You are on page 1of 25

Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na

may dalawang mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa mga


istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa
kultura. Bagama’t ang dalawang mukha ay may kani-kaniyang
katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring
paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan.
Mga Elemento ng
Istrukturang Panlipunan

Ito ay binubuo ng mga institusyong may mga organisadong sistema


ng ugnayan sa isang lipunan (Mooney, 2011).

Pamilya
Dito unang nahuhubog
ang pagkatao ng isang
nilalang.
Mga Elemento ng
Istrukturang Panlipunan

Ito ay binubuo ng mga institusyong may mga organisadong sistema


ng ugnayan sa isang lipunan (Mooney, 2011).
Ekonomiya
Pinag-aaralan dito kung paano
matutugunan ang mga
pangangailangan ng mga
mamamayan.
Mga Elemento ng
Istrukturang Panlipunan

Ito ay binubuo ng mga institusyong may mga organisadong sistema


ng ugnayan sa isang lipunan (Mooney, 2011).
Edukasyon
Nagbibigay sa tao upang
paunlarin ang kanyang sarili na
siyang nagiging sandata niya sa
pagkamit ng kanyang mga ninanais
sa buhay.
Mga Elemento ng
Istrukturang Panlipunan

Ito ay binubuo ng mga institusyong may mga organisadong sistema


ng ugnayan sa isang lipunan (Mooney, 2011).
Pamahalaan
Ang katuwang at nagbibigay
ng mga pangangailangan ng isang
pamilya. Ito rin ang nangangalaga
sa kapakanan at seguridad ng
mga taong namumuhay sa isang
komunidad.
Mga Elemento ng
Istrukturang Panlipunan
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga
SOCIAL GROUP. Tumutukoy ito sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan. May dalawang uri ng social group:

– Tumutukoy
sa malapit at impormal na
ugnayan ng mga indibiduwal.
Kadalasan, ito ay mayroon
lamang maliit na bilang.
Halimbawa nito ay ang
pamilya at kaibigan.
Mga Elemento ng
Istrukturang Panlipunan
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga
SOCIAL GROUP. Tumutukoy ito sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan. May dalawang uri ng social group:
- Binubuo ng mga
indibiduwal na may pormal na ugnayan
sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa
pagtupad sa isang gawain ang ganitong
uri ng ugnayang panlipunan. Isang
halimbawa nito ay ang ugnayan sa
pagitan ng amo at ng kanyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng
mga manggagawa sa isa’t isa.
Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social
groups, ang mga social groups naman ay binubuo ng iba’t ibang status.
Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay
ang ascribed status at achieved status. Paano nga ba nagkakaugnay
ang dalawang uri ng status? Maaaring makaapekto ang ascribed
status ng isang indibiduwal sa kanyang achieved status.
May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social
group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles.
Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon,
at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng
indibiduwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging
batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunan na kanyang
ginagalawan.
May mga pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ng
pagbabago sa roles ng bawat isa. Isang magandang halimbawa nito
ang pagkakaroon ng mga househusband sa kasalukuyan. Marami ring
pagkakataon na ang asawang lalaki at asawang babae ay
kinakailangang parehong magtrabaho upang matugunan ang
pangangailangan ng pamilya. Makikita sa ganitong sitwasyon ang
pagbabago ng gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan bilang
tugon sa nagbabagong panahon.
Katuturan ng Kultura
Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng
pansin ang kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang
kultura ay isang komplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang
grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang
lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi,
ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.
Katuturan ng Kultura

Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang


naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng
pagsasabing “ito ang kabuuang konseptong
sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang
batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang
gawain ng tao”.
Katuturan ng Kultura
Ayon naman kay Mooney (2011), ang kultura ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid, ang
ginagawa natin sa ating pang araw-araw na pamumuhay
mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng
ating kultura. May dalawang uri ng kultura: materyal
na kultura at hindi materyal na kultura.
KULTURA
MATERYAL DI-MATERYAL

Kabilang dito ang batas,


Binubuo ito ng mga gusali,
gawi, paniniwala, at norms
likhang-sining, kagamitan at
ng isang grupo ng tao. Hindi
iba pang bagay na nakikita
tulad ng materyal na bagay,
at nahahawakan at gawa ng
hindi ito nahahawakan
tao. Ang mga bagay na ito
subalit maaari itong makita
ay may kahulugan at
o maobserbahan. Ito ay
mahalaga sa pag-unawa ng
bahagi ng pang-araw-araw
kultura ng isang lipunan.
na pamumuhay ng tao at
sistemang panlipunan.
Mga Elemento ng Kultura
Kung ang mga institusyon panlipunan ay tumutukoy sa mga istrukturang
bumubuo sa isang lipunan, ang kultura naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat
lipunan batay na rin sa kultura nito.

2. Pagpapahalaga (Values)
1. Paniniwala (Beliefs) Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
tinatanggap na totoo. Maituturing itong lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito
lipunan sa kabuuan. Nakaaapekto sa mga isyu kung ano ang tama at mali, maganda at kung
at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang ano nararapat at hindi nararapat (Mooney,
indibiduwal o pangkat ng tao. 2011).
Mga Elemento ng Kultura

3. Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o 4. Mores
gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng
sa isang lipunan. Ang mga norm ay pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay
nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney,
at pakikitungo ng isang indibiduwal sa 2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa
lipunang kanyang kinabibilangan. Mauuri isang lipunan ay maaaring magdulot ng
ang norms sa folkways at mores. Ang kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas trapiko
folkways ay ang pangkalahatang batayan ng ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at
kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan
lipunan sa kabuuan. ito ng pagkilos ng mga tao.
Mga Elemento ng Kultura

5. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay
ng mga taong gumagamit dito (White, 1949). Kung walang
simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin
magiging posible ang interaksyon ng mga tao sa lipunan. Ang
mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures),
at iba pang bagay na nauunawaan ng mga miyembro ng isang
lipunan. Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano.
Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita
ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda.
Isyung Personal at Isyung
Panlipunan
Ang Sociological Imagination
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan,
mahalaga ang pag-unawa sa mga istrukturang bumubuo rito,
maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga
ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang
panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at
isyung panlipunan.
Isyung Personal at Isyung
Panlipunan
Ang Sociological Imagination
Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang
ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan.
Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa
atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at
interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari
sa ating buhay bilang isang indibiduwal at sa pangkalahatang
kaganapan sa lipunang ating ginagalawan.
Isyung Personal at Isyung
Panlipunan
Ang Sociological Imagination
Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng
mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at
mga karatig-lugar. Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging
huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin ang
isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay
bunga ng malawakang suliraning pantrapiko. Kung gagamitin ang
Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal
na isyu ang dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na
nakaaapekto sa isang indibiduwal.
Kaibahan ng Isyung Personal at
Isyung Panlipunan
Isyung Personal at Isyung Panlipunan.
Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa
pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon
sa isang isyu ng personal ay nasa kamay ng indibiduwal.
Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan. Samantalang ang isyung
panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay
ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga
suliranin ito na nakaaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa
lipunan sa kabuuan.
Kaibahan ng Isyung Personal at
Isyung Panlipunan
Isyung Personal at Isyung Panlipunan.
Mahalagang malaman na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay.
Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran.
Ang makalat na basurahan ay isang halimbawa ng isyung personal
subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot
ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay
maituturing na isyung panlipunan.
Kaibahan ng Isyung Personal at
Isyung Panlipunan
Isyung Personal at Isyung Panlipunan.
Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya.
Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills
(1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan
ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na
may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may
isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung
personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong
tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong
ituring na “isyung panlipunan”.
Kaibahan ng Isyung Personal at
Isyung Panlipunan
Isyung Personal at Isyung Panlipunan.
Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na
isyung panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na
buhay ng isang tao. Ang mga digmaan ay maituturing na isyung
panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa
personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at
karahasan.

You might also like