You are on page 1of 4

ARALIN 1 : Konsepto ng Kontemporaryong Isyu

Kontemporaryong isyu - iba’t ibang hamon o problema na hinaharap ng ating lipunan at daigdig at sa
kasalukuyan.

Charles Wright Mills (1959) isang sosyolohiya at professor: Ang buhay ng isang individual ay lubos na
nakatali sa kanyang lipunan ginagalawan, sa kasaysayan nito at sa mga institusyon nakapaloob dito.

Ang salitang “Kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. (1) ang paggamit ng
kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing naalala pa ng mga tao sa ngayon.
(2) ang paggamit ng kontemporaryong kasaysayan na tumutukoy naman ito sa panahon mula sa
pagitan ng ika- 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, ang mga pangyayaring naganap
sa nakalipas na mga dekada na nakakaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng
kontemporaryong panahon gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay sadyang
maituturing na kontemporaryo.

Isyu - mga paksa, tema, o suliraning nakakaapekto sa lipunan. Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan
ng debate at may tao sa lipunan. Hindi lahat ng isyu ay negatibo at nagiging suliranin; may ilang isyu
rin na may positibong epekto at nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa
lipunan.

Ang paggamit ng salitang “Kontemporaryo” sa iba’t- ibang Konteksto;

● Kontemporaryong Daigdig - naglalarawan sa panahon mula ika 20 dantaon hanggang sa


kasalukuyan.
● Kontemporaryo kasaysayan - panahon mula sa pagitan ng ika 20 dantanon hanggang sa
kasalukuyan.

Ang kontemporaryong isyu ay may pitong saklaw;

● Isyung Pangkapaligiran
● Isyung Pangkabuhayan at pang Ekonomiko
● Isyung Politikal at kapayapaan
● Isyung Karapatang pantao
● Isyung may kinalaman sa kasarian at sexualidad
● Isyung pangkalusugan Isyung Pang-edukasyon

Galing sa salitang latin na Contemporarius: Con (kasama sa) at tempus o tempor (together).
Aralin 2 : Batayang Primarya at Sekundarya ng Kontemporaryong Isyu
Primaryang Sanggunian: ang pinagkukunan ng impormasyon ng mga orihinal na talata ng mga
pangyayari na isinulat ng mga taong nakaranas sa mga ito.

- Dokumento
- Ulat ng saksi
- Larawan
- Talambuhay
- Talumpati

Sekundaryang sanggunian: mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang sanggunian o


ibang sekundaryang sanggunian na inilahad ng isang taong walang kinalaman sa mga taong walang
kinalaman sa mga pangyayaring naitala. Hal. tula, teksto, guhit at mga nabuong sulat sa primaryang
sanggunian tungkol sa mga pangyayari sa pagsusuri ng datos.

- Aklat
- Biography
- Articles
- Komentaryo
- Political Cartoons

Ngayon tukuyin natin kung paano natin malaman ang isang isyu kung katotohanan o opinyon, pagkiling
o bias, hinuha, paglalahat at konklusyon.

● Katotohanan: ang totoong kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos


● Opinyon: kuro-kuro impormasyon na nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa
isang isyu o inilahad na katotohanan.
● Pagkiling (bias): nasusuri ang mga impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan
kailangang malaman kung ito ay walang kinikilingan.
● Hinuha: educated guess ay isang pinag-iisipang hula.
● Paglalahat: generalisasyon sa isang pangyayari o hakbang kung saan binubuo ang mga
ugnayan ng hindi magkaugnay na impormasyon.
● Konklusyon: desisyong kaalaman o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral ng pagkakaugnay
mga mahalagang ebidensya.
Aralin 3 : Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig
Lipunan - mga taong sama-samang naninirahan saIsang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon at pagpapahalaga.

Mga Elemento ng istrukturang Panlipunan

1. Institusyon - isang organisadong Sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011)


- Pamilya: nahuhubog ang pagkatao sa isang nilalang.
- Ekonomiya: paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

2. Social group -
- Primary group: malapit at pormal na ugnayan
- Secondary group: impormal na ugnayan hal. amo - kanyang manggagawa

3. Status (social status)


- Ascribed status: isang indibidwal sa kaniyang achieved status
- Achieved Status: nakatalaga sa isang indibidwal sa bias ng kanyang pagsusumikap.
Maaaring mabago ang isang indibidwal ang kanyang achieved status.

4. Gampanin (roles) - may posisyon ang bawat indibidwal sa loob ng isang social group. Ang
posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles.

Katuturan ng Kultura: sa pag-aaral ng Lipunan. Mahalagang pagtuunan din ng pansin ang kultura.
Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang kultura ay isang komplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa
kabuuan.

Dalawang uri ng Kultura

1. Materyal: binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at
nahawakan at gawa o nilikha ng tao (Panopio 2007)

2. Hindi Materyal: kabilang dito ang batas, gawi, ideya paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao.

Mga elemento ng Kultura

1. Paniniwala (Beliefs): mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na


totoo.

2. Pagpapahalaga (Values): batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.

3. Norms: mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.

4. Simbolo: ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito ( white
1949)
Isyung Personal at Isyung Panlipunan:

Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibidwal. Maituturing ang isyung ito na
pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. Samantala ang isyung panlipunan ay
isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliraning ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan.

Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan, ang


dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang
makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan
ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay
maituturing na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya
ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura.

You might also like