You are on page 1of 4

1st slide: Magandang araw sainyong lahat ngayon po ay pag uusapan natin ang

Paghubog ng Konsensiya batay sa Likas Batas Moral.

2nd slide: Ang tanong Ano nga ba ang papel ng Konsensiya sa ating buhay? At ano
ang kaugnayan nito sa Likas Batas Moral? Kabilang lamang ito sa mga tanong na
masasagotan natin pagkatapos ng presentasyong ito.

3rd slide: Tayo’y mag balik aral sa ibig sabihin ng Konsensiya at Likas Batas Moral
Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at
nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa
isang konkretong sitwasyon.

Maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang
kilos. Ito ay nakadepende sa kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan. Kung mabuti
ang ikinilos, ibig sabihin nito na ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay tama at
kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na taliwas sa katotohanan ang
taglay niyang kaalaman. Ngunit dapat nating isaalang-alang na hindi lahat ng maling
gamit ng konsensiya ay maituturing na masama. May mga pagkakataon na hindi ito
kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng tao. Ang kamangmangan ay
kawalan ng kaalaman sa isang bagay.

4th slide: Ang Likas Batas Moral ay ginagamit na personal na pamantayang moral
ng tao. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali
sa kasalukuyang pagkakataon.

5th slide: Ito ang mga Prinsipiyo ng Likas Batas Moral


1. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama. Ang tao ay may likas na kakayahang
kilalanin ang mabuti at masama. Mahalagang maging matibay na nakakapit ang
tao sa prinsipyong ito upang magiging matatag siya laban sa pagtatalo ng isipan sa
pagitan ng mabuti laban sa masama.
2. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay. Malinaw ang tinutukoy ng prinsipyong ito, ang obligasyon ng tao na
pangalagaan ang kaniyang sarili upang mapanatili itong malusog. Sa prinsipyong ito,
alam ng tao na hindi lang ang pagkitil sa sariling buhay ang masama kundi ang kitilin
ang buhay ng kaniyang kapuwa.

3. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao
(nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak. Kalikasan na ng tao ang naisin na magkaroon ng anak. Ngunit kaakibat
ng kalikasang ito ang responsibilidad na bigyan ng edukasyon ang kaniyang anak.
Ang prinsipyong ito ay dapat na nakatanim sa bawat magulang sa paggabay at
paghubog sa kaniyang anak.

4. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan. Malinaw na tinutukoy ng prinsipyong ito ang
paggalang sa katotohanan. Ito ay sumasaklaw sa obligasyon ng tao na hanapin ang
katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman at obligasyong ibahagi
ito sa kaniyang kapwa. Kaya itinuturing na masama ang pagsisinungaling dahil
ipinagkakait at napipigilan nito ang iyong kapuwa sa paghahanap ng katotohanan.

6th Slide Balik tayo sa ating pokus sa presentasyong ito. Ano ang kaugnayan ng
konsensiya sa likas batas moral?

- Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagwa ang tao ng pagpapasiya at

nasusunod ang Batas-Moral sa kaniyang buhay.

- Ang konsensiya ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniiisip,

salita at gawa ayon sa Likas Batas Moral na siya namang batayan upang
malaman ang mabuti at masama sa natatanging sitwasyon.

- Sinusuri ng Konsensiya ang kilos kung ito ay tama o mali

- Ang konsensiya ang pinakamalapit sa pamantayan ng moralidad.


Ibig sabihin nito ang konsensiya ang gumagabay sa atin patungo sa pag gawa ng
tama at Ito ang nag sisilbing direksiyon o tagapagturo sa atin.

7th slide Ang mga antas ng paghubog ng konsensiya

Ang antas na likas na pakiramdam at reaksiyon. Nagsisimula ito sa pagkabata.


Hindi alam ng bata kung ano ang tama o mali. Umaasa lamang siya sa mga paalala,
paggabay at pagbawal ng kanyang mga magulang o ng mas nakakatanda.

8th slide

Ang antas ng superego. Malaki ang bahaging ginampanan ng may awtoridad sa


pagpapasya at pagkilos ng bata. Itinuturo sa bata kung ano ang mga ipinagbabawal
sa lipunan at nagiging bahagi na ito ng kanyang buhay nang hindi namamalayan.

9th slide Ang kilos loob, isip, puso at kamay ay ang mga kailangang gamitin nang
wasto sa proseso ng paghubog ng konsensiya.

Layunin ng paghubog ng konsensiya ang mahubog ang pagkatao batay sa Likas


Batas Moral kung saan na isasabuhay ang mga birtud, pagpapahalaga at
katotohanan.

10th slide

Ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004, ph 55-58), mahuhubog ang konsensiya ng tao
upang kumiling ito sa mabuti kung susundin ang mga hakbang.

1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan.


Maipakikita ang pananagutan sa kilos kung gagawin ang mga sumusunod.

11th slide
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa
isang kilos.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos sa mga mabuting
layunin at hindi mula sa makasariling interes.
12th slide
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa buhay.
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung
moral at mga implikasyong panlipunan ng mga ito.

13th slide
2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Ang pakikipag-ugnayan
natin sa Diyos ay nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw ng pag-iisip
at kapayapaan ng puso.

14th slide
“Piliin ang mas makabubuti upang hindi magsisi sa bandang huli”

15th slide
Maraming Salamat

You might also like