You are on page 1of 5

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at


interes.Tinatalakay sa modyul na ito ang mga konseptong may kinalaman sa kasarian at ang kaibahan
ng gender at sex. Malalaman rin natin ang iba’t ibang uri ng kasarian sa lipunan. Ang daloy ng mga
aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Kompetensi: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Ang modyul na ito ay hinahati sa dalawang aralin:


Aralin 1 – Konsepto ng Gender at Sex
Aralin 2 – Oryentasyong Seksuwal
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, kayo ay inaasahang;
1. Nakapagbibigay ng kahulugan ng gender at sex.
2. Naisaisa ang mga uri ng kasarian (gender) at sex sa lipunan.
3. Nasusuri ang kaibahan ng oryentasyong seksuwal (Sexual orientation) at pagkakakilanlang
Kasarian (gender identity).

Aralin
Konsepto ng Gender at Sex
1
Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang salita ito ay
katumbas ito pareho ng salitang kasarian. Talakayin natin sa bahaging ito ng aralin ang kahulugan ng
mga konseptong may kinalaman sa pag-aaral ng kasarian. Upang maunawaan mo ang mga
konseptong ito, lalo na ang kaibahan ng gender at sex, basahin ang sumusunod na teksto.

Tuklasin
Gawain 1:
Ano ang kahulugan at ipinahihiwatig ng kasunod na mga simbolo?
Isulat ang iyong sagot sa kasunod na mga patlang.
Suriin

Basahin ang teksto upang higit na mauunawaan ang paksa tungkol sa konsepto ng Gender at Sex

.
Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae.
➢ Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng
tao.
➢ Sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki. (WHO, 2014)

Ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain ng lipunan para sa
mga babae at lalaki.

Katangian ng Sex:
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay nito.

Katangian ng Gender:
1. Nakatali sa paniniwalang panlipunan
2. Maaaring mabago bunsod ng mga pagsusulong at pagbabagong panlipunan

Hal.: Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi nagpapahintulot sa
kababaihan na magmaneho ng sasakyan.

Oryentasyong Sekswal at Pagkakakilanlang Pangkasarian

Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong sekswal (Sexual orientation) ay tumutukoy


sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na pakipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang


malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma
o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan(na maaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamut, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.

Uri ng Oryentasyong Sekswal (sexual orientation)


1. Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
2. Homosexual – mga nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad
na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang
babae bilang sekswal na kapareha
3. Bisexual – tumutukoy sa mga taong nakararanas ng atraksyon sa kapwa babae o lalaki.

❖ Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad” ay tumutukoy sa pagpapahayag ng isang indibidwal ng


kanyang oryentasyong sekswal.
Tatlong Yugto sa Paglaladlad
Unang Yugto Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksyon at relasyon sa
Pag-alam sa Sarili katulad na kasarian
Ikalawang Yugto Pagsabi sa kapamilya, kaibigan, o katrabaho ng pagiging
Pag-amin sa Ibang Tao isang homosekswal
I’katlong Yugto Pamumuhay ng bukas bilang isang LGBT
Pag-amin sa Lipunan
• Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na “Ikatlong Kasarian” na
lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.
• Ang komunidad ng homosekswal ay gumagamit ng sagisag na watawat na may iba’t ibang
kulay.
• Ito ay simbolo ng dibersidad o pagkakaiba-iba ng mga miyembro ng homosekswal na
komunidad

LGBT
✓ Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng
may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at
tomboy)
✓ Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki (tinatawag sa
ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot); may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos
na parang babae (crossdresser), baklang nagpapanggap na lalaki (paminta, mula sa pa-men)
✓ Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
✓ Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
✓ Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay
maaaring may transgender na katauhan

Gawain 2:

Sa pamamagitan ng tsart, paghambingin ano ang pagkakaiba ng sex at gender.

Sex Gender

Isaisip

Sa puntong ito ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa kasarian at sekswalidad.


Dapat tandaan na:
• Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae.
• Ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
• Ang oryentasyong sekswal (Sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na pakipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa
kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
• Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin
at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan(na maaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamut, o iba pang paraan) at iba
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.

Isagawa
Paano natin maipakita ang paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan sa pagpili ng kasarian at
sekswalidad? Piliin ang gawain sa ibaba na iyong naibigan at ilahad ang iyong sagot sa katanungan.
Gawain 1
Lumikha ng isang poster na may islogan na tungkol sa paggalang sa karapatan ng bawat
mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad.
Tiyakin na ang gawain ay naaayon sa mga pamantayan ng rubric bilang pagtataya
Rubric sa mga Gawain
Pamantayan Lubos na mahusay Mahusay Hindi gaanong Kailangan pang
4 3 mahusay magsanay
2 1
Nilalaman Tama ang lahat ng mgs May isa o dalawang May ilang mali sa mga Karamihan sa ibinigay na
ibinigay mali sa mga ibinigay na ibinigay na datos o datos o impormasyon ay
datos impormasyon mali

Paglalahad Lubhang malinaw at Malinaw at naanawaan Hindi gaanong malinaw Malabo at hindi orihinal
nauunawaan ang ang pagkakalahad ng at nauunawaan ang ang pagkakasunod-sunod
pagkakalahad ng mga mga datos pagkakalahad na datos
datos
Pagkakasunod-sunod Wasto ang Naisaayos ang Hindi gaanong maayos Malayo sa orihinal na
ng mga datos o ideya pagkakasunod-sunod pagkakasunod-sunod ang pagkakasunod- pagkakasunod-sunod
ng mga datos at ng mga datos at sunod
mensahe mensahe
Edidensiya May sapat na May ilang edidensyang May 1 o 2 ebidensiyang Walang ebidensyang
ebidensiyang naipakita naipakita naipakita naipakita
Bahagyang
nakahihikayat ang
output
Paghihikayat Nakahihikayat ang Nakahihikayat ang Bahagyang Hindi nakahihikayat ang
lubos na output output nakhihikayat ang output
output

Tayahin

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng lalaki at babae?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at Gawain na itinakda ng lipuna para sa mga
babae at lalaki.
A. Sex B. gender C. bi-sexual D. transgender
3. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-iisip at
pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay
A. Bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
4. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyunal,
emosyonal, sekswal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad sa
kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa.
A. Sexual orientation B. gender identity C. femininity D. masculinity
5. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian.
A. Homosexual B. heterosexual C. asexual D. bi-sexual

B. Tama o Mali. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama, kung mali, isulat ang tamang
sagot sa patlang.
6. Ang Sex ay tumutukoy sa natural at kultural na katangian bilang babae o lalaki. _______________.
7. Oryentasyong sekswal ang tawag sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya
ay lalaki o babae o pareho. _______________.
8. Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksyon at relasyon sa katulad na kasarian ay
nasa ikatlong yugto ng pagladlad. ________________.
9.Ang ating gender ay natatalaga sa pamamagitan ng ating genetic inheritance o
pinagmulan ng ating lahi. _________________.
10.Ang gender identity ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak, kabilang ang personal na
pagtuturing niya sa sariling katawan. ______________.
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:

Konsepto ng
Gender at Sex

You might also like