You are on page 1of 8

1

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA


ARALING PANLIPUNAN 10
Kwarter 1 Linggo 1 Aralin 1
Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________________
Petsa: _________________________________________

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELC


Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaneong Isyu. (MELC)

Mga Tiyak na Layunin


1. Nabibigyang kahulugan ang kontemporaneong isyu.
2. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng kontemporaneong isyu.
3. Napahahalagahan ang pag-aaral ng Kontemporaneong Isyu sa pamamagitang
ng paggawa ng panunumpa.

II. PANIMULANG KONSEPTO


Kahalagahan Ng Pag-aaral Ng Kontemporaneong Isyu

Ang araling ito ay tatalakay sa kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral ng mga


kontemporaneong isyu na nararanasan sa ating lipunan. Mahalagang mabigyang linaw
ang kahulugan at katuturan nito upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng pag aaral
ng mga isyung kinakaharap ng bawat isa sa kasalukuyan. Ano-ano ang mga isyung
kinakaharap mo sa araw-araw? Marahil ay iyan din ang nararanasan ng inyong kapitbahay
at ng karamihan sa inyong barangay o sa buong bansa. Halina at tuklasin natin ang
kahulugan ng Kontemporaneong isyu at ang kahalagahan ng pag – aaral nito sa
pamamagitan ng mga mga inihandang gawain para sa iyo.

Kahulugan ng Kontemporaneong Isyu


Ang konsepto ng kontemporaneong isyu o “contemporary issue” ay nag uugat sa
pinagmulang kahulugan ng dalawang salita, ang kontemporaneo at isyu. Hango ang
kontemporaneo sa salitang Latin na “contemporarius” na nangangahulugang nangyayari
sa magkasabay na panahon o “living or occurring at the same time.” Ayon sa Komisyon ng
Wikang Filipino at UP Diksyonaryong Filipino, kontemporaneo at hindi kontemporaryo ang
tamang salin ng “contemporary.”
Ayon sa Merriam-Webster dictionary, ang isyu (issue) ay problema, hamon o
alalahanin. Kung pagbabatayan ang kahulugan ng dalawang salitang pinagmulan

2
(etymological definition), ang kontemporaneong isyu ay mga napapanahong hamon o
problema na nararanasan ng marami sa lipunan. Ayon sa Reference.com, “Any modern-
day trend, event, idea or topic involving a subject relevant to people and affecting them in
some way can be defined as contemporary issues.” Samakatuwid, ang kontemporaneong
isyu ay mga napapanahong hamon, ideya, paksa o problemang kinakaharap ng mga tao
sa isang lipunan.

Mga Halimbawa ng Kontemporaneong Isyu


Ang kontemporaneong isyu ay mga napapanahong hamon, ideya, paksa o
problemang kinakaharap ng mga tao sa isang lipunan. Ito ay mga suliranin o usapin na
nararanasan ng marami at nangangailangan rin ng pagkilos ng nakararami upang
mabigyan ng solusyon. Anu-ano ba ang madalas mong kaharaping problema sa araw-
araw? Napansin mo ba na nararanasan din ito ng iba?
Ilan sa mga halimbawa ng kontemporaneong isyu na kinakaharap ng ating bansa o
maging ng buong mundo ay ang mga sumusunod:
 Tambak na basura/labis na basura- hindi lamang problema ng ating bansa ang labis
na basura. Ito ay pandaigdigang problema na kailangan ng agarang solusyon. Iba’t-
ibang pamamaraan ang ginagawa ng pamahalaan maging ng mamamayan kung
paano masugpo ang problema sa basura.
 Pagbaha dulot ng malakas na ulan o bagyo- kadalasan nagdudulot ng pagtaas ng
lebel ng tubig kapag malakas ang ulan lalo na kapag hindi nalinis ang mga estero at
kanal na nagdudulot ng pagkasira ng kabuhayan.
 Paggamit ng ipinagbabawal na gamot- isa sa mga talamak na suliranin ng ating
bansa ang maraming mga Pilipino na nalululong sa ipinagbabawal na gamot.
Naglilikha din ito ng maraming problema tulad ng pagtaas ng kriminalidad,
pagkakasakit, kahirapan at iba pa.
 Pandemya- isa sa kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng
pandemya na tinatawag na Covid 19. Ang pandemya ay nagdudulot ng pagkamatay
ng maraming tao, kahirapan at kagutuman dahil sa pagkawala ng mga trabaho at
negosyo.
 Climate change- tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga dapat
at tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at madalas ito ay lumalala at
naglilikha ng malalang kalamidad tulad ng pagbagyo, pagbaha at tagtuyot.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaneong Isyu

Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-unawa sa


bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig sabihin ng
lipunan? Bakit mahalagang maunawaan ito sa pagtaya ng kahalagahan ng pag-aaral ng
kontemporaneong isyu o mga hamong panlipunan?
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Binubuo ang
lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Itinuturing na
mga institusyong panlipunan ang pamilya, edukasyon, relihiyon, ekonomiya at
pamahalaan. Ang mga institusyong ito ay binubuo naman ng mga social groups na inuuri
bilang primary, may impormal na ugnayan tulad ng pamilya at kaibigan, ang secondary
naman ay may pormal na relasyon katulad ugnayan sa pagitan ng manggagawa at ng may

3
ari ng kompanya. Ang mga miyembro ng social groups ay may katayuan sa lipunan na
tinatawag na social status at ito ang magiging batayan ng kanilang social roles o bahaging
ginagampanan sa lipunan. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat
at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.
Mahalagang kumilos ng naaayon ang bawat miyembro batay sa inaasahan sa
kaniya ng lipunan. Ang pamilya ay ang pinakamaliit subalit pinakamahalagang
institusyong panlipunan. Malaki ang bahaging ginagampanan ng pamilya sa paghubog ng
mga indibidwal na kalaunan ay magkakaroon ng malaking bahagi sa lipunan. Kapag
nabigo ang pamilya na gampanan ang inaasahan sa kaniya ng lipunan, nagdudulot ito ng
mga isyu o hamong panlipunan tulad ng pagkalulong sa bawal na gamot, teenage
pregnancy, maraming basura at marami pang iba. Subalit kung natupad ng pamilya ang
kaniyang gampanin bilang maayos na tagapagtaguyod at tagapag-alaga ng kasapi nito,
lilikha ito ng mga indibidwal na makakatulong sa pag unlad ng lipunan sa halip na maging
bahagi ng suliranin.
Bilang mag-aaral, ikaw ay bahagi ng
lipunan at marapat na kumilos ayos sa
inaasahan ng lipunan sayo. Ano ang iyong
social role o gampaning panlipunan bilang
mag-aaral? Mag-aral, pagyamanin ang
sariling kakayahan at pagpapahalaga.
Subalit kung taliwas ang iyong ginagawa,
magiging bahagi ka ng isyu o hamong
panlipunan. Sa panahong ito, matututunan
mo na ang pag unawa at pagganap sa
iyong gampanin ay may malaking bahagi sa
paglikha o pagbibigay solusyon sa mga
isyung panlipunan o kontemporaneong isyu.
Isang pang paraan ng pagsuri sa kahalagahan ng pag aaral ng kontemporaneong
isyu ay ang pagtukoy sa pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan. Ang isyung
personal ay nagaganap sa pagitan ng isang tao at ng malalapit sa kaniya kaya’t ang
solusyon ay nasa kamay ng indibidwal. Maituturing na pribadong bagay ito at nararapat na
solusyunan sa pribadong paraan. Samantala ang isyung panlipunan ay isang
pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan
sa kabuuan. Kung sa bahay ay nagkalat ang basura, ito ay maituturing na isyung personal
at maaring masolusyunan sa pamamagitan ng pagtuturo sa sambahayan ng tamang
pagtapon ng basura. Subalit kung ang lahat sa komunidad ay may ganitong problema,
maglilikha ito ng isyung panlipunan o hamon sa solid waste o basura.
Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang kakayahang makita ang
kaugnayan ng mga personal na karanasan sa isang tao at ang lipunang kaniyang
ginagalawan. Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang bahagi ng
lipunang iyong ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung
nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na
mayroon kang mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong
kinahaharap ng lipunan sa kasalukuyan.

4
III. MGA GAWAIN

Gawain 1. Hanap-Salita

Panuto: Hanapin sa larawan at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa


kontemporaneong isyu. Buuin ang kumpletong kahulugan nito at isulat ang sagot sa ibaba.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 2. Hanap-Larawan

Panuto: Hanapin ang mga larawan ng halimbawa ng mga kontemporaneong isyu. Bilugan
at tukuyin kung anong halimbawa ng kontemporaneong isyu ito. Pansinin ang halimbawa.

Gawain 3. Akoý Nanunumpa

5
Panuto: Gamit ang sociological imagination at ang pagkaunawa sa iyong social role bilang
mag-aaral, gumawa ng isang panunumpa bilang mag-aaral ng kontemporaneong isyu.
Ilahad ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaneong isyu at ang iyong pangako na
pananatilihin ang interes at dedikasyon sa asignatura bilang hakbang sa pagiging
mabuting indibidwal na katulong ng lipunan. Gamitin ang pamagat na “Panunumpa Bilang
Mag-aaral ng Kontemporaneong Isyu.”

Panunumpa Bilang Mag-aaral ng Kontemporaneong Isyu


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Pamantayan Pahayag Puntos


Nilalaman Naglalaman ng pagka-unawa sa kahalagahan ng pag-aaral ng 10
kontemporaneong isyu at ng gampaning panlipunan.

Paglalahad Nauunawaan ang daloy at maayos na naipahayag ang kaisipan at 5


kagustuhan sa panunumpa.
Teknikalidad Gumamit ng tamang bantas, pananda, mga salita at kaayusan ng 5
pangungusap.

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1. Hanap-Salita

Mga salita: Kontemporaneo, problema, napapanahon, isyu, ideya, paksa, tao, lipunan,
hamon, nararanasan
Kahulugan: Ang kontemporaneong isyu ay mga napapanahong hamon, ideya, paksa o
problemang kinakaharap ng mga tao sa isang lipunan.

Gawain 2. Hanap-Larawan

6
VI. SANGGUNIAN

7
Mga Aklat/Mula sa Internet

Batayang aklat ng Kontemporaneong Isyu


Relova, Donna V. et.al., “Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng pag-aaral ng mga
Kontemporaneong Isyu at mga Suliraning Pangkapaligiran”, 2020
Online Etymology Dictionary “contemporary”
https://www.etymonline.com/word/contemporary#:~:text=contemporary%20(adj.),see%20temporal%20(adj.)).
Staff Writer, “What are Contemporary Issues?”, May 10, 2021
https://www.reference.com/world-view/contemporary-issues-b4aa8e48930f1bcf
Merriam-Webster Dictionary,”concern”
https://www.merriam-webster.com/dictionary/concern

Mga Larawan:

https://www.canva.com/design/DAEfd9xvlro/nI5R4A8gCAehEnqhqNU_XQ/edit
Corona virus grayscale image vector image
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/corona-virus-grayscale-image-vector-30172676
Amy Wood, Hoodzpah, “Chapter 6 – Branding your Business”, "Freelance and Business and Stuff: A Guide
for Creatives"
https://dribbble.com/shots/4279553-Chapter-6-Branding-Your-Business
IStock Getty Images, Child Throws Garbage in the River Stock Illustration
https://www.istockphoto.com/vector/child-throws-a-garbage-in-the-river-gm918106158-252561008

Learning Activity Sheet (LAS)


Development Team

Writer : Janice L. Acojedo TII- Polangui GCHS


Content Editors : Imelda C. Capa MT-2, Tiwi Agro Industrial High School
Nilo L. Mayor MT-1, Anislag NHS
Vivian N. Pangan MT-1, Malabog NHS
Language Editors : Nick P. Azaña P-1, Villahermosa NHS
Alejo San M. Rontas P-1, Jovellar National High School
Lay- out Artists : Lymuel C. Sanchez T-III, Tiwi Agro Industrial School
Richard A. Ilarde T-II, Bariw National HS
Arnie N. Ogates T-I, Malabog NHS

Education Program Supervisor: Myrna Lynne G. Bueno SDO Albay

Qtr.1. LAS 1, Grade 10

You might also like