You are on page 1of 3

Pasensya na dahil ang mamumulatan nyo madumi at magulong mundo.

Pasensya dahil madadamay kayo sa kagustuhan naming para gumawa ng kakaiba.

Padawad dahil nakinig kami sa mga taong gumagawa ng excuses para gumawa ng wala.

Hindi lang naming na realized kung gaano kaespesyal ang mundo tulad ng kasal na nawalan ng
saysay, hindi natin alam ang ating ginagawa hanggang ito ay wala na.

halimbawa alam kong alam mo ang --------------- oh wala ka na masyadong alam tungkol sa mga
puno? Hindi ba? Well sasabihin ko sayo ang puno ay amazing, ibig kong sabihin tayo ay
humihinga ng hangin na ginawa nila. Nililinis nila ang polusyon o carbon, sila ang nag iimbak at
nagsasala ng tubig. Binibigyan tayo ng gamut na lulutas sa ating sakit. pagkain na nag tutustos sa
atin.

Kaya ako ay himihingi ng patawad dahil sinunog naming itong lahat.

Pinutol gamit ang brutal na makina na kasing laki ng 40 football field kada isang minute kaya
umaabot ng 50% ng lahat ng puno sa buong mundo ang Nawala noong mga nakaraang 100 taon.

Bakit? Para dito (pera)

at hindi sana ako magiging ganoong kalungkot kung hindi lamang madaming litrato ng mga
puno dito. Nung bata pa ko may nabasa ako tungkol sa kung paano ang mga native americans ay
mayroong konsiderasyon sa ating mundo at pagiging responsable at iniisip ang lupa para sa mga
susunod na henerasyon kaya ako ay sobrang nalulingkot dahil halos lahat ngayon ay wala ng
pakialam sa bukas.

Patawad dahil inuna muna ang pag kita kaysa sa makita ang magiging resulta.

Inuna ang rule of gold kaysa sa golden rule.

Patawad dahil ginamit naming ang kalikasan na parang credit card na walang spending limit
kaya ang mga hayop ay unti unti ng nauubos.

Ipinagkait ang chance na makita nyo kung ka kakaiba at maging kaibigan sila.

Pasensya dahil nilason naming ang dagat na hindi na maaring pagliguan pa. higit sa lahat,

patawad ng dahil sa aming mindset nagawa namin ang ganityong pagkasira.


Sa mga kumpanya ng minahan, illegal loggers at walang pakielam na mamamayan sa tingin nyo
ba ang climate change ay hindi banta.

Subukan nyong interviewhin ang mga libo libong Yolanda victims o ------------ makikita nyo na
habang kayo ay nagpapasarap sa inyong home sweet home sila naman ay literal na wala ng
bahay pero ------------- (isang tao na may ginawang mali) maaring hindi nyo na lamang ito
pansinin pero ang isang katotohanan ay maari nyo ito maitatanggi pero hindi hindi nyo ito
matatakasan.

Patawad dahil ang mga yapak namin ay naging sinkhole at hindi hardin.

Patawad dahil mas pinag tuuunan namin ng pansin ang ---------- at maliit lamang sa pagkatunaw
ng yelo sa arctic.

Patawad dahil binigo naming kayo at patawad dahil hindi kami makahanap ng panibagong planet
na malilipatan.

Alam mo ba cut the beat,

Ang future hindi ko ito tinatanggap dahil ang error ay hindi magiging pagkakamali hanggat
sumuko kang itama ito.

Maari nating baguhin ito. Paano? May suggestion ako, kung ang magsasaka ay Nakita ang
punong hindi na malusog hindi nila titingnan ang bawat sanga para malaman tinitingnan nila ya
ang ugat katulad ng magsasaka dapat nating tingnan ang pinaguugatan at hindi ang sangay ng
gobyarno at hindi ang mga politikong nagpapatakbo ng korporasyon.

Tayo ang ugat. Tayo ang pundasyon. Itong henerasyon ngayon, ito ay nasa atin kung aalagaan
antin ang ating planeta.

Ito lang ang ating tahanan. Dapat tayong magkaroon ng puso para sa buong mundo at baguhin
ang klima sa ating mga kaluluwa at isiping hindi tayo nakabukod sa kalikasan sa halip tayo ay
parte ng kalikasan.

Ang pag traydor sa kalikasan ay pagtrayor sa sangkatauhan at ang pagligtas sa kalikasan ay ang
pag ligtas sa lahat.
Dahil kahit ano man ang iyong pinaglalaban, para sa kahirapan, human rights, LGBT o kahit
anong uri ng pagkakapantay pantay hindi ito makakapantay dahil kung hindi tayo kikilos lahat
para iligats ang kalikasan tayo ay pantay-pantay na mawawala.

Bakit pinuputol ang mga puno sa kagubata na may sobrang taas na rate para dito-------

ngayon nabubuhay tayo sa mundong pinuputol ang puno para sap era.

Ano ang pwede nating gawin tungkol dito? Isang direktang pagtatanggol sa pagkasira ay
manindigan para sa mga puno.

Ang pagtayo para sa mga puno ay hindi lamang para sa kagubatan kundi para din sa
mgakomunidad at mga hayop na naninirahan doon.

Dagdag pa dito mababalanse natin ang dami ng polusyon na ikaw sa sarili mo ang nagbibigay sa
pangaraw araw na aktibidad. Maging isang parte ng solusyon at hindi sa problema. Ito ang pinili
ko pero kahit anong paraan ang gawin mo para iligtas ang mga puno gawin mo ito. Dahil sab
inga ng isang pilosopo kapag ang ilog ay tuluyan ng natuyo at mga puno ay naputol ng lahat
doon pa lamang marerealize ng mga tao na hindi nila makakain ang pera

You might also like