You are on page 1of 3

Lipunan

Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan?

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

Emile Durkheim - “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari
at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)

Karl Marx - “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-
aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang- yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa
produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”(Panopio, 2007)

Charles Cooley - “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba
pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.”(Mooney, 2011)

Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura

Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang isang mukha ay
tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang
dalawang mukha ay magkaiba at may kani-kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring
paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag- uusapan ang lipunan.

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan

1. Institusyon - Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney,


2011).
Hal:
a. PAMILYA - Isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang
nilalang.
b. EKONOMIYA - Mahalaga ang ekonomiya salipunan dahil pinag- aaralan dito kung paano
matutugunan ang mgapangangailangan ng mga mamamayan.
c.
2. Social Group - Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group.
Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

May dalawang uri ng social group:


A. PRIMARY GROUP – Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal.
Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
Hal: pamilya at kaibigan.
B. SECONDARY GROUP - binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang
panlipunan.
Hal: Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa,
gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa.

3. Status - Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal salipunan. 


Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status.
May dalawang uri ng status:
A. Ascribed Status - Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak. Hindi ito
kontrolado ng isang indibiduwal.
Halimbawa: Kasarian - Si Jaja ay ipinanganak na babae
B. Achieved Status - Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap.
Maaaring mabago ng isang indibiduwal ang kaniyang achieved status
Halimbawa: Pagiging isang Guro - Si Nho-nho ay naging guro dahil sa kaniyang
pagsusumikap.

4. Gampanin (Roles) - May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang
bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa
mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng
indibiduwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa
lipunang kanyang ginagalawan.

Halimbawa: bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang
mabuting mag- aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga
tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase.

Katuturan ng Kultura

Kultura - ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay


ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ng
kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.

Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng


pagsasabing “ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at
gawi, at ang kabuuang gawain ng tao”.

Ayon naman kayMooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.

May dalawang uri ang kultura:

1. Materyal - Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at
nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at
mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan.
2. Di- Materyal - Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao.
Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang- araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan.
(Mooney, 2011)

Mga Elemento ng Kultura

1. Paniniwala (Beliefs)- Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan


at tinatanggap na totoo. Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan
sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang
indibiduwal o pangkat ng tao.

Halimbawa: ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay- pantay ng mga tao anoman ang kasarian
ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag- unlad ng tao anuman ang kasarian nito.

2. Pagpapahalaga (Values)- Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng


isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap- tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at
kung ano ang nararapat at hindi nararapat(Mooney, 2011).
3. Norms - Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.  Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
Dalawang uri ng Norms:
A. Folkways - ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang
lipunan sa kabuuan.
B. Mores - ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores
ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). Ang kawalan ng batayan ng
pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan
ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga
batas na ito ay may kaukulang kaparusahan.
4. Simbolo (Symbols) - Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong
gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at
hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.

Halimbawa : wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga
miyembro ng isang lipunan. Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano.

Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Isyung Personal - ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya.  Ang
solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na
pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.

Isyung Panlipunan - ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga
institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan
sa kabuuan.

Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran.

Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng ISYUNG PERSONAL subalit kung ang isang barangay o
bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay
maituturing na ISYUNG PANLIPUNAN. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya
ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura.

You might also like