You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA G10 ARALING PANLIPUNAN

QUARTER 1

I. LAYUNIN
A. Kasanayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito (AP10PKI- Ia-1)

Mga Layunin
1. Naibibigay ang katuturan ng lipunan
2. Naiisa-isa ang mga bumubuo sa lipunan
3. Nailalahad ang pagkakaiba ng mga bumubuo sa lipunan
4. Natatalakay ang ugnayan ng bawat isa sa lipunan

II. NILALAMAN
B. Aralin/Paksa: Ang Lipunan

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO


A. Sanggunian
Mga pahina sa Gabay ng Guro 1-32
Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral 1-14
Mga pahina sa Teksbuk
Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng LR
B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Balik-aral: Tukuyin kung anong markahan at aralin ang mga sumusunod na
paksa

? ? Suliraning Pangkapaligiran

? ? Globalisasyon

? ? Migrasyon

Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


? ?

? ? Mga Karapatang Pantao

b. Pagganyak: Brainstorming
Panuto: Gamit ang graphic organizer, magbigay ng mga salitang kasing
kahulugan o may kinalaman sa lipunan.
e
H
i
l
d
a
2
1
6
5
4
3c. Paglahad ng Layunin: “Keywords Activity
Hikayatin ang mag-aaral na bumuo ng pangungusap sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng mga salitang sumusunod”

ng lipunan.
lipunan, institusyon, ugnayan, kultura.

Punan ang patlang ng mga salita mula sa ibaba upang mabuo ang kahulugan

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga ______sama-samang _________


sa isang ____________ komunidad na may iisang______________,
tradisyon, at_______________.

taong organisadong

2. Panlinang na Aralin
Gawain 1.Headline-Suri
pagpapahalaga naninirahan batas

Panuto: Makibahagi sa iyong pangkat, suriin ang larawan ng headline na


naitalaga sa inyo. Suriin ang tanong na: Bakit ito ay maituturing na isyu o
suliraning panlipunan? Isulat ang sagot sa diagram.
Headlines

1.P18.4B in ‘Yolanda’ emergency aid distributed late


Members of the Philippine military unload relief goods forthose affected by
Typhoon Haiyan at the airport in Tacloban. AP FILE PHOTO

2.DOLE order ending contractualization expected in February.


NO TO ENDO. Workers belonging to the Nagkaisa Coalition march to
Mendiola in Manila on January 4, 2016 to call on the government to end the
practice of contractualization.

3.Philippines elects first transgender woman to congress.


Geraldine Roman waves to supporters while campaigning in Bataan province,
April 30, 2016.

4.UN rights expert welcomes halt on drug killings in the


Philippines. Human rights activists light candles for the victims of extra-
judicial killings around the country in the wake of "War on Drugs" campaign
by Philippine President Rodrigo Duterte in suburban Quezon city northeast of
Manila, Philippines, Aug. 15, 2016.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa headline na napunta


sa inyo?
2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang ipinakikita ng bawat
headline? Bakit?
3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung
panlipunan?

Gawain 2: Lecture Method


Panuto: Pagbasa sa Teksto: Ipabasa sa mag-aaral ang teksto. Bigyan sila
ng sapat na panahon. Matapos ito ay sagutin ang pamprosesong na tanong

Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-


unawa sa bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano
nga ba ang ibig sabihin ng lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga
taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Halos ganito rin ang
pagpapakahulugan ng ilang mga sosyologo tungkol sa lipunan. Ilan sa
kanila ay sina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley. Tunghayan
ito sa sumusunod na pahayag.

Emile Durkheim,
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at
institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay gagampanan nangmaayos ang kanilang
tungkulin.”(Mooney, 2011)

Karl Marx
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay
nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na
ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon.
Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa
lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
Charles Cooley
“Ang lipunanay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at
tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyangsarili sa
pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.”(Mooney, 2011)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan?


2. Saan nagkakapareho ang pananaw ng talong sosyologo?
3. Saan nagkakaiba ang kanilang mga pananaw?
4. Bilang mag-aaral, ano ang nabuo mong kahulugan ng
lipunan?
5. Mahalaga bang malaman ang bumubuo sa lipunan? Bakit?

3. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat:
Ang lipunan ay tumutukoy sa______________________
_________________________________________________
_______________________
Ito ay binubuo ng________________________________
_________________________________________________
_______________________

b. Paglalapat:

Anong masasabi mo sa lipunang iyong kinaaaniban?

c. Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung
tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang
nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang
nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa; D kung mali ang
nilalaman ng una at ikalawang pahayag.
1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon, at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan.

2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga tanong


may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa
isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan

3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa


matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa
kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan
mula rito.

4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary


group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may
malapit at impormal na ugnayan sa isa’t isa.

5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group.


Ang posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa
isang socialgroup ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na
makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.

d. Pagpapahalaga

V. 1. MGA TALA

_______________________________________________________________
2. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
_______________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
_________________________________________________________
C. Nakatulong ba ang remedial?_______ Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin___________________________________________________________
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?_______________
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos?________
___________________Paano ito nakatulong?_____________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punong- guro at superbisor?___________________________________________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like