You are on page 1of 3

First WW and PT (1st Qtr)- Paghubog ng Isip at Kilos-loob

PERFORMANCE TASK
Instruction/Situation:
Ang inyong paaralan ay naglunsad ng isang paligsahan tungkol sa pagbuo ng kritikal
na pagsusuri sa akdang pampanitikan tungkol sa kalamidad o suliraning pangkapaligiran
at mga hakbang na maaaring gawin upang masolusyunan ang mga ito.
Sa pagbuo ng kritikal na pagsusuri, ikaw ay inaasahang nakapaglahad ng
mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga nabasang akda na may kinalaman sa
kalamidad o suliraning pangkapaligiran at ang mga hakbang na maaaring gawin upang
masolusyunan ang mga ito .
a. Pagsulat ng Reflective Journal
Tandaan na mahalagang maiuugnay mo ang mahahalagang kaisipan batay sa iyong
sariling karanasan , sa iyong pamilya , sa pamayanan, lipunan na may kinalaman sa
mga nabasa mong akda kaugnay sa kalamidad o suliraning pangkapaligiran at mga
hakbang na maaaring gawin upang masolusyunan ang mga ito.
Output/Product: Reflective Journal / E-Portfolio / Portfolio
Ano ang Reflective Journal?
Ang reflective journal ay isang bagay (kadalasan notebook o kwaderno)kung saan
ay maaaring isulat doon ng isang tao ang mga repleksyon niya sa bawat araw niyang
mga gawain o ginagawa.
Maaaring masama o mabuting mga pangyayari na maaaring gawan ng pansariling
repleksyon at maaaring kapupulutan ng mga aral ang pwedeng isulat sa reflective
journal.
Ang isang reflective journal ay makatutulong sa isang tao upang matukoy ang mga
pangyayari sa buhay na may mapupulot na mga aral.

Paano gumawa ng Reflective Journal?


Ang iyong reflective journal ay personal. Ito man ay isang akademikong pagsulat,
layunin pa rin nito ay ipahayag ang iyong sariling opinyon at panukala ayon sa
nasabing isyu o paksa.
Ipakita mo ang iyong tunay na sarili, dapat ay gamitin ang iyong sariling mga salita
upang ipahayag ang sarili mong mga saloobin, dapat ay mayroon pa ring antas ng
pagkapropesyonal sa iyong tono at uri ng pananalitang ginagamit. Isa-isip ang iyong
mga mambabasa.
Ito man ay personal at pansarili, siguraduhing ipinapahayag kaagad ang iyong
opinyon, iwasang magpasikot-sikot o magpaikot-ikot sa iisang ideya lamang. Iwasan
din ang ang paglalagay ng mga kwentong malayo na ang koneksyon.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Reflective Journal


 Umpisahan mo ito sa masining na panimula, siguraduhin na makukuha ang
atensyon ng mga mambabasa, bago mo umpisahan ang iyong paglalatag ng iyong
mga opinyon, ipakilala mo muna ang paksang iyong binibigyang tugon.
 Ayusin ang organisasyon ng iyong opinyon, gamitin ang iyong karanasan bilang
mga datos na susuporta sa naunang opinyon.
 Gumamit ng mga signal tulad ng mga salitang: sa aking palagay, mula sa aking
obserbasyon, at iba pa upang mailahad ang iyong mga opinyon.
 Tapusin ito sa pamamagitan ng paglilikom ng mga magkakaugnay na kaisipan
upang makabuo ng mabisang konklusyon.

RUBRIKS PARA SA PORTFOLIO / E-PORTFOLIO


(PAMANTAYAN NG PAGPUPUNTOS)
5 puntos bawat pamantayan
Pamantayan 5 puntos 3 puntos
Nilalaman Ang mga larawang ginamit ay may kaugnayan sa paksa Ang mga larawang ginamit ay halos ma
at napadadali ng mga ito ang pag-unawa sa paksa. paksa at napadadali ng mga ito ang pag
Wasto ang lahat ng gamit ng wika sa paglalagay ng paksa. May ilang kamalian sa paggamit
kapsyon Ang mga sanggunian ng lahat ng larawan ay kapsyon . Ang mga
nakalagay sanggunian ng larawan ay halos nakala

Pagkamalikhain Ang portfolio ay sadyang kaakit-akit dahil sa mga Ang portfolio ay kaakit-akit dahil sa pa
disenyo nito na nakatatawag pansin , gumamit ng mga larawan
malawak na imahinasyon sa pagkakahanay ng mga
larawan.
Organisasyon/ Naipakita ang wastong ugnayan at pagkakahanay ng Ilan sa mga larawan ay hindi angkop sa
Pangkalinawan mga larawan , kumpleto ang mga impormasyon at Malinis ang pagkakagawa nito
malinis ang pagkakagawa nito.

QUIZ 1
Sagutan ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa
iyong sagutang papel. ( Pagpipilian para sa 1-5)
A. Sto. Tomas C. Isip E. Pandamdam
at emosyon
B. Kilos Loob D. Sto.Kristo F. Isip at Kilos
Loob
______ 1. Pinalalawak nito at inihahatid sa isip ang mga impormasyong nakalap upang magkaroon ito ng
malalim na kahulugan.
_____ 2. Ito ay umaasa at nagpapasya batay sa mga nakalap na impormasyon at sa ginagawang
paghuhusga ng isip.
_____ 3. Ayon naman kay ______________, ang pagkakaroon ng dalawang dimensiyon ng tao ay ang
nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang mga nilalang. Sto. Tomas de Aquino.
_____ 4. Binubuo ang materyal na katauhan ng tao ng ______________pandamdam at emosyon.
_____ 5. Ang ispirituwal na aspekto ay sumasakop sa _____________ isip at kilos-loob.
_____ 6. Ang dalawang kalikasan ng tao ay _____
A. materyal at ispirituwal B. pandamdam at emosyon C. isip at kilos-loob
D. panlabas at panloob
_____ 7. Ang pahayag na nagsasaad ng tamang impormasyon ay _____
A. Ang materyal na kalikasan ng tao’y tumutukoy sa mental na katangian.
B. Ang materyal na kalikasan ng tao’y pinagmumulan ng diwa at talino.
C. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y pagsasagawa ng pisikal na gawain.
D. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y nagbibigay kakayahang umunawa.
_____ 8. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _____
A. Allan. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa C. Jayvee. Ipinamalita
niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19.
B. Susan. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito. D. Joel. Pinigilan niyang
kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.
_____ 9. Ang mga ito ay katangian ng wastong pag-iisip at pagkilos, MALIBAN sa_____
A. ito ang pinaka-tamang gawin C. naayon sa batas ng Diyos at ng
tao
B. nabuo ito gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos D. ito ay magdudulot ng personal
na kapakinabangan
_____ 10. Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan kung _____
A. pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba C. isaaalang-alang mo ang
kabutihan para sa sarili
B. gagamiting mo nang tama ang isip at kilos-loob D. hahayaang magkamali sa pasya
at magsisi na lang

You might also like