You are on page 1of 21

9

Edukasyon
sa
Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan
Modyul 2: Kapwa Ko,
Pananagutan Ko

9
Edukasyon
sa
Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan
Modyul 2: Kapwa Ko,
Pananagutan Ko

PANIMULA

Kumusta mahal kong mag-aaral Gusto mo bang mag-aral? Ngunit hindi


katulad ng dati na nasa paaralan at masayang kasama ang iyong mga
kamagaral at mga kaibigan. Sa ngayon, hindi muna dahil sa kinakaharap
nating pamdemya kaya sadyang binuo ang modyul na ito upang mapatuloy
ang iyong pag-aaral.
Ang modyul ding ito ay inihanda upang matugunan ang mga programa
ng K to 12 Basic Education Curriculum na mabigyan ng sapat na kaalaman at
malinang ang iyong mga kasanayan bilang mag-aaral.

Layunin ng modyul na ito na malinang ang iyong kahusayang


magingmapanuri bilang isang mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang kasanayan:


Alamin,Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa at
Tayahin. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng
aralin, sundin mo ng tapat ang sumusunod na tagubilin.

1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasuno-sunod ng mga gawain.


2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin.
3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.
4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa
tanging kuwaderno sa Edukasyonsa Pagpapakatao 9.
5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging
isaalang-alang ang iyong puso at damdaminsa pagsagot sa mga
tanong.Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang
sariling pagkatao sa lahat ng gawain.
6. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit
nahihirapan.
7. Kailangang lagdaan ng iyong magulang o tagapangalaga ang
lahat na gawain.

Sana ay matulungan ka ng modyul na ito upang lalo mong mapaunlad


at mapayamanang iyong mga kasanayang pangkomunikatibo at
mapahalagahan mo ang mga aral at kaalamang iyong natutuhan upang
mahubog ang iyong tunay na pagkatao.

Handa ka na ba? Tingnan at gawin ang sumusunod na mga pahina.

ALAMIN
Ano ang pananagutan natin sa isa’t isa upang katarungang panlipunan
ay magampanan?
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang” Ang awitin na
kinanta ni Jamie Rivera na nagpapaunawa sa atin na tayong lahat ay may
pananagutan sa bawat isa upang maipalaganap ang katarungang panlipunan.
Nabubuhay tayo hindi para sa sarili natin kundi upang matugunan ang
pangangailangan ng kapwa o pamayanan kung saan tayo nabibilang. Bawat
isa ay may responsibilidad na kinakailangang gampanan upang maangkin ang
makabuluhang buhay na itinakda sa atin ng Maylikha.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang nararapat para sa


kapwa bilang pagtugon sa pananagutan mo bilang nilikha. Gayundin ay
pagsagot sa pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na
pagkakataon.

Malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman:

Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa


kapwa ang nararapat sa kanya. EsP9KP-IIId-9.3

Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na


pagkakataon. EsP9KP-IIId-9.4

Subukin
Panuto: Basahin ang pangungusap at unawaing mabuti ang bawat tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kuwaderno:

1. “Kung ano ang iyong itinanim ay siyang aanihin.” Ano ang angkop na

pagpapakahulugan sa pahayag?
a. kung ano ang iyong ginagawa ay babalik sa iyo
b. kung ano ang iyong ginagawa sa iyong kapatid ay
siyang ginagawa mo sa akin.
c. ngipin sa ngipin, mata sa mata
d. kung may isinuksok may mabubunot

2. Ito ay ang responsibilidad o mga bagay na kailangan


nating gawin dahil ito ang nararapat, Ano ang tawag nito?

a. katarungan
b. pananagutan
c. kabutihang loob
d. katarungang panlipunan

3. “ Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay


para sa kanyang sarili lamang “ Saang bersikolo ng
bibliya makikita ang pahayag ?
a. Cor. 13:1-8
b. Roma 14:7-8
c. Markus 9: 8
d. Gal. 9:28-29

4. Saan sa mga sitwasyong halimbawa ng pananggutan?

a. Ikaw ay binayaran upang sagipin ang batang natangay ng alon.


b. Nagtinda ka ng mask kahit mahal para lamang may magagamit ang
mga tao.
c. Tinulungan mo ang bulag na makatawid sa kabilang kalye dahil
sinunod mo ang sinabi ng police.
d. Dinala mo sa malapit na ospital ang iyong kapit bahay kahit alam
mong PUM siya.

5. Ano ang tawag kung ikaw’y tumulong sa kapwa sa panahon ng


Pangangailangan?

a. makatarungan
b. pagpapahalaga
c. misyon sa buhay
d. moral na pananaguta

6. “ Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na


nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao” Sino ang
nagsabi sa pahayag na ito?

a. John Lewis
b. Manuel Dy
c. St. Francis
d. Santo Tomas de Aquino

7. Ano ang tawag kapag iginagalang mo ang buhay ng bawat nilalang?

a. pananagutan sa bayan
b. pananagutan sa kapwa
c. pananagutang moral
d. panagutang panlahat

8. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ba ay moral na pananagutan


sa kapwa?

a. tama
b. mali
c. minsan
d. kadalasan

9. Bawat isa ba ay walang moral na pananagutan sa kanyang bayan


at kapwa?
a. tama
b. mali
c. minsan
d. kadalasan

10. Ang mabuting pakikipagkapwa ba ay paggalang sa dignidad


ng iba?

a. tama
b. mali
c. minsan
d. kadalasan

11. Pagtulong at pakikiramay o bayanihan ay kadalasang maipakita lalo na


sa panahon ng kalamidad, trahedya,mga sakuna, pandemya at iba pa.
Dito masusuri ang pagkakapatiran na hindi humihingi ng kapalit
subalit buong pusong naglilingkod para sa mga nangangailangan kahit
kapalit nito’y pagbuwis ng sariling buhay. Sang-ayon ka ba sa pahayag?

a. Oo
b. Hindi
c. minsan
d. kadalasan

12. Tayo ay may pananagutan sa kapwa sapagkat walang tao ang


nabubuhay ng para sa sarili lamang. Lahat ng tao ay nilalang ng Diyos
upang maging katuwang ng kapwa - tao niya. Ano sa palagay mo ang
pahayag?

a. tama
b. mali
c. minsan
d. kadalasan

Balikan
bb

Panuto: Tingnan ang mga larawan at sagutin ang


mga sumusunod na katanungan sa inyong
kwaderno:
Mga gabay na tanong:
1. Ipaliwanag ang nakikita mo sa Larawan?
2. Ano ang ipinahiwatig sa larawang ito?
Ano ang iyong sariling pag-
unawa sa larawang ito:

Tuklasin

Panuto: Suriin at sagutin ang hinihingi sa ibaba, isulat ang nabuong sagot sa
iyong kwaderno:
Sukatin ang sarili:

Ano ka bilang tagapangalaga?

1. _________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________

Ano ka bilang kapatid?

2. ____________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
Ano ka bilang estudyante?

3. ____________________
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________

Ano ka sa iyong kapwa na may kapansanan?

4. ___________________
_ ____________________ ___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
_________________

Suriin
S

BAYAN

* Pagbabayad ng Buwis
* Maayos na paggamit ng
ari-ariang pampubliko

* Pagtulong sa
nangangailangan
* Paggalang sa Karapatan ng
iba
* Katapatan sa paglilingkod
* Makatarungang paggamit
Ng karapatan

* Pangangalaga sa
Kalikasan
* Paggalang sa Batas
MORAL NA
PANANAGUTAN
* Pagpapaunlad sa Sarili
* Matapat at matalinong
Pagboto

* Pakikitungo sa lahat
ng tao sa makataong
pamamaraanraan

* Pagkaroon ng patas
na pakikitungo
* Itaguyod ang mabuti
at iwasan kasamaan

* Igalang ang buhay


* Kumilos ng may
ingtegridad , katapatan
at pagkamakatarungan

*Tumulong sa mga aba


may kapansanan at
biktima ng diskriminasyon.

KAPWA

PANANAGUTAN NG BAWAT MAMAMAYAN SA KAPWA

Tayo ay may pananagutan sa kapwa sapagkat walang tao ang


nabubuhay ng para sa sarili lamang. Lahat ng tao ay nilalang ng Diyos upang
maging katuwang ng kapwa - tao niya. Matatandaan na mula pa sa panahon
ni Adan, nilalang si Eba upang maging katuwang niya at kasama sa
pagpapaunlad ng mundo. Kaakibat nito, ginawa din niya ang tao na hindi
ganap at may taglay na kahinaan upang matuto siyang makipagkapwa - tao at
kalaunan ay maging ganap ng ayon sa plano ng Diyos.

Bukod dito, ang tao ay ninanais ng Diyos na maging responsable sa


kanyang sarili at sa lahat ng bagay na pinahiram sa kanya ng Diyos tulad ng
kanyang pamilya at lahat ng kanyang materyal na pagmamay - ari. Kalakip
din nito, ang pananagutan natin sa ating pamilya. Kung tayo ay isang ama o
ina o maging anak, may tungkulin tayo na tumulong sa pagtataguyod ng ating
sariling pamilya.

Sa atin ding pamayanan na kinabibilangan mayroon din tayong


pananagutan. Kung paano tayo namumuhay bilang kapit - bahay,
kabarangay, o kabayan ay nakakaapekto sa iba. Kung responsable tayo,
walang dahilan para hindi tayo kagiliwan at gayahin ng mga taong
nakakasalamuha natin sa araw - araw.
PANANAGUTAN
SA KAPWA

PAGTUGON SA PANGANGAILANGAN NG KAPWA

Ang tao ay kailangan mamuhay ng may kasama at maging panlipunang


nilalang at hindi ang mamuhay ng nag-iisa. Ang panlipunang aspekto ng
pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kapwa ay likas sa
kanyang pagkatao o social nature of human beings makakamit ng tao ang
kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting
pakikipagkapwa. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa
pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal. Ito ay
nagpapatatag ng mga birtud na katarungan(justice) at pagmamahal(charity).

Ang mabuting pakikipagkapwa ay ang paggalang sa dignidad ng kapwa,


maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda kang
ibahagi ang sarili sa iba. Ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit at
pagmamahal. Isang patunay na ang tao ay panlipunang nilalang ay ang
kakayahan sa komunikasyon o diyalogo.
Ang diyalogo ay umiiral sa isang ugnayang interpersonal sa pagitan ng
dalawa o higit pang tao. Ang mga samahan o organisasyon sa lipunan ay
inaasahang makapagtaguyod ng ugnayang may pagkakaisa(solidarity),
komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o pagtutulungan, bilang
paglilingkod sa kapwa at sa pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat. Ang
pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kalakasan ng mga Pilipino (LIcuanan,
1992). Naipapakita ang pakikipagkapwa-tao sa pamamagitan ng
pagmamalasakit sa kapwa, kakayahang umunawa sa damdamin ng
iba(empathy), pagtulong at pakiramay bayanihan, at pagiging hospitable.
Pagtulong at pakikiramay o bayanihan ay kadalasang maipakita lalo na
sa panahon ng kalamidad, trahedya,mga sakuna, pandemya at iba pa. Dito
masusuri ang pagkakapatiran na hindi humihingi ng kapalit subalit buong
pusong naglilingkod para sa mga nangangailangan kahit kapalit nito’y
pagbuwis ng sariling buhay.

Pagyamanin

Gawain 1:
Nagawa ko, Suriin ko
Gamit ang bubble map, suriin ang sarili at ilagay sa graphic organizer
kung ano ano ang iyong mga nagawa na iyong maituturing na pagtugon sa
pananagutan mo sa bayan, sa kabila naman ay ang iyong nagawa bilang
pagtugon sa iyong pananagutan sa kapwa.

BAYAN
Nagawa

KAPWA

Gawain 2:
Itala ang mga paraan na iyong nakikita sa paligid na masasabing
pagtugon sa pangangailangan ng pamayanan sa panahon ng COVID-19.
Gamitin ang Spider Web para sa iyong sagot:
Mga
Pagtugon

Isaisip:
Ang bawat isa ay may moral na pananagutan sa
kanyang bayan at kapwa. Ang tao ay maraming kakulangan
at pangangailangan na mahirap niyang matugunan sa
pamamagitan ng kanyang sarili lamang. Kailangan niyang
makipag-ugnayan sa mga nakapaligid sa kanya upang ang
kakulangang iyon ay matugunan. Pananagutan ng tao ang
anumang kahihinatnan ng kanyang kilos, mabuti man o
masama. Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos na
kanyang isasagawa dahil hindi magiging ganap ang pagiging
tao niya kung hindi siya kumikilos na naaayon sa kabutihan
at kalooban ng maylikha.
Sa panahon ngayon, hindi man tayo bahagi ng
pampamahalaan o di-pampamahalaang organisasyon ay
makatutulong tayo sa kanilang mga layunin at gawain sa
pamamagitan ng pagiging sensitibo natin sa
Isagawa

Panuto: Sagutin sa pamamagitan ng paliwanag ang


sitwasyon sa ibaba at isulat sa iyong kwaderno
ang nabuong sagot:

Sa panahon ng COVID-19 pandemya nagkataon na ikaw ay


naninirahan sa lugar na kung saan marami ang nagpositibo sa COVID,
nangyari nagkulang ang mga police, barangay opisyal, BHW, tanod, LGU’s at
mga taong taos pusong tumutulong upang maiabot ang pamigay ng gobyerno.
Ikaw ay pinuntahan upang maging isa sa mga frontliner.
Ano ang magiging desisyon at reaksyon mo sa nasabing sitwasyon?
Ipaliwanang ang iyong sagot.

Tayahin
Panuto: Isulat ang isulat ang T kung sa palagay mo TAMA ang
pahayag at M kung ito ay MALI:

__________1. “Walang sinuman ang nabubuhay o namamatay para sa sarili


lamang “ katagang sinabi ni St. Fracis.
__________2. Ayon kay Dy M. 1994 “ Ang hating pagiging kasama-ng-kapwa
ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na kapayapaan
sa ating pagkatao.
__________3. Moral na pananagutan sa bayan ang pagbayad ng buwis.
__________4. Ang pang-aabuso natin sa kalikasan at kapwa ay isang
pananagutang moral.
__________5. Ang ginagawa ng mga frontliner ay isang pagtugon sa
pangangailangan ng kapwa.
__________6. Ang ‘di pagsuot ng mask ay isang paglabag sa pananagutang
moral.
__________7. Artikulo VI seksyon 2, ang Karapatan ng bawat tao ay may
katumbas na katungkulan.

II- Tukuyin kung ang pahayag ay pananagutan ng bawat mamamayan sa


kapwa (PMK) o pagtugon sa pangangailangan ng pamayanan sa angkop na
pagkakataon(PPP):

___________1. Pamimigay ng SAP (Social Amelioration Program) ng DSWD.


___________2. Pagbibigay ng produkto o serbisyo na kailangan ng mamamayan.
___________3. Pamimigay ng pakain sa mga naquarantine.
___________4. Paggalang sa Karapatan ng iba.
___________5. Pagbibigay ng DOH ng mga mahalagang impormasyon tungkol
lumaganap na sakit.

Susi ng Pagwawasto:
(Pre- Test)
1. a
2. b
3. d
4. d
5. d
6. b
7. b
8. a
9. b
10. a
11. a
12. a
Pagyamanin:
Gawain 1: Bubble Map
Bayan
- pagsunod sa batas at mga alituntunin
- pagbabayad ng buwis
- Pangangalaga sa kalikasan
- pangangalaga sa kapaligiran
Kapwa
- pagtulong
- pagrespito sa mga nakakatanda
- pagsunod sa mga magulang

Gawain 2: Spider Web


- pamimigay ng SAP
- pamimigay ng bigas
- pamamahagi ng groceries at bigas ng mga mayayaman o may kayang pamilya
- pagtutulungan o bayanihan ng mga doctors, nars, police at mga local na opisyal
sa gobyerno
- pagsunod sa curfew
- pamimigay ng mga personal na kagamitang pamproteksyon sa mga
manggagawa at front liner

Post-test
I
1. M
2. T
3. T
4. M
5. T
6. T
7. T
II-
1.PPP
2. PPP
3. PPP
4. PMK
5. PPP

References:
https://www.gmanetwork.com
https://books.google.com.ph/books?id
https://www.slideshare.net/
https://www.facebook.com/177999609401474
https://brainly.ph/question/2080032#readmore
https://quizlet.com/329566614
ESP 9 LEARNING MODULE
Inihanda ni:

JOSSIE LAQUIO. BATBATAN


T-ll / EVNHS

You might also like