You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IKATLONG MARKAHAN
Quarter: 3 Week: 3 Day: 1 Activity No.: 5
Pamagat ng Gawain: PAGGALANG SA BUHAY
Kompetensi: Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay (EsP10PB-IIIc-10.1)
Layunin: Nakakabigay ng mga gawaing nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa
buhay at natutukoy ang sariling antas sa pagpapahalaga sa buhay
Sanggunian: Brizuela,Mary Jean B., Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A. Guevarra, Earl P. Valdez,
Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul,
Glenda N. Rito and Sheryll T. Gayola. 2015. Gabay sa Pagtuturo. Pasig City: FEP Printing
Corporation.
For Classroom use ONLY DepED owned materials
Copyright:

KONSEPTO:
Ang ating buhay ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa atin. Mahalaga na maunawaan natin ang layunin ng
ating pagkakaroon ng buhay. Ang pagpapahalaga sa ating buhay ay pagpapakita ng ating pagtanggap sa biyayang ito
mula sa ating Maykapal. Ayon kay Leo Buscaglia, isang manunulat, “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos.
Kung paano at gaano kabuti isasabuhay ang biyayang iyan ang iyong isusukli o ihahandog sa Kanya.”
Ayon kay Papa Francis ng Roma: “Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga pinakamahihina at
madaling matukso, maysakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang, at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na ginawa sa
sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman at karapat-dapat ng mataas na paggalang.”
Marahil sa pagsulong ng agham at s amabilis na agos ng pamumuhay ng tao, tayo ay nakaranas ng kalituhan at
unti-unting nagbago ang ating pananaw sa moralidad. Ang mga gawi na itinuturing masama sa nagdaang panahon, ay
nagkaroon ng iba’t-ibang pagtingin sa kasalukuyan. Kabilang na dito ang mga isyung moral na may kinalaman sa
paggalang sa buhay.

PAGSASANAY:
A. Paglalarawan:Panuto:
1. Suriing mabuti ang apat na larawan sa bawat kahon.
2. Tukuyin ang mga isyu na tumutugon sa bawat kahon ng mga larawan. May ibinigay na clue sa bawat
bilang upang mapadali ang iyong pagsagot.
3. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.

______________ 2. _____________ 3. _____________ 4. ______________


5. _____________
B. Tseklist: Lagyan ng tsek () ang kolum ng antas ng iyong pagpapahalaga sa buhay.

Hindi
Gawain Kailanman Minsan Palagi
1. Iniiwasan ko ang mga bisyong makasisira sa aking katawan.
2. Naniniwala akong mayroong Diyos na nagbibigay –kahulugan sa buhay.
3. Nagsisikap akong mag-aral nang mabuti.
4. Sinisikap kong mapanatli ang aking pakikipag-ugnayan sa kaibigan.
5. Ginagamit ko ang aking mga natutuhan upang paunlarin ang sarili.
6. Naipahahayag ko nang maayos ang aking damdamin.
7. Natutulog ako nang maaga upang hindi ako mahuli sa klase.
8. Naniniwala ako na hindi ako pababayaan ng Diyos.
9. Iniiwasan ko ang magalit tuwina upang hindi ako lubhang mag-alala.
10. Pinipili ko ang mga salitang aking binibitiwan upang hindi ako
makasakit ng damdamin ng iba.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IKATLONG MARKAHAN
Quarter: 3 Week: 3 Day: 2 Activity No.: 6
Pamagat ng Gawain: PAGGALANG SA BUHAY
Kompetensi: Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay (EsP10PB-IIIc-10.2)
Layunin: Nakakasiyasat ng mabuti at nakakabigay kaibahan sa bawat paglabag sa
paggalang sa buhay.
Sanggunian: Brizuela, Mary Jean B., Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A. Guevarra, Earl P. Valdez,
Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito and Sheryll T. Gayola. 2015. Gabay sa Pagtuturo. Pasig City:
FEP Printing Corporation.
Copyright: For Classroom use ONLY DepED owned materials

KONSEPTO:
Ang buhay na ipinagkakaloob sa tao ay kakaiba sa buhay na mayroon ang ibang nilikha. Bagaman ang tao ay
nilikhang malaya, hindi nagangahulugang ito ay ganap. Ibig sabihin, bagama’t may kalayaan tayong mabuhay at pumili
ng landas na ating tatahakin habang tayo ay nabubuhay, hindi bahagi nito ang pagsira at pagkitil ng sariling buhay o ng
ibang tao kung sakaling napagod tayo at nawalan na ng pag-asa. Tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan at
palaguin ang sariling buhay at ng ating kapwa. Ngunit, sa kabila ng katotohanang ito, nakakalungkot isipin na may ilang
gawain ang tao na taliwas at tuwirang nagpapakita ng pagwawalang halaga sa kasagraduhan ng buhay tulad ng:
1.Paggamit ng ipinagbabawal na gamut - pagka gumon sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut
2.Aborsiyon - ang kusa o di kusang pagkalaglag na bata mula sa sinapupunan ng kanyang ina
3.Pagpapatiwakal - tinatawag sa English na “suicide”, ang pagkitil ng sariling buhay
4.Euthanasia – tinaguriang “mercy killing” o “assisted suicide” na kadalasang ginagawa sa mga may sakit na wala
nang lunas
5.Alkoholismo - labis na pagkusumo o pag-inom ng alak

PAGSASANAY:
A. Pagbubuo sa Graphic Organizer:
Panuto:
1. Suriing mabuti ang iba’t-ibang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
2. Bigyang pansin ang bawat uri ng paglabag sa paggalang sa buhay, ang pagkakaiba sa
bawat paglabag at isulat ng mga ito sa kahon sa ibaba para mabuo ang graphic organizer.
Siguraduhing ang iyong sagot ay tumpak sa kaisipang nais mong iparating o ipaabot.

Aborsiyon Euthanasia
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
_______________ _______________
Mga Paglabag sa Paggalang sa Buhay

Paggamit ng Droga Alkoholismo


__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ Pagpapatiwakal
__________________ __________________
_______________ _______________
__________________
__________________
__________________
__________________
_______________

You might also like