You are on page 1of 11

Yunit I

Mga Isyung
Pangkapaligiran at
Pang-Ekonomiya

Aralin 1 kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong


isyu
Pokus ng Aralin  Ang Panahon ng Bagong Lumipas
 Kontemporaryong Isyu:Konsepto,
Metodo, at mga Elemento
 Kahalagahan ng mga
Kontemporaryong Isyu
Layunin Sa pagdaloy ng araling ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahang nasusuri ang
kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig, lalo na:
 Naipaliliwanag ang konsepto,
metodo,at mga element ng
kontemporaryong Isyu;
 Naipaliliwanag ang kanilang
personal na saloobin tungkol sa
ilang halimbawang isyung
panlipunan at;
 Nabibigyang halaga ang mga
ideya at saloobin ng kapwa tao.
Bigyang-pansin  Panahon ng Bagong Lumipas
 Pagpapahayag ng Saloobin
 Mga Elemento ng Suliraning
Panlipunan
 Suliranin at Solusyon
 Suliraning Panlipunan
 Dayalogo at Pag-uusap

Simulan
Positibo at Negatibo
Alalahanin ang mga mahahalagang naganap sa nakalipas na mga taon. Tumukoy ng
isang isyu na sa tingin mo ay malaki ang naging epekto sa mundo at sa bansang
Plilipinas sa taong iyon hanggang sa kasalukuyan.Ilista ang mga naging positibo at
negatibong epekto nito sa banghay sa ibaba:
Isyu
Positibong Epekto Negatibog Epekto
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Mga gabay na tanong:


1. Bakit mo napili ang tanong a ito? Ano- Ano ang iyong mga naging batayan sa
pagpili?
2. Ano-Ano ang pinakapositibong epekto ng napili mong isyu?
3. Ano-Ano ang pinakanegatibong epekto ng napili mong isyu?
4. Ano ang mas matimbang, ang positibong epekto o negatibong epekto nito?
5. Maituturing mo ba ang isyung ito na isang suliranin? Bakit o bakit hindi?

Talakayin
Ang Panahon ng Bagong Lumipas
 Sa daloy ng ksaysayan ng daigdig, sinasabing nagsimula ang panhon ng
bagong lumipas ang sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ayon sa Institute of Contemporary British History, ito ay nagsimula sa
taoong 1945.
 Ayon kay Peter Caterall ang panahon ng bagong lumipas, o panahong
kontemporaryo, ay ang yugto ng kasaysayan na may direktang kinalaman
sa kasalukuyan. Ito rin ay mga pangyayari sa nakalipas na mga taon na
hanggang ngayon ay may mga tao pang nabubuhay na maaring
magkwento nito.
 Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaan noong 1946, ang Estados Unidos
at Unyong Sobyet ang hinirang na mga bagong makapangyarihang bansa
sa daigdig. Naging magkaribal ang dalawang bansa hindi lamang sa
kapangyarihang militar kundi pati narin sa kaisipan, agham, at
teknolohiya. Ang tunggaling ito ay tinatawag na Cold War. Ito ay
kinasangkutan ng mga iba pang bansa. Sa panahong ito, sumiklab ang
digmaan sa mga bansang Vietnam at Korea, ang Nuclear arms race at
ang paligsahan sa paggagalugad ng kalawakan.
 Sa panahon din ng bagong lumipas naganap din ng bagong lumipas
nagana ang decolonization o ang paglaya ng mga dating kolonyag
bansa. Kaakibat ng paglaya ng mga bansang ito ang pagsisimula ng neo-
colonization. Ang mga dating nangolonyang bansang ay patuloy na
kinokontrol ang ekonomiya at ugnayang panlabas ng dati nitong mga
kolonya. Higit na pinakulay ang panahon ng bagong lumipas ng mga
makabagong imbensyon tulad ng telebisyon,kumpyuter,internet, at
marami pang iba. Nagpapatuloy ang panahon ng bagong lumipas
hanggang sa kasalukyan.
 Kasabay ng pagsisimula ng bagong lumipas ay ang paglaya rin ng
Pilipinas mula sa stados Unidos noong 1946.
 Itinatag ang ikatlong Republika na hinarap ang mga suliraning iniwan ng
Ikalawang digmaang Pandaigdig at mga hamon ng pagbangon at
pagsasarili.
 Makalipas ang dalawang dekada, napasailalim ang Pilpinas sa
diktaturyang Marcos. Sa loob ng halos dalawampung taon, naipatupad
ang Batas Militar. Winkasan ito noong 1986 sa pamamagitan ng isang
mapayapang pagkilos na tinaguriang People Power Revolution.
Kaalinsabay sa pagbabalik demokrasya ay ang pagkakaroon ng Pilpinas
ng bagong Saligang Batas. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay isang
demokratikong bansa na mayroong papaunlad na ekonomiya.

Kontemporaryong Isyu
 Ang kontemporaryong Isyu ay binigyang kahulugan bilang anumang
paksa, maging ito man ay isang tao, pangkat ng tao, pangyayari, pook o
ideyang na may tuwirang kinalaman sa kasalukuyang panahon.
 Halos lahat ng mga bagay sa paligid ng isang makabagong mamamayan
ay kontemporaryong isyu. Maituturing na kontemporaryong isyu ang
kanyang kapaligiran, likas na yaman, kagamitan,kilos, kasarian, kaisipan,
kasaysayan, pamunuan, kapwa mamayan, at marami pang iba. Sa
makatuwid ang isang kontemporaryong isyu ay masalimuot at hindi
maaaring tingnan sa isang pananaw lamang. Madalas, ang isang isyu ay
may kaakibat na mga sanga-sangang sanhi at bunga.
 Ito ay napapanahon at may malaking epekto sa kasalukuyang
pamumuhay. Kung ang isang paksa ay malimit na pinag-uusapan ng mga
tao dahil sa hamon o banta dulot ng pag-iisip, paggamit o pagsasagawa
nito, maituturing itong kontemporaryo.
 Mahalagang konsepto ng kontemporaryong isyu ay ang pagpapalitan ng
mga kaisipan, palagay, at saloobin o talastasang bunga ng pagsusuri ng
mga ito. Marami rin sa mga kontemporaryong isyu na ito ay itinuturing na
suliraning panlipunan.
 Ayon sa sosyologong si Vincent Parillo, ang isang suliraning panlipunan
ay nagpapalit- palit ng kahulugan sa paglipas ng panahon. Ang pabago-
bago ng mga kaisipan, kilos at kasangkapan ng mga tao sa isang lipunan
sa pagdaan ng panahon ang nagiging dahilan ng pagpapalit-palit ng
kahulugan ng isang suliranin.
 Ayon kay Parillo, mayroong apat na sangkap ang isang suliraning
panlipunan. Ang isang suliraning panlipunan ay makikilala dahil ito ay
kinapalooban ng mga sumusunod na katangian:
 Ang isang suliraning panlipunan ay nagdudulot ng pinsala sa isang
tao o sa buong lipunan. Maaaring tuwiran o hindi tuwirang
nakakasira ang suliraning ito ngunit malaki ang epekto sa
pamumuhay ng mga tao. Ang pinsala ay maaaring pisikal o
kaisipan.
 Paglabag sa isang makapangyarihang batayan ay katangian din ng
isang suliraning panlipunan. Ang makapangyarihang batayang ito
ay maaaring nabuo sa isang pangkat ng taong may isang kultura,
relihiyon o alituntunin.
 Ang isang suliraning panlipunan ay nagpapatuloy. Kung ito ay
mabilis na nagwawakas, maaaring hindi ito isang suliraning
kinakaharap ng lipunan. Nagpapatuloy ang isang suliraning
panlipunan sa ilang mga kadahilanang:
 Maaring dahil may isang nakikinabang kaya’t nagpapatuloy
ang isang suliraning pnliunan. Pinipigilan ng isang tao,
pangkat ng tao o institusyon ang paglutas sa isang suliranin
dahil sila ay may nakukuhang prebilehiyo at
napapangalagaan ang kanilang personal na interes.
 Nagpapatuloy dahil sa pagkakaugnay- ugnay ng mga tao at
lipunan. Sa kanilang pakikisalamuha, pagpapalitan ng
saloobin at ideya, naipagpapatuloy ang suliranin.
 Maaring nagpapatuloy din ang isang suliraning panlipunan
dahil sa pagnanais na mabilis itong maibsan. Maaaring a
pagmamadali ng isang taong sangkot na masolusyonan ang
isang suliranin, hindi naisasakatuparan ang mga gawaing
lubos na pinaghandaan at pinag-isipan.
 Ang isang suliraning panlipunan ay maraming mga panukalang
solusyon. Ang isang suliranin ay nagbubunga ng marami at iba’t-
ibang kuro-kuro. Mula rito, nabubuo ang ilang mga panukalang
paraan ng paglutas.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
 Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, mapapaunlad ng isang mag-aaral
ang kanyang kasanayan sa mapanuring pag-iisip at pakikisalamuha. Sa
pagmamagitan ng pagsusuri niya ng iba’t- ibang paksain, mga sanhi at maaaring
bunga ng mga ito, napauunlad ng mag-aaral ang kanilang kakayahang mag-isip
at mangatwiran. Kumakalap siya ng mga impormasyon at sinusuri niya ito upang
lubos itong maunawaan. Higit sa lahat, nabubuksan ang kaisipan ng mag-aaral
sa iba’t-ibang pananaw at Malaya siyang nakapipili ng papanigan at
paninindigang posisyon.
 Hindi na lamang siya isang balintiyak na mag-aaral, bagkus, dahil sa mga
kaalaman at pag-unawang kanyang nabuo, maaari na siyang makilahok sa mga
gawaing pansibiko at panlipunan. Malaya na siyang nakapagpapahayag ng
kanyang saloobin sa pagkat batay na ito sa sapat na kaalaman na kanyang
nakalap. Kabilang narin siya sap ag-iisip, pagtataguyod, at pagpapatupan ng
mga solusyon. Dahil sinuri niya ang mga kontemporaryong isyu, ang mag-aaral
ay nasa tamang landas na patungo sa pagiging aktibo at reponsableng
mamamayan ng bansa.
 Kahandaan sa pagharap sa mga hamon ng pamayanan,bansa, at ng buong
daigdig ang isa pa sa mga bunga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu.
Pinagkakalooban tayo nito ng kahandaan sa aktibong pakikilahok sa mga
dayalogo, pakikiisa, at pamumuno sa mga gawaing pangpamayanan, at lalo na
sa pakikilahok sa mga Gawain at adhikaing pambansa ng Pilipinas, kung saan
tayo ay kabilang.

Unawain
A.Tama o Mali. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang
isang pahayag ay makatotohanan o hindi. Kung ang pahayag ay may katotohanan,
isulat ang TAMA. Kung hindi makatotohanan ang pahayag, iwasto ang salitang may
salungguhit sa patlang na nakalaan.
1. Isa sa mahahalagang kaganapan noong panahon ng Cold War ay
ang pagkakahati at digmaan sa mga bansang Vietnam at Hapon.
2. Ang Decolonization ay tumutukoy sa a patuloy na pagkontrol ng
dating nangolonyang bansa sa isang bagong layang bansa.
3. Ang kontemporaryong isyu ay nakakaapekto sa isang aspekto ng
lipunan.
4. Ang isang kontemporaryong isyu ay masalamuot at hindi
maaaring tingnan sa isang pananaw lamang.
5. Ayon kay Vincent Parillo, isang Sosyologo, mayroong apat na
sangkap ang isang suliraning panlipunan.
B. Katotohanan o Opinyon. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.
Tukuyin kung ang pahayag ay may katotohanan o isa lamang itong opinyon. Isulat ang
K kung ito ay may Katotohanan at O kung ito ay Opinyon.
1. Nagsimula ang panahon ng bagong lumipas noong taong 1945, kasabay ng
pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Pinapabagsak ng People Power Revolution noong 1986 ang diktaturyang
Marcos.
3. Maaring hindi makaapekto sa isang indibidwal ang isang kontemporaryong isyu
na nakaaapekto ng isa pang indibidwal.
4. Malimit na nagpapalit- palit ang mga konsepto ng isyu at suliranin.
5. Isa sa mga kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu ay ang aktibong
pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing pansibiko at panlipunan.

Pagnilayan
Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungang may kaugnayan sa araling
tinalakay. Suriing mabuti ang mga tanong at subuking sagutan sa klase o sa sagutang
papel.
1. Para sa kagaya mong mag-aaral ng ika-10 baitang, ano-ano ang mga kahagahan ng
pagsusuri at pag-aral ng mga napapanahong usapin at mga kontemporaryong isyu ng
ating lipunan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng panahon ng bagong lumipas sa mga isyu ng
kasalukuyang panahon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Kung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na maipahayag ang iyong mga nais
sabihin, ano-ano ang iyong nais ipabatid sa mga taong may tuwirang kinalaman sa mga
kasalukuyang isyu ng lipunan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Bilang isang mag-aaral paano mo pahahalagahan ang iba’t- ibang karunungan na
maaari mong matutunan sa mga hamon ng buhay na dala ng mabilisang pag-unlad ng
teknolohiya at pagbabago ng panahon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Palawakin
Sa Ulo ng mga Balita
Ang klase ay papangkatin sa ilang grupo na binubuo ng tatlo hanggang limang mga
mag-aaral. Inaasahan na ang bawat pangkat ay makakaisip ng mga napapanahong
pangyayari sa bansa at sa daigdig. Ito ay kanilang iuulat sa klase bilang mga reporter
sa telebisyon.
Mga gabay na tanong:
1. Ano- Ano ang mga naging batayan sa pagpili ng inyong mga ibabalita?
2. Saan kayo kumalap ng datos at bakit sa ganitong paraan niyo ito ibinahagi?
3. Naging patas ba kayo sa inyong pagbabalita?
4. Mahalaga bang maging patas sa pagbabahagi ng mga pangyayari sa
telebisyon? Bakit? Bakit hindi?

ILAPAT
Pakikipagtalastasan
Ang isang talastasan o debate ay isang pormal na paraan ng pagpapalitan ng ideya ng
dalawang panig hinggil sa isang napapanahong isyu. Mahusay na paraan upang
magsanay ng pag-iisip at pagsasalita sa wikang Filipino ang gawaing ito. Isinasagawa
ito sa harapan ng mga manonood at ang tunguhin ay hikayatin silang pumanig sa isang
pananaw.
I. Panimulang Talumpati (5 minuto)
II. Pagsagot ng bawat isang Pangkat sa mga katanungan (3 minuto kada isang
tanong)
III. Pangwakas na Talumpati (5 minuto)

Paksa ng Talastasan: Nakabubuti o Nakasasama ang Ecotourism?

Mga gabay na tanong:


1. Dapat bang puntahan ng mga turista ang mga lugar na nagpapamalas ng
kagandahan ng kalikasan?
2. Napapakinabangan ba ng mga local na mamamayan ang Ecotourism?
3. Hanggang saan dapat pakinabangan ang Ecotourism ng Pilipinas?
Ang mga manonood ang magdedesisyon kung sino sa dalawang panig ang
nakapagbigay ng pinakanakahihikayat na talumpati.

ISABUHAY
Sa isang maikling putting papel, ang mag-aaral ay inaasahang magkwento ng isang
sitwasyon sa pamamagitan ng isang komiks. Ang komiks ay isang likhang sining na
may piling mga karakter at maikling kwento. Ang mga ginuhit na karakter ay may mga
dayalogo rin, ang kwento ay dapat kakitaan ng pag-uusap ng mga karakter tungkol sa
isang kontemporaryong isyu. Maaaring ang komiks ay may kulay o wala.
Mga gabay na tanong:
1. Bakit ito ang napili mong kontemporaryong isyu?
2. Mayroon bang mga ibig ipahiwatig ang mga karakter o sitwasyon sa iyong
komiks? Ano- Ano ang mga ito at bakit ganito ang ibig ipahiwatig?
3. Ano kaya ang mga maaaring maging reaksyon ng mga mambabasa ng komiks
na ito?

You might also like