You are on page 1of 18

Ang

Lipunan
MGA KAHULUGAN
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung
saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain.
Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang
maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay gagampanan nang
maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan
ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang
matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa
tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang
pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng
tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang Xmiyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.”(Mooney,
2011)
Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura
 Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang
barya na may dalawang mukha: ang isang mukha
ay tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang
isa naman ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t
ang dalawang mukha ay magkaiba at may kani-
kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at
hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang
kapag pinag-uusapan ang lipunan.
Mga Elemento ng
Istrukturang
Panlipunan
Institusyon
 Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang
institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan. (Mooney, 2011). Isipin halimbawa
ang isang pangkaraniwang araw. Magsisimula ito
sa paghahanda ng mga miyembro ng pamilya para
sa kani-kaniyang mga gawain. Ang pamilya ay isa
sa mga institusyong panlipunan, dito unang
nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. 2 uri
ng SOCIAL GROUP.
 Ang primary group ay tumutukoy sa malapit at impormal na
ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon
lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at
kaibigan.
 Ang secondary group ay binubuo ng mga indibiduwal na
may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa
pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang
panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan
ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan
ng mga manggagawa sa isa’t isa.
Status - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan
ng isang indibiduwal sa lipunan.
Dalawang uri ng status
 Ascribed status -Nakatalaga sa isang indibiduwal
simula nang siya ay ipinanganak . Hindi ito
kontrolado ng isang indibiduwal
 Achieved Status -Nakatalaga sa isang indibiduwal
sa bisa ng kaniyang pagsusumikap .Maaaring
mabago ng isang indibiduwal ang kaniyang
achieved status
Gampanin (Roles)
 Tumutukoy ang mga gampaning ito sa
mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng
posisyon ng indibiduwal. Sinasabing
ang mga gampaning ito ang nagiging
batayan din ng kilos ng isang tao sa
lipunang kanyang ginagalawan.
Ayon naman kay Mooney (2011), ang
kultura ay tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa
isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa
natin sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay mula paggising hanggang bago
matulog ay bahagi ng ating kultura.
 Materyal -ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba
pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng
tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may
kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang
lipunan.
 Hindi Materyal -Kabilang dito ang batas, gawi, ideya,
paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi tulad ng
materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay
maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng
pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang
panlipunan. (Mooney, 2011)
Mga Elemento
ng Kultura
Paniniwala (Beliefs)
Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng
isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto
sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala
ng isang indibiduwal o pangkat ng
tao.Halimbawa, ang isang lipunang naniniwala sa
pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang
kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para
sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.
Pagpapahalaga (Values)
 Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring
maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito
kung ano ang tama at mali, maganda at kung
ano ang nararapat at hindi nararapat.(Mooney)
Norms
 Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na
binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing
batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo
ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan. Mauuri ang norms sa
folkways at mores
 Ang folkways ay ang pangkalahatang
batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o
sa isang lipunan sa kabuuan.
Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy
sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang
paglabag sa mga mores ay magdudulot ng
mga legal na parusa (Mooney, 2011).
Simbolo (Symbols)
 Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay
ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang
simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin
magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas
(gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga
miyembro ng isang lipunan.Halimbawa, isang gawi ng mga
Pilipino ang pagmamano. Ang gawing ito ay sumisimbolo sa
isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa
mga nakatatanda.

You might also like