You are on page 1of 2

Kung Ako ay Pipili ng

TALUMPATI: Mabuting Pinuno...


Sa panahon ngayon ang bawat isa ay mayroong mga nais na mapatupad at
maging bahagi ng adbokasiya para sa pag-unlad ng ating bansa. Bago tayo pumioli
ng ating kinagugustuhan na lider, ano nga ba ang mga katangian na dapat nilang
taglayin upang matawag silang mabisa at matalinong lider?

Ang isang lider ay may mga responsibilidad na kailangan niyang gampanan


upang mapaunlad ang kanyang mga nasasakupan. Mayroon siyang mga katangian
na kailangang isakilos para sa ikabubuti ng kanyang mga mamamayan. Sa pagpili ng
isang pinuno naririto ang mga karakter na maaaring niyang taglayin.

Unang - una ang pakikinig sa mga hinaing ng kanyang mga nasasakupan. Ang
katangiang ito ay isa sa mga importanteng karakter na binibigyang diin dahil isa ito
sa pinakamahirap isakatuparan dahil mayroong mga oras na hindi tayo
makapakinig sa kanila. May mga oras na tayo ay nagiging makasarili na nagiging
dahilan ng pagkakawatak - watak ng isang matibay na samahan at pagbagsak ng
isang matagumpay na ekonomiya.

Ang hindi pagpapakita ng kanyang kahinaan sa kanyang mga kasama ay isang


katangian na mapapasaludo ka dahil kahit anong hirap ng kanilang mga trabaho
nagagawa pa rin nilang humarap sa iyo ng may ngiti sa kanilang mga labi. Sumunod
dito ang pagkakaroon ng paninindigan sa kanyang mga desisyon na alam niyang
nakakabuti para sa lahat. Ang paggawa ng desisyon ay hindi madaling gawain dahil
dala mo ang bigat ng isang gawain at ang magiging kinabukasan ng iyong
pinamumunuan.

Kung ikaw ay gagawa ng desisyon kailangan mo rin ng isang talino at ang


tamang paghusga sa tama at mali. Ang matalinong paghuhusga ay mahirap maabot
nang hindi kasama ang kanyang mga kasamahan dahil kailangan niya malaman ang
mga problema at maaaring solusyon at doon lang siya makakagawa ng isang
matalinong desiyon.

Ayon sa aklat na Sun Tzu: War and Management mayroong limang katangian
ang isang magaling na lider. Ang mga ito ay ang mga sumusunod matalino,
mapagkakatiwalaan, mapagmahal, matapang at istrikto. Ang pagiging istrikto sa
tamang oras ay nakatutulong upang mas maging mabisa ang mga patakaran na
iyong pinatutupad.

Hindi ka maituturing na mabuting lider kung ikaw ay hindi mapagkakatiwalaan.


Mahirap makuha ang tiwala ng isang tao kaya kailangan natin itong pangalagaan.
Noong panahaon ng eleksyon marami ang nagtiwala kay Bongbong Marcos upang
maging pangulo ng Pilipinas sa mga panahon na siya ay naupo bilang presidente
marami ang umaasa sa kanya na masolusyonan ang mga napapanahong isyu sa
ating bansa, ibig sabihin ay binigay nila ang tiwala nila sa kaniya.

Sumunod ay mapagmahal sa paraan na mayroon kang mahabang pasensiya


dahil hindi lahat ay pantay ang antas at kapasidad ng pag - iisip at pag - uugali.
Mayroon kang makakasalamuha na hindi ka gusto at kailangan mo silang
pakisamahan upang maging matagumpay ang iyong polisiya at programa. Mayroon
ring mga taong paulit - ulit kang ibabagsak upang sila ay maging masaya.

Kung ikaw ay mapagmahal kailangan mo rin ng tapang upang harapin ang


hamon na susubukin ang iyong posisyon bilang isang lider. Isa na dito ang
miyembro na hindi alam ang salitang kooperasyon. Kailangan mo itong
komprontahin upang malaman mo kung ano ang problema at ayaw niyang makipag
- koopera sa inyo at matulungan siya sa mga darating na panahon.

AALIYAH NICOLE H. CARLOBOS


GRADE 10 - LOVE
Ang pagiging isang pinuno ay mahirap dahil kailangan mong gawin lahat ng
iyong makakaya upang masabayan ang iyong nasasakupan. Sa pagpili ng isang lider
kailangan mong mag - isip ng mabuti upang maging matagumpay ang inyong mga
gawain at gagawin na programa. Tayo ay may sari - sariling pamantayan at mga
gusto upang mkapili ng isang magaling na tagapamuno. Ikaw! Ano ang mga
katangian na dapat taglayin ng isang mabuting lider.

You might also like