“May pambili ka pa ban g hangin? Kasi hindi na ako makahinga.”
Isang Katanungan na posibleng maging usap – usapan sa hinaharap. Marahil nagtataka kayo Kung sino ako at bakit ako narito sa inyong harapan. Ako si _______________________ at narito ako ngayon upang talakayin at buksan ang inyong mga mata sa hindi nawawalang isyu patungkol sa kalikasan. “Kalikasan”, simpleng katawagan sa lugar kung saan tayo ay naninirahan at kumukuha ng pangangailangan. Pagkain, damit at tiraha, tatlo lamang sa pangangailangan ng tao para mabuhay. Subalit sa pagdaan ng maraming taon ang kalikasan ay unti – unting naglalaho dahil tumubo sa puso ng tao ang maimbot na pagahahayag sa katanyagan. Pagnanasa sa higit pa sa kanyang pangangailangan. Pangangailang nasa – salig sa maksarili at makitid na layunin. Walang masama sa pag- asam ng pag – unlad o pag – asam ng kaginhawaan. Ang masama ay yung naninira na tayo nang sobra – sobra para lamang sa ating mga sarili, isipin natin na kahit kalian ay hindi matatawag na maunlad ang isang bansa kung halos lahat ng ng kaniyang mamamayan ay nasasabik sa malinis na tubig, matamis na prutas at gulay,sariwang hangin at luntiang paligid. Hindi pag – unlad ang tawag doon kundi isang delubyo. Sa mabilis na takbo ng panahon, kapansin – pansin ang paguunad ng paraan ng pamumuhay na ating tinatamasa kumpara sa ating mga ninuno. Hindi maitatanggi na kalimitan sa mga pagbabagong ito ay bunga ng modernong teknolohiya. Oo, malaking tulong ang teknolohiya sa pangaraw – araw nating buhay, ngunit sa SARILING kalamangan lamang natin. Kung nakakapag salita lamang ang ating inang kalikasan, marahil siya’y magmamakaawang tulungan siyang makabangon muli. Sa totoo lang, hindi naman kailangan ng kalikasan ang tao, kung hindi dahil sa kanya, walang taong magtatagal ng isang Segundo ditto sa mundo. Gising tayo! Puro tayo share ng post na #prayforamazon pero hindi mo magawang magtapon ng basura sa tamang tapunan? Patuloy nalang ba tayong mabubuhay sa ilusyon kaysa ayusin natin ang lumalalang polusyon? Sa tubig, lupa at hangin, tumulong tayo sa mga bagay na mahalaga kaysa sa taong gusto mo na para sa kanya, hindi ka naman mahalaga! Bilang isang tao na may responsibilidad sa kalikasan, may magagawa pa tayo para mapigil pa ang mga masasamang epekto nito, Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito. Ngunit kung papairalin natin ang kapabayaan, patuloy na masisira an gating kalikasan at huwag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ang kalikasan. Laging tatandaan: Nasa huli ang pagsisisi.