You are on page 1of 2

Hindi maikakailang ibang-iba na ang pamumuhay natin ngayon kumpara noong unang

panahon. Kapansin-pansin ang pag-unlad ng paraan ng pamumuhay na ating tinatamasa


kumpara sa ating mga ninuno. Gayunpaman, marami na ring mga kaganapan na nagdulot ng
pagbabago hindi lamang sa estado ng ating pamumuhay, kundi pati na rin sa ating kapaligiran.
Kaakibat nito ay ang pag-usbong ng iba’t ibang bagay na produkto ng mga malikhaing pag-iisip.
Isa na rito ay ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Dahil dito ay marami ang nabago at
naging mas epektibo ang ating pamumuhay. Marami na ang mga nadiskubreng bagay na
nakaambag nang husto sa pag-usbong ng bagong kabihasnan. Unti-unti ng nabawasan at
nawala ang ating kamangmangan.

Sa simula ay sapat ito at kuntento tayo sa biyayang dulot nito sa ating buhay, subalit, sa
paglipas ng panahon, dumami ang ating mga pangangailangan. Ito ang naging dahilan upang
umisip ng paraan ang tao kung paano matutugunan ang mga pangangailangang ito. Ang mga
imbentor ay walang humpay sa paglikha dahil hindi nauubos ang pangangailangan ng tao.

Sa tulong ng agham at makabagong teknolohiya, nagbago ang mga pamamaraan ng ating


buhay, pati na rin ang ating kapaligiran. Nakapaglakbay ang tao sa kalawakan at narating din
ang ilalim ng karagatan. Kung nais ring makipag-ugnayan sa taong nais makausap ay madali
na lamang dahil sa cellphone o hindi kaya ng social communications site sa internet.

Ngunit sa likod ng lahat ng kaunlarang ito ay ang hindi maitatagong pagkawasak ng


kalikasan. Umabot na sa sukdulan ang lahat. Nawala na sa ating mga isip ang tamang
pangangalaga sa kalikasan na siyang nagbigay sa atin ng buhay at pag-asa. Mas nakatuon ang
ating pansin sa pagtugon ng ating mga pangangailangan. Unti-unti nang nauubos ang mga
yamang likas dahil sa sobrang pagkuha natin sa mga ito upang makaimbento ng mga bagong
produkto. Gaya na lamang ng pagputol ng mga punong kahoy upang makakuha lamang tayo ng
‘lumber‘. Dahil dito, unti-unting nakakalbo ang ating mga kagubatan. Ito rin ay maaaring maging
sanhi ng mas malalang pangyayari, gaya na lamang ng pagbaha o landslide. Marami-rami na
rin tayong naririnig na mga ulat sa radyo ukol sa unti-unting pagkawasak ng kalikasan sa iba’t-
ibang bahagi ng mundo. Hindi lamang at epektibo.

Sa hindi natin siguro na hinaharap, darating at darating talaga ang mga sakuna na bunga ng
ating pag-abuso sa kalikasan. Gaya na lamang ng matinding baha, landslide, at matinding
tagtuyo na kumikitil ng libu-libong buhay. Kaya naman, kung sobra na ang naging dulot ng
Yolanda at iba pa, marahil ay hindi pa titigil sa pagbibigay ng parusa ang Inang Kalikasan dahil
sa ating pagiging abusado at pagpapabaya. Ngunit, hindi pa huli ang lahat; maaari pa nating
mabago ang mga posibleng mangyayari sa hinaharap.

DISIPLINA! Ito ang kailangan upang ang mga suliraning ito ay malutasan. Dapat nating
matutunan ang pagkontrol sa pagkuha at paggamit ng iba’t-ibang likas na yaman. Sa halip, ito
ay ating pagyamanin.

Dapat tayong sumunod sa mga alituntunin na naglalayong mapangalagaan ang mga ‘wildlife’
at kalikasan. Dapat tayong magsagawa ng mga solusyon kahit ito ay mga simpleng bagay,
gaya ng pagtatanim muli sa mga nakalbong gubat (reforestation) at ng pagtatapon ng maayos
ng ating basura; ito ay dapat sa ating sarili mismo magsimula. Ang mundo ay iisa lamang at ito
ang ating tahanan. Gaya ng ating buhay, nararapat lamang na alagaan at pahalagahan natin
ang biyayang ito na bigay ng Maykapal. Wala nang ibang panahon, kundi ngayon na – iisa lang
si Inang Kalikasan at nasa ating mga kamay ang solusyon upang maibalik siya sa kanyang
dating kaanyuan. tayong mga tao ang apektado nito kundi, pati na rin ang mga hayop. Mayroon
nang mga kilusang itinaguyod upang masolusyunan ang mga alarma at suliraning ito, subalit sa
kabila ng lahat, hindi pa rin ito sapat

You might also like