You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 1
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALAMINOS CITY
ALAMINOS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 8


IKAAPAT NA MARKAHAN, MODYUL 6
Petsa: January 31, 2023
Oras: 3:15-4:15

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard): Naipapamalas ang pag-unawa sa
kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at
pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard): Ang mga mag- aaral ay nakabubuo ng


adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng
Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.

C. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):


 Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano (AP8DKT-IIc-3)
 Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang Asyano
(AP7TKA-IIIj-1.25)
 Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36)

D. Mga Layunin sa pag-aaral


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naipapaliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome;
2. natutukoy ang ilan sa mga mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Romano; at
3. naisasabuhay ang kahalagahan ng mga kontribusyon ng kabihasnang Romano sa
kasalukuyang panahon.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Kabihasnang Romano
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 8 Activity Sheet, Week 2- Quarter 2
C. Kagamitan: Laptop, Smart TV, Slide Deck, AP 8 Activity Sheet
D. Mga mag-aaral: Grade 8- Darwin
GAD Core Message: Equalized Opportunities

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
Magandang umaga klase! Kumusta kayo?
2.Panalangin
Sa pagsisimula ng ating klase sa araw na ito, inaanyayahan ko ang lahat na tumayo at manalangin
sa pamamagitan ng isang audio-visual na presentasyon.
3. Pagtala ng lumiban sa klase
4. Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin
Gawain: Venn Diagram
Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng Sinaunang
Greece. Pumili sa mga pahayag na nakadikit sa pisara at idikit sa tarp papel sa loob ng venn diagram
ang iyong sagot.

Magaling Darwin students! Tumpak ang inyong mga sagot. Dahil diyan bigyan ninyo ang inyong
mga sarili ng good job clap. Ako’y nagagalak sa pinakita ninyong husay at disiplinado sa ating
klase. Keep it up Darwin students. Isa itong patunay na madami kayong natutunan sa ating
nakaraang aralin at alam kong handa na kayo sa ating panibagong talakayan. Pero, bago tayo
magpatuloy, may mga gusto bang mag CR? Kung wala na, lahat ay umupo ng maayos at ilabas ang
inyong mga kagamitan sa pag-aaral gaya ng kwaderno at bolpen.

Narito ang layunin ng ating pag-aaral:


1. naipapaliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome;
2. natutukoy ang ilan sa mga mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Romano; at
3. naisasabuhay ang kahalagahan ng mga kontribusyon ng kabihasnang Romano sa kasalukuyang
panahon.

Ang mga layuning ito ay nagmula sa ating Most Essential Learning Competencies (MELCs) na:
* Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano
(AP8DKT-IIc-3)

B. Pagganyak
Sa pagsisimula ng ating panibagong aralin, halina’t ating subukin ang inyong panimulang kaalaman
tungkol sa ating paksa, Pero bago ang lahat, nais kong ipaalala sa klase ang ating mga panuntunan.

Gawain: Collage- Suri


Suriin at pag-aralan ang nilalaman ng collage. Pagkatapos, sagutan ang pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang inyong masasabi sa nilalaman ng collage?
2. Saan matatagpuan ang mga ito?
3. Patungkol saan kaya ang ating aralin?

C. Aktibiti

Gawain: Video-Suri
Panoorin at unawain ang video explainer tungkol sa Kabihasnang Romano. Pagkatapos, magsulat kayo
sa inyong kwaderno ng mga mahahalagang detalye o impormasyon na mapapakinggan patungkol sa
mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome at ang mga kontribusyon nito.

DepEd TV Channel (https://www.youtube.com/watch?v=AIg_afRdaPc)

D. Analisis

Pamprosesong Tanong:
1. Saan sumibol ang Kabihasnang Romano?
2. Ano ang inyong masasabi sa Simula ng Rome? Ilahad ang mga pangyayari kung paano ito
naitatag.
3. Batay sa video explainer na inyong napanood, ano ang gampanin ng diktador, konsul, patrician
at plebeian sa Republikang Romano?
4. Bakit bumagsak ang imperyong Romano?
5. Ano ang mga kontribusyon ng Kabihasnang Romano? Paano mo pahahalagahan ang mga
kontribusyong ito sa kasalukuyan?

E. Abstraksyon

Pangkatang Gawain: Kontribusyon, Tulong!


Hahatiin ang klase sa apat na pangkat, pagkatapos, maglilista ang bawat grupo ng tatlong (3)
kontribusyon ng Kabihasnang Romano at lalagyan ng pagpapaliwanag kung saan ito ginagamit sa
kasalukuyan. Bibigyan ng limang minuto ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain. Pagkatapos,
pipili sila ng isang moderator sa kanilang grupo na maglalahad ng kanilang gawain sa klase. Inaasahan
ko na ang bawat isa sa inyo ay aktibong makikibahagi at makikiisa sa inyong mga ka-grupo sa
pagsasagawa ng ating gawain. Malaya kayong magbigay ng opinyon/ideya sa inyong mga ka-grupo.
Lagi niyong tatandaan ang kasabihan na “two heads are better than one”, kung kaya’t magtulungan
kayo upang matapos niyo ng mabilis at mahusay ang inyong gawain.

Kontribusyon Pagpapaliwang kung saan ito


ginagamit sa kasalukuyan
1.

2.

3.

F. Aplikasyon
OPINYON MO, SAY MO! Magbigay ng sariling pagpapahayag o pagpapaliwanag mula sa
katanungang aking babanggitin. Kayo ay malayang maghayag at maglahad ng inyong sariling opinyon
sa ating klase

Bilang isang mag-aaral o indibidwal, paano mo isasabuhay ang mga


mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Romano sa kasalukuyang
panahon?
________________________________________________________
_________________________________________________
IV. Pagtataya
A. Maramihang Pagpipilian: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Gusaling ipinakilala ng mga Romano bilang bulwagan at pinagpupulungan ng Assembly.


A. Forum B. Basilika C. Colloseum D. Aqueduct
2. Ito ay isang uri ng pamahalaan na nalinang ng mga sinaunang Romano.
A. Aristokrasya B. Demokrasya C.Oligarkiya D. Republika
3. Kailan maaaring mamuno ang isang diktador sa pamahalaan ng mga Romano?
A. Kapag namatay ang Konsul.
B. Sa panahon ng matinding krisis.
C. Sa panahon ng resesyon ng ekonomiya.
D. Kapag nagkaroon ng alitan ang patrician at plebeian.
4. Bakit mahalaga ang twelve tables sa kabihasnang Romano?
A. Napigilan nito ang digmaang sibil.
B. Nagkaisa ang plebeian at patrician.
C. Naghudyat ito ng simula ng republika.
D. Nanilbihan ang mga plebian at legion
5. Batay sa pahayag ni Pericles na, “Our constitution is called democracy because power is in the
hands not of a minority but of the people. When it is a question of settling private disputes, everyone
is equal before the law.” Ano ang mahihinuha mong kahulugan ng demokrasya?
A. Nakabatay sa mayaman ang pagpapatupad ng batas
B. Malayang naipahayag ng mamamayan ang kanilang saloobin
C. Ang pagpapatupad ng batas ay batay sa kalagayan ng tao sa lipunan
D Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng lahat ng mamamayan at hindi ng iilan lamang.

B. Tukuyin at ibigay ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.


1. Mga taong may pribilehiyo na mamuno sa rome.
2. May kapangyarihang tulad ng hari at manunungkulan sa loob
lamang ng isang taon.
3. Malalayang mamamayan na may mga karapatan tulad ng pagboto.
4.Isa sa pinakamakapangyarihang imperyo at pinakamalawak na naitatag sa mundo.

5. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea.

V. Karagdagang Gawain
Gawain: Iguhit o Gupitin Mo!
Panuto: Gumuhit o gumupit ng isang kontribusyon ng Kabihasnang Romano na matatagpuan o
makikita sa inyong tahanan. Ilagay ito sa loob ng kahon. Gumamit ng short coupon bond sa
pagsasagawa ng iyong gawain. Pagkatapos, dugtungan ang sumusunod na salita.

Ang aking iginuhit/ ginupit ay ___________________________________


Ito ay ginagamit sa ____________________________________________
Mahalaga ito dahil_____________________________________________
Pahahalagahan ko ito sa pamamagitan ng___________________________

Inihanda ni:

ANGIE LYN R. RARANG


Teacher III

You might also like