You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
East District
COLON NATIONAL HIGH SCHOOL

ALTERNATIVE DELIVERY MODE


ARALING PANLIPUNAN 10
QUARTER 1

MODYUL 1: MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN

CODE SA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: AP10KSP-lc-6,AP10KSP-lc-7,AP10KSP-8, AP10KSP-ld-e-9,AP10PHP-


le-10, AP10PHP-lf-11,AP10PHP-lf-g-12

ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

PAKSA: Ang mga Suliranin at HamongPangkapaligiran

I. PANIMULANG GAWAIN {PRE - ACTIVITY}

Gawain 1.“Sa Gitna ng Kalamidad”

Makibahagi sa gawain na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa alituntunin na ilalahad ng iyong guro.


Isabuhay ang mga tauhan na maitatalaga sa iyo.

Ang Barangay Sanipilip ay isang isla na kadalasang nakararaanas ng malakas na bagyo. Isipin ang hakbang
na dapat gawin ng tauhan na naitalaga sa iyo sa sumusunod na pagkakataon:
a. bago ang bagyo
b. pagtama ng bagyo
c. pagkatapos ng bagyo
Ikaw ay maaaring maitalaga bilang government official, pangkaraniwang mamamayan, miyembro ng isang
Non-Government Organization (NGO), o mula sa business sector.

Pamprosesong mga Tanong:


1.Sa iyong palagay, tama ba ang iyong ginawang aksiyon sa naganap
na kalamidad? Bakit?
2. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang pinsalang dulot ng mga kalamidad
sa buhay at ari-arian?
3. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga kalamidad?

Gawain 1.Headline-Suri
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano-ano ang pananaw mo sa headline ng larawan na sinusuri mo?
2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang ipinakikita ng bawat headline? Bakit?
3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

Gawain 3. Timbangin Mo
Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung
tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang
ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.
___1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon,at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan, at kultura
ng isang lipunan.
___2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.
___3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng ugnayan
sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang
mga inaasahan mula rito.
___4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t isa
___5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group.
Ang posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang social group ay nakapagdudulot ng isyu at
hamon na makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.

Gawain 4. Modified True or False Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay mali, itama
ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
_________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang
lipunan.
_________ 2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing
pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.

_________ 3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa
kabuuan.
__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang kaparusahan o sanctions.
__________5. Ang kultura ay naglalarawan sa isang lipunan.

Gawain 5. Mungkahing Gawain.


Larawan- Suri. Ang gawaing ito ay naglalayong masuri ng mga mag-aaral ang iba’t ibang isyung panlipunang
kinahaharap ng ilang mga indibiduwal. Hihikayatin ang mga mag-aaral na tukuyin kung ang isang isyu ay
personal at panlipunan.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan mo na? Ano ang iyong naramdaman?
2. Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang Suliraning Personal at Suliraning Panlipunan? Ipaliwanag. Sagutin ito
gamitang Chart.

SULIRANING PERSONAL SULIRANING PANLIPUNAN

PALIWANAG PALIWANAG

3. Ano ano sa mga suliraning nabanggit ang mahirap uriini kung ito ba ay suliraning personal o panlipunan?
4. Kailan maituturing na ang isang suliranin ay isyung panlipunan?Ipaliwanag.
5. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

II. MGA INAASAHANG MATUTUHAN SA MODYUL [WHAT TO KNOW}

Lipunan - tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas,tradisyon, at pagpapahalaga. Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga
sosyologotungkol sa lipunan. Ilan sa kanila ay sina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley.

Emile Durkhim “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito
ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay
na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at
institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)

Karl Marx “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng
mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa
tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
Charles Cooley “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit
na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng

lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng

mamamayan mamamayan.”(Mooney, 2011)

Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura


Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa
mga istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang dalawang mukha ay magkaiba
at may kani-kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang kapag
pinag-uusapan ang lipunan.

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan


Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang institusyon, social groups, status (social status), at gampanin
(roles).

Institusyon
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
(Mooney, 2011). Isipin halimbawa ang isang pangkaraniwang araw. Magsisimula ito sa paghahanda ng mga
miyembro ng pamilya para sa kani-kaniyang mga gawain. Ang pamilya ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito
unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. Mula sa tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya ay
magtungo sa paaralan samantalang ang iba naman sa kanila aymagtatrabaho o kaya ay mamimili ng kanilang
pangangailangan. Tulad ng pamilya, ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at
patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan, isa rin itong institusyong
panlipunan. Samantala, ang mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto ay bahagi ng isa pang
instituyong panlipunan – ang ekonomiya.

Social Group
- Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

Status
Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status at achieved
status .

Achieved Status -Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap ,maaaring mabago ng isang
indibiduwal ang kaniyang achieved status.
Halimbawa: Pagiging isang Guro . Si Nho-nho ay naging guro dahil sa kanyang pagsusumikap
Ascribed Status -Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak ,hindi ito kontrolado ng isang
Indibiduwal. Halimbawa: Kasarian -Si Jaja ay ipinanganak na babae.

Gampanin (Roles) - tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan
na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging
batayan ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.

Katuturan ng Kultura

Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-
kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan,
binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.

Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang
kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain
ng tao”. Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng pagsasabing
“ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao”.

Ayon naman kayMooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan
sa isang lipunan.

Dalawang Uri ng Kultura


Materyal - Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at
gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng
kultura ng isang lipunan.

Hindi Materyal - Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi tulad ng
materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng
pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. (Mooney, 2011)

Mga Elemento ng Kultura

Binubuo ang kultura ng mga paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo.

Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at
hamong panlipunan ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat ng tao.Halimbawa, ang isang lipunang
naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa
pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.

Pagpapahalaga (Values)

Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng
isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano
ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat(Mooney, 2011).Bagama’t may iba’t ibang
pagpapahalaga ang bawat

Paniniwala (Beliefs)

Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.

Norms

Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang
nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang
grupo o sa isang lipunan sa kabuuan.

Simbolo (Symbols)

Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung
walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa
lipunan.

Isyung Personal -ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa
isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na bagay na
nararapat solusyunan sa pribadong paraan.

Isyung Panlipunan - ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa isang kabuuan.

III. MGA ANGKOP NA GAWAIN {ACTIVITY PROPER}


GAWAIN 1. Identification.Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong tinutukoy ng bawat
pahayag.

________1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas,tradisyon, at pagpapahalaga.

________2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na katangian ng nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa sa atin na bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
________3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.
________4. Isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang
grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
________5. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos, o gawi ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan.
________6. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
________7. Tumutukoy sa isang pampublikong bagay na karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga
institusyong panlipunan.
________8. Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito.
________9. Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang
kanyang ginagalawan.
________10.Tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.

GAWAIN 2. Panuto: Gamit ang Venn diagram ay ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng isyung personal at
isyung panlipunan.

ISYUNG ISYUNG

PERSONAL PANLIPUNAN

Gawain 3. Awit-Suri

Suriin ang bahagi ng awit na “Pananagutan” at sagutin ang mga katanungan sa


Bawat kahon.

IV. REPLEKSIYON

Ang natutunan ko sa araling ito ay ________________________________________________________________


________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
V. SANGGUNIAN:

Sanggunian: http://michaelamacan.blogspot.com/2015/09/tugon-ng-mgakabataan-sa-mga-isyu-ng.html

Joey A. Gabieta. Inquirer. net. Retrieved April 4, 2016.

Pasion, 2017. Rappler.com. Retrieved February 10, 201

Sawatzky, 2016). cnn.com. Retrieved February 10, 2017

Salaverria, 2017. TheJakartaPost.com. Retrieved February 10, 2017

http://www.philosophybasics.com/photos/marx.jpg

http.//wpcontent answcdn.com/wikipedialen/thumb/ l/lc/Charles_Cooley.png/220px-Charles Cooley.png

You might also like