You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Leslie Ann C. Layos


GRAFFITI MODEL

Content Standard: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng


tao sa kanyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pagusbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong


nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Learning Competency: Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa


at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etnolingguistiko at relihiyon sa daigdig).

I. Desired Learning Objectives


Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang pinagmulan ng relihiyong Islam
2. naipapahayag ang kahalagahan ng kanilang mga turo, paniniwala at kaugalian
3. naitatala ang mga kasagutan sa bawat katanungan sa graffiti sheets
II. Lesson
1. Content: Relihiyong Islam
2. Skills: Cognitive, affective, psychomotor skills
3. Attitude/s: Teamwork, unity
4. Value/s: Moral relativist

III. Instructional Materials


1. Visual: Colored markers
Graffiti sheets/ Meta-cards

IV. Strategies (Graffiti Model)

Step 1: Preparing the graffiti questions

Ang guro ay naghahanda ng limang tanong na nilalayon para sa bawat isa sa limang
pangkat.

1. Paano umusbong ang relihiyong Islam?

2. Ano ang nalalaman mo patungkol sa araw ng paghukom ng mga Islam?


3. Kailan isinasagawa ang limang beses na pagdarasal ng mga Muslim araw-
araw?

4. Ibigay ang limang haligi ng Islam.

5. Ibahagi ang nalalaman patungkol sa Ramadan.

Step 2: Distributing the Materials

Ang guro ay nagbibigay ng mga colored markers at meta-cards sa miyembro ng


bawat pangkat. Sa pamamagitan ng color coding, ang mga miyembro ng bawat pangkat
ay nagsusulat ng kanilang sariling sagot sa binigay na sariling meta-cards na
inilathala para lamang sa kanilang grupo.

Step 3: Answering to Questions

Ang grupo ay sumasagot sa graffiti sheet na ibinigay sa bawat pangkat. Sila ay


mayroong dalawang minuto upang isipin ang isasagot bago ito isulat. Ang bawat tanong
ay tumutugma sa isang tugon ng meta-card.

Step 4: Exchanging Questions

Pagkatapos sagutan ang unang tanong sa grupong nakaatas, ipapasa ito patungo sa
isa pang pangkat. Ang pagpapalitan ng tanong ay ginagawa matapos ang tatlong minuto,
upang makumpleto ang pagsagot sa lahat ng mga ibinigay na tanong.

Step 5: Returning to the Previous Questions

Ang pagtatapos ng "carousel of questions". Kapag ang tanong na ibinigay sa


unang grupo ay bumalik na, ito ay nagpapahiwatig ng pagtatapos ng graffiti.

Ang lahat ng miyembro sa pangkat ay nakakakuha ng kanilang mga graffiti sheet


o meta-card upang suriin ang lahat ng kanilang nakasulat na mga tugon. Sila ay nagtipon-
tipon sa mga tugon ng lahat ng miyembro at nag label ng ilang mga konsepto at gumawa
ng nga pangkalahatan.

Step 6: Sharing of Information

Ang guro ay aatasan ang mga mag-aaral para iulat ang kanilang mga feedbacks
kung paano tumugon ang mga miyembro ng buong klase sa limang tanong na ibinigay ng
guro.

V. Assessment
Panuto: Piliin at bilugan ang tamang sagot.

1. Ang regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw na bahagi ng limang haligi
ng Islam ay tinatawag na ________.

A. Shahada B. Salat o Salah C. Zakat o Sakah D. Saum E. Hajj

2. Sinasabi sa ________ na bahagi ng limang haligi ng Islam na walang ibang Diyos na dapat
sambahin kundi si Allah at si Muhammad na kanyang propeta.

A. Shahada B. Salat o Salah C. Zakat o Sakah D. Saum E. Hajj

3. Ang pagbibigay ng tulong sa mahirap ay bahagi ng limang haligi ng Islam at ito ay tinatawag
na _______.

A. Shahada B. Salat o Salah C. Zakat o Sakah D. Saum E. Hajj

4. Isa sa haligi ng Islam ay ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan at ito ay tinatawag na ______.

A. Shahada B. Salat o Salah C. Zakat o Sakah D. Saum E. Hajj

5. Ang ______ ay isang banal na paglalakbay sa Banal na Tahanan ng Allah at ito ay bahagi ng
haligi ng Islam.

A. Shahada B. Salat o Salah C. Zakat o Sakah D. Saum E. Hajj

6. Isinasagawa ng mg Muslim ang pag-aayuno sa panahon ng ________.

A. Hari Raya B. Biyernes C. Ramadan D. Limang beses sa isang araw

7. Ipinakilala ang sistemang sultanato sa Pilipinas nila _______ at _______.

A. Allah at Mohammed C. Rajah Baguinda at Abu Bakr

B. Sharif Kaungsuwan at Abu Bakr D. Sharif Kaungsuwan at Rajah Sulayman

8. Sa sistemang sultanato, ang pamahalaan at relihiyon ay _______.

A. Magkaiba C. Magkasama at pinag-isa

B. Hindi pinapahalagahan D. Hindi dapat magkasama

9. Ang Madrasah ay isang sistema ng ________.

A. Panulat B. Pamahalaan C. Edukasyon D. Laro

10. Ang mga ________ ang limang pangunahing mga gawain ng Islam na itinuturing na
obligasyong gawin ng lahat ng mga Muslim.
A. Haligi ng Islam C. Patakarang Islam

B. Pader ng Islam D. Gawain Islam

VI. Assignment

Magsaliksik tungkol sa Relihiyong Buddhismo.

You might also like