You are on page 1of 60

REVIEWER

ESP 7
ESP 7 Week 2

Pagbuo ng
Angkop na Pasya
Gamit ang Isip at
Kilos-loob
Tandaan
Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-
tangi sa tao, kaya ang kanyang mga pagpapasiya
ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan
kaya’t mahalaga na paunlarin natin ito.
Mga PARAAN UPANG MAPAUNLAD
ANG ISIP AT KILOS-LOOB
Palagiang pagbabasa ng mga libro o anomang babasahin na
makapagpapaunlad ng kaisipan.
Mga PARAAN UPANG MAPAUNLAD
ANG ISIP AT KILOS-LOOB
Pagninilay-nilay sa mga bagay-bagay na nangyayari sa
paligid.
Mga PARAAN UPANG MAPAUNLAD
ANG ISIP AT KILOS-LOOB
Pag-alam sa mga panuntunang moral.
Mga PARAAN UPANG MAPAUNLAD
ANG ISIP AT KILOS-LOOB
Pagiging mapanuri sa mga lumalabas na bagong katuruan.
Mga PARAAN UPANG MAPAUNLAD
ANG ISIP AT KILOS-LOOB
Pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat sa pagpili ng
kilos.
Mga PARAAN UPANG MAPAUNLAD
ANG ISIP AT KILOS-LOOB
Pagsasabuhay ng mga prinsipyong nakaangkla sa
moralidad.
Mga PARAAN UPANG MAPAUNLAD
ANG ISIP AT KILOS-LOOB
Pagsisikap na mamuhay nang may pagpapahalaga sa
kapwa.
Tandaan!

• Mahalaga na mapaunlad ang isip ng tao sa pamamagitan ng


pag-aaral at pagtuklas ng iba’t ibang kaalaman. Hindi ito
nagtatapos sa dami ng nalalaman.
Tandaan!

• Ang tunay na matalinong tao ay alam kung ano, bakit, kailan,


saan at paano isasakatuparan ang mga bagay-bagay. Ang pag-
unlad ng isip ay ang pagsasabuhay ng katotohanan at
paghahangad na mapabuti ang kapwa.
Pagbuo ng
Angkop na
Pasya Ayon sa
Likas na Batas
Moral
Pagbuo ng
Angkop na
Pasya Ayon sa
Likas na Batas
Alam mo ba na
ang tao ay
ipinanganak ng
may taglay na
kabutihan?
Kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti o

Ano ang masama

konsensya? cum scientia


WITH KNOWLEDGE
MAY KAALAMAN

Ito ay nangangahulugan na kung ang isang tao ay may


kaalaman sa isang bagay, naipakikita niya ito sa
pamamagitan ng kaniyang kilos. Namamalas ito ng mga
taong nakapaligid sa kaniya sa pamamagitan ng
kaniyang mga gawa
Ayon kay Santo Tomas de

Aquino, ang aplikasyon ng

kaalaman ng tao ay

makikita sa pamamagitan

ng mga sumusunod:
1.Ang konsiyensiya ay
nagsisilbing saksi ng iyong sarili
kung mayroon kang mga bagay
na dapat na isinakilos o hindi
isinakilos.
2. Ang konsiyensiya ang
nakapagsasabi sa tao kung may
mga dapat siyang gawin ngunit
hindi niya ginawa o mga bagay na
hindi niya dapat isinagawa ngunit
kaniyang isinagawa.
3. Ang konsiyensiya ang
nakapagsasabi kung ang isang
kilos ay naisakatuparan nang tama
at maayos o mali at hindi maayos
ang pagsasakatuparan nito
Ang Konsyensya ay nakaangkla sa
isip ng tao .

Ang Likas na Batas Moral ang


batayan ng Konsensya sa
pagalam ng tama o mali.
Ano ang likas na batas
moral?
Ang batas na ito ay taglay mo at ng
lahat ng tao mula nang ikaw ay likhain.
Nakatanim na sa iyong puso at isip ang
batas na ito na siyang tumutulong
upang maunawaan mo ang tama at
mali.
LAYUNIN NG likas na
batas moral:
❖ Ang mga ito ay magsilbing patnubay sa pagpili nang
tama at mabuting desisyon sa buhay.

❖ Naglalayon na ikaw ay mapabuti at makaiwas sa


masama.

❖ Kung susundin ang mga nakasaad sa Likas na Batas


Moral, ito ay magdudulot ng kapayapaan sa iyong sarili
at sa kapwa.
Katangian ng likas
na batas moral
1. Obhektibo (Objective) - Ito ay hindi naapektuhan ng
pagsunod o hindi pagsunod ng tao dahil nakasalig ito sa realidad
at sa katotohanan. Ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos at
hindi imbensiyon lamang. Ang tao ang kusang nakatutuklas nito.
Maniwala ka man o hindi, ito ay mananatili.
Katangian ng likas
na batas moral
2. Pangkalahatan (Universal) – ito ay sumasakop sa
lahat ng tao, ano man ang pinanggalingang lugar, kultura, lahi o
komunidad. Nagaganap ito sa lahat ng panahon.

3. Walang Hanggan (Eternal) – ang batas na ito ay


walang katapusan. Anoman ang mangyari sa bawat henerasyon,
ito ay mananatili sapagkat ito ay permanente. Magbago man ang
maraming bagay ngunit ito ay hindi maglalaho. Ito ay matibay na
saligan sapagkat ito ay mananatiling totoo sa anomang panahon at
sitwasyon.
Katangian ng likas
na batas moral
4. Di nagbabago (Immutable) – ang Likas na Batas Moral
ay hindi nagbabago. Ito ay hindi kailanman maiiba o mapapalitan
ng tao. Ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao sapagkat ito ay
nagtatakda ng mga bagay na dapat sundin ng lahat.
MGA PRINISIPYO NG
LIKAS NA BATAS
MORAL
1. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
MGA PRINISIPYO NG
LIKAS NA BATAS MORAL
2. Prinsipyo ng likas na Batas Moral na
makikita sa kalikasan ng tao.

A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang tao na pangalagaan


ang kaniyang buhay.

B. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa


tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at
papag-aralin ang mga anak.

C. Bilang rasyonal o may isip na nilalang, may likas na kahiligan ang tao
na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
EsP 7- Ikaapat na Linggo

Pagbuo ng
Angkop na Pasya
ayon sa Likas na
Batas Moral
Konsensya

-ay isang praktikal at moral na paghuhusga ng isip


(intellect) batay sa kung tama o mali ang ikinilos.
Ito ang paglalapat ng batas unibersal sa partikular
na sitwasyon. Ito din tumutukoy sa kung paano
ginagamit ang kaalaman sa batas moral, paggamit
ng isip, sinasabi at pagkilos na maaaring bago o
pagkatapos itong naisip, nasabi o nagawa.
Ang “antecedent” o naunang konsensiya ay pumipigil o
di kaya ay sumasang-ayon sa isagawa ang kilos.

Ang “consequent” o bunga ng konsesiya ay sumang-


ayon sa tamang naisagawang kilos kaya nagbubunga
ng ispiritwalna kaligayahan, at kung mali ang kilos, di-
pagsang-ayon kaya nagbubunga ng pagsisisi.

Kaya nga nalalaman ng tao kung mali ang kaniyang


nagawa kahit na hindi niya ito aminin.

WHOA!
Mga Uri ng Konsensya

Tamang Konsensya Tiyak na Konsensya

- Ang paghuhusga sa kilos ay -Tama ang paghuhusga kaya


naaayon sa batas moral. walang dahilan upang pagdudahan

Maling Konsensya Di- tiyak na Konsensya


-Ang paguhusga sa kilos ay
Ang paghuhusga sa kilos ay mali
maaaring kabaligtaran sa dapat. Ito
dahil ang mga pinagbabatayang
ay bunga ng kawalan ng takot o ingat
prinsipyo ay mali o maling paraan.
na magkamali sa paghuhusga
Upang makabuo ng tamang pangangatuwiran at
magkaroon ng angkop na pagpapasiya, kailangang sundin
ang apat na yugto ng konsensya

Ikatlo

Paghatol para sa
Una
mabuting pasya
Ikalawa at kilos
Alamin at
naisin ang
mabuti Pagkilatis sa
partikular ng
kabutihan sa Ikaapat
sitwasyon
Pagsusuri ng
sarili/pagninilay
Unang Yugto ng Konsensiya
-alamin at naisin ang mabuti.
Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa
mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan
upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Ito
ang pinakamainam na paliwanag sa katotohanang
tayo ay nilikha upang mahalin ang Diyos at ang
kabutihan.
Ikalawang Yugto ng Konsensiya
-Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang
sitwasyon.
May ilang gawaing kaugnay nito tulad ng pag-
aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon,
pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na
naghahatid sa paghatol ng konsensiya. Sa
sandaling ito, nailalapat natin ang ating nalalaman
sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang
mabuti sa isang partikular na sitwasyon.
Ikatlong Yugto ng Konsensiya
-Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos. Ang
ikatlong yugto ay oras ng paghatol ng konsensiya,
kung saan wari’y sinasabi sa atin, “Ito ay mabuti,
ito ang kinakailangan mong gawin,” o kaya naman
ay “Ito ay masama, hindi mo ito nararapat na
gawin.” Nahuhusgahan ang kabutihan o kasamaan
ng isang kilos. Ang hatol na ibibigay sa atin ang
magsisilbing resolusyon sa “krisis” na kinakaharap
natin.
Ikaapat Yugto ng Konsensiya

-Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay.
Pinagninilayan o binabalikan natin ang ating
paghatol upang matuto mula sa ating karanasan.
Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama
ang naging paghatol ng konsensiya, kinukumpirma
natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at
amsamaa at higit na pinagtitibay ang ating
moralidad.
Tandaan
Ang kawastuhan ng intensiyon, kilos at pasya ay naaayon sa
konsensya. Kahit tama ang intensiyon ngunit mali ang pasya ay hindi
sasang-ayon ang konsensya kung kaya’t may pagdududa sa kaniyang
kilos. Kaya nga sinasabing “ The end does not justify the means” na
ang ibig sabihin, ang kabutihan ng layunin ay hindi makapagtatama
ng maling kilos. Halimbawa, kung sasabihin ng magnanakaw na
kaya siya nagnakaw ay para maipakain sa kaniyang nagugutom na
mga anak, mali pa rin ang kaniyang ginawang kilos. At habang
ginagawa niya ang maling kilos, naririnig niya ang konsensiya na
nagsasabi na ito ay mali kung kaya pilit niyang binibigyan ang
kaniyang maling kilos ng tamang katwiran.
Pagbuo ng mga Hakbang sa
Tamang Paggamit ng
Kalayaan
IKA-ANIM NA LINGGO
TANDAAN!

Ang tunguhin ng Likas na Batas Moral ay kabutihan. Sa


bawat pagpapasya ay isinasaalang-alang mo ang motibo
kung bakit mo ginagawa ang mga bagay-bagay. Kung ito
ay para sa pag-unlad, sa paggawa nang tama at makabubuti,
ito ay patungo sa layon ng pagbibigay ng kalayaan sa tao.
Hakbang sa Pagpapaunlad ng Paggamit ng Kalayaan
1. Palagiang paghingi ng gabay ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

2. Pakikinig sa sinasabi ng konsiyensiya.


Hakbang sa Pagpapaunlad ng Paggamit ng Kalayaan
3. Pag-iisip nang mabuti sa mga sitwasyon bago magbitiw ng pasya.

4. Pagsasabuhay ng mga moral na panuntunan.


Hakbang sa Pagpapaunlad ng Paggamit ng Kalayaan

5. Pagpapahalaga sa bawat nilikha.


Masasabi mong umiiral ang kalayaan kung ikaw ay
nabibigyan ng pagkakataong mag-isip, makapamili, masabi
ang nasa isip o loob, at makagawa ng bagay na iyong nais.
Hindi naman ito umiiral kung iba ang nagpapasya para sa
iyo at wala kang pagkakataong ipakita ang mga gawaing
unang nabanggit.
IPALIWANAG

“Mapanagutang
paggamit ng kalayaan
= kabutihan”
Halimbawa ng mga Kilos na
Sang-ayon sa Tamang
Paggamit ng Kalayaan
1. Pag-iisip muna bago gawin ang isang bagay.
Inaalam mo kung ano ang posibleng kahinatnan nito
sa iyong sarili at sa kapwa.
2. Pagtatanong sa sarili at pagtitimbang kung anong
pakinabang ang maidudulot nito at ano naman ang
masamang dulot kung sakali.

Mamasamang
Mabuting dulot dulot
3. Pagsisiyasat kung walang nalalabag na prinsipyo,
karapatan o batas ang anomang gagawin.
4. Pagsangguni sa kapwa lalong higit sa nakatatanda
at may alam
5. Pananatiling may banal na pagkatakot sa Diyos na
siyang gabay upang piliin ang tama at mabuti.
PAGPAPAKATA
O7

QUARTER 2 WEEK 7
ARALIN 4:
PAGPAPAKITA NG
PAGGALANG SA
DIGNIDAD NG
KAPWA
Nasusunod mo ba ang gintong aral na nagsasabing
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
nila sa iyo?” Narinig mo na ba ang salitang dignidad?
Ano nga ba ang kahulugan nito?

Dignidad. Ito ay nagmula sa salitang Latin na dignitas mula sa salitang


dignus na nangangahulugang karapat-dapat. Tulad ng isip, ang
dignidad ay biyayang mula sa Diyos na taglay ng tao. Marapat lamang
na ibigay ang kaukulang pagpapahalaga sa bawat tao sapagkat
karapat-dapat siya na tumanggap nito. Anoman ang uri ng
pamumuhay, kasarian, may pinag-aralan man o wala, mayaman o
mahirap, anoman ang relihiyon, kulay o lahi, ang lahat ng tao ay
nararapat na pagkalooban ng pagpapahalaga. Bilang nilalang na
kawangis ng Diyos, ang tao, ay tagapagpalaganap ng kabutihan at pag-
kapwa sa pamamagitan ng bukas na pakikiisa at
pagtulong. Naglalayon ito ng pag-unlad ng bawat isa
patungo sa kabutihan.
Magagawa mo ang tungkulin sa kapwa kung iyong
isasabuhay ang nakasaad sa Mateo 22:37;39 (Magandang
Balita Bibliya):
37) “Sumagot si Jesus, ibigin mo ang Panginoon mong
Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang
buong pag-iisip. (39) Ito naman ang pangalawa: ibigin mo
ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
Pahalagahan, pangalagaan, mahalin at protektahan ang buhay
sapagkat ito ay handog at ipinagkatiwala lamang sa atin.
Huwag gumawa ng mga bagay na ikasisira ng iyong pagkatao,
gayundin ng sa iba.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Isipin muna kung ang gagawing kilos o aksiyon ay makasisira
o makapagpapahamak ng kapwa. Laging tandaan na ang
gagawin mo sa iyong kapwa ay para mo na ring ginawa sa
iyong Manlilikha.
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin
nilang pakikitungo sa iyo.
Maipakikita ang paggalang sa dignidad ng kapwa kung magagawa mong:
1. Mahalin ang tao bilang tao.
2. Ipakita ang pagkilala sa dignidad ng kapwa habang may pagkakataon.
3. Tingnan ang tao sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kaniya.
4. Isipin na ikaw ay katuwang sa pagpapalaganap ng kabutihan.

Marahil naranasan mo na, naobserbahan o narinig sa pagbabahagi ng iba


na may ilan pa ring hindi isinasagawa ang mga ito. Maaaring kahit
pinakitunguhan mo na nang maayos ang isang tao ay gagawan ka pa rin
niya nang hindi maganda. Maaari rin na sa paggawa mo ng kabutihan sa
kapwa ay ikaw pa rin ang lalabas na masama sa huli.
Sa ganitong pagkakataon, huwag kang mawalan ng pag-aasa. Hindi dapat
magbago ang iyong pananaw, paniniwala o gawi tungkol sa kabutihan sa
kapwa. Alalahanin mo ang isang sikat na kasabihan na “kapag binato ka ng
bato, batuhin mo ng tinapay.” Ipakita ang tama at suklian ng kabutihan ang
kapwa.
Bawat araw na ikaw ay nabubuhay ay isang hamon upang maipakita mo ang
paggalang sa iyong kapwa at sa dignidad na taglay ng bawat isa. Lalo na sa iyong
edad, dala marahil ng iyong pagiging bata at babagong nagbibinata o nagdadalaga
ay hindi mo pa ito lubos na nauunawaan. Subalit, mainam na simulan mo na habang
maaga pa ang pagkakaroon ng tamang kaisipan tungkol sa paksang ito upang unti-
unti ay maisabuhay mo ang katuruan.
Tandaan mo na may hangganan ang buhay. Mabuting maipamalas mo sa iyong
kapwa ang nararapat habang ikaw ay nabubuhay upang kung lumisan ka man sa
mundong ibabaw ay baon mo ang mabubuting bagay na iyong nagawa para sa
kapwa. Ang lahat ng materyal na bagay ay mawawala ngunit ang iyong ugnayan sa
Diyos at sa kapwa ang pinakamahalaga. Patuloy mong pagyamanin ang iyong
pagkilala sa dignidad na taglay ng bawat isa.
Sa pagkaunawa mo ng kahulugan ng dignidad, makagagawa ka na ng angkop na
pagkakilala ukol dito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bumuo ng sariling pakahulugan patungkol sa dignidad batay
sa naunawaan mo sa araling ito. Gumawa ng mantra (mga salita na paulit-ulit na binibigkas
upang makatulong sa paglalim sa pagkaunawa sa isang bagay). Isulat sa isang malinis na
papel o bond paper kasama ang iyong paliwanag. Maaari ring i-post sa social media kung may
paraan at kakayahan ka.
Paano nga ba mas maipakikita ang paggalang sa dignidad ng kapwa? Basahin ang usapan ng
magkaibigang Lito at Lita.

1. O, bakit tila yata naiinis ka, Lita?


2. Ang kulit kasi ng matanda sa bangketa. Hingi nang hingi sa akin. Ang baho pa naman niya!
3. Anong sinabi mo sa kaniya? Binigyan mo ba?
4. Siyempre, hindi! Ano siya, sini -swerte? Pagkain ko ‘to e. Bahala siya sa buhay niya.
5. Naku, kaibigan, mukhang kailangan mong pag-isipan kung tama ang iyong ginawa.
6. Huh? Bakit parang kasalanan ko pa, Lito?
7. Hindi ba itinuro sa atin sa EsP na bawat tao ay may dignidad at kailangan natin itong igalang.

8. Weh? Kahit mahirap? Kahit pulubi o taong grasa?

9. Oo. Anoman ang kalagayan sa buhay, anyo, kulay, lahing pinagmulan o kasarian ay may dignidad na
taglay.

10. Ay oo nga pala. Nabasa ko rin iyon. Isang pagsubok pala ang naganap sa akin kanina. Hindi ako
nagtagumpay na magawa sa totoong buhay ang itinuturo sa atin ng mga aralin. Nakakahiya.

11. Nagsisisi ako. Babalik ako roon at hihingi ng tawad. Magbibigay na rin ako ng kahit kaunting
tulong.

12. Mainam, Lita. Tama iyan. Halika, sasamahan kita sa kaniya. Iaabot ko rin itong mga maaayos
pang damit sa kaniya.

You might also like