismong katotohanan – ang Diyos.
b. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na
Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang
lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi,
kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
c. Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at
mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang
hanggan, walang katapusan at walang
kamatayan dahil ito ay permanente.
d. Di-nagbabago (Immutable) – Hindi
nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi
nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of
man).
PAGHUBOG NG
KONSENSIYA BATAY
SA LIKAS NA BATAS
MORAL
• Bakit mahalaga ang
paghubog ng konsensiya?
• Paano nga ba mahuhubog
ang konsensiya ng tao
upang kumiling sa
mabuti?
MGA HAKBANG SA
PAGHUBOG NG KONSENSIYA
(Sr. Felicidad Lipio (2004)
1. Matapat at masunuring
isagawa ang paghahanap
at paggalang sa
katotohanan.
Suriin ang
Alamin at
Kilalanin at mga sariling
unawain ang
pagnilayan hangarin Unawain mga
ang mga upang at talakayan
tunay na matiyak na pagnilayan tungkol sa
pagpapah kumikilos ang mga mga
mula sa mga
alagang karanasan napapanahon
mabuting
moral na at hamon g isyung moral
layunin at
sangkot sa ng buhay. at mga
hindi mula sa
isang kilos. implikasyong
makasariling
panlipunan ng
interes.
mga ito.
2. Naglalaan ng panahon para sa
regular na panalangin.
Una, ang antas ng likas na
pakiramdam at reaksiyon.
Ikalawa, ang antas ng superego.
*Mahalagang simulan
*Ang pagpapalagay at utos ng
mula sa bata pa lamang ANTAS SA mga magulang at taong
ang paghubog ng
konsensiya. Makatutulong PAGHUBOG makapangyarihan na naisaloob na
ito upang hindi siya NG ng tao ang kasama ng mga
magkamali sa kanyang ipinagbabawal ng lipunan at
paghusga ng mabuti o
KONSENSIYA nakaiimpluwensiya sa isang tao
masama sa hinaharap. mula pa sa pagkabata.
SA PROSESO NG PAGHUBOG
NG KONSENSIYA GAMITIN
NANG MAPANAGUTAN ANG
SUMUSUNOD;
A. Isip. Sa pamamagitan ng pag-aaral,
pagkatuto, pagtatanong, pag-alam at
pagkuha ng mga impormasyon, paghingi ng
payo, panalangin, pagkakaroon ng
kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip,
pagiging maingat sa pagpapasiya sa kung ano
ang pinakamabuting kilos na nararapat
gawin, pag-unawa sa birtud
B. Kilos-loob. Sa pamamagitan ng
pagpili, pagpapasiya at pagkilos
tungo sa kabutihan at pagninilay
kung ang nabubuong pagkatao sa
sarili ay patungo sa paglinang ng
pagkapersonalidad
C. Puso. Pananalangin, pagkakaroon
ng mas malalim na kakayahan sa
pagkilala ng mabuti laban sa
masama, kahandaan na mas piliin
ang mabuti
D. Kamay. Palaging isakilos ang
ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti,
pagkakaroon ng pananagutan sa
anumang kilos, pagsasabuhay ng mga
birtud at pagpapahalaga, pakikihalubilo
sa mga taong tunay na susuporta sa
paghubog ng mga moral na
pagpapahalaga.
“Ang ating mga pagkabigo ay daan
tungo sa ating pag-unlad. Tinatawag
tayo upang maging ganap sa salita at
gawa. Kung ano tayo at kung magiging
ano tayo ay nakasalalay sa ating mga
moral na gawain. Ang mga gawaing ito
ay humuhubog sa ating pagkatao, pag-
uugali at buong buhay.”