You are on page 1of 3

TUBALAN COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH SCHOOL

Tubalan, Malita, Davao Occidental

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8


PAG-USBONG NG RENAISSANCE

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) Nabibigyang kahulugan ang mga salitang may kaugnayan sa mga naganap sa


panahong “Renaissance”
b) Naihahambing ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Medieval at
panahong Renaissance
c) Napahalagahan ang mga naging ambang ng panahong Renaissance sa
kasalukuyang panahon.

II. PAKSANG ARALIN

 Paksa: Pag-usbong Ng Renaissance


 Kagamitan: Yeso
 Sanggunian: Modyul: Kasaysayan ng Daigdig p.300 hanggang p.301
 Tinatayang oras: 60 minuto

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

 Panalangin/Pagbati
 Pagtala ng liban
 Balik-aral

B. Pagganyak

HULAAN MO!

 Magpakita ng mga iba’t-ibang mga larawan. Sa bawat mag-aaral na


makapaglarawan ng sakto at tamang sagot, ay bibigyan ng puntos
bawat isa.
 Ang mga sumusunod na pangngalan/pangalan na makikita sa mga
larawan:
Mona Lisa, watawat ng Italya, kalakalan, at unibersidad.
C. Paglalahad

 Mula sa mga larawang nakita at nasagot, hayaang magbigay ng


opinyon ang mga mag-aaral kung ano ang mga kahulugan ng mga
larawang pinakita at ano ang unang naiisip nila kapag nakita ang mga
larawang ito.
 Ipaalam sa mga mag-aaral na ang aralin ngayon ay may kinalaman sa
pag-usbong ng Renaissance.

D. Pagtalakay sa paksa

 Gamit ang yeso, isulat sa pisara at talakayin ang mga bumubuo sa


paksa patungkol sa pag-usbong ng Renaissance.

1. Mga unibersidad sa Italya

2. Kahulogan ng Renaissance

3. Kalakalan

4. Panitikan

5. Pamilyang Medici

6. Pagkaiba ng panahong Medieval at panahong Renaissance

7. Mga bansang sakop ng Kanlurang Asya

8. Mapa ng bansang Italya

9. Mga lugar sa Italya

E. Paglalahat

 Mga bumubuo sa paksang: Pag-usbong ng Renaissance.

1. Mga unibersidad sa Italya

2. Kahulogan ng Renaissance

3. Kalakalan

4. Panitikan

5. Pamilyang Medici

6. Pagkaiba ng panahong Medieval at panahong Renaissance

7. Mga bansang sakop ng Kanlurang Asya


8. Mapa ng bansang Italya

9. Mga lugar sa Italya

F. Paglalapat

 Hayaang sagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong sa


pamamagitan ng pakikipagtalastasan.

1. Gaano kahalaga ang Renaissance bilang isa sa naging sanhi sa


kasaysayan na naging daan sa paglaganap sa makulay na sining, musika,
pangangaso, paglalagda, at pag-usbong ng kalakalan? Ipaliwanag.

2. Masasabi mo bang may malaking naidulot ang siyensa sa


kasalukuyang pahahon? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA

 Ipaliwanag sa iyong sariling pananalita ang mga sumusunod


Isulat sa isang kalahating piraso ng papel ang iyong mga sagot (2
puntos bawat isa):
1. Renaissance

2. Kalakalan

3. Teknolohiya

4. Pamilyang Medici

5. Banker

V. TAKDANG ARALIN

 Magsaliksik sa pamamagitan ng "Internet" ng iba pang datos at


impormasyon na may kinalaman sa Renaissance, at mga naging epekto
nito sa kasaysayan.

Inihanda ni:

Romson G. Lobitaña
Guro

You might also like