You are on page 1of 17

Schools Division of Calapan City

Calapan City West Schools District


ADRIATICO MEMORIAL SCHOOL

GRADE 5
QUARTER 4 - WEEK 1

Prepared by:

RONALYN B. RAMOS
Teacher III

1
NAME OF LEARNER
(5 – LEO)

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Self-Learning Activity Sheets
Quarter 4 – Week 1-Lesson 1
• Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa
kapwa
tulad ng:
a. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa
kinabibilangang pamayanan.
(EsP5PD-IVa-d- 14)

BASAHIN AT UNAWAIN

Maraming pagkakataon na kailangan nating


magparaya sa iba at kalimutan muna ang sarili alang-
alang sa kapakanan ng iba. Ang pagpapakita nang tunay
na pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa ay isang
gawaing ipinagmamalaki ng mga Pilipino. Isa ito sa
pagtupad ng ating tungkulin at pagmamahal sa Diyos ang
isaalang-alang ang kapakanan ng ating kapuwa.
Ang pagsasaalang-alang sa kapuwa natin ay dapat na
ipakita sa lahat ng pagkakataon. Dapat na ipabatid sa
lahat na ang mga mag-aaral ay gumagawa rin ng kapaki-
pakinabang na mga gawain para sa kapakanan ng iba at
mga tungkulin sa loob o sa labas man ng paaralan.

Tunghayan ang graphic organizer upang


lubusang mong maunawaan ang kahalagahan ng
ating kapwa.

Pagsasaalang-alang/Pagmamalasakit sa
2
Kapwa
Ang pagpapakita ng pagmamalasakit,
pagbibigay ng respeto at paggalang sa kapwa ay
tanda ng pagmamahal sa ating kapwa.

Isa ito sa mahalagang utos ng Diyos na


“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili”

Ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng


pagsasaalang-alang/malasakit sa ating kapwa:
1. Pagtulong sa nakatatanda at may kapansanan
2. Pagbibigay tulong sa mga biktima ng iba’t-ibang
kalamidad
3. Paggalang sa karapatan nila bilang tao , at
4. Pagdamay/pagbibigay payo sa kanilang
pinagdadaanan

GAWAIN 1
Panuto : Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga
katanungan
tungkol sa kwento.

Kasiyahan sa Pagtulong sa Kapuwa

Ako si Abby at masaya ako ngayon. Maaga akong


gumising kaninang umaga. Inayos ko na ang lahat ng
gamit ko kagabi pa lamang. Tinawagan ko na rin ang mga
kaibigan kong sina Charlie,
3 Hannah, Danny, Jules, at
Miguel upang ipaalaala sa kanila ang tungkol sa aming
outreach program.
Ang guro namin na si Gng. Veles ay nakipag-ugnayan
sa isang social worker na si Ate Olive para sa dalawang
outreach program namin. Isang in-campus at isang off-
campus. Ang in-campus ay may partisipasyon ng mga
doktor para magbigay ng libreng konsulta at gamot. May
inihanda ring meryenda tulad ng lugaw, crackers, at juice
para sa mga tao. Naghanda rin kami ng ilang mga gawain
para sa mga batang kasama ng kanilang mga magulang
habang nag-aantay. Marami kaming inihandang coloring
materials para habang kami ay nagkukuwento ay may
ginagawa ang mga bata.
Masaya naming nagampanan ang aming mga
responsibilidad. Nalaman at naramdaman namin ang
kahalagahan at kabutihan ng pagtulong at bolunterismo.
Pinaghahandaan naman namin ang pagpunta sa
isang SPED center sa isang linggo.
Sa SPED center, ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
abilidad na kadalasan ay may kabagalan o kahinaan kung
ihahambing sa mga regular na mag-aaral sa ibang
paaralan.
Ang ilan ngayon sa amin ay gumagawa na ng mga
programa para aliwin ang mga
mag-aaral tulad ng mga laro at mga mini-lesson. May
naghahanda na rin ng dadalhing pagkain para sa aming
lahat.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang pinaghandaan ni Abby?
____________________________________________________
____________________________________________________
________________
4
2. Sino-sino ang mga kasama ni Abby sa outreach
program?
____________________________________________________
____________________________________________________
_______________
3. Anong tulong ang inihanda nina Abby para sa mga
batang
isinama ng mga magulang?
____________________________________________________
____________________________________________________
________________
4. Ano ang naramdaman nina Abby sa ginawang
pagtulong sa
kapuwa? Bakit?
____________________________________________________
____________________________________________________
________________
5. Magagawa mo bang maipakita ang iyong tunay na
pagmamahal sa kapuwa? Paano?
____________________________________________________
____________________________________________________
________________

GAWAIN 2

Panuto: Ayusin ang pinagbali-baliktad na mga letra ng


salita
upang mabuo ang
5 katangiang ipinakita sa mga
sitwasyon.
________ 1. yamdapag - Matiyagang pinakinggan ni Anna
ang problemang pinagdadaanan ng kanyang
kaibigan.
________ 2. halmamapag - Maraming batang lansangan
ang inaaruga at kinakalinga ng DSWD.
________ 3. mamalapagsakit - Naging trending sa social
media ang pangkat ng mga riders dahil sa pag-aayos
ng bahay ng isang matanda sa
Samar.
________ 4. longpagtu - Inalalayan ni Ben ang
matandang papatawid ng kalsada.
________ 5. langgapag - Pinakinggang mabuti ng pinuno
ang mga suhestiyon ng kanyang kasapi bago bumuo ng
desisyon.

GAWAIN 3

Panuto : Sukatin mo ang iyong sarili kung gaano


mo naisasaalang-alang ang iyong kapwa. Lagyan ng
tsek kung gaano mo kadalas ginagawa ito.
Palagi Paminsan- Hindi
minsan
1. Nagbibigay ako ng tulong
sa mga biktima ng
kalamidad nang bukal sa
aking kalooban.
2. Nagdidesisyon ako na
makabubuti sa lahat.
3. Pinakikinggan ko ang
suhestiyon ng aking mga
kapwa.
4. Minamahal ko ang aking
kapwa tulad ng
pagmamahal ko sa Diyos.
5. Di man ako makatulong sa
materyal na bagay ay
tumutulong ako 6sa
pamamagitan ng pagda-
rasal para sa
kaligtasan ng aking
kapwa.

GAWAIN 4

Panuto : Pag-aralan ang larawan at suriin kung paano


kayo makatutulong sa mga biktima ng kalamidad.

1. Biktima ng
bagyo/baha

____________________________
____________________________
____________________________
_____________________________
_____________________________

7
2. Biktima ng lindol

_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

GAWAIN 5

Panuto: Isulat ang tsek ( / ) sa patlang kung wasto ang


pahayag at nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa
kapuwa at isulat ang ekis ( x ) kung hindi.

______1. Maraming salamat at tinulungan mo ako kahit


ngayon lamang tayo nagkakilala.
______2. Gagawin ko ang lahat kahit ang mangopya sa
aking kamag-aral. Sayang ang pangako ni Daddy na
bibilhan niya ako ng bagong gadget kapag
ako ay nakakuha ng pinakamataas sa pagsusulit.
______3. Ang tagal naman ni nanay, kailangan ko ng
dagdag na baon. Kukuha na lang muna ako sa pitaka
niya.
______4. Sorry po Mam, ako po ang nakabasag ng
plorera kanina. Patawad po hindi ko agad sinabi.
______5. Tabi nga! Nakaharang kasi kayo sa daan.
______6. Salamat sa Diyos, kailanman ay hindi Niya
8
kami
pinabayaan, marami pa ring nagbibigay ng
donasyon para sa aming mga biktima ng pagputok ng
bulkan.
______7. Napakasalbahe kasi ng mag-anak na iyan!
Mabuti nga nasunog ang bahay nila.
______8. Ako na po ang maglilinis ng bahay Nanay, para
makapagpahinga naman kayo.
______9. Gusto mo bang sumama sa pagbibigay ng mga
relief goods sa mga biktima ng bagyo?
_____10. Akala mo kasi ikaw ang pinakamagaling, ang
yabang yabang mo kasi!

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 5

Subukin
Panuto: Kilalanin ang mga salita na nasa loob ng kahon.
Ilagay sa tamang hanay kung saan ito
napapabilang na pangkat - produkto o serbisyo.

daing na
Manicurist suman isda tinapay
mechanic guro basket Barber
gulay drayber

Produkto Serbisyo

1. 6.

2. 7.

3. 9 8.
4. 9.

5. 10.

Produkto O Serbisyo?
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, nagbabago
ang lahat ng mga bagay at marami ang mga pwedeng
mapagkakitaan ng mga tao. Ang ilan ay maaaring
makapagnegosyo gamit ang mga produktong karaniwang
gawa sa kamay o makina. Ang iba naman ay maaaring
matagumpay sa buhay gamit ang kanilang serbisyo sa
paglilingkod ayon sa uri ng kaalaman at kasanayan sa
iba’t-ibang sector sa lipunan.

Balikan
Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang mga
oportunidad na maaaring mapagkakitaan sa tahanan at
pamayanan. Maraming mga bagay ang kailangang
sabayan bugso na rin sa mga pagbabagong nagaganap sa
lipunan. Maraming mga oportunidad ang dumarating
kasabay sa pag-angat ng buhay ng bawat mamayang
Pilipino. Ang isa sa mga mahalagang papel na
ginagampanan ng isang tao ay ang kumita at magkaroon
ng kabuhayan para sa pang araw-araw na
pangangailangan.
May alam ka bang mga oportunidad na maaring
mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan? Ano-ano mga
ito? Gaano kahalaga ang mga kabuhayang ito sa mga tao?

Tuklasin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon
10
ang tamang produkto o
serbisyo na tinutukoy sa bawat pangungusap.
Chef laundry washer
damit gatas
Gardener carpenter

_____________ 1. Tagalaba ng mga damit, kumot at iba pa.


__________
___ 2. Produkto ng sastre o mananahi.
_____ 3. Tagapag-alaga ng iba’t-ibang uri ng halaman.
__________
___ 4. Mahusay sa pagluluto.
__________
___ 5. Isa sa mga produkto ng baka at kalabaw.

Suriin
MGA PRODUKTO
Ang mga produkto ay mga ani o bunga at mga kalakal
tulad ng pagkain, damit, sapatos, gamot, appliances,
sabon, alahas, sasakyan at iba pa. Maaari rin itong mga
bagay na gawa ng mga prodyuser o negosyante upang
matugunan ang mga pangangailanagn ng mga tao sa
pamayanan.
Mga Uri ng Produkto:
• Durable Goods – Ito ay mga kagamitang maaaring
gamitin nang matagalan.
Halimbawa: damit, sapatos, alahas, kasangkapan sa
bahay, computer, mga sasakyan at iba pa.
1. Non-durable Goods – Ito ay mga produktong
madaling maubos o karaniwang
ginagamit.
11
Halimbawa: mga pagkain, mga inumin, mga sabong
pampaligo at panlaba, lapis, papel, at marami
pang iba.
MGA SERBISYO
Ang serbisyo ay isang uri ng paglilingkod o pagsisilbi
gamit ang mga kaalaman at kasanayan sa lipunan at
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa
pamayanan. Ito ay nahahati sa iba’t-ibang sector gaya ng
propesyonal, teknikal at mga kasanayan. May mga
serbisyo na kailangan muna makapagtapos ng kurso at
makakuha ng board o bar exam upang makakuha ng
lisensiya para makapagtrabaho sa professional service
sector.
Mga Uri ng Serbisyo:
• Propesyonal – kailangan nakapagtapos ng kurso at
nakakuha ng board o bar exam upang makakuha ng
lisensiya.
Halimbawa: guro, engineer, doctor, abogado, nars, pulis,
accountant at iba pa.
• Teknikal – Ito ay uri ng serbisyo na nangangailangan
ng mga kaalaman sa paggawa ng mga bagay o
pagkukumpuni gamit ang iyong kaalamang technical.
Halimbawa: auto mechanic, computer programmer,
electrician, computer technician, aircraft mechanic at
marami pang iba.
• Kasanayan – serbisyong nangangailangan ng mga
kasanayan sa paggawa.
Halimbawa: masahista, mananahi, karpintero, pintor,
barbero at marami pang iba.

Isaisip 12
Ang mga pangangailangan ng tao ay natutugunan
dahil sa iba’t ibang produkto at serbisyong nasa
pamayanan. Ang mga produkto ay mga kalakal na
nakikita o nahahawakan, samantalang ang mga serbisyo
ay mga aktibidad na ginagawa ng mga tao at makinarya.
Para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa
aralin, maaaring sagutin ang mga sumusunod na
pagsasanay.
Panuto: Isulat sa patlang kung Sebisyo o Produkto ang
tinutukoy sa bawata bilang.
Gawin ito sa kwaderno.
______________ 1. Sila ang gumagawa ng mga
pangklinikang pangrepleksolohiya o Pagmamasahe
______________ 2. Ito ay mga pagkain na
nilulutosa mga restaurant upang
matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan.
______________ 3. Mga nagtuturo sa mga pampublikong
paaralan upang magkaroon ng mgandanag kinabukasan
ang mga kabataan.
______________ 4. Mga sasakyang ginagamit ng mga tao
sa pang araw-araw.
______________ 5. Cellphones, laptops at iba pang mga
gadyet na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.
______________ 6. Mga drayber at tsuper na tagahatid ng
mga tao sa trabaho at sa paaralan.
______________ 7. Mga doctor at nars na tagapag-alaga ng
mga taong may sakit.
______________ 8. Telebisyon at Radyo nagsisilbing
libangan ng mga tao.
______________ 9. Kotse, motrsiklo at iba pang uri ng mga
13
sasakyang ginagamit ng mga tao araw-araw.
______________ 10. Tagagawa ng mga plano para sa
pagtatayo ng mga malalaking bahay o istraktura.

ISAGAWA

Gawain 2
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at Mali kung hindi.
__________ 1. Ang serbisyo ay mga uri ng paglilingkod na
kalimitang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga
tao.
__________ 2. Ang produkto ay ang mga bagay na
ginagawa ng mga negosyante para tugunan ang mga
pangangailangan ng mga tao.
__________ 3. Ang mga tao ay walang karapatang magsilbi
o magtrabaho para sa mga pangunahing
pangangailangan sa pamayanan.
__________ 4. Ang pagbibigay ng serbisyo ay nababatay sa
kakayahan ng isang tao at sa kung ano ang kanyang
kursong natapos.
__________ 5. Hindi pinapayagan ang isang negosyante na
mamili ng produktong maaaring ilabas sa merkado.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng


pagtatala ng mga produkto at serbisyong makikita
sa inyong lugar o barangay. Gawin ito sa kwaderno.
Produkto Serbisyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

ANSWER KEYS
ESP

1. GAWAIN 1
1. Ang Outreach Program ang pinaghahandaan ni
Abby.
2. Sina Charlie, Hannah, Danny, Jules at Miguel
ang mga kasama ni Abby.
3. Naghanda ng mga Gawain para sa mga bata at
mga coloring materials .
4. Masaya siya dahil nagampanan niya ang
kanyang reponsibilidad.
Nalaman at naramdaman nila ang
kahalagahan at kabutihan ng pagtulong
5. Sariling sagot ng mga bata
15
2. GAWAIN 2
1. pagdamay
2. pagmamahal
3. pagmamalasakit
4. pagtulong
5. paggalang

3. GAWAIN 3
Maaaring ang sagot ng mga bata ay
magkakaiba

4. GAWAIN 4
• Pagbibigay ng gamot
• Pagbibigay ng damit,kumot, kulambo at iba
pa
• Pagbibigay ng mga pagkain : kape, noodles,
de lata, gatas, diaper
• Pagpapatuloy pansamantala sa sariling
tahanan
Iba pang kaugnay na sagot ng bata

5. GAWAIN 5
1. √ 6. √
2. X 7. X
3. X 8. √
4. √ 9. √
5. X 10. X

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN


SUSI SA PAGWAWASTO

5
.3 gardener
(Answer may vary)
.2 damit
.1 laundry Karagdagang Gawain:
washer
Tuklasin:
16
10 barber
.10 Serbisyo .9 drayber .10 Serbisyo
Produkto .9 .8 guro Produkto .9
Produkto .8 .7 mechanic Produkto .8
Serbisyo .7 .6 manicurist Serbisyo .7
Serbisyo .6 SERBISYO Serbisyo .6
Produkto .5 .5 tinapay Produkto .5
Produkto .4 .4 basket Produkto .4
Serbisyo .3 .3 daing na Serbisyo .3
Produkto .2 isda Produkto .2
Serbisyo .1 .2 suman Serbisyo .1
Isaisip .1 gulay Isaisip
PRODUKTO
Subukin:

17

You might also like