You are on page 1of 23

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 8
Pamana ng mga Kabihasnan-
Ipinagmamalaki at
Napakikinabangan!
Ikalawang Markahan
Modyul 4

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng
kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan.

0
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na
gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

1
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Ang modyul na ito ay binuo upang mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa
Kasaysayan ng Daigdig. Hahasain nito ang iyong kakayahan sa pagbabasa, pag-
unawa, pagsusuri at pagpapahalaga tungkol sa mga naging hamon at tagumpay ng
sangkatauhan sa mahabang paglalakbay nito. Hinihimok ka na makibahagi sa
muling pagtuklas ng ating nakalipas dahil makatutulong ito na maunawaan ang
kasalukuyan at magsilbing gabay patungo sa kinabukasan.

Saklaw ng aralin na ito ang mga sumusunod na paksa:


1. Arkitektura at Inhenyeriya
2. Sining
3. Panitikan
4. Sining Pagganap (Performing Arts)
5. Palakasan
6. Politika
7. Pilosopiya
8. Agham

Ikaw ay inaasahang makapagpahayag ng pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng


kabihasnang klasiko sa pag – unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Ang modyul na ito ay may sumusunod na mga layuning dapat mong matutuhan:

1. Natatalakay ang mga katangiang kultural ng mga Klasikong Kabihasnan na


mababakas pa rin sa kasalukuyan.
2. Nauunanawaan ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay
tinutularan at ginagamit ng mga tao ang mga katangiang kultural ng
Klasikong Kabihasnan sa ibat ibang larangan.
3. Nakapagpapahayag ng saloobin sa kahalagahan nito sa kasalukuyang
panahon.
4. Nakapagsasaliksik ng mga bakas ng kultura ng Klasikong Kabihasnan sa
sariling pamayanan.

Simulan natin ang iyong paglalakbay upang mapalawak pa


ang iyong kaalaman ukol sa Mga Kontribusyon ng
Kabihasnang Klasiko sa Pag – unlad ng Pandaigdigang
Kamalayan. Tiyak akong ikaw ay handa na at nasasabik nang
sagutan ang Unang Pagsubok.

2
UNANG PAGSUBOK
Larawan mula sa:
https://www.clipartkey.com/view/hhTohR_test-clipart-multiple-
choice-test-multiple-choice-questions/

Gawain: Wasto o Saloobin.


Panuto: Isulat ang K kung wasto ang pahayag at O kung ito’y saloobin lamang.

(K) Wasto o
Pahayag
(O) Saloobin
1. Ang mga kabihasnang Klasiko ay walang naitulong sa
pagsulong ng kaalaman at kakayahan ng mga
kabihasnan sa kasalukuyan.
2. Nagsilbing inspirasyon sa larangan ng arkitektura ang
mga templo, stadium, theatron at mausoleo ng mga
Griyego.
3. Ang mga Romano ang nag-ambag ng idealism sa
presentasyon ng sining na ipinapakita ang tunay na
anyo ng tao o bagay.
4. Sa mga akdang Griyego at Romano mababakas ang mga
saloobin at kaisipan ng lipunan nila noon.
5. Si Herodotus ang nagpasimula sa pagsusulat ng
kasaysayan batay sa ebidensya at pakikipanayam ng
mga saksi.
6. Ang Olympics noong Panahong Klasikal ay bahagi ng
pagdiriwang na panrelihiyon sa lungsod estado ng
Athens.
7. Ang Demokratikong Sistema ng pamamahala sa Athens
ay batayan ng mga porma/ uri ng pamahalaan sa
kasalukuyan.
8. Ang mga pilosopiya ng mga Griyego at Romano ay
nagbibigay pakahulugan sa tao at sa mundo.
9. Ang pangunahing ambag ng mga Griyego sa pagsulong
ng medisina ay ang metodolohikal na pagtukoy at pag-
aaral ng karamdaman at kalunasan.
10. Ipinahayag ni Hippocrates na ang dapat obserbahan
ang kalagayan ng tao para matukoy ang karamdaman
at hindi dapat ibase sa mga pamahiin.

Magaling, natapos mo nang sagutan ang mga katanungan.


Maaari mo nang hilingin sa iyong tagapagdaloy na suriin at
iwasto ang iyong gawain. Pagbati, ipagpatuloy mo pa ang
iyong pagkatuto!

3
BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Panuto: Punan ng letra ang mga blankong bahagi upang mabuo ang pangalan na
tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Sila ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at


unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12
siglo.

A __ t __ c
2. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Maya.

__ a __ s a __ a __ a
3. Ang kabihasnan na nagtatag ng imperyo sa kabundukan ng Andes.

__ n __ a
4. Ang Kristiyanismo ay nakarating sa kahariang ito nang dahil sa kalakalan.

A __ __ m
5. Ang unang estado na naitatag sa Kanlurang Africa.

G __ a __ a
6. Ang pinuno ng Mali sa rurok ng kapangyarihan nito.

S __ n __ __ a __ a
7. Ang imperyong pinamahalaan ni Haring Sunni Ali mula 1461 hanggang
1492.

__ o __ g __ a __
8. Ang pangkat ng mga pulo sa Pasipiko na nangangahulugang maliliit na mga
isla.

M __ c __ o __ e __ i __
9. Ang pangkat ng mga pulo sa Pasipiko na nangangahulugang maraming isla.

__ o l __ n __ __ i a
10. Hinalaw ang pagpapangalan sa mga pulo na ito dahil sa maitim na kulay ng
mga naninirahan doon.

M __ l __ n __ s __ a

4
MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef

Ang isang kabihasnan ay dumadaan sa proseso ng pagbabago sa mahabang


panahon. Ito ay umaayon at umaangkop sa interaksyon nito sa kapaligiran at sa
pakikipag-ugnayan sa ibang lipunan. Ang isang kabihasnan ay maaring mag-
imbento ng mga bagay at pamamaraan para bumuti ang kanilang pamumuhay.
Maari din nilang tuwirang hiramin ang katangiang kultural ng ibang kabihasnan o
i-ayon at magkaroon ng modipikasyon sa hiniram na katangian para tugunan ang
kanilang pangangailangan. Ang mga pagbabagong ito ay nagdulot ng kabutihan at
progreso.

Ang mga kabihasnan ngayon ay lumilingon sa mga klasikong kabihasnan para


pagkunan ng inspirasyon, tularan ang mga tagumpay at magsilbing gabay upang
maisulong pa ang kapakanan ng sangkatauhan. Ang aralin na ito ay tumatalakay
sa kontribusyon ng klasikong kabihasnan sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyan.

Aralin Pamana ng mga Klasikal na


4 Kabihasnan

Arkitektura at Inhenyeriya

Ang pagdisenyo ng mga gusaling pampamahalaan o pampribado man sa


kasalukuyan ay kumuha ng inspirasyon mula sa mga templong itinayo ng mga
Griyego lalo na ang Parthenon. Pinahalagahan nila sa pagdisenyo ng gusali ang
pagkakaroon ng balance at proportion na makikita sa mga bahagi tulad ng haligi at
biga (post and lintel), ang entablature, pediment at ang frieze (inukit na mga eksena
sa mitolohiya o mahahalagang kaganapan). Inangkupan din ng mga palamuti ang
templo na makikita sa disenyo ng mga capitals ng haligi na tinawag na Doric, Ionic
at Corinthian. Ang istilong Doric ang pinakasimple sa lahat na may pabilog na
capital at walang base. Ang disenyo naman ng Ionic ay mayroong volutes (scrolls)
sa itaas na bahagi at may base sa paanan. Ang katangian ng Corinthian ay may
capital itong may disenyong mga dahon ng acanthus. Kalaunan ang mga Romano
naman ay nagdadag ng istilong Tuscan at Composite. Ang disenyo ng capital at
base nito ay hindi napapalamutian at mas simple pa sa Doric. Datapwat ito ay mas
malapad nagpapakita ng katatagan. Ang Composite naman ay pinagsamang istilo
ng Ionic at Corinthian na mababakas sa palamuti ng capital na may volute at
dahon ng acanthus.

5
Ang Doric capital (kanan) at Ionic capital (kaliwa)
Larawan mula sa: https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e9/DorischJonisch.jpg

Ang mga Griyego ay nagtayo din ng ibat ibang pampublikong gusali para sa iba’t
ibang pangangailangan. Isang halimbawa nito ang colonnade na bukas na
bulwagan na may bubong at suportado ng maraming column tulad ng makikita na
Stoa of Attalos sa Athens. Sila din ay nagtayo ng mga stadium - mga gusaling
pinaggaganapan ng mga palarong pampalakasan at may kakayahang magpa-upo
(seating capacity) ng malaking bilang ng manonood. Ang bahagyang pabilog na mga
mga theatron naman ay gusaling ginaganapan ng mga pagtatanghal. Itinayo
naman ang gymnasium para may lugar kung saan makapagsasanay sa palakasan
ang mga tao. Ang pangunahing materyal na ginamit nila sa pagtatayo ng mga
gusali ay marmol dahil sa kaputian nito at hatid na ningning kapag pinakinis.

Ang mga Romano naman ang kinilala sa malalaki at matataas ng gusali tulad ng
mga amphitheatre, basilica at circus. Ito ay sa kadahilanan na pinagbuti nila ang
kaalaman sa pagtatayo ng mga arko (arches) at boveda (vault). Ang arko ay isang
istrakturang kurbado (curved) na higit ang kakayahang magdala ng bigat kumpara
sa mga pahalang na biga sa isang gusali. Ginamit ito sa pagtatayo ng mga tulay at
aqueducts tulad ng Pont du Gard sa Nimes France. Ang boveda naman ay katulad
ng arko ngunit ginagamit bilang bubong. Ang boveda sa palasyo ni Diocletian sa
Split Croatia ay isang halimbawa nito.

Isa pang natatanging inobasyon ng mga Romano sa pagdisenyo at pagbuo ng mga


pampublikong gusali ay ang dome. Ito ay pabilog na bubong na tumatakip sa
malaking espasyo ng gusali na walang sumusuportang haligi sa gitna. Ang
Pantheon sa Roma ang pinakamalaking dome na gawa sa purong semento
(unreinforced concrete) na nagsilbing libingan ng mga emperador noon.

Ang mga gusaling nabanggit at naitayo gamit ang opus caementicium o semento na
pinagsamang apog, putik at pozzolan (abo na mula sa bulkan). Kapag ito’y inihalo
sa buhangin, tubig at bato ay makabubuo ng kongkreto (concrete). Sa tulong nito
nakapagbuo ng mga aqueducts o daluyan ng tubig mula bukal patungong lungsod,
mga tulay, “elevated” na kalsada, mga triumphal archs, mga imbakan at templo.

Mahalaga sa pag-aaral ng arkitektura ang sinulat ng Romanong si Vitruvius na De


Architectura. Doon nakasaad ang katangian ng mga istilo ng columns at ang pag-

6
unawa sa prinsipyo ng symmetry, proportion at balance na mahalagang isinasa-
alang-alang sa pagdisenyo ng mga gusali.

Ang natatanging arkitektura ng Greece na pinaghusay pa ng Rome ay nagsilbing


inspirasyon upang magkaroon ng mga istilong naging sikat mula pa noong ika 18-
siglo. Lumaganap ang Neo Classical, Federal Style, Greek Revival Beaux Arts sa
mga pampublikong gusali sa Europa, Americas at mga kolonya nila sa Asya.

Sining

Malaki ang impluwensya ng mga Greeks at Romans sa sining tulad ng sa pagpinta


at paglililok dahil gabay ito ng mga artisano at artists sa pagbuo ng obra. Nakatuon
ang mga Griyego sa konsepto ng idealism o ang pagpresenta ng rurok ng
kagandahan at kaayusan. Ang modelo nila sa pagbuo ng mga obra ay mga atleta
na taglay ang pangangatawang sumasalamin sa pagiging perpekto tulad ng inukit
na imahe ng the discuss thrower o discobolus. Nakatuon naman ang mga Romano
sa realism o ang pagpapakita ng tunay na anyo ng tao. Kung ano ang hitsura at
pangangatawan ng isang tao ay iyon ang tutularan ng obra tulad ng mga inukit na
busto ng mga emperador ng Rome at ng mga ipinintang frescoes ng imahe ng tao
sa mga guho sa Pompeii.

Panitikan
Ang kapangyarihan ng panulat ay mahalagang tagapagsalin ng kaalaman at
saloobin ng isang henerasyon sa kasunod na salinlahi. Ang panitikan ay kalipunan
ng mga pahayag at akda na maaring kathang isip (fictional) at di-kathang isip (non-
fiction).

a. Kathang isip
Mababakas sa mga akda ang pagkamalikhain na mga manunulat noon dahil
naipapakita nila ang sitwasyon ng tunay na buhay gamit ang mga tauhan (fictional
character). Isa sa mga tanyag na Griyegong kuwentista si Aesop sa kanyang mga
pabula (fable) kung saan kumikilos ang hayop na parang tao at naghahatid ng aral
sa bumabasa. Ang mga tanyag na halimbawa nito ay ang Kuneho at ang Pagong,
Ang Langgam at ang Tipaklong at ang Leon at ang Daga.

Ang patulang epiko na Iliad at Odyssey ni Homer ay magiliw na binasa ng mga tao
at naging inspirasyon ng mga pelikula sa kasalukuyan. Ito ay sa kadahilanan na
kuwento ito ng kabayanihan at katapangan ng mga tao at panghihimasok ng mga
diyos. Sa Iliad inilahad ang digmaan sa pagitan ng mga Mycenaens at ng mga
Trojans at ang kampihan ng mga diyos sa magkabilang panig. Ang Odyssey naman
ay inilalahad ang pkikipagsapalaran ni Odysseus na kumalaban ng mga halimaw
at panganib makabalik lamang sa kanyang asawa.

7
Ang mga likhang tula nina Sappho at Alcaeus na tungkol sa pag-ibig at ng kay
Pindar na nagpupugay sa kakayahan ng mga atleta ay nagsisilbing salamin sa
kaisipan ng lipunan noon.

Tinularan ng manunulat na Romano na si Virgil ang mga Griyego sa pagsusulat ng


kabayanihan at tagumpay sa epikong Aeneid. Doon inilalahad ang maalamat na
pagkakatatag ng Roma na kalaunan ay naging malakas na imperyo. Sa mga
isinulat naman ng makatang si Horace na Odes, Satires at Epistles iminulat nito sa
bumabasa ang pag-iisip at pagkilos ng tao sa pag-ibig, pakikipagkaibigan,
moralidad, pagluluksa at payapang pamumuhay.

b. Di Kathang isip

Sa larangan ng kasaysayan unang binigyang pagpapahalaga ni Herodotus ang


pagsusulat ng mga kaganapan batay sa pagkalap ng ebidensya at pakikipanayam
sa mga saksi. Ang aklat niyang The Histories ay nakatuon sa Digmaan ng mga
Griyego at Persian. Ito ang dahilan upang kilalanin siya na “Ama ng Kasaysayan
ng mga Kabihasnang Kanluranin” (Western Civilization). Ang manunulat naman na
si Thucydides ay inilahad ang kampihan at alitan ng mga polis sa pangunguna ng
Athens laban sa Sparta na pinamagatang History of the Peloponnesian War.

Ang Romano na si Livy ang sumulat ng History of Rome na inilalahad ang


kasaysayayan ng Roma mula sa pagkakatatag nito hanggang sa pamumuno ng
unang emperador na si Augustus. Sa Annals and Histories ni Tacitus, ipinahayag
niya na isinulat ang akda na sine ira et studio o walang galit at pagkiling. Upang
bigyang diin na balanse at patas ang pagtalakay sa mga kaganapan ng nakalipas.
Doon nakatala ang kabayanihan ng mga pinunong nagpalakas sa Roma at ang
kahinaan naman ng iba na nagpabagsak sa unang dinastiya ng Imperyong
Romano.

Pinakamahusay naman sa prose ang mananalumpati na si Cicero dahil sa marami


niyang sinulat na mga liham at talumpati na pumapaksa sa retorika, pilosopiya at
politika. Ilan sa kanyang mga sinulat ay ang On the Republic, On Invention, at On
the Orator.

Sining Pagganap (Performing Arts)

Sa larangan ng pagtatanghal makikita ang malaking pamana ng Greece sa


sangkatauhan. Tinawag itong drama ng mga Griyego at sa pamamagitan nito ay
nasusuri nila ang mundong kanilang ginagalawan at ang pagpapakahulugan nila
sa pagiging tao.

Ang drama ay nahahati sa dalawa - ang comedy na umiinog na katatawanan at


tinutuya ang mga tao dahil sa kanilang kalayawan at kahangalan. Ang tragedy
naman ay presentasyon ng mga sitwasyon na umiinog sa pag-ibig, pagmamalaki,
kasawian, digmaan, kabiguan at poot.
8
Bukod sa pag-arte mahalaga din ang isinulat ng mga mandudula (playwright) dahil
naiparating nila ang saloobin ng tao at sitwasyong hindi lantarang napag-uusapan
sa lipunan. Halimbawa ang Lysistrata ni Aristophanes na isang komedyang
nakatuon sa kakayahan ng kababaihan na wakasan ang digmaan. Ang sinulat
naman ni Sophocles na Oedipus Rex ay malungkot na kuwento ng pagkatali ng tao
sa kanyang tadhana.

Palakasan

Ang palakasan ay bahagi ng pagdiriwang panrelihiyon ng mga Griyego. Mayroon


silang Panhellenic games na sinasalihan ng mga lungsod estado sa Greece at ang
mga kolonya nito. Ang mga atleta nila ay lumalahok sa pagtakbo, karera ng
chariot, javelin throw, discuss throw, pagbuno o wrestling, pankration at
pentathlon.

Apat na lungsod ang pinaggaganapan at siyang abala sa mga palaro. Sa Delphi


ginaganap ang Pythian games bilang parangal sa diyos na si Apollo samantalang sa
Corinth itinatanghal ang Isthmian games na pagpaparangal sa diyos na si
Poseidon. Para naman sa diyos na si Zeus ang palarong Nemean sa Nema at ang
pinakatanyag sa lahat ng palaro - ang Olympics sa lungsod ng Olympia. Sa
paglipas ng panahon ipinahinto ito ni Theodosius I ng Imperyong Romano noong
303 C.E.

Pagsapit ng ika 19 na siglo, naging sentro ng atensyon ng tao ang tunggalian sa


lakas, yaman at kapangyarihan ng kanilang bansa. Para mabaling ang atensyon ng
mga bansa tungo sa palakasan ay binuhay muli ang Olympics noong 1894.
Isinusulong na ng modernong Olympic games ang kahusayan, paggalang at
pakikipagkaibigan ng mga atleta at ng mga bansa.

Politika

Sa larangan ng politika, ang ilang katangian ng pamahalaang Demoracy ng Greece


at ng Republic ng Rome ang tinularan ng maraming bansa sa kasalukuyan bilang
porma ng kanilang pamahalaan.

Ang democracy ay mula sa mga salitang Griyego na “demos” o karaniwang tao at


“kratos” na nangangahulugang lakas. Sa polis ng Athens isinakatuparan ang isang
direct democracy na ang bawat mamamayan ay tuwirang kasama sa pagpili ng
magiging pinuno, sa pagsasabatas ng mga panukala at sa pagpapatakbo ng
pamahalaan. Ang pagbibigay diin na ang mamamayan ang makapangyarihan sa
pamahalaan ang pamanang kaisipan ng mga Griyego na sa kasalukuyan ay
kinikilala ng mga lipunan o kaya ipinaglalabang makamit ng iba.

Ang representative democracy ng Republic ng Rome ay inspirasyon din ng


maraming bansa sa pagbuo nila ng pamahalaan. Ang mga Romano noon ay
9
naghahalal ng magiging kinatawan nila mga asembleyang tinawag na Comita at
Concilium na siyang bumubuo ng batas para sa kanilang kapakanan. Ang
pagkakaroon ng kinatawan sa sangay tagapagbatas ay makikita sa kasalukuyang
mga kongreso at parliamento ng iba’t ibang bansa.

Nagmula din sa Rome ang konsepto ng checks and balances para maiwasan ang
pag-abuso ng mga pinuno at sangay ng pamahalaan. Ito ay sa paraan ng paggamit
ng intercession o veto na ang layon ay legal na maihinto ang pagsasakatuparan ng
batas o pagkilos ng pamahalaan na maaring makasama sa kapakanan ng taong
bayan. Sa kasalukuyan, ang pangulo ay may kapangyarihan ng veto na ipawalang
saysay ang isang panukalang batas ay hindi katanggap-tanggap.

Itinuturing na pinakamalaking pamana ng Rome sa sangkatauhan ay ang


impluwensya ng kanilang mga batas sa kasalukuyang sistemang legal. Ang ilan sa
mga prinsipyong ito na tinularan at kinikilala ng maraming bansa ay ang:

1. Pagkakapantay pantay ng tao sa ilalim ng batas.


2. Maaring palitan ang batas kung ito’y hindi na nakatutugon sa
pangangailangan.
3. Ang tao ay may karapatang magtaglay ng personal na pagmamay-ari.
4. Ang mamamayan ay may karapatang bumoto.
5. Ang taong akusado ay kailangang ituring na inosente hangga’t hindi
napapatunayang nagkasala.
6. Maaring iharap at depensahan ng akusado ang kanyang sarili mula sa nag-
aakusa sa kanya.
7. Ang pagkakasala ay kailangang mapatunayan gamit ang matatag na
ebidensya.
8. Ang mga kontrata ay tinatanggap bilang kasunduan ng dalawang partido.
9. Ang tao ay parurusahan batay sa kanyang ikinilos at hindi sa kanyang inisip.

Pilosopiya

Ang mga Griyego ang nagpasimula ng philosophy na may napakalaking


impluwensya sa Kabihasnang Kanluranin dahil inihiwalay nito ang relihiyon sa
pagbibigay kahulugan sa tao at sa mundo. Saklaw nito ang mga kaisipan sa
kapaligiran, kalikasan, politika, matematika, astronomiya, etika, aesthetics at sa
kalikasan ng tao.

Ang mga pilosopong Griyego na nakatuon sa pagpapaliwanag ng pisikal na


kapaligiran.
Pilosopo Paniniwala
Batay sa kanyang obserbasyon ang tubig ang pinagmulan ng
Thales
lahat ng bagay.
Para sa kanya ang hangin ang siyang pangunahing materyal ng
Anaximenes
mga bagay.
Pythagoras Itinuro niya na ang lahat ng bagay ay binubuo ng mga numero.
10
Ang mga bagay ay nabuo sa pagsasama-sama ng mga atomos
Democritus
na pinakamaliit na matter sa mundo.

Ang tatlong pangunahing pilosopo na nakatuon sa kalikasan (nature) at pagkilos


ng tao at lipunan.
Pilosopo Paniniwala
Ginamit niya ang Socratic method na paraan ng pagtatanong at
pagsagot. Ang isang tao na may suliranin ay siya rin
Socrates makakahanap ng kalutasan sa tulong ng proseso ng
pagtatanong. Inadhika ni Socrates na pagbutihin ang moralidad
ng mga Athenians.
Nakasentro ang kaisipan ni Plato sa lipunan at pamahalaan. Sa
aklat niyang The Republic, ipinahayag niya na magkakaroon ng
Plato hustisya sa lipunan kung may maayos na ugnayan ang mga
mamamayan at ang pamamahala ay nasa kamay ng isang
philosopher king na isang matalino at makatarungang pinuno.
Sa sinulat niyang Nicomachean ethics binigyan diin na ang
pangunahing layunin ng bawat tao ay mamuhay ng masaya.
Kaugnay nito ang isa pa niyang akda na pinamagatang Politics.
Aristotle Doon inihahayag niya ang mga pamamaraan sa pagkakaroon ng
maayos na lipunan ay maghahatid din ng kasiyahan. Marami
din siyang sinuri sa ibat ibang larangan tulad ng akdang Politics,
Metaphysics, Poetics at On the Soul.

Ang mga pilosopo naman noong Panahong Hellenistiko ay nag-aadhika ng


pamamaraan ng pamumuhay.
Pilosopo Paniniwala
Itinatag niya ang Stoicism na inaadhika ang pagtitimpi para
Zeno ng malabanan ang paghahangad ng yaman at kapangyarihan.
Stoa Kailangan din na maging mapang – unawa at matulungin sa
kapwa sa pamamagitan ng paggawa ng tama.
Binibigyang diin ng pilosopiyang Epicureanism na ang batayan
Epicurus ng masayang buhay ay ang payak na pamumuhay na may
panatag na kalooban at malaya sa anumang takot.

Agham

Malaki ang tulong ng mga Griyego at Romano sa pagsulong ng agham. Ang pag-
imbestiga nila sa kapaligiran ay dala ng praktikal na pangangailangang tugunan
ang suliraning hinaharap nila. Isang halimbawa nito ang medisina. Ibat – ibang
pamamaraan ang tinuklas nila sa tulong ng metodolohikal na pagtukoy ng
karamdaman at pagtuklas ng mga lunas nito.

11
Ang Griyegong si Herophilus ang nagpasimula ng sistematikong pag-aaral sa
anatomiya ng tao at si Hippocrates naman ang nagsulong na dapat obserbahan
ang kalagayan ng tao para matukoy ang karamdaman at hindi dapat ibase sa mga
pamahiin.

Si Euclid ang tinaguriang “Ama ng Geometry” dahil sa sinulat niyang akda na


Elements. Ito ay kalipunan ng mga prinsipyo sa geometry na hanggang sa ngayon
ay ginagamit at pinag-aaralan. Ang kinikilala namang “Ama ng Heograpiya” ay si
Eratosthenes na sinulat ang Geographika na nagpanukala sa paglalapat ng mga
imahinaryong guhit sa paggamit ng mapa.

MGA GAWAIN
Larawan mula sa: https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1: TOP FIVE.


Layunin: Naipapahayag ng mag-aaral ang saloobin sa kahalagahan ng mga
pamana sa pamamagitan ng pag-aantas at pagpapaliwanag.
Kagamitan: Sagutang papel.
Panuto: Marami ang naging kontribusyon ng mga klasikong kabihasnan sa
sangkatauhan. Pumili ng lima na para sa iyo ay ang kanilang pinakamahalagang
pamana sa kasalukuyan, i-antas at isulat ito sa tatsulok. Ibigay naman ang
paliwanag ng kanilang kahalagahan sa Description box.

1.
2.
3.
4.
5.

Description Box

1 2 3 4 5

12
Gawain 2: Pag-Usapan Natin.
Layunin: Naipababatid ang saloobin ng magkapangkat patungkol sa mga
kaisipang ipinaparating ng mga pilosopiya.
Kagamitan: Sagutang Papel
Panuto: Basahin ang mga kaisipan ng mga sumusunod na Pilosopo. Makipag-usap
sa iyong kapangkat at isulat sa speech bubble ang inyong saloobin sa
ipinapahiwatig nito.

Ang isang tao na may


suliranin ay siya rin
ang makakahanap ng
kalutasan

Kaisipan mula kay


Socrates.

Ang maayos na
ugnayan ng mga
mamamayan at ng
pamahalaan ay nasa
kamay ng isang
matalino at
makatarungang pinuno.

Kaisipan mula kay


Plato.

Ang pangunahing
layunin ng bawat tao
ay mamuhay ng
masaya

Kaisipan mula kay


Aristotle.

13
TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7G6d3d3m2G6_freephotos-
vector-images-thinking-brain-machine-brain-clipart//

 Ang arkitektura ng mga Griyego ang nagbigay inspirasyon sa paglikha ng


mga disenyo ng mga gusali sa kasalukuyan.

 Mula sa mga Griyego ang idealism na presentasyon ng obra sa perpektong


anyo at sa mga Romano nagmula ang realism na pamamaraan ng
presentasyon ng mga obra na batay sa tunay na anyo.

 Ang panitikan ng mga Griyego at Romano ay nakatulong sa paghubog ng


kaisipan ng kasalukuyang lipunan dahil naipasa nila ang kanilang mga
kaisipan, saloobin, pananaw at karanasan sa nakasulat na pamamaraan.

 Ang likhang sining ng sinaunang kabihasnan ay paraan ng pagpapahayag at


pakikipag-ugnayan ng kanilang kamalayan sa lipunan at kapaligiran.

 Ang kasaysayan ay isinusulat batay sa ebidensya at pakikipanayam.


Kailangan din na balanse at patas ang manunulat sa paglalahad ng mga
kaganapan.

 Sa drama, nailalahad at naitatanghal ng mga Griyego ang pagsusuri nila sa


mundong kanilang ginagalawan at ang pagpapakahulugan nila sa pagiging
tao.

 Ang larong pampalakasan ng mga Griyego noon ay bahagi ng pagdiriwang


panrelihiyon. Sa kasalukuyan ito ay inspirasyon sa pagkakaroon ng
Olympics na isinusulong ang kahusayan, paggalang at pakikipagkaibigan ng
mga atleta at ng mga bansa.

 Sa Athens nagsimula ang porma ng pamahalaan na democracy na


kumikilala na makapangyarihan ang mamamayan kaysa sa pamahalaan.

 Ang prinsipyo ng pagkakapantay – pantay ng lahat sa ilalim ng batas


anupaman ang antas mo sa lipunan ay impluwensya ng Rome sa
kasalukuyan.

 Sinuri ng mga pilosopong Griyego ang kapaligiran, kalikasan, politika,


matematika, astronomiya, etika, aesthetics at kalikasan ng tao.

 Sa larangan ng agham ay metodolohikal at sistematiko ang ginawang


pagsusuri ng mga Giyegong eksperto sa karamdaman at sa lunas nito.

14
PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-transparent-


background-png-clipart-npevr

Gawain 1.2: BUHAY ANG NAKARAAN.


Ang pamana ng mga kabihasnang klasiko ay mababakas sa pamumuhay natin
ngayon. Maglagay ng mga imahe, larawan o iguhit ang mga halimbawa mula sa
inyong pamayanan na kakikitaan ng kanilang mga impluwensya. Lapatan din ito
ng maikling paliwanag.

Larangan Imahe Paliwanag

1. Arkitektura at
Inhinyeriya

2. Sining

3. Panitikan

4. Sining
Pagganap

5. Palakasan

15
6. Politika

7. Pilosopiya

8. Agham

PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-transparent-
background-png-clipart-ogrow

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat numero. Piliin ang letra
ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa templong itinayo sa Athens na kakikitaan ng mga elemento


sa arkitektura tulad ng haligi at biga (post and lintel), ang entablature,
pediment at ang frieze?
A. Colosseum B. Mausoleum C. Parthenon D. Stadium

2. Bakit ginamit ng mga Romano ang arko sa pagbuo ng mga gusali?


A. Higit itong maganda sa paningin ng tao.
B. Ito ay natatanging anyo ng column o haligi na sumusuporta sa dome.
C. Mas kaya nitong magdala ng bigat kumpara sa mga pahalang na biga.
D. Mas makatitipid sa gastusin ng materyales kapag arko ang ginamit sa
pagtatayo ng gusali.

3. Paano nakaapekto sa pag-aaral ng arkitektura ang akdang De Architectura ni


Vitruvius?
A. Pinapahalagahan nito na higit ang kagandahan ng disenyo kaysa
katatagan ng gusali.
B. Naglalaman ito ng larawan ng mga gusaling maaring gayahin ng mga
tao.
C. Itinuturo nito ang paggamit ng marmol o kaya ng semento sa pagtatayo
ng gusali.
D. Tinatalakay nito ang katangian ng mga istilo ng columns at ang pag-
unawa sa prinsipyo ng symmetry, proportion at balance.
16
4. Alin sa mga kabihasnan ang nakatuon sa realism o ang pagpapakita ng tunay
na anyo ng tao o anumang bagay sa mga nilikha nilang obra?
A. Kabihasnang Inca B. Kabihasnang Aztec
C. Kabihasnang Griyego D. Kabihasnang Romano

5. Sino ang Griyegong kuwentista na kumatha ng mga pabula (fable) kung saan
kumikilos ang hayop na parang tao at naghahatid ng aral sa bumabasa?
A. Homer B. Aesop C.Sappho D.Thucydides

6. Paano sinalamin ng panitikan ang lipunan ng mga Klasikong Kabihasnan?


A. Nakasaad sa mga akda ang kahinaan at kapintasan ng kanilang
lipunan.
B. Nasusulat sa mga akda ang takot at pangamba ng mga tao noon.
C. Taglay ng mga akda ang imahinaryong mundo ng mga manunulat na
hangad na maging ganon ang kanilang lipunan.
D. Nakapaloob sa mga akda ang pag-iisip at pagkilos ng tao sa ibat ibang
aspeto ng buhay tulad ng pag-ibig, pakikipagkaibigan, moralidad,
kasiyahan, pagluluksa at pamumuhay.

7. Bakit si Herodotus ang kinikilalang Ama ng Kasaysayan ng mga Kabihasnang


Kanluranin (Western Civilization)?
A. Dahil kawili-wili ang kanyang paglalahad.
B. Dahil ang mga sinulat niya ay batay sa mga alamat at kuwentong
bayan.
C. Dahil mabusisi niyang isinulat ang mga kaganapan na mula sa
kanyang kathang isip.
D. Dahil pinasimulan niya ang pagsusulat na kumakalap ng ebidensya at
nakikipanayam sa mga saksi.

8. Ano ang katawagan sa pandaigdigang palaro ng mga bansa na humalaw ng


inspirasyon sa paligsahang pampalakasan ng mga Griyego noong klasikal na
panahon?
A. Olympics B.World Cup C. Super Bowl D.Tour de France

9. Paano dapat mamuhay ang isang tao na tumatalima sa Stoicism?


A. Kailangan may maayos na lipunan upang maging masaya.
B. Kailangan labanan ang paghahangad ng yaman at kapangyarihan.
C. Kailangang maging payak ang pamumuhay na may panatag na
kalooban at malaya sa anumang takot.
D. Kailangan na ang tao ang lumutas sa kanyang sariling suliranin sa
pamamagitan ng pagtatanong.

10. Ano ang tawag sa porma ng pamahalaan na ang kapangyarihan ng


mamamayan ay higit sa pamahalaan?
A. Democracy B. Monarchy C. Oligarchy D.Tyranny

17
SANGGUNIAN
Larawan mula sa https://www.pngkit.com/view/u2q8w7y3e6y3a9r5_books-
clip-art-4-books-clipart/

Mga Aklat:

Ramos, D.J. V. at Celada, A.R. (2018). Paglinang sa Kasaysayan 8: Kasaysayan ng


daigdig. Diwa Learning Systems Inc.: Makati Philippines. pp. 118-122, 139-143

Online Sources:
Cartwright, M (2016 April 22) Greek Theatre Architecture. Ancient History
Encyclopedia. https://www.ancient.eu/article/895/greek-theatre-
architecture/

Graham, D.W. Internet Encyclopedia of Philosophy. Anaximenes.


https://iep.utm.edu/anaximen/

Labate, V, 1 March 2016, Roman Engineering. Ancient History Encyclopedia


https://www.ancient.eu/Roman_Engineering/

National Geographic Society. 6 July 2016, Resource Library Encyclopedic Entry


Cicero. https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/cicero/

The Conversation 12 March 2019. Guide to the classics: Tacitus’ Annals and its
enduring portrait of monarchical power. https://theconversation.com/guide-
to-the-classics-tacitus-annals-and-its-enduring-portrait-of-monarchical-
power-107277
Walson, D. L. 29 November 2015, Roman Government. Ancient History
Encyclopedia. https://www.ancient.eu/Roman_Government/

Larawan:

Joseph Kürschner (1891). “Pierers Konversationslexikon” Ancient Greek capitals.


(Photograph) Retrieved from:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:DorischJonisch.jpg

18
Susi sa Pagwawasto
Larawan mula sa
https://www.clipartmax.com/middle/m2i8i8b1H7d3G6N4_lock-
clipart-open-lock-lock-unlock-icon-free/

Unang Pagsubok Balik – tanaw Gawain: TOP FIVE


1. O 1. Aztec Ang kasagutan ay
2. K 2. Pagsasaka maaaring magkaiba
3. K 3. Inca
4. Axum depende sa pananaw ng
4. K mag – aaral.
5. Ghana
5. K
6. Sundiata
6. O 7. Songhai
7. K 8. Micronesia
8. K 9. Polynesia
9. K 10. Melanesia
10. K

Pag – alam sa Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit


Natutuhan:
1. C 1. C
Buhay ang 2. C 2. C
Nakaraan 3. D 3. D
4. D 4. D
Ang kasagutan ay
5. B 5. B
maaarng 6. D 6. D
magkaiba 7. D 7. D
depende sa 8. A 8. A
pananaw ng mag 9. C 9. B
– aaral. 10. A 10. A

19
Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Shiela C. Bernardo – Head Teacher III


Writer: Dexter John V. Ramos – Master Teacher II

20
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa: ____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg:2 Modyul Blg.: 4 Linggo Blg.: _______

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Naipahahayag ang pagpapahalaga


sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang
kamalayan.
Layunin:
1. Nasusuri ang impluwensya ng mga kaisipan mula sa Klasikal na Kabihasnan sa
lipunang Pilipino.
2. Naipahahayag ang saloobin patungkol sa epekto ng mga pamanang kaisipan ng
mga Klasikal na Kabihasnan sa sarili.
Paksa: Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko.
Gawain 3: Pag-Usapan Natin
Panuto: Punan ang chart ng pangungusap na naglalahad ng sitwasyon o epekto sa
lipunan at sa sarili ng mga pamanang kaisipan ng klasikal na kabihasnan. Sundan
ito ng maikling paliwanag.

Pamanang kaisipan ng Epekto sa Atin Epekto sa Akin


Klasikal na Kabihasnan Sitwasyon at Paliwanag Sitwasyon atPaliwanag

DEMOCRACY

REPRESENTATIVE
DEMOCRACY

LAHAT AY PANTAY
PANTAY SA BATAS

“ANG MAAYOS NA
LIPUNAN AY
21
MAGHAHATID NG
KASIYAHAN”
-Aristotle

“KAILANGAN
MAGTIMPI PARA
MALABANAN ANG
PAGHAHANGAD NG
YAMAN AT
KAPANGYARIHAN.”
-Zeno ng Stoa
“ANG PAYAK NA
PAMUMUHAY AY
NAGDUDULOT NG
KASIYAHAN,
KAPANATAGAN NG
LOOB AT KALAYAAN
MULA SA TAKOT.”
-Epicurus

22

You might also like