You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN X (6th – 7th WEEK)

PANGALAN:________________________________ BAITANG & SEKSYON:___________________


Konsepto ng Migrasyon

Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang umalis sa kanilang tirahan at pumunta sa ibang lugar o bansa.
Hindi maipagkaila na maraming mga Pilipino ang iniwan ang kani-kanilang pamilya upang mangingibang bansa. Bakit nga
ba? Ilan sa mga rason ang ang dulot ng kahirapan at gustong makatulong sa pamilya.
Ang lumilipat patungo sa ibang pook upang doon na manirahan ay tinatawag na migrasyon. Ang mga tao ay
nagmimigrasyon patungo sa ibang bansa o lalawigan. Madaming mga dahilan ang mga Pilipino kung bakit sila’y
nagmimigrasyon papunta sa ibang lugar at ang pangunahong kadahilanan ay kahirapan. Ang kanilang pag-alis ay
katumbas ng salapi o kita na kanilang pinagtratrabahuan. Maaring sa lugar na kanilang pinuntahan ay isang maunlad na
bansa at sa tingin nila ay madali silang uunlad dahil sa laki ng sahod.
Ayon sa Commision on Filipino Overseas, may tinatayang 8.6 milyong Pilipino ang noong 2009 ang naninirahan
sa iba’t ibang bansa kasama ang magtratrabaho bilang seaman. Ito ay patunay na parami ng parami ang mga umaalis sa
bansa upang makapagbigay ng masaganang pamumuhay sa kani-kanilang pamilya na naiiwan na ang kapalit ay ang
pagtitis na malayo sa mga mahal sa buhay.Ngunit hindi lamang sa ibang bansa may naganap na migrasyon, maging sa
loob din ng bansa. Madami din sa mga tao na nagmimigrasyon lalo na sa malaking bayan o lungsod tulad ng Maynila
kaya lumalaki ag populasyon dito.
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook
upang doon manirahan ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan. Maraming dahilan kung bakit ito
nagaganap, dahil sa kabuhayan, tirahan, oportunidad at maging sa mga sakunang nagaganap sa kanilang pinanggalingan.
Hindi lang overseas o pangingibang bansa nagaganap ang migrasyon dahil sa kahit anong rehiyon o lugar na kapag ang
tao ay lumilipat ito’y maituturing na migrasyon. Meron ding itong kaakibat na epekto, ito man ay nakakabuti o ‘di
nakakabuti.

May dalawang uri ng migrasyon:


1. Migrasyong panloob
Ito ay ang paglipat ng tao sa loob lamang ng bansa, maaring ito ay sa
lalawigan, bayan o rehiyon.
2. Migrasyong panlabas
Ito ay kapag lumilipat ang mga tao upang manirahan sa ibang bansa, pag alis o paglabas ng tao sa bansa.

Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan ang ilang termino o
salitang madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.
Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries o immigration. Kasama din
dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures o
outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.
Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga
ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.

Gawain 1: Anong uri ng migrasyon ito?


1.Ang iyong kapatid ay natanggap sa trabaho sa Davao at doon na naninirahan______________
2. Si Rosh ay nakakuha ng scholarship sa bansang Australia, kaya doon siya mag-aaral ng limang taon.______________
3. Nakapag-asawa ang iyong pinsan ng foreigner, nagustuhan niyang tumira sa Bohol kaysa Singapore. _____________

Tayahin

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang migrasyon?


A. Pag-alis ng magulang para ng trabaho.
B. Paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya.
C. Pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gusto ng puntahan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan ito man ay
pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan
_____2. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magagandang tanawin sa ibang Bansa
_____3. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?
A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang bansa.
B. Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na bansa.
C. Sila ay mula sa mayamang bansa patungo mayaman ding bansa.
D. Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.
_____4. Ilang uri mayroon ang migrasyon?
A. 1
B. 2
C. 4
D. 7
_____5. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga nagTNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ng mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.
_____6. Ano ang ibig sabihin ng OFW?
A. Overworked Filipino Worker
B. Overseas Filipino Writers
C. Owner of Foreign Website
D. Overseas Filipino Worker
Sa bilang 7-9 tunghayan ang talahanayan
_____7. Mula sa talahanayan, saang rehiyon ang may pinakamaraming OFW?
Table 2. Regional Distribution of Land-based Overseas Filipino Workers, 2004*

Region Numbers Percent


Asia 266,609 37.84
Middle East 352,314 50.00
Europe 55,116 7.82
America 11,692 1.66
Africa 8,485 1.20
Trust Territories 7,177 1.02
Oceania 3,023 0.43
Others 170 0.02
Total 704,586 100.00
A. Africa
B. Asia
C. Middle East
D. Oceania
_____8. Anong bansa ang may pinakamaliit na bilang ng nangingibang bansa?
A. Asia
B. Europe
C. Middle East
D. Oceania
_____9. Ilang porsyento ang OFW sa rehiyon ng Middle East?
A. 0.02 %
B. 7.82 %
C. 50 %
D. 37.84 %
_____10. Ano ang tawag sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa
bansang nilipatan?
A. Departures
B. Figures
C. Flow
D. Stocks

Pananaw at perspektibo ng Migrasyon

Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng mga pangkalahatang obserbasyon


tungkol sa usaping ito na mababasa sa mga sumusunod na ideya.
1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang madalas
puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa
katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito.
Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at Africa. .
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang
implikasyon nito sa mga batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito.
May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang
sabay-sabay.
Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at permanent migrants.
Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang
permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang
permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga
foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na
buwan.
Samantala, ang permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay
hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.
4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito. Ang usaping
pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
5. Paglaganap ng ‘migration transition’
Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan
ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang
nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.
6. Peminisasyon ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour
migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng
kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina
sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.

Mga Dahilan ng Migrasyon

Gawain 2:
Panuto:Isulat ang titik sa nakalaang ispasyo bago ang bilang.

A. Sosyal E. Economic migrants I. House-husband M. Refugee


B. Ekonomikal F. Undocumented workers J. PSA N. Kalamidad
C. Politikal G. OFW K. Edukasyon O. Babae
D.Heograpikal H. OWWA L. Remittances

_____1. May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas ang migrasyon mula sa ibang bansa na
kilala sa tawag na_____.
_____2. Bahagi rin ng mga migrante ang _____na lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan,
prosekusyon o karahasan at gutom sanhi ng kalamidad.
_____3. Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag na economic migrants. Anong
dahilan ng migrasyon ito?
_____4. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang kanilang pinanggalingan sa
pamamagitan ng _______.
_____5. Paghahanap ng ligtas na tirahan na sanhi ng migrasyon.
_____6. Nangunguna sa mga dahilan kung bakit nangingibang-bansa ang mga Pilipino ayon sa survey ng Soroptimist
International noong 1994.
_____7. Isa sa mga sanhi o dahilan ng politikal na migrasyon kung saan ang mga tao ay lumilisan sa kanilang lugar.
_____8. Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng pagiging komportable sa buhay sa
kahilanang kasama niya ang mga mahal sa buhay, kapamilya o kaibigan.
_____9. Dahilan ng migrasyon na kinakailangan ng tao ang lumikas upang maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang
pupuntahan tataas ang bilang ng populasyon. Maaaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na nang magandang
pagkakaitaan o tirahan.
_____10. Ang mga____________ang nangunguna sa pangingibang-bansa upang makatulong sa pamilya.
_____11. Ito ang bansag ng mga kalalakihan na siyang naiwan sa bahay, nag- aalaga ng mga anak at nag-aasikaso
samantalang sa ibang bansa ang kabiyak nito.
_____12. Humigit kumulang na sa 2.2 milyon ang naitala ng _______na bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa.
_____13. Nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic
workers. Ito ay upang maiwasan ang mga_____na laganap sa ibat ibang panig ng mundo.
_____14. Tawag ng mga Pilipinong nangingibang-bansa.
_____15. Ahensiya na nangangalaga ng mga Overseas Filipino Workers.
Sa dinami-dami ng mahihirap sa bansang Pilipinas, trabaho at sapat na kita ang pangunahing lunas para dito.
Ngunit pahirapan ang pagbubukas o paghahanap ng trabaho para sa bawat mahihirap na Pilipino kaya’t ang tanging
paraan ay mangingibang bansa.
Migrasyon ang tawag sa paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa iba pang pook upang doon manirahan ng
pangmatagalan o panandalian. Ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng mga migrante,Humigit kumulang na sa 2.2
milyon ang naitala ng Philippine Satistic Authority (PSA) na bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa o tinatawag na
Overseas Filipino Workers. Tiyak na higit na mataas ang bilang ngayon sa mga umalis sa bansa dahilan sa patuloy sa
pagtaas ng demand sa ibang bansa ng mga manggagawa na nakapang-akit sa maraming Pilipino at dahil sa pag-asang
makabangon sa kahirapang tinatamasa.
Ano nga ba ang dahilan ng paglawak n migrasyon sa Pilipinas? Ang mga aspekto na nagtutulak sa kagustuhanng
makapagtrabaho sa ibang bansa ng mga Pilipino ay may iba’t-ibang dahilan, ayon sa Overseas Filipino Workers Welfare
Administration (OWWA), 1991. Ang mga karaniwang dahilan ay mataas na antas ng pamumuhay, kakulangan ng
oportunidad na makapagtrabaho, at kagustuhang makapagtapos sa pag-aaral ang mga anak. Ayon naman sa Soroptimist
International (1994), isang pandaigdigang pribadong organisasyon ang nagpahayag na ang pinakapangunahing dahilan
ng mga Overseas Contract Workers (OCWs) ay ang sumusunod:
Pangunahing Dahilan ng OCW’s Porsyento
Edukasyon 80.7
Mataas na Sahod 63.3
Makabili ng bahay at lupa 50.0
Pambayad ng mga utang 31.3
Pangkapital sa negosyo 29.3
Makabili at makapundar ng ari-arian 17.3
Ekonomikal na pangangailangan 22.0
Ang kadahilang ito ay patuloy na nagiging matibay na dahilan upang ang migrasyon sa bansa ay lumawig at maging
isang panlipunang pangyayari o ganapin. Ito ang katotohanan sa lahat ng mga mahihirap na bansa at papaunlad pa lang
na mga bansa. Ang walang humpay na pagyabong ng Filipino Diaspora (Overseas Filipinos) sa buong mundo ay kapansin-
pansin at nagdudulot ng iba’t-ibang epekto sa pamilyang Pilipino.Milyon-milyon ang sumugal ng kanilang kapalaran
upang makahanap lamang ng ilaw at pag-asa upang may paipangtustos sa pamilya.Hahamakin ang lahat maibigay
lamang ang magandang kinabukasang hinahangad ng bawat pusong ang nais lang ay maayos na buhay.

Mga Sanhi ng Migrasyon


1. Paghahanap-buhay (Ekonomikal)- Malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa ay tinatawag
na economic migrants o iyong naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Kung ang tao ay may nakikitang magandang oportunidad na magandang hanapbuhay, kabuhayan at kita. Dumarami ang
tao sa lungsod na nagbibigay trabaho sa mga mamamayan. Kahit nagsisiksikan ay pilit na manirahan sa lungsod dahil
doon nakakita ng magandang hanapbuhay na nakapagtustos sa mga pangangailangan ng bawat mamamayan.
May mga mayayamang bansa na kulang ng manggagawa kaya malakas ang migrasyon mula sa ibang bansa na
kilala sa tawag na migrants o mga economic migrants na tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang
kanilang pinanggalingan sa pamamagitan ng remittances.
2. Ligtas na tirahan (Politikal)- Ang tao ay gusto ng kapayapaan kaya naman kung magulo ang kanilang lugar
nililisan nila ang kanilang lugar at lumipat sa isang lugar na tahimik at mapayapa. Ang ganitong kalakaran ay matagal
nang laganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Bahagi rin ng mga migrante ang refugee na lumikas sa kanilang sariling
bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at gutom sanhi ng kalamidad.
3. Paghihikayat ng pamilya (Sosyal)- Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng
pagiging komportable sa buhay. Halimbawa na lang ang pagpapakasal ng isang Pilipino sa dayuhan at nahikayat na
tumira sa ibang bansa sa kadahilanang nandoon ang kanyang pamilya, kaibigan o doon mas maraming kakilala na
maaring tatanggap at tutulong sa kanila anumang oras kaya piniling doon na lamang manirahan.
4. Klima at panahon (Heograpikal)- Ang mga kalagayang pangkapaligiran ay isa din sa dahilan kung bakit may
nagaganap na migrasyon. Halimbawa na lamang ang ang mga lugar na biktima ng landslide o bagyo. Kinakailangan ng
tao ang lumikas upang maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang pupuntahan tataas ang bilang ng populasyon.
Maaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na nag magandang pagkakaitaan o tirahan.

You might also like