You are on page 1of 24

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Pag-usbong ng Renaissance
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pag-usbong ng Renaissance
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Mary Grace C. Bernardo, Mary Irene M. De Vera
Maria Rhea SP. Pangilinan
Maria Rhea SP. Pangilinan, Catherine F. Jimenez
Mary Ann R. Mauricio, Madel Y. Ferrer

Tagasuri ng Nilalaman: Rainelda M. Blanco


Tagasuri ng Wika : Rushjet R. Peñaranda
Tagasuri ng Paglapat : Karen P. Lagos
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Pag-usbong ng Renaissance
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 8.

Ang modyul na ito ay bahagi ng Aralin 1: Pag-usbong ng Renaissance.

Leksyon 1— Pag-usbong ng Renaissance

Sa pamamagitan ng araling nakapaloob sa modyul na ito, inaasahang:


• Natutukoy ang kahulugan ng Renaissance;
• Naiisa-isa ang mga naging ambag ng Renaissance sa iba’t ibang larangan;
at
• Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at
sosyo-kultural sa panahong Renaissance.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa Sagutang Papel.

1. Ano ang tawag sa muling pagsilang o pagkapukaw sa interes ng kultura at klasikal


na kaalaman sa Gresya at Roma?
A. Humanismo C. Pyudalismo
B. Manoryalismo D. Renaissance
2. Saang bansa isinilang ang Renaissance?
A. Germany C. Spain
B. Italy D. Switzerland
3. Ano ang tawag sa kilusan na kumikilala sa moral at epektibong buhay ng isang
tao?
A. Espesyalisasyon C. Humanismo
B. Guild D. Krusada
4. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?
A. Ang bansang Italya ay may magandang lokasyong heograpikal.
B. Sa Italya nagmula ang kadakilaan ng sinaunang Roma.
C. Sa pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa
larangan ng sining at masipag sa pag-aaral sa mga unibersidad sa Italya.
D. Lahat ng nabanggit
5. Sino sa mga sumusunod na alagad ng panitikan ang tinaguriang “Prinsipe ng mga
Humanista”?
A. Desiderius Erasmus C. Niccolo Machiavelli
B. Francesco Petrarch D. Thomas Moore

1
6. Sino sa mga sumusunod na alagad ng sining ang gumawa ng mga obrang “The
Last Supper” at “Mona Lisa”?
A. Leonardo da Vinci C. Raphael Santi
B. Michaelangelo Bounarotti D. Titian
7. Sino sa mga sumusunod na alagad ng panitikan ang tinaguriang “Makata ng mga
Makata” at sumulat ng Romeo at Juliet?
A. Leonardo da Vinci C. Raphael Santi
B. Miguel de Cervantes D. William Shakespeare
8. Alin sa mga sumusunod ang wikang pinagmulan ng salitang “Renaissance”?
A. Aleman C. Latin
B. Ingles D. Pranses
9. Alin sa mga sumusunod ang naging ambag sa larangan ng agham ni Sir Isaac
Newton?
A. Advancement of Knowledge C. Pag-inog ng planeta
B. Mikroskopyo D. Prinsipyo ng Grabitasyon
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga lungsod-estado kung saan
umusbong ang Renaissance sa Italya?
A. Florence C. Rome
B. Milan D. Venice
11. Ano ang pamagat ng akda na tumutuligsa sa mga hindi mabuting gawa ng mga
pari at mga karaniwang tao na isinulat ni Desiderius Erasmus?
A. Decameron C. Songbook
B. In Praise of Folly D. The Prince
12. Sino sa mga sumusunod na siyentipiko/siyentista na nagpatunay na ang araw
ay sentro ng sansinukob?
A. Galileo Galilei C. Nicolas Copernicus
B. Johannes Kepler D. Sir Isaac Newton
13. Sino sa mga sumusunod ang gumugol ng kanyang salapi upang maitaguyod
ang mga natatanging lihkain sa panahon ng Renaissance?
A. Francesco Petrarch C. Lorenzo de Medici
B. Galileo Galilei D. Thomas More
14. Alin sa mga sumusunod ang mga kulturang klasikal na pinagtuunan sa Panahon
ng Renaissance?
A. Amerikano C. Indo-Europeo
B. Griyego-Romano D. Tsino
15. Sino sa mga sumusunod na alagad ng sining ang lumikha ng mga obra Estatwa
ni David at ang ceiling ng Sistine Chapel?
A. Leonardo Da Vinci C. Michaelangelo Buonarotti
B. Desiderius Erasmus D. Raphael Santi

2
Aralin

1 Pag-usbong ng Renaissance

Balikan

Natutunan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa impluwensya ng mga


kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon. Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo
naman ang tungkol sa pag-usbong ng Renaissance.

Gabay na Tanong:
1. Isa-isahin ang maaaring makita sa larawan.
2. Ano ang ipinapahiwatig ng mga larawan?
3. Bakit mahalagang bahagi ng kasaysayan ng daigdig ang Krusada?

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang


maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.

3
Tuklasin

Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagot sa gawain sa ibaba.


Pagkatapos, maaari mo nang simulan ang pagbabasa sa teksto ng aralin.

Nasa loob ng mga kahon ang magulong ayos ng mga titik. Ayusin mo ito upang
mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Bansa sa Europa na sinilangan ng Renaissance Y T A L I

2. Panahon sa kasaysayan ng daigdig bago


K A R D G A E S
dumating ang Renaissance

3. Lungsod-estado sa Italya na kilala ang


C F O L E E N R
Pamilyang Medici

4. Tanyag na akda ni Shakespeare EMOOR TA LJEITU

5. Naimbento ni Galileo Galilei S O T L E E K P O Y

Magandang araw! Ako si G. Juan.


Ang gawain sa itaas ay iyong nagawa
nang buong husay. Magaling! Binabati
kita dahil sa iyong tiyaga!

Magandang araw din! Ako naman


si Bb. Maria. Kami ni G. Juan ang
gagabay sa iyo upang tuklasin ang
pag-usbong ng Renaissance.

4
Suriin

Aralin 1
Pag-usbong ng Renaissance

Pagkaraan nating mapag-aralan ang mga pagbabagong


naganap sa Panggitnang Panahon sa Europa ay dadako
naman tayo sa talakayan nang pag-usbong ng panahon
ng Renaissance. Ito ay umusbong sa huling bahagi ng ika-
14 na siglo. Bb. Maria, maaari mo bang maibahagi kung
ano ang ibig sabihin ng Renaissance?

Oo naman G. Juan! Ang Renaissance ay nagmula


sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay muling
pagsilang o rebirth. Ito ang muling pagkamulat o
pagpukaw sa interes sa mga kultural at klasikal
na kaalaman ng Gresya at Roma.

Pag-usbong ng Renaissance

Nagsimula ang pag-unlad sa Europa noong ika-11 hanggang ika-12 siglo,


kung saan naging sentro ang kontinente ng kalakalan at pananalapi. Kasabay nito
ay ang pag-usbong ng mga lungsod-estado sa Europa tulad ng Milan, Florence,
Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at Genoa. Ang yaman ng mga nabanggit
na lungsod-estado ay nakasalalay sa kalakalan at industriya. Bilang patunay dito,
noong panahong nangangailangan ang Papa, hari at maging ang Panginoong
maylupa ng pera ay nanghihiram sila ng pera sa mga mangangalakal at banker. Ang
pamilya Medici ng lungsod-estado ng Florence ang isang halimbawa ng
mangangalakal at banker.

5
Sa panahong nakilala ang Renaissance, muling pinanatili at pinanumbalik
ang mga sinaunang kulturang klasikal ng Gresya (Greece) at Roma (Italy) na
nagbunga ng positibo sa mga Europeo at nagsilbing daan upang magkaroon ng
maraming pagbabago sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, arkitektura eskultura
at iba pa. Nagsilbing inspirasyon din ito sa mga mangangalakal dahil naging
maunlad ang ekonomiya at ang eksplorasyon ay naging masigla sa tulong ng mga
manlalakbay na nanguna sa paggalugad sa mundo.

2 Paraan ng Paglalarawan sa Renaissance:

1. Ang Renaissance ay isang kilusang kultural o intelektuwal na sinubukang ibalik


ang mga sinanunang kulturang klasikal ng mga Griyego at Romano o Graeco-
Roman sa ibang katawagan.
2. Ang Renaissance ay panahon ng transisyon mula sa Gitnang Panahon (Middle
Ages) patungo sa Modernong Panahon (Modern Period).

Bakit sa Italya sumilang ang Renaissance?

2. Ang bansang Italya ay may


1. Sa Italya magandang lokasyong
nagmula ang heograpikal, kung saan ang
kadakilaan ng mga lungsod-estado ay
sinaunang nagkaroon ng pagkakataon na
Roma. makipagkalakalan sa
Kanlurang Asya at sa ibang
bansa sa Europa.

3. Sa pagtataguyod ng
4. Mahalaga ang
mga maharlikang angkan
ginampanang papel ng
sa mga taong mahusay sa
mga unibersidad sa Italya.
larangan ng sining at
masipag sa pag-aaral.

Si Lorenzo de Medici o Lorenzo ang Dakila na taga-Florence, Italya ang


tumulong sa mga taong may natatanging talento sa iba’t ibang larangan. Ginamit
niya ang kanyang salapi upang pondohan ang mga likhang sining. Ang mga
kababaihan ay nabigyan rin ng pagkakataon na maipakita ang kanilang talento sa
panahong ito.

6
Ang Pagsilang ng Humanismo

Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, ang mga pinunong hari at ang simbahan
ay nagkaroon ng mga bagong kapangyarihan. Nagwakas ang mga digmaan,
epidemya at maging ang problema sa ekonomiya. Dahil sa mga pangyayaring ito,
nagkaroon ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Gresya at Roma ang mga taga-
Europa – isinilang ang Humanismo.

Ano ang humanismo?

Ang Humanismo ay isang kilusan o samahang


intelektuwal noong panahon ng Renaissance na
nagtuon ng pansin sa klasikal na sibilisasyon ng
Gresya at Roma sa pag-aaral. Dapat na matutuhan
ang lahat ng aral upang magkaroon ng isang moral at
epektibong buhay ang isang tao.

Humanista ang tawag sa taong nanguna sa pag-aaral ng klasikal


na sinaunang sibilisasyon ng Gresya at Roma. Ito ay nanggaling
sa salitang Italian na ang kahulugan ay guro ng humanidades
(humanities), partikular ng wikang Latin. Ang ilan sa mga pinag-
aaralan sa Humanidades o Humanities ay tulad ng wikang Latin
at Griyego, Komposisyon, Retorika, Kasaysayan, Pilosopiya,
Matematika at Musika.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN

LARANGAN NAG-AMBAG AMBAG / MGA AMBAG


PANITIKAN
1. Francesco Petrarch Songbook – koleksyon ng
(1304 – 1374) mga sonata ng pag-ibig
- “Ama ng Humanismo” kay Laura

2. Giovanni Boccacio Decameron – tanyag na


(1313 – 1375) koleksyon ng isang daang
- matalik na kaibigan (100) nakatatawang
ni Petrarch salaysay

7
LARANGAN NAG-AMBAG AMBAG / MGA AMBAG
PANITIKAN
3. William Shakespeare Julius Caesar
(1564 – 1616)
- “Makata ng mga Romeo at Juliet
Makata”
- tanyag na manunulat Anthony at Cleopatra
sa ginintuang
panahon ni Reyna Scarlet
Romeo at Juliet Elizabeth I

4. Desiderius Erasmus In Praise of Folly – akda


(c. 1466 – 1536) na tumutuligsa sa hindi
- “Prinsipe ng mga mabuting gawa ng mga
Humanista” pari at ng mga
karaniwang tao

5. Niccolo Machiavelli The Prince – akda na


(1469 – 1527) kinapapalooban ng
- diplomatikong dalawang (2) prinsipyo:
manunulat 1. “Ang layunin ay
- taga – Florence, Italya nagbibigay matuwid
sa pamamaraan”
2. “Wasto ang nilikha
The Prince ng lakas”

6. Miguel de Cervantes Don Quixote de la


(1547 – 1616) Mancha – akda na
kumukutya at
ginagawang katawa-tawa
ang kabayanihan ng mga
kabalyero (Medieval
SINING Period)

1. Michaelangelo Estatwa ni David


Buonarroti
Ceiling ng Sistine
(1475 – 1564)
Chapel - tungkol sa
pinagmulan ng
sandaigdigan hanggang
sa pagbaha (Banal na
Kasulatan)

La Pieta – estatwa ni
La Pieta Kristo pagkatapos ng
krusipiksyon

8
LARANGAN NAG-AMBAG AMBAG / MGA AMBAG
SINING
2. Leonardo da Vinci Huling Hapunan (The
(1452 – 1519) Last Supper) – obra na
- isang henyo, pintor, nagpapakita ng huling
arkitekto, iskultor, hapunan ni Kristo
inhinyero, imbentor, kasama ang kaniyang 12
siyentista, musikero disipulo
at pilosopo

3. Raphael Santi Sistine Madonna


(1483 – 1520)
- “Ganap na Pintor” Madonna and Child
- “Pekpektong Pintor”
- pinakamahusay na Alba Madonna
pintor na gumamit ng
pagkakatugma at
Madonna and Child balanse o proporsiyon
sa mga obra

AGHAM 1. Nicolas Copernicus Teoryang Heliocentric –


(1473 – 1543) habang umiikot ang
daigdig sa aksis nito,
kasabay ng ibang planeta
ay umiikot ito sa paligid
ng araw

2. Galileo Galilei Teleskopyo


(1564 – 1642)
- isang astronomo at
Dalubhasa sa
Matematika

3. Sir Isaac Newton Batas ng Universal


(1642 – 1727) Gravitation – ang bawat
planeta ay may kanya-
kanyang lakas ng
grabitasyon at ito ang
dahilan kung bakit nasa
wastong lugar ang
Batas ng Universal pag-inog nito
Gravitation

9
Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang panahon sa kasaysayan ng
daigdig ang sinasabing panahon ng pagbabago mula sa madilim na yugto ng gitnang
panahon patungo sa modernong panahon.

Ang iba’t ibang pangyayari na naganap sa panahon ng Renaissance ay


naging daan sa pag-unlad ng kabihasnan sa daigdig bunga ng malawak at maunlad
na mga pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ito rin ang nagbigay-daan sa pag-
usbong ng Rebolusyong Intelektuwal.

MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG RENAISSANCE

Ayon sa kasaysayan ang panahon ng


Renaissance ang nagbigay ng oportunidad
sa iilang kababaihan lamang na matanggap
at magsanay ng kanilang propesyon sa mga
unibersidad sa Italya.

Tama ka dyan G. Juan, ang Renaissance


ang nagbukas ng pintuan para sa mga
kababaihan na maipakita at mapakilala
ang kanilang mga kakayahan na
makapag-ambag sa iba’t ibang larangan.

Narito ang talaan ng mga kababaihan na nagbigay ng kanilang ambag


sa Panahon ng Renaissance.

LARANGAN NAG-AMBAG AMBAG / MGA AMBAG


PANITIKAN
1. Isotta Nogarola Dialogue on Adam and
- taga-Verona, Italya Eve (1451)
- ang kanyang mga akda
ay kinakitaan ng
mahusay niyang Oration on the Life of St.
pagkaunawa sa mga Jerome (1453)
isyung may kinalaman
sa Teolohiya

2. Veronica Franco Terze Rime (1575)


- taga-Venice, Italya

10
3. Vittoria Colonna Rime Spirituali (1882)
- taga-Roma

4. Laura Cereta Isinulong ang isang


- taga-Brescia makabuluhang
pagtatanggol sa pag-aaral
na humanistiko para sa
kababaihan.

SINING (PAGPIPINTA) 1. Sofonisba Anguissola Self-Portrait (1554)


- taga-Cremona

2. Artemisia Gentileschi Judith and Her


- anak ni Orazio Maidservant with the
Head of Holoferness
(1625)

Self-Portrait as the
Allegory of Painting
(1630)

Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang hinihingi ng bawat
pahayag. Isulat mo sa iyong sagutang papel ang tamang sagot sa patlang.

1. BRIHTER Nangangahulugang muling pagsilang. __________


2. LYTIA Sa bansang ito sumibol ang Renaissance. __________
3. EMIDIC Pamilya sa Florence na mangangalakal at banker __________
4. ROEPEU Kontinente kung saan isinilang ang Renaissance __________
5. ATSIUHMAN Mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na
sibilisasyon ng Gresya at Roma __________

11
Pang-isahang Pagsusulit 1
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag na naglalarawan sa
kahulugan ng Renaissance at MALI naman kung hindi. Isulat mo sa iyong
sagutang papel ang tamang sagot sa patlang.

______________1. Ito ay nangangahulugang muling pagsilang ng klasikong kultura


ng Gresya at Roma.
______________2. Isang rebolusyon upang maibalik ang kultura ng Gresya at Roma.
______________3. Ito ay transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period.
______________4. Ang pag-unlad ng mangangalakal at banker ang nagbigay daan sa
Renaissance.
______________5. Nagbigay-daan sa pagpapayaman ng iba’t ibang kabihasnan ng
daigdig.

Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Suriin mo ang bawat larawan at isulat sa loob ng kahon kung ang larawan
ay ambag ng Renaissance sa larangan ng Sining at Panitikan, Pinta o
Agham. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. 2. 3.

Romeo & Juliet

4. 5.

12
Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Pag-ugnayin mo ang kolum A sa kolum B. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot sa patlang.

A B

____1. Giovanni Bocaccio a. Batas ng Universal Gravitation


____2. Leonardo Da Vinci b. Songbook
____3. Galileo Galilei c. The Last Supper
____4. William Shakespeare d. La Pieta
____5. Michaelangelo Bounarotti e. Romeo and Juliet
____6. Sir Isaac Newton f. In praise of Polly
____7. Nicolas Copernicus g. Decameron
____8. Miguel de Cervantes h. teleskopyo
____9. Francesco Petrarch i. Heliocentric Theory
____10. Desiderius Erasmus j. Alba Madonna
k. Don Quixote de la Mancha

Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Isulat mo sa sagutang papel ang wastong salitang kukumpleto sa bawat
pahayag. Piliin sa loob ng panaklong ang tamang sagot.

1. Sa panahon ng Renaissance, iilang ________________ (kababaihan, kalalakihan)


ang tinanggap sa mga unibersidad.
2. Si ____________________ (Laura Cereta, Isotta Nogarola) ang kinakitaan ng
kahusayan sa mga isyung teolohikal.
3. Si Laura Cereta ay isinulong ang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral ng
________________ (Renaissance, Humanismo) para sa kababaihan.
4. Sa pagsulat ng tula, mahalagang personalidad si Veronica Franco mula sa
________________ (Venice, Roma).
5. Sa larangan ng _____________________ (pagpipinta, agham) nakilala si Sofonisba
Anguissola na may likha ng Self-Portrait.

Pang-isahang Pagsusulit 3
Panuto: Ibahagi ang iyong opinyon hinggil sa mga susunod na tanong.

1. Mahalaga ba ang ginampanan ng mga kababaihan sa panahon ng Renaissance?


Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang dalawang pangungusap.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Pumili ng isang babae na kilalang personalidad sa panahong ng Renaissance


at ihambing ito sa isa sa mga kilalang kababaihan sa ating bansa. Tukuyin
ang naiambag sa panahon ng Renaissance at ihambing ito sa kasalukuyang
panahon. Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang dalawang pangungusap.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

13
Pang-isahang Gawain 4
Panuto: Kumpletuhin ang sagot sa loob ng kahon sa concept definition map. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

KAHULUGAN

SALIK NG
KABABAIHAN PAGSIBOL NG
NG RENAISSANCE SA
RENAISSANCE ITALYA
1. 1.

2. 2.

3.
3.

LARANGAN AT AMBAG SA
KABIHASNAN
1.
2.
3.

Isaisip
Ano ang naging epekto ng Renaissance sa pagkakaroon ng makabagong
pagtingin sa politika, relihiyon at pag-aaral? Ipaliwanag mo ang iyong sagot ng hindi
hihigit sa tatlong pangungusap.

Sa aking palagay, ang mga naiambag ng Renaissance sa kabuuan na


nagbigay-daan upang magkaroon ng makabagong pagtingin sa politika, relihiyon
at pag-aaral ay _____________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

14
Isagawa

Nagdala ng maraming pagbabago at mga pamana sa daigdig ang panahon ng


Renaissance. Ang mga pagbabagong ito naging daan upang magkaroon ng
transisyon mula sa Middle Ages patungo sa modernong panahon. Bunga nito ay
nagkaroon ng makabagong pananaw sa iba’t ibang larangan tulad ng sining,
panitikan, politika, at pag-aaral.

Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag ng anumang bagay


sa ating bansa, anong bagay at saang larangan mo pipiliing makapagbahagi nito?
Sagutin mo ito ng hindi hihigit sa tatlong pangungusap.

Ang pipiliin ko na larangan kung saan maiaambag ko ang aking kakayahan para
sa bansa ay _________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa Sagutang Papel.

1. Siya ay kinilala bilang “Ganap na Pintor”o “Perpektong Pintor” dahil sa kanyang


mga obra.
A. Leonardo da Vinci C. Nicolas Copernicus
B. Michaelangelo Buonarotti D. Raphael Santi

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan kung bakit sa
Italy sumilang ang Renaissance?
A. Sa Italya nagmula ang kadakilaan ng sinaunang Roma.
B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma.
C. Mahalaga ang ginampanang papel ng mga unibersidad sa Italya.
D. Sa pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa
larangan ng sining at masipag sa pag-aaral.

3. Ito ang akda na ginawang katuwa-tuwa ang mga kabalyero at isinulat ni Miguel
de Cervantes.
A. Don Quixote de la Mancha C. Romeo and Juliet
B. Hamlet D. Scarlet

15
4. Ang teoryang ito ang nagpapaliwanag na ang araw ang sentro ng sanlibutan.
A. Geocentric Theory C. Theory of Gravitational Force
B. Heliocentric Theory D. Theory of Inertia

5. Sino sa mga sumusunod ang lumikha ng obra na Self-Portrait noong 1554?


A. Artemisia Gentileschi C. Laura Cereta
B. Isotta Nogarola D. Sofonisba Anguissola

6. Si ______ ang tinagurian bilang “Ama ng Humanismo”.


A. Desiderius Erasmus C. Niccolo Machavelli
B. Francesco Petrarch D. Thomas More

7. Ito ang aklat na nanlalait sa mga kamangmangan ng lipunan at ng simbahan.


A. Decameron C. La Pieta
B. In Praise of Folly D. The Prince

8. Ano ang bansa sa Europa na hugis bota at napaliligiran ng Dagat Adriatico at


Dagat Mediterranean?
A. Espanya C. Italya
B. Gresya D. Portugal

9. Sila ang mga nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Gresya at


Roma.
A. Humanista C. Thomasian
B. Humanitarian D. Utopian

10. Sino sa mga sumusunod ang tinagurian bilang “Makata ng mga Makata”?
A. Francesco Petrarch C. Michaelangelo Buonarotti
B. Giovanni Boccacio D. William Shakespeare

B. Tukuyin kung saang larangan nakilala ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong Sagutang Papel.

A. Agham B. Panitikan C. Sining

_____11. Desiderius Erasmus


_____12. Galileo Galilei
_____13. Artemisia Gentileschi
_____14. Leonardo da Vinci
_____15. Miguel de Cervantes

16
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Pumili ng dalawang kontribusyon/ambag ng Renaissance na may


malaking tulong sa pamumuhay ng mga tao isulat ito sa kaliwang bahagi at sa
isulat sa kahon ang kabuluhan kung paano ito nakatulong. Isulat sa iyong
sagutang papel.

Ambag Kahalagahan Nito sa Ating Pamumuhay

B. Panuto: Bilang pagkilala sa mga kilalang personalidad ng Renaissance, gumawa


ng sertipiko ng pagkilala at isulat ang pangalan ng kilalang personalidad na sa
iyong palagay ay nagbigay ng kahanga-hangang ambag. Ipaliwanag kung bakit
siya ang napili mo gamit ang tatlong pangungusap.

ay iginawad kay

(Pangalan ng napiling personalidad)


Para sa kanyang natatanging ambag sa panahon
ng Renaissance
iginawad ngayong ____ ng buwan ______ taong kasalukuyan
p
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral e
r
s
o
17
n
a
li
Siya ang napiling kong bigyan ng sertipiko ng pagkilala
dahil____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Poster Ad

Pamantayan Puntos Marka

Pagkamalikhain 5

Pagpapaliwanag 5

Kaugnayan sa paksa 5

Kabuuang marka: 15

18
19
TAYAHIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
A. Pang-isahang Gawain 2
Isahang Gawain 1
1. C 1. Sining at Panitikan
1. Rebirth
2. B 2. Pinta
2. Italy
3. Agham
3. A 3. Medici
4. Pinta
4. Europe
4. D
5. Sining at Panitikan
5. Humanismo
5. D Pang-isahang Pagsusulit 2
Isahang Pagsusulit 1
6. A 1. g 6. a
2. c 7. i 1. TAMA
7. A
3. h 8. k 2. MALI
8. B
3. TAMA
4. e 9. b
9. B 5. d 10. f 4. TAMA
5. TAMA
10. C Pang-isahang Gawain 3
B. 1. Kababaihan TUKLASIN
2. Isotta Nogarola 1. ITALY
11. A
2. DARK AGES
3. Humanismo
12. C
3. FLORENCE
4. Venice
13. B
4.ROMEO AT JULIET
5. pagpipinta
14. B 5. TELESKOPYO
Pang-isahang Pagsusulit 3
15. A
SUBUKIN
Batay sa kasagutan ng mag-
KARAGDAGANG aaral 1. D 6. A 11. B
GAWAIN
ISAGAWA 2. B 7. D 12. C
Batay sa kasagutan ng 3. C 8. D 13. C
Batay sa kasagutan ng mag-
mag-aaral.
aaral 4. D 9. D 14. B
5. A 10. C 15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rose Marie C., et. al. “Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig – 2nd
Edition. Edited by Pablito R. Alay and et.al. Pasig City, Philippines: Department
of Education Bureau of Learning Resources. 2016.

Education, Department of. 2016. K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Araling


Panlipunan 7. Pasig City: Department of Education.

Education, Department of. 2020. “Most Essential Learning Competencies.” 55-59.

Project Ease Modyul 11 Ang Renaissance (Muling Pagsilang)

20

You might also like