You are on page 1of 74

Aralin 2: Sa Harap

ng Kalamidad
Taon tao ay nakararanas ng kalamidad ang iba’t
ibang bahagi ng mundo, pati na ang ating bansa.
Napakalaking pinsala ang dulot sa ating buhay, ari-
arian, at kapaligiran.

Paano tayo makakaiiwas sa masamang epekto ng


kalamidad?

Taon-taon, maraming kalamidad ang nararanasan


ng mga tao sa Pilipinas. Ang KALAMIDAD ay
itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng
malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian,
kalusugan, at buhay ng mga tao sa lipunan. Ang ilan
sa mga kalamidad na madalas maranasan ng
Pilipinas ay bagyo, baha, lindol, landslide, flashflood,
pagputok ng bulkan, at storm surge.
MGA NARARANASANG KALAMIDAD SA
ATING BANSA
Isa sa mga kalamidad na nararanasan ng bansa ay
ang El Nino phenomenon. Ito ay sinasabing isang
kakaibang panahon bunga ng pag-init at
katubigan ng Karagatang Pasipiko. Ang mga
bansang apektado ng El Nino ay nakararanas ng
matinding tagtuyot na magiging sanhi ng
problemang pangabuhayan, lalo na ng mga
bansang agrikultural. Ang kabaligtaran naman ng
El Nino ay tinatawag na La Nina na kung saan
nagkakaroon ng matagal na tag-ulan na nagiging
sanhi ng pagbaha. Ang El Nino at La Nina ay
nararanasan ng mga bansang nasa pasipiko.
EPEKTO NG
EL NINO

EPEKTO NG
LA NINA
Madalas makaranas ng bagyo ang ating
bansa. Mga 19 hanggang 30 ang bagyong dumaraan
sa ating bansa taon-taon. Maliban kung panahon ng
El Nino. Kadalasang nagaganap ang mga ito mula
buwan ng Mayo hanggang Oktubre dahil ang
Pilipinas ay nasa daanan ng mga bagyong
nanggagaling sa rehiyon ng Marianas at mga pulo ng
Caroline sa Karagatang Pasipiko. Madalas na
pakanluran ang tinatahak ng direksyon ng mga
bagyo. Naglilihis ang mga karamihan nito at
nagiging pahilagang-kanlurang direksyon habang
papalapit sa bansa, patungong Luzon at Visayas.
Dahil napaliligiran ang ating bansa ng malalaking
anyong tubig, mataas ang posibilidad na magkaroon
ng mga tsunami, storm surge (daluyong), o tidal
wave sa mga baybayin nito.
Noong Nobyembe 8, 2013 ng Super Typhoon
Yolanda—na may babalang bilang 4—ang
Visayas partikular ang Leyte at Samar.
Nakaranas ang mga nakatira rito ng
malubhang storm surge na nagdulot ng
matinding pagkasira ng kapaligiran at ari-
arian, at pagkamatay ng libo-libong tao rito.
Madalas din ang pagbaha sa mababang lugar
sa ating bansa. Maaaring dulot ito ng malakas
na bagyo, biglaan at matinding pagbuhos ng
ulan o malakas at matagal na pag-ulan.
Maaaring dulot din ito ng pag-apaw o
pagbabara ng mga kanal, estero, ilog at iba’t-
ibang daluyan ng tubig. Nagiging sanhi o
nagpapalala rin ditto ang pagkakalbo ng mga
kagubatan dahil wala na ang mga ugat ng
mga punong kahoy may sumisipsip sa tubig
ulan o humaharang sa daloy nito. Dala rin pala
ng mga matinding pagbagyo ang flash flood o
biglaang pagbaha na nararanasan sa ating
bansa tulad ng malubhang pinsala ng bagyong
Ondoy noong 2009.
Epekto ng Bagyong Ondoy
Landslide

• O pagguho ng lupa na nagaganap sa iba’t


ibang bahagi ng ating bansa.
• Maaari itong maganap kapag may malakas
o tuloy-tuloy na pag-ulan sa matataas na
lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol.
• Maaari ring magkaroon nito dahil sa
quarrying o pagmimina
Volcanic
Eruption

-o ang pagputok ng bulkan.Sa halos


200 bulkan sa pilipinas dalawampu’t
apat lamang ang aktibo.
• Ito ay ginawa upang
mabawasan ang
Geohazard
masamang epekto ng
mga sakuna o
Mapping
kalamidad
• Ang kagawaran ng
Kapaligiran at Likas
Yaman ang nagpatupad
nito upang matukoy
ang mga lugar na
madaling tamaan ng
mga sakuna o
kalamidad.
• Ito din ang nagbibigay
ng impormasyon kung
ano bang mga bansa
ang may mataas na
antas ng peligro kapag
may baha.
Layunin ng
Geohazard Mapping
• Mapangalagaan ang buhay ng
mga tao at mga hayop laban sa
mga kalamidad na
dumadating.
• Mga ari-arian
• Mga Impraestruktura
• Ang komunidad sa paghahanda
laban sa mga kalamidad.
Mga Lalawigang madalas
tamaan ng lindol ayon sa
DENR

1. Surigao Del Sur 6. Tarlac


2. La Union 7. Ifugao
3. Benguet 8. Davao Oriental
4. Panggasinan 9. Nueva Vizcaya
5. Pampangga 10. Nueva Ecija
Narito ang ilang lalawigan na
pinakamadalas makaranas ng
panganib sa bagyo:

1. Cagayan
2. Albay
3. Ifugao
4. Sorsogo
5. Kalinga
Ayon sa pag-aaral ng NDMMRC, ito
ang ilang lalawigan na madaling
tamaan ng pagbaha:

1. Pampanga
2. Nueva Ecija
3. Pangasinan
4. Tarlac
5. Maguindanao
6. Metro Manila
7. Bulacan
Narito ang mga lugar na
mapanganib sa pagguho ng lupa
dahil sa lindol:

1. Ifugao
2. Lanao del Sur
3. Saranggani
4. Benguet
5. Mountain
Province
6. Bukidnon
7. Aurora
Mga lugar na mapanganib sa
pagputok ng bulkan:

1. Camiguin
2. Sulu
3. Biliran
4. Albay
5. Bataan
6. Sorsogon
7. South Cotabato

Camiguin at Sulu ang pinakananganganib


na lugar sa pagkakaroon ng volcanic eruption. Ang
Camiguin ang isa sa pinakananganganib dahil
maliit ang pulong ito, samantalang sa Sulu ay
makikita ang pinakamaraming aktibong bulkan.
Mga lugar na mapanganib sa
tsunami:

1. Sulu
2. Tawi-Tawi
3. Basilan
4. Batanes
5. Guimaras
6. Romblon
7. Siquijor
Pangunahing lugar ang Sulu at Tawi-
Tawi na maaaring makaranas ng
tsunami dahil malapit ang mga lugar na
ito sa Sulu Trench at Cotabato Trench.
Maaaring makaranas ng matinding
kalamidad ang mga lugar na ito dahil
marami rin ang mga naninirahan dito.
Mataas din ang posibilidad na
magkaroon ng tsunami sa Basilan dahil
sa malapit ang lalawigang ito sa anyong
tubig. Nakaranas na ang Romblon ng
tsunami.
Mga Gawain na Nagdudulot at
Nagpapalala ng Kalamidad

Pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng


tubig
Pagkakalbo ng kagubatan
Paninirahan sa paanan ng bulkan
Paninirahan sa estero, baybay ng ilog, o
dagat
Pagkasira ng ozone layer
Pagmimina at Quarrying
Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa
mga mapanganib na lugar
Mga Epekto ng mga
Kalamidad sa Ating Bansa
Narito ang mga ilang datos mula sa
pagsusuri ng UNISDR Prevention Web
tungkol sa pinsala na dulot ng
kalamidad sa buhay at ekonomiya ng
ating bansa mula 1980 hanggang 2010
Bilang ng pangyayari 363
Bilang ng taong namamatay 32,956
Dami ng mga namamatay 1063
bawat taon
Bilang ng taong napinsala 116,212,416
Dami ng mga tao na 3,748,788
napipinsala bawat taon
Pinsala sa Ekonomiya(US$ X 7,417,145
1,000)
Ang bar graph na nasa ibaba ay nagpapakita ng
mga datos kung gaano kadalas mangyari ang mga
kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Drought 7
Earthquake 12
Epidemic 10
Flood 94
Insect 1
Mass mov. dry 3
Mass mov. wet 24
Storm 200
Volcano 14
Wildfire 1
0 100 200 300
Bilang ng Pinsala sa Ekonomiya
Ipinakikita sa tsart ang halaga ng pinsala sa
ekonomiya dulot ng mga kalamidad sa bansa.
Sa lahat ng mga kalamidad sa mundo, ang
bagyo ang naitalang may pinakamalaking
pinsala na umabot ng mahigit anim na milyon
(US Dollar X 1,000) kumpara sa paglindol,
pagbaha at pagsabog ng bulkan.
5
4.5
(US Dollar X 1,000)

4
3.5
3
2.5
2
1.5 Series 1
1
0.5
0
Nabuo Sa may Micronesia noong
Nobyembre 3, 2013
Nanalasa sa Pilipinas Nobyembre 8, 2013
Mga Epekto Pinakamalakas na hangin 230 km/h (145 mph)

ng Ilang
(10 minutes sustained)
315 km/h (195 mph)
Pangunahing (1-minute sustained)

Kalamidad Pinakamababang presyon


(Lowest pressure)
895 hPa (mbar) (Tinataya)

Laki 360 milya ang lapad o width


Taas ng alon ng storm surge 5-7 metro o 15-19 feet ayon
sa PAGASA
Super Mga nasawi 6,340 katao kumpirmado
Typhoon Nawawala 1,061 katao
Yolanda Nasaktan 28,689 katao
(Typhoon Nasirang tahanan 494,611

Haiyan) Nawalan ng tahanan 3 milyong tao


Halaga ng mga nasalanta Php89.6 bilyon o 2.05 bilyon
(2013 USD)
Ibang bansang naapektuhan Micronesia, Southern China,
at Vietnam
Bagyong Ondoy
Nabuo Northwest ng Palau noong
Setyembre 23, 2009
Nanalasa sa Pilipinas Setyembre 26-30, 2009
Pinakamalakas na hangin 130 km/h (80 mph)
(10-minutes sustained)
165 km/h (105 mph)
(1-minute sustained)
Pinakamahabang presyon 960 hPa (mbar)
(lowest pressure)
Mga nasawi 747 katao
Mga nawala 37 katao
Taong naapektuhan 4.9 milyon+ tao
Halaga ng mga Php 11 bilyon
nasalantang ari-arian
Ibang bansang Cambodia, Laos, Vietnam,
naapektuhan China, at Thailand
Nabuo Malapit sa Caroline Islands
noong November 1, 1991
Nanalasa sa Pilipinas November 2-7, 1991
 Bagyong Pinakamalakas na hangin 75 km/h (45 mph)
Uring (10-minute sustained)
85 km/h (50 mph)
(Tropical (1-minute sustained)
Storm Pinakamababang presyon 992 mbar (hPa);
Thelma) (Lowest pressure) 29.29 in Hg
– Ormoc Laki 360 milya ang lapad o width
Flash Taas ng tubig na may 10 talampakan o feet ayon
Flood dalang putik, bato, puno, sa PAGASA
at iba pa
Mga nasawi 5,101 katao
Mga nawala 3,000 katao tinataya
Taong naapektuhan 14,000
Halaga ng mga $27.67 milyon (1991 USD)
nasalantang ari-arian
Ibang bansang naapektuhan Vietnam
Pagputok ng Bulkang Pinatubo
• Pumutok ito noong Hunyo 15, 1991 mula sa
pagkakahambing ng mahigit sa 600 taon
• Ito ang pinakamalaki at pinakamalakas na pagputok ng
bulkan para sa ika-20 siglo
• Nagbuga ng matinding abo at nagkaroon ng pyroclastic flow
o lahar na nakaapekto at nakasira sa mga hayop, halaman,
at ari-arian
• Ang epektong pagputok nito ay naramdaman sa buong
mundo. Lumamig ang daigdig ng 0.5 degree celsius

Taas 1,486 metro (4,875


talampakan)
Uri Stratovolcano
Hulyo 16, 1990
Lindol sa Luzon
Ang lindol na naganap noong Hulyo 16, 1990 ay isa sa
pinakamalakas na paglindol sa Pilipinas. Ito ay umabot
sa lakas na 7.7 Ritcher Scale na kumitil sa buhay ng
918 na katao, at 864 naman ang bilang ng mga
nasugatan. Maraming gusali at bahay ang nasira na
tinatayang nagkakahalaga ng Php 10 bilyon sa mga
lungsod ng Baguio, Cabanatuan, Dagupan, San Carlos,
at sa iba pang bayan ng Nueva Ecija, Tarlac, at
Pangasinan.
Paghahanda sa mga
kalamidad
Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng mga
kalamidad, ngunit maaari tayong gumawa ng
mga paraan upang mabawasan ang mga
maaaring matinding epekto ng mga
kalamidad sa ating buhay at ari-arian.
Upang maging handa ang mga mamamayan
sa pagdating ng ulan, naglabas ng gabay ang
PAGASA na naglalayong makatulong upang
maibsan ang matindi at maaaring masamang
epekto, lalong-lalo na sa pagdating ng
malakas na bagyo na may dalang malakas na
ulan
Mga Babala ng Bagyo
Public Storm Warning Signal (PWS)
-Ipinalalabas ng Phillipine
Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration-
Department of Science and Technology
(PAGASA-DOST) upang malaman ng
mga tao kung gaano kalakas ang
paparating na tropical cyclone o bagyo
at mga dapat gawin
Bagyo
Babala Bilang 1 (PSW #1)

Sa loob ng 36 na oras,inaasahan ang


pagdating ng hanging may lakas na 30-
60 kilometro bawat oras (kph); may
manaka-nakang pag-ulan. Maging
handa sa mga mangyayari. Mga
kalakalan ay magpapatuloy katulad ng
dati. May pasok sa mga paaralan at
opisina
Babala Bilang 2 (PSW #2)

Sa loob ng 24 na oras, inaasahang


darating ang hanging may lakas na 61
hanggang 100 kph. Maaaring mabali
ang mga sanga ng mga puno at
masiraang mga mahihinang
estrukturang nakatayo. Ang mga klase
sa mababa at mataas na paaralan ay
suspendido. Siguruhing matibay ang
bahay na tinitirhan
Babala Bilang 3 (PSW #3)

Sa loob ng 12-18 na oras, inaasahang


darating ang hanging may lakas na
121-170 kph. Kailangang manatili ng
mga tao sa loob ng bahay o lumipat sa
mas matibay na gusali. Ang mga klase
sa lahat ng antas ng paaralan ay
suspendido
Babala Bilang 4 (PSW #4)

Sa loob ng 12 na oras o di kaya’y mas


maaga pa, darating ang bagyong may
lakas na 171-220 kph. Ang bagyo ay
lubhang mapanganib. Kailangang
lumikas sa ligtas na lugar kung may
nakaambang na panganib tulad ng
landslide, pag-apaw ng tubig o ilog o
storm surge sa lugar
Babala Bilang 5 (PSW #5)
Sa loob ng 12 na oras o di kaya’y mas maaga
pa, darating ang bagyong may lakas na 220
kph o mahigit pa. Ang bagyo ay lubhang
mapanganib. Kailangang lumikas sa ligtas na
lugar kung may nakaambang na panganib
tulad ng storm surge sa lugar. Maaaring
umabot sa mahigit 3 metro ang taasng
daluyong na magdadala ng maraming tubig
at malawakang sisira sa mga ari-arian at
kapaligiran sa mga baybay dagat
Flood Alerts
Yellow Rainfall Advisory
-Ang itinataas kung inaasahang bubuhos ang
7.5 mm hanggang 15 mm na ulan sa susunod
na isang oras, at inaasahan na
magpapatuloy ito
Kung bahagi kang pamayanang binigyan ng
Yellow rainfall advisory, pinapayuhan kang
maging alerto sa kondisyon ng ulan, at
binibigyang-babala na maaaring bumaha sa
mga mabababang lugar
Orange Rainfall Advisory
-Ang itinataas sa mga lugar na inaasahang
makararanas ng 15 mm hanggang 30 mm na
buhos ng ulan sa susunod na isang oras.
Nagbabadya na ang baha sa mga
pamayanang ito
Kung maituturing nang emergency ang
pagbuhos ng ulan sa susunod na isang oras,
o kung tatlong oras nang malakas ang ulan
at umabot na sa 65 mm
Red Rainfall Advisory
-Ang itinataas ng PAGASA kung ang
inaasahan ang pagkilos at pagtugon ng mga
pamayanan. Mapanganib na ang baha at
dapat nang agarang lumikas ang mga
residente tungo sa mas ligtas na lugar
Paghahanda ng Emergency
Supplies Kit
Isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat
ihanda sa bawat tahanan, maging sa mga
paaralan at lugar ng trabaho at ang emergency
supplies:
• Maghanda ng isang emergency supplies kit na
naglalaman ng mga bagay na kakaiilanganin sa
paglikas o evacuation
• Siguruhing ang mga supplies kit na ito ay ilalagay sa
lugar na madaling makita sakaling kakailanganin.
Maaring itong ilagay sa isang easy-to-carry containers
tulad ng backpack o duffle bags
• Ang inyong emergency supplies kit ay kinakailangang
aabot ng tatlong araw tulad ng tubig, pagkain, damit,
kumot, first aid kit
• Isama rin sa inyong emergency supplies kit ang de-
bateryang radyo, flashlight, pito at gas mask
TANDAAN:
Sa inyong mga tahanan, ipaalam sa
bawat miyembro ng pamilya kung
saan matatagpuan ang main electric
fuse box. Alamin kung kalian ito
dapat i-turn off o patayin sakaling kakailanganin
Mga Dapat Gawin sa Panahon
ng Pagbabagyo
Bago dumating ang Bagyo:
 Alamin ang mga payong pangkaligtasan.
Makinig sa radio o manood ng TV upang
malaman ang pinakahuling balita o babala
tungkol sa kalagayan ng paparating na bago
 Ihanda ang de-bateryang radio, flashlight, at
ekstrang baterya, kandila at posporo o lighter
 Maghanda ng emergency kit na naglalaman ng
mga kagamitang kakailanganin para sa tatlong
araw tulad ng tubig, gamot, at pagkaing hindi
agad nasisira o nabubulok at iba pang gamit
tulad ng damit, jacket, payong o kapote
 Ibalot sa plastik ang mahahalagang papeles
at gamit
 Magplano ng gagawin kapag may parating na
kalamidad
 Siguruhing ang inyong bahay ay nasa
mabuting kondisyon, lalong-lalo na ang
inyong bubong
 Bawasan ang malalaking sanga ng mga
punongkahoy upang makayanan ang
malalakas na ihip ng hangin at hindi
matumba
 Kung naninirahan sa mababang lugar at
peligroso sa baha, lumikas sa mataas na lugar
Habang may Bagyo:
 Makinig sa radyo o manood sa TV upang
malaman ang pinakahuling balita tungkol sa
bagyo
 Siguraduhing handa na ang emergency kit at
ibalot ito sa plastik upang hindi mabasa.
Maging handa sa paglikas sa ligtas na lugar
 Mag-ipon ng tubig para sa ibang
pangangailangan
 Ipinid o isara nang husto ang mga pinto at
bintana. Iligpit ang mga gamit na mdaling
matangay ng hangin
 Mag-ingat sa bagyo
 Iwasan ang paglabas ng bahay. Kung lilikas sa
ligtas na lugar, dalhin ang emergency kit,
tiyaking nakasara ang tangke ng gas, at
nakapatay ang main switch ng kuryente ng
bahay
Pagkatapos ng Bagyo:
 Makinig sa radyo o manood sa TV upang
malaman ang pinakahuling balita
tungkol sa bagyo kung nakaalis na sa
bansa ang bagyo. Huwag lalabas ng
bahay hangga’t hindi opisyal na
ipinahahayag na nakaalis na sa bansa
ang bagyo
 Mag-ingat sa mga naputol na kawad ng
kuryente na nakakalat sa daan. Huwag
pumasok sa mga napinsalang gusali
Mga Dapat Gawin sa Banta ng
Pagbaha at Flash Flood
Bago ang Pagbaha:
 Alamin ang balita o babalang ipinalalaganap sa
inyong lugar. Makinig sa radyo o manood ng TV
upang malaman ang pinakahuling balita mula
sa PAGASA tungkol sa mga binabahang lugar
 Pagmasdan at obserbahan ang inyong
kapaligiran
 Ihanda ang inyong emergency kit
 Alamin ang pinakaligtas na daan papunta sa
evacuation center o mataas at ligtas na lugar
 Sundin ang payo ng inyong Barangay
Disaster Coordinating Council (BDCC) upang
hindi mapahamak kung kinakailangan nang
lumikas bago tumaas ang tubig sa inyong
lugar
 Ipaalam sa ibang kamag-anak kung saan
kayo lilikas upang hindi sila mag-alala.
Patayin ang main switch ng kuryente at
tiyaking nakasara ang tangke ng gas bago
lumikas
Habang may Baha:
 Maging maingat sa mga lugar na lubog
sa tubig. Huwag lumusong o tumawid
sa baha, ilog, o sapa kapag mabilis ang
daloy ng tubig
 Ipagbawal ang paglalaro ng mga bata
sa mga baha dahil marumi ang tubig,
lalong lalo na sa kanal
 Siguruhing malinis ang iinuming tubig
Paghupa ng Baha:
 Mag-ingat kapag babalik at papasukin ang
binahang bahay
 Huwag kainin ang mga pagkaing nababad sa
tubig-baha
 Tiyaking malinis at hindi marurumihan ng
tubig-baha ang mga pagkain at inumin
 Ipaalam sa mga kinauukulan ang nasirang
kawad ng kuryente at tubo ng tubig
 Siguraduhing hindi basa ang mga gamit na
de-kuryente bago gamitin
Mga Dapat Gawin sa
Banta ng Landslide
Mabilis maganap ang landslide kaya’t wala ring
sapat na oras o panahon upang makalikas.
Maaring gawin kapag nagkalandslide:
 Tukuyin at iwasan ang mga mapanganib na lugar
 Magplano ng mga gagawin sa oras ng kalamidad
tulad ng landslide
 Siguruhing laging may nakahandang emergency
kit para sa mga posibilidad ng kalamidad
Mga Dapat Gawin sa
Banta ng Lindol
Walang babala ang lindol. Ito ay biglang
nagaganap. Bago Lumindol: Magplano
 Alamin ang earthquake hazard sa inyong lugar
 Ihanda ang inyong tahanan, lugar ng trabaho,
at paaralan
 Gawing pamilyar ang sarili sa mga exit route sa
inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan
 Maghanda ng emergency kit
 Magsagawa o lumahok sa regular na
earthquake drill
Habang Lumilindol: Maging kalmado
 Maging kalmado at alerto. Huwag mag-panic
 Kung nasa loob ng matibay na gusali, mabilis na
buksan ang pinto kung maaari. Gawin ang
ginagawa tuwing earthquake drill
 Kung nasa loob ng gusali, magpunta sa open
area. Umiwas sa mga puno, poste, linya ng
kuryente, at estruktura. Umiwas din sa matarik
na lugar at mga landslide-prone area. Umiwas
din sa dalampasigan at lumikas sa mas mataas
na lugar dahil sa peligro ng tsunami
 Kung nasa loob ng umaandar na sasakyan,
huminto at lumabas. Huwag magtangkang
dumaan sa tulay, underpass, tunnel o flyover
Pagkatapos Lumindol: Humanda sa mga
Aftershock
 Kapag huminto ang pagyanig, lumabas agad ng
gusali. Huwag gumamit ng elevator o pumasok sa
nasirang gusali
 Suriin ang sarili at ang kapwa kung mayroong injury
 Suriin ang linya ng kuryente at tubig upang malaman
kung na-damage ang mga ito
 Suriin kung may natapong kemikal at mga
nakalalason at madaling magliyab na uri nito
 Kung kinakailangan lisanin ang tahanan, mag-iwan
ng mensahe kung saan kayo pupunta. Magdala ng
emergency kit
 Manatiling nakaantabay sa mga balita sa
pamamagitan ng radio na de-baterya
Mga Dapat Gawin sa
Pagputok ng Bulkan
Bago ang Pagputok ng Bulkan:
 Ipinagbawal ng Philippine Institute of Volcanology
and Seismology (PHIVOLCS) ang paninirahan sa mga
lugar na apat hanggang anim na kilometro ang layo
mula sa tuktok ng aktibong bulkan
 Makinig sa radyo o manood ng TV upang malaman
ang pinakahuling balita tungkol sa mga volcanic o
seismic activity
 Sundin ang payo ng lokal na pamahalaan kaugnay sa
paglikas dulot ng nagbabantang pagsabog ng bulkan
 Alamin ang mga numero ng telepono ng mga
indibidwal o ahensiyang makatutulong sa panahon
ng kalamidad
 Makilahok sa mga emergency drill para sa lindol at
pagputok ng bulkan upang matutuhan kung paano
kikilos kapag nangyari ang sakuna
 Maghanda ng emergency lamp upang magamit kung
mawalan ng kuryente at fire extinguisher para sa
agarang pag-apula ng apoy
 Magtatag ng isang alarm system sa paaralan o gusali
tulad ng sirena, bell, pito o iba pang instrumenting
pangtunog na maririnig sa buong lugar
 Maghanda ng isang emergency kit
 Magtalaga ng exit points at safe evacuation areas
Habang may Pagputok ng Bulkan:
 Kumilos nang mabilis. Huwag maging balisa
 Takpan ang ilong ng basang tela kung may ashfall
 Kung nakatira sa paanan o malapit sa bulkan,
kailangang may nakahandang masasakyan sa
anumang oras ng paglikas
 Sundin ang payo ng PHIVOLCS, lalong-lao na
kung pinalilikas na kayo
 Kung mayroong nasaktan, bigyan agad ng
paunang lunas at maghanap kaagad ng
makatutulong na doktor o nars
 Kung may matinding ashfall, alisin ang makapal
na abo sa bubong ng bahay upang hindi ito
masira o bumagsak
 Sundin nang maayos ang mga hakbang sa
earthquake drill
a) Kung may lindol, pumunta sa tabi ng kama o
ilalim ng matibay na mesa o ilalim ng matibay na
mesa at kumapit dito hanggang tumigil ang
pagyanig. Kung ikaw ay nasa labas ng gusali,
lumayo sa mga puno, linya ng kuryente, at mga
kongkretong estruktura. Kung ikaw ay nasa
sasakyan, ihinto ito sa ligtas na lugar at lumabas
b) Lumayo sa mga lupang maaaring gumuho dahil
sa lindol o pagsabog ng bulkan
c) Huwag gumamit ng elevator
d) Humingi ng tulong sa mga awtoridad kung
kinakailangan
Pagkatapos ng Pagputok ng Bulkan:
 Kung kayo ay nasa ligtas na lugar o
evacuation center, maghintay ng payo
kung maaari na kayong bumalik sa inyong
tahanan
 Siguruhing maayos ang inyong tahanan
 Siguruhing walang amoy ang inyong tubig
at ito ay malinaw. Pakuluan ito ng 10-15
minuto
Pagpigil sa Panganib na
dulot ng Kalamidad
Disaster Risk Mitigation
-Naglalayong mapigil ang nakapipinsalang epekto
ng kalamidad
National Disaster and Risk Reductionand
Management Council (NDRMMC)
-Ahensiyang mamumuno
sa paghahanda at
pagtugon sa mga
kalamidad na
mararansan ng bansa
Layunin ng Disaster Risk Mitigation:
1. Pagtupad ng building code at matitibay na
disenyo ng impraestruktura upang makayanan
ng mga gusali at impraestruktura ang tindi ng
mga kalamidad
2. Pagpaplano ng maayos at sustainable na
paggamit at pamamahala ng lupa, kabilang na
ang pagbawas o pagpigil ng mga konstruksyon
sa mga seismic fault lines, sa mga baybaying
rehiyon na madalas tamaan ng bagyo at strorm
surge, at mga tabing-ilog na madalas bahain
3. Pagpapakalap ng kamulatan at kaalaman
tungkol sa kalamidad
Tulong mula sa Pamahalaan

Malaki ang papel na ginagampanan ng


pamahalaan sa paghahanda at pagtugon sa mga
kalamidad. May kanya-kanyang tungkulin ang
iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa
pagtugon sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan kaugnay ng mga kalamidad
Mga Ahensiya ng Pamahalan na
nagtutulungan para kaligtasan ng
mamamayan
• Kagawaran ng Kagalingang Panlipuan at
Pagpapaunlad (KKPP) o Department of
Social Welfare and Development (DSWD)
-Ang namamahala sa mga programa ng
pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan
lalo na sa mahihirap
• Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang
Lokal (KIPL) o Department of Interior
and Local Government (DILG)
-Ang namamahala sa
mga yunit ng local
ng pamahalaan
tulad ng mga
barangay,
bayan, lungsod, o lalawigan
• Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng
Kalakhang Maynila (PPKM) o Metropolitan
Manila Development Authority (MMDA)
-Nilikha upang
mabigyan ng
tuwirang serbisyo
ang mga
mamamayan sa
Metro Manila o NCR
• Kagawaran ng Edukasyon (KEd) o
Department of Education (DepEd)
-Namamahala sa
mga bagay na may
kinalaman sa
pagpapaunlad ng
batayang
edukasyon
sa ating bansa
• Kagawaran ng Pagawaing Bayan at
Lansangan (KPBL) o Department of Public
Works and Highways (DPWH)
-Ang nagsasaayos ng
mga lansangan, daan,
dike, at iba pang
impraestruktura ng
pamahalaan na
nasisira kapag may
baha o lindol
• Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
(KTP) o Department of National
Defense (DND)
-Pinangangalagaan nito
ang kapayapaan at
kaayusan ng ating bansa
• Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Kayamanan (KKLK) o Department of
Environment ang National Resources
(DENR)
-Pinangangalagaan nito
ang kapaligiran at
likas na yaman ng bansa
• Pangasiwaan ng Palingkurang
Atmosperiko, Heopisikal at Astronomikal
ng Pilipinas o Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astonomical Services
Administration (PAGASA)
-Ipinararating nito
ang lagay ng panahon.
Nagbibigay babala sa
pagdating ng bagyo
Mga Patakarang Pang-estruktura
para sa Pagbabawas sa Pinsala ng
Kalamidad
Ang tradisyonal na paraan upang maibsan ang
pinsalang dulot ng mga kalamidad
Proper Engineering Practices:
• Pagdisenyo ng mga sistemang pang-
transportasyon at pang-elektrisidad na kayanin
ang mga lindol at bagyo
• Pagbabaon sa mga transmission lines bilang
proteksyon sa mga buhawi
• Pagtatayo ng mga dam at dike para maiwasan
ang pagbaha
Iba pang paraan upang malutas ang
problema sa pagbaha:
• Pagtatayo ng mga floodway
at spillway
• Pagpapaluwag sa mga daluyan
ang tubig
• Dredging ng mga ilog
Mga Patakarang Hindi Pang-
estruktura para sa Pagbabawas sa
Pinsala ng Kalamidad
Ang mga patakarang hindi pang-estruktura ay hindi
nakatuon sa pagdisenyo at pagpapatayo ng mga
estruktura. Sa halip, ang pagbabawas sa pinsala ng
mga kalamidad ay isinasakatuparan sa pamamagitan
ng mga gawaing tulad:
• Maayos na paggamit at papamahala ng mga lupain
• Pagpapatupad ng mga ordinansa sa zoning at mga
building code
• Pagtuturo at pagsasanay sa publiko
• Pagtatanim ng mga punongkahoy sa mga
kabundukan at maging sa mga baybaying-dagat

You might also like