You are on page 1of 3

Belleza, Jervis Boris

10 - Pterocarpus
Mr. Bernardo

Aksiyon ngayon,
kinabukasan bukas
Ang mga larawang aking kinuha ay mga larawang
nagpapakita ng mga taong nagtatanim para sa ating
kinabukasan. Ayon sa istatistiko, ang Pilipinas ay
nawawalan ng 52,000 na mga puno sa araw araw na
nagiging dahilan ng pagkawala ng tinatayang 1.34MHa
ng tree cover ng Pilipinas. Kung ating iisipin, ang mga
numerong ito ay lubhang nakakabahala, pinapatunayan
ng mga numerong ito ang ating kapabayaan bilang mga
tao at kabiguang pangalagaan ang kalikasan ng
mundong ibinigay sa atin ng Maykapal. Masasabi kong
ito ang pangunahing nating problema bilang mga tao.
Masyado tayong nakakampante sapagkat lingid ang
kaalaman ng ating ilang kababayan sa tunay na
pahamak ng kanilang nakaugalian. Kuha tayo ng kuha
ngunit hindi naman natin iniisip ang magiging epekto
nito sa atin bilang mga tao. Kung ikaw ang tatanungin,
masasagot mo ba ang katanungang mabubuhay ba ang
sangkatauhan kapag nawala na ang mga puno at
halaman? Panigurado ay mahihirapan tayong
masagutan ito sapagkat alam natin sa ating sarili na
kinakailangan natin ito. Saan tayo kukuha ng mga
materyales na kinakailangan sa mga imprastraktura
kapag nawala ang mga puno? Saan na lamang tayo
lalanghap ng sariwang hangin?
Saan tayo hahanap ng silong mula sa galit na galit na araw?
Paano nalang ang mga naninirahan sa mga bundok na laging
naapektuhan ng landslide? Paano kapag bumaha? Ano pa ang
sisipsip ng tubig? Paano na ang mga ating kababayan na
nabubuhay sa mga lugar na kinakailangan ang punong kahoy?
Mga katanungan na malimit hindi natin mabigyan ng sagot
sapagkat wala namang makakapalit sa mga benipisyo na bigay
sa atin ng mga puno. Kung kaya naman bilang kabataan, hindi
ko hahayaang mabuhay ang aking anak sa mundong tuyo,
masalimuot, at puro lupa ang makikita. Hindi ito ang aking
nakagisnang berdeng mga luntian at gusto kong madama at
maramdaman nila ang preskong hangin at aliw na dala ng mga
nag-gagandahang mga puno. Hindi pa huli ang lahat para
kumilos, hindi lang naman tayo ang apektado rito.
Nanganganib rin ang ekonomiya ng ating bansa at ang
mismong planeta rin. Agahan natin ang pag-aksiyon sapagkat
maraming mga alternatibong paraan upang mailigtas ang mga
punong-kahoy, kinakailangan lang ang kooperasiyon ng lahat
kasama na ang gobyerno. Ating tandaan na ang maliit na
hakbang ay hakbang parin patungo sa iisang mithiin. Totoo ang
climate change at hindi ito haka-haka, kung gusto nating
mapreserba ang ating planeta at mga puno nito, tayo na't
umaksiyon. Para sa ating kinabukasan, para sa ating diyos, sa
susunod na henerasyon, sa mundo, at sa ating mga sarili bilang
pambawi sa mga pang-aabusong ginawa rito. Halina't
magtanim ng puno!!

You might also like