You are on page 1of 4

Changing Lives to Change the World

Faith Christian School


Silva St. Ph. 7, Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal
AY. 2019-2020

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Filipino 5


Pangalan:______________________________________________ Iskor: _____ / _____ = _____%

Pangkat: ___________________________________ Petsa:________________________

I. Basahin ang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


“Ang mga Bilin ng Aking Magulang”
Sa umaga, pagkagising, nauupo ako sa gilid ng aking higaan at taimtim kong pinagsasalikop ang aking
palad at pagkatapos ay ipipikit ko nang mariin ang aking mga mata. Unti-unti kong binubuhay sa aking isip
ang magagandang habilin at mga payo ng aking magulang. Ang mga ginintuang aral na ito ay ginagamit ko
pa hanggang ngayon bilang patnubay sa aking pang-araw-araw na pamumuhay at pakikisalamuha sa lipunan.
Una sa lahat, mahalin ko raw ng banal, tapat at dalisay ang Poong Maykapal na siyang nagbigay sa
akin ng buhay at Siyang dahilan kung bakit ko sinapit ang kinalalagyan ko ngayon. Siya ang Panginoon,
buhay , pag-asa, at pag-ibig na dapat nating pasalamatan sa bawat araw na magdaan sa mga darating pa.
Huwag ko rin daw kalimutang mag-ukol ng gunita para sa aking bayan na siyang nagdudulot ng
kapayapaan at katahimikan sa akin habang ako’y nasa daigdig na ito. Ang baying ito ang nagdudulot nang
maayos na buhay. Mahalin ang bayan nang walang halong pagkukunwari.
Nasabi rin nilang walang taong nabubuhay nang maligaya nang nag-iisa. Kailangan ng bawat nilalang
ang kanyang kapwa. Sa kapwang ito ay makapupulot ang isang tao ng mahahalagang kaisipan bunga ng
karanasan. Mahalin ko rin daw ang aking kapwa at sana raw ay makita ko ang larawan ni Hesus sa kanilang
kaanyuan.
Kailangan ko ring pahalagahan ang aking kapaligiran tulad ng mga halaman, hayop, tubig , at
kalikasan. Ang kapaligirang ito ay nilikha para sa kapakinabangan at kaginhawaan ng tao kaya dapat na
pahalagahan tulad ng pagpapahalaga natin sa ating buhay.
Ito ang mga bilin ng aking magulang, natatandaan ko pa: Mga anak , walang maliit, walang malaking
tungkulin. Ang pinakamahalaga ay gampanan mo nang buong husay at iyong pagbutihin ang mga itinalaga sa
iyong gawain.
Sa ngayon, ay hinpdi na naming kapiling ang aming magulang ngunit para pa rin naming silang
kasama sa magagandang halimbawang itinuro nila sa aming magkakapatid. Kaming magkakapatid ngayon ay
may mga pamilya na at ikinatututwa kong sabihin na nakatapos kaming lahat ng pag-aaral.
IA. Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang magkakaugnay. (_____/15)

payo bilin utos pakikitungo Lumikha


Maykapal Poon pakikisama kapayapaan kaayusan
katahimikan kariktan kagandahan kaakit-akit pakikisalamuha

1. ___________________________ ____________________________ ____________________________

2. ___________________________ ____________________________ ____________________________

3. ___________________________ ____________________________ ____________________________

4. ___________________________ ____________________________ ____________________________

5. ___________________________ ____________________________ ____________________________


IB. Sagutin ang sumusunod na tanong. (_____/10)
1. Ano ang paksa sa sanaysay? Ipaliwanag_______________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Patunayan na ang Diyos ay buhay, pag-asa, at pag-ibig. __________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Ano ang ibubunga kung ang bawat nilalang ay kakikitaan mo ng kaanyuan ni Hesus? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Bakit dapat tandaan at isabuhay ang mga bilin ng ating magulang? _________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
5. Kung ang anak ay nagtagumpay sa buhay, tagumpay rin kaya ito ng mga magulang? Bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
IIA. Bilugan ang pang-ukol sa pangungusap. (_____/10)
1. May bagyong parating ayon sa PAGASA.

2. Ang regalo ay para sa inaanak ko.

3. Naghahanda ako para sa kinabukasan ko.

4. Kay beybi ang laruan na ito.

5. Labag sa batas ang ginawa mo.

6. Ukol sa pagsulong ng Agham ang seminar.

7. Ayon kay Rizal, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda.

8. Kina Raymond ang bagong sasakyang nakaparada.

9. Ukol sa pagpaplano ng pamilya ang tatalakayin ng programa.

10. Si Venus ang diyosa ng kagadahan.

IIB. Piliin sa panaklong ang angkop na pang-ukol sa bawat pangungusap. (_____/5)


(Para kay, Ukol sa) 1. _______________ Nanay ang regaling ito.
(Labag sa , Ayon kay) 2. _______________ batas ang iyong ginawa.
(para sa, tungkol kay) 3. Namili ang mag-ina ng mga regalo _______________ bata.
(ukol kina, para kay) 4. Ang pinag-usapan ng pangkat ay _______________ Rizal at Bonifacio.
(kay. kina) 5. Para ________________ Itay at Ina yang pagsasakripisyo ko.
IIC. Bilugan ang ingklitik sa sumusunod na pangungusap. (_____/10)
1. Bumalik ka muna sa loob ng paaralan.

2. Pumunta ka raw sa Baguio?

3. Dumating pala siya kahapon.

4. Nakalimutan yata niya ang kanyang baon.

5. Bakit pa ako bumili nito?

6. Ibaba mo muna iyang mga dalahin mo.

7. Natakot daw sila sa Tsunami.

8. Aalis raw ba siya bukas?

9. May magaganap yata na rally bukas.

10 Uminom din siya ng orange juice.

IID. Punan ng wastong pang-angkop ang patlang. (_____/10)


1. Matulin____ tumakbo si Lydia de Vega.

2. Umiyak ang bata nang minsan____ iwanan ng nanay.

3. Ang mga mag-aaral ay matatalino____ bata.

4. Binigyan ko siya ng mababango____ bulaklak.

5. May ibibigay akong sampu____ bulaklak.

6. Siya ay isang tapat____ kaibigan.

7. Tunay____ magaling si Juan Luna sa larangan ng pagpipinta.

8. Masarap ang maasim ____ manga sa bagoong.

9. Mahilig ka ba sa mabuto____ prutas?

10. Siya ay isang masipag ____ anak.

IIIA. Isulat sa patlang ang salitang SIMUNO kung ang may salungguhit ay tumutukoy sa simuno o
paksa ng pangungusap. Isulat ang salitang PANAGURI kung ito ay tumutukoy sa panaguri ng
pangungusap. (_____/5)
___________ 1. Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang pangulo ng samahan.
___________ 2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Gemma.
___________ 3. Sinusuri nang mabuti ng mga imbestigador ang mga ebidensiyang nakuha sa lugar ng
krimen.
___________ 4. Sila ay tumulong sa paglikas ng mga residente mula sa mapanganib na lugar.
___________ 5. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng sala.
IIIB. Isulat sa patlang ang titik K kung ang ayos ng pangungusap ay karaniwan o tuwid. Isulat ang mga
titik DK kung ang ayos ng pangungusap ay di-karaniwan o kabalikan. (_____/10)
_____1. Ang dating sirang kalsada ay inaspalto na.
_____2. Masama sa katawan ang paninigarilyo.
_____3. Madalas kumain ng kendi at tsokolate si Benny.
_____4. Kami ay pupunta sa opisina ng koreo mamayang hapon.
_____5. Ang barkada ni Ellen ay magmemeryenda sa bahay bukas.
_____6. Si Tito Melchor ang maghahatid sa atin sa istasyon ng bus.
_____7. Nakabihis na at handa nang umalis ang mga anak natin.
_____8. Sina Finn at Jake ay naghahanap ng mga pambihirang karanasan.
_____9. Tumulong sa paglinis ng bakuran sina Juan at Jose.
_____10. Tumagal nang higit sa dalawang oras ang programa.

Inihanda nina: Inaprubahan ni:

Gng. Leonila Oblego at Bb. Hazel Jane Hall Gng. Fredes R. Yap
Mga Guro sa Akademikong Pilipino Ikalawang punong Guro sa Elementary

You might also like