You are on page 1of 2

Xeldan Seth B.

Casyao

Tekstong Deskriptibo
Ang ating Mundo

Daigdig, ikatlong planeta mula sa araw, ito lamang ang planetang mayroong
kapaligiran na naglalaman ng sariwang hangin, sariwang tubig, sariwang mga pagkain
at higit sa lahat buhay. Ito ang ating tahanan. Kaya ito ay ating pangalagaan at wag
abusuhin. Yan ang mga salita na palagi nating naririnig at tinuturo sa ating mga
magulang na sana dapat isapuso natin at ilagay sa ating isip. Pero kamusta naba ang
ating mundo? Kamusta naba ang mga kayamanan sa ating mundo? At kamusta naba
ang mga nakatira nito.

Ating pangalagaan at wag abusuhin mga salita na dapat isapuso at ilagay sa isip
pero bakit ngayon hinay hinay nang nawawasak ang ating mundo, dahil bato sa mga
kalamidad na pumapasok o dahil bato sa kakulangan ng mga tao? Mga pinuputol na
kahoy na hindi pinapalitan hanggang sa mga basura na nagkalat kung saan saan na
nakakain ng mga hayop, mapa lupa man o karagatan. Maraming tao ang hindi nila alam
na sa kaunti nilang paglabay ng basura ay maraming hayop na nag dudusa dahil rito, at
sa pagputol nila ng mga kahoy sa kagubatan ay nawawalan ng tirahan ang mga hayop
at hindi lang mga hayop ang nag dudusa dito kundi tayo ring mga tao lalo na kung may
bagyo at nagkaroon ng landslide wala ng tumitigil nito at dahil dito maraming mga tao
ang namamatay. Natatakot tayong mangyari ang mga trahedyang ito pero hindi natin
alam na tayo lang rin pala ang gumagawa nito.

Ang ating mundo sa mga nakaraang mga taon ay iba na ngayon sa kagubatan
na puno ng kahoy, tirahan ng hayop, mga sariwang pagkain, napalitan na ng mga
imprastraktura, mula sa kagubatang mala paraiso napalitan na ng abohan at sunugan
na kagubatan na kung saan tao lang ang gumawa. Ang mundo ay dapat bigyan sana
natin ng pangangalaga at pahalagahan natin wag natin itong abusuhin at wasakin dahil
ang ating mundo ay nag iisa lamang ito. Tayo ay mag bagong buhay na dahil 2020 na.
Palitan natin ang ating mga hindi magandang saloobin at magpakabait.

You might also like