You are on page 1of 1

ANG KALIKASAN NOON AT NGAYON

Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas


na yaman natin ngunit ano nga ba ang kalikasan noon at
ngayon?
Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon,
mapapansin natin ang ilang pagbabago na nagaganap sa
ating kapaligiran. Noon ang kalikasan natin ay sagana sa
mga likas na yaman, maraming puno, sariwang hangin,
magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at
ilog.Pero ngayontayo ay namumuhay wsa isang kalikasan
na animoy bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang
buhay na kapaligiran. Pansinin ninyo ang ating ilog, dibat
napakarumi na nito? Ang mga mapang abusong tao ay
ginagawang tapunan ng mga basura ang ating ilog! Yan
ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin
ngayon.
Ano ba ang nararapat nating gawin upang kalikasan natiy
maibalik sa dati nitong ganda? Pagsunod sa batas na
dapat nating sundin ang sinuman upang kalikasan natiy
maibalik sa dati nitong anyo at ganda!
Pahalagahan natin ang kalikasan, at pahalagahan ang
bawat natitirang likas na yaman ng ating bansa! Dahil ang
labis na pang aabuso sa ating kalikasan ang siyang
magiging sanhi ng pagka wasak at pagka wala ng mga
likas na yaman. Iligtas natin ang ating kalikasan, ingatan
natin ito dahil ito ang magiging susi ng pag asenso ng
ating bansa.

You might also like