You are on page 1of 6

10

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4 :

Mga Isyu sa Paggawa/Mga


Kakayahang Makaangkop sa
Globally Standard
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang


kasalukuyang kalagayan at isyu sa paggawa. Sa bahaging ito ay inaasahang matutuhan
mo ang iba’t ibang isyu na kinaharap ng mga mangagawang Pilipino.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang
maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
Maraming gawain ang inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-
aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa Aralin 4: Mga Isyu sa Paggawa/ Mga


Kakayahang Makaangkop sa Globally Standard na Paggawa na nahahati sa
sumusunod na paksa:

Paksa 1- Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa (Module 3)

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

• Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa


bansa.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong;
• Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang suliranin sa
paggawa.
• Naiisa-isa ang mga kasanayan o kakayahan ng isang manggagawa upang maka
angkop sa globally standard na paggawa.

Note: You can also refer to your Module 3

Aralin Mga Isyu sa Paggawa/ Mga Kakayanan

4 para Maka angkop sa Globally


Standard
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at
hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa
pinapasukang kompanya, job-mismatch bunga ng mga job-skills mismatch, iba’t ibang
anyo kontraktuwaslisasyon sa paggawa, at ang mga mura at flexible labor.

Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga


puhunan ng mga dayuhang mamumuhunan na mas nagpatingkad naman ng
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.

Sa kasalukuyan, nahaharap ang Plipinas sa samu’t saring suliranin sa paggawa.


Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang
larangan dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang
oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang
kompetisyon. Sa unang aralin ng modyul na ito ay nabatid mo ang naging impact ng
globalisasyon sa bansa sa pagbabago sa kaisipan at perspektiba ng mga mamamayan
tungkol sa pandaigdig na komunidad at pangangailangan ng bawat bansa. Natunghayan
mo rin sa unang aralin ang iba’t ibang anyo ng globisasyon tulad ng globalisasyong
ekonomiko, teknolohikal, at sosyo-kultural.

Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng
bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa
lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang
lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.Ang mga manggagawang Pilipino ay
humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang
pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’ bunga ng
mga ‘job-skills mismatch,’ iba’tibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang
mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at
paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad
naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng
iba’t ibang isyu sa paggawa.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace
na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng
Word Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na
globally standard para sa mga manggagawa. Naglalagak ang mga multi-national
company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na kung saan ang mga
kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa mga naging
kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito.
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:
➢ una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa
na globally standard;
➢ pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala
sa pandaigidigan pamilihan;
➢ pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon
tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex
machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa; at
➢ pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa
kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban
sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga
produktong lokal.

Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang


aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga
manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na
pamumuhay.
Isaisip

Binabati kita. Narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul. Ibig sabihin malapit mo
na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na maunawaan mo na
ang mga konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa isipan mo na layunin ng modyul
na ito.
Upang ipakita ang pagkaunawa sa paksa, sagutin ang mga Gawain sa ibaba.
Gawain 4. (PLEASE REFER TO MODULE 3)
Pamprosesong mga Tanong

1. Sino-sinong manggagawa ang nakararanas ng hindi pantay na oportunidad at mas


vulnerable sa mga pang-aabuso?
2. Ano-ano ang itinakdang stratehiya ng DOLE upang makamit ang isang disente at
marangal na trabaho?
3. Bakit hindi naipatutupad ang ilan o mga stratehiya para sa isang disenteng trabaho
ng ilang kompanya sa bansa?
4. Sa mga naitalang suhestiyon, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay maaaring
kagyat na tugon sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino?

Isagawa

Dahil natukoy mo na ang mga mga isyu sa paggawa at kakayahan para maka angkop sa
globally standard sa paggawa ano naman ang magiging dulot o epekto nito sa
pamumuhay ng mga manggagawa at maging sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
Gawain 11. Ano ang Koneksyon?
Gawin ang pag-aanalisa sa mga larawan, datos o piniling impormasyon.
Unemployment- Kawalan ng mapapasukang trabaho
Underemployment- kakulanagn ng kinikita sa pinapasukang trabaho
Under-utilization- hindi angkop ang trabaho sa pinag-aralan o pagsasanay
Brain Drain- Pagka-ubos ng lakas paggawa sa isang bansa
Brain Gain- Pagpasok ng mga dayuhang manggagawang may sapat na kakayahan sa
isang bansa

Sitwasyon Maari kong Gawin


Ano ang epekto ng pangingibang bansa
sa isang miyembro ng pamilya? _______
________________________________

Ang larawang ito ay ________________


________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Ang epekto sa ekonomiya bilang taga-
suplay ng lakas-paggawa? __________
________________________________

Ang larawang ito ay_______________


________________________________
________________________________
________________________________
________________________________

Ang Dulot ng Brain Drain at Brain


Gain____________________________
________________________________

Ang ilustrasyon ay nagpapaliwanag na


________________________________
_________________________________
_______________________________

Tayahin

Lubhang kasiya-siyang malaman na narating mo na ang bahaging ito ng modyul.


Inaasahan na marami ka nang natutunan. Mapapatunayan mo ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod na gawain.
Gawain 6. Panghuling Pagtataya
1. Sa paglaganap ng globalisasyon at pagpasok ng Pilipinas sa iba’t ibang kasunduan,
ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa samut-saring suliranin tulad ng
sumusunod MALIBAN sa;
A.Kawalan ng seguridad sa kompanyang pinapasukan
B.Mababang pasahod
C.Pagtaas ng taripa
D.Job-mismatch
2.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng
globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A.Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B.Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C.Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller
Machince (ATM).
D.Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

3.Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga


manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto
at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan
kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin
ang mga lokal na manggagawa.
C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa
kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa
mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na
manggagawa.
4. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya,
produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010 may pinakamalaking
paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng BPO.
Sa kabilang dako patuloy namang bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura.
Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang
lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.
B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya
madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga sebisyong on-line.
C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman
sa BPO.
5.Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga
ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos

You might also like