You are on page 1of 1

KALIKASAN

Bakit ngaba kailangan nating alagaan ang ating kalikasan?


Ang kalikasan ay isang biyayang hindi kayang pantayan ng
anumang materyal na bagay. Ito ang nagbibigay buhay sa atin,
nagbibigay ng sariwang hangin na ating linalanghap, malinis na
tubig na ating iniinom, at pagkain na ating kinakain. Ngunit, sa
kasalukuyan, ito ay patuloy na inaabuso at nilalabag.
Nakikita natin ang mga epekto ng pagkaubos ng mga
kagubatan, at polusyon ng karagatan. Dapat tayong magkaisa
upang mapanatili ang kalinisan ng kalikasan para sa susunod na
henerasyon.
Maaari tayong magtanim ng puno, at maging responsible sa
pagtatapon ng basura. Malalaman natin ang halaga ng kalikasan
kapag ito’y nawala na.
Sa huli, nawa’y maging mas mabisang tagapagtanggol tayo ng
kalikasan, sapagkat ito ay nagbibigay buhay sa ating lahat.

Kim M. Matamis 12-voltaire

You might also like