You are on page 1of 21

ANG PAGHUBOG NG

KONSENSIYA BATAY
SA LIKAS NA BATAS
MORAL_PART2
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Malinaw mula sa
nakaraang aralin ang
sinasabi ng ating
kosnsensiya:
Gawin mo ang
MABUTI iwasan mo
ang MASAMA.
Apat na YUGTO ng
KONSENSIYA:
Unang Yugto:
Alamin at naisin ang mabuti
- Gamitin ang kakayahang ibinigay
sa atin ng Diyos upang makilala
ang mabuti at totoo.
Apat na YUGTO ng
KONSENSIYA:
Ikalawang Yugto:
Pagkilatis sa particular na
kabutihan sa sitwasyon
- Gamit ang kaalaman sa mga prinsipyo
ng moralidad, kilatisin kung ano ang mas
nakabubuti sa isang particular na
sitwasyon.
Apat na YUGTO ng
KONSENSIYA:
Ikatlong Yugto:
Paghatol para sa mabuting pasya at
kilos
- Pakinggan ang sinasabi ng
konsensiya: “Ito ang mabuti, ang
nararapat mong gawin”. “Ito ay
masama, hindi mo ito dapat gawin”.
Apat na YUGTO ng
KONSENSIYA:
Ikaapat na Yugto:
Pagsusuri ng Sarili o Pagninilay
- Ang pagpili. Ipagpatuloy kung
positibo ang naging bunga ng
pinili at matuto naman kapag
negatibo ang pinili.
Mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
Ang konsensiya ng tao kung saan
nakalapat na ang Likas Batas Moral ay
ginagamit na personal na pamantayang
moral ng tao. Ito ang ginagamit sa
pagpapasiya kung ano ang tama at kung
ano ang mali sa kasalukuyang
pagkakataon.
Mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
1. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
- Ang tao ay may likas na kakayahang
kilalanin ang mabuti at masama.
Mahalagang maging matibay ang tao sa
prinsipyong ito upang magiging siya laban
sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng
mabuti laban sa masama.
Mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
2. Pangalagaan ang kanyang buhay
- Kasama ang lahat ng may buhay, may
kahilingan ang taong pangalagaan ang
kaniyang buhay.
Malinaw ang tinutukoy ng prinsipyong ito,
ang obligasyon ng tao na pangalagaan ang
kaniyang sarili upang mapanatiling malusog.
Mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
3. Likas sa tao ang pagpaparami ng
uri at papag-aralin ang mga anak
- Kasama ng mga hayop likas sa tao
(nilikhang may kamalayan at kalayaan)
ang pagpaparami ng uri at papag-aralin
ang mga anak. Ngunit kaakibat ng
kalikasang ito ang responsabilidad na
Mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
3. Likas sa tao ang pagpaparami ng
uri at papag-aralin ang mga anak
- bigyan ng edukasyon ang kaniyang
anak. Ang prinsipyong ito ay dapat na
nakatanim sa bawat magulang sa
paggabay at paghubog sa kanya.
Mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
4. Alamin ang katotohanan at mabuhay
sa lipunan
- Bilang rasyonal na nilalang may likas
na kahiligan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan.
Malinaw na tinutukoy ng prinsipyong
ito ang paggalang sa katotohanan sa
Mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
4. Alamin ang katotohanan at mabuhay
sa lipunan
- pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman
at obligasyong ibahagi ito sa kaniyang kapwa.
Kaya itinuturing na masama ang
pagsisinungaling dahil ipinagkakait at
napipigilan ang iyong kapwa sa paghahanap
ng katotohanan.
Ang hamon sa atin ay hindi
lamang sundin ang
konsensiya kundi hubugin
ito.
Paano nga ba mahuhubog
ang konsensiya ng tao na
kumiling sa mabuti?
Paghubog ng Konsensiya
1. Matapat at masunuring
isagawa ang paghahanap at
paggalang sa katotohanan.
2. Naglalaan ng panahon para
sa regular na panalangin.
Proseso ng Paghubog ng
Konsensisya gamit ng
mapanagutan ang:
1. Isip
2. Kilos Loob
3. Puso
4. Kamay
Malinaw na sa iyo na ang konsensiyang nahubog sa Likas na
Batas Moral ay gabay sa mabuting pagpapasya at pagkilos.
Gawin ang sumusunod:
1. Itala ang mga mahahalagang pasya at kilos na isinagawa
mo sa loob ng isang lingo
2. Tukuyin kung masama o mabuti ang iyong naging pasya
at kilos batay sa mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
3. Ilahad ang mga angkop na hakbang na gagawin upang
mabago at mapaunlad ang mga masasamang pasya at
kilos.
4. Ipakita sa iyong mga magulang ang gawaing ito. Hilingin
ang kanilang tulong at suporta sa pagsasagawa nito upang
masiguro ang pagsasakatuparan.
5. Sundin ang katulad na pormat sa ibaba.
Mga Pasya at Mabuti o Mga angkop na
Kilos na Aking Masama? (Batay hakbang na dapat gawin
Isinagawa sa mga Prinsipyo upang mabago at
ng Likas na Batas mapaunlad ang mga
Moral) masamang pasya at
kilos
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo
Performance Task 2:
Pangkatin ang klase sa limang pangkat. Gumawa ng
Comic Strip na nagpapahayag ng mga paraan upang
mahubog ang konsensiya batay sa likas na batas moral at
sagutin ang tanong sa ibaba: Gamitin ang kraytirya sa
ibaba.
Bakit mahalagang maunawaan ang mga paraan o proseso
sa paghubog ng konsensya?
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

You might also like