You are on page 1of 1

John Philip C.

Oliva PT
G10-Love Araling Panlipunan

Ang aming komunidad

Eh, paano kung hindi, hindi na lumala pa. Masalimuot na amoy sa


kapaligiran. Sa aming komunidad, walang maayos na tapunan. Alam mo
ba ang epekto nito sa komunidad at lahat ng aspeto ng iyong buhay?.
Pumasok tayo sa mga nangyayari sa aking komunidad at tahanan.

Magulo at paghahalo-halo ng mga basura ang aming


kinakaharap. Mabaho ang mga ito, na maaring
makakuha at makapagpadala ng mga sakit mula sa mga
insekto at peste. Malaki ang epekto nito sa solid
waste at climate change. Sa mga ganitong panahon
na tag-ulan, nagdudulot ito ng mga pagbaha kahit hindi
malakas ang ulan, na pinapalala ng mga basurang
nakakalat na humaharang sa mga kanal. Nakakaapekto rin ito
sa kalusugan ng bawat isa saamin pati narin ang aming kapaligiran.

Alam na namin ang mga kailangang gawin at bigyan ng pansin.


Agarang aksyon nalamang ang kulang at disiplina upang mapigilan ito.
Magsisimula dapat tayo sa ating sarili, hanggat maari ay ibulsa ang mga
pinagkainan at sa tamang basurahan itapon kung mayroon man. Sa
inyong pamilya, sumunod sa paghihiwahiwalay ng mga basura batay sa
nakatalagang pangalan, upang maiwasan ang paghahalo-halo ng mga ito.
Sa ating komunidad ay sumunod sa itinalagang oras at lugar sa pagkuha
ng mga basura sa buong komunidad, upang maiwasan ang pagkalat nito
kung saan-saan. Maraming mga paraan upang ito ay masolusyunan,
bigyan natin ito ng pagkakahalagahan.

Ang problema ng aming komunidad ay


ang solid waste. Maliit na gawain ang
pinobroblema, ngunit malaki ang nakasalalay,
ang aming kalusugan, at maraming aspeto ng
aming buhay. Ang ilan ay sumusunood,
ngunit marami ang naiiwan. Maramimg
solusyon, ngunit marami ang sumusuway. Kung
lahat ay isinasaisip at isinasapuso ang ganitong
problema, marami na tayong nasolusyunan at nalagpasang mga
suliranin. Ikaw? ano ang ginagawa mo sa iyong
komunidad?.

You might also like