You are on page 1of 5

Kaugnay ng mahabang pagsusulit, review-hin ang mga sumusunod na paksa:

● Kahulugan at Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu


- Ang kontemporaryong isyu ay hamon at suliranin na nagaganap sa kasulukuyan na
nakakaapekto sa nagpapabago sa kalagayan ng pamumuhay ng tao sa lipunan

● Kahulugan at Elemento ng Kultura


-Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ay isang komplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan
o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura ang
maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.

MATERYAL
Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at
nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may
kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan.

HINDI MATERYAL
Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi
tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
maobserbahan. Ito ay bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang
panlipunan. (Mooney, 2011)

o Institusyon (PPPER)

P - Pamilya
P - Pamahalaan
P - Paaralan
E - Ekonomiya
R - Relehiyon

ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan

-ilan sa mga halimbawa ng institusyong panlipunan ay ang Pamilya, pamahalaan,


paaralan, ekonomiya ay mga organisasyong panrelihiyon

-bawat kaanib ay may kanya-kanyang bahaging ginagampanan na tinutupad upang


maging maayos ang lipunan na kanyang ginagalawan
o Social Groups
-Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group.
Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang primary group at secondary
group. (Mooney, 2011). Ang primary group ay tumutukoy sa malapit at impormal na
ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.Sa kabilang banda, ang secondary group
ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang
nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan.
Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa.

o Social Status
- Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.
- Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naimpluwensyahan ng ating status.
o Roles
-May posisyon ang bawat indibidwal sa loob ng isang social group. Ang bawat
posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga
karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.

- Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa
lipunang kanyang ginagalawan.

● Kahulugan at Elemento ng Kultura


Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang
lipunan

1.Paniniwala (Beliefs) Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa


pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.

2. Pagpapahalaga (Values) Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa


paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa
kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.
3. Norms Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa
isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at
pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

4. Simbolo (Symbols) Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng


mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Ang
mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na
nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan

● Isyung Personal, Isyung Panlipunan at Sociological Imagination

-Isyung personal Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng


isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa
kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan.

- Isyung Panlipunan Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay.


Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin
ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.

Sociological Imagination
-Ang Sociological Imagination Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga
ang pagunawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa
isang lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang
panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan. Ayon kay C.
Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan
ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan.
Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito,
masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung
panlipunan. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating
buhay bilang isang indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating
ginagalawan. Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa
usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mga karatig-lugar. Sa simula, maaaring isisi
sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin ang isyung ito,
masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay bunga ng malawakang suliraning
pantrapiko. Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang
personal na isyu ang dapat harap
LGU - LOCAL GOVERNMENT UNIT
NGO - NON GOVERNMENT ORGANIZATION

LGU
● PAGTUGON NG PAMAHALAAN
● REPUBLIC ACT 9003
● ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT OF 2000
● MATERIALS RECOVERY FACILITY (MRF)
● WASTE SEGREGATION

NGO
● MOTHER EARHT FOUNDATION
● PAGTAYO NG MRF SA MGA BARANGGAY
● CLEAN AND GREEN FOUNDATION

BANTAY KALIKASAN
-PAGGAMIT NG MEDIA IPANG MAMULAT ANG MGA MAMAMAYAN
-REFORESTATION NG LA MESA WATERSHED
-PASIG RIVER REHABILITATION PROJECT
-GREEN PEACE - BAGUHIN ANG KAUGALIAN AT PANANAW NG TAO

1992 - Naisabatas ang Republic Act 7586 o ang “National Integrated Protected Area
System” (NIPAS). Layunin nitong mapangalagaan ang mga tinatawag na protected areas
mula sa pang-aabuso

1997 - Malaki ang naging epekto ng pagsasabatas ng Republic Act 8371 o Indigenous
People’s Rights Act” (IPRA) sa pangangalaga ng kagubatan.

You might also like