You are on page 1of 6

Aralin Panahon ng Renaissance

Layunin sa Pagkatuto
Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politika, ekonomiko at sosyo- kultural sa
panahon ng Renaissance.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, iyong masusuri ang mahahalagang pagbabagong politika, ekonomiko, at
sosyo-kultural sa panahon ng Renaissance.

I. Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba.
Pamprosesong Tanong

Bakit sa Italy nagsimula ang paglinang at pag-usbong ng mga bagong kalaaman ng


tao?

II. Isaisip

Isaisip ang mga sumusunod na mahahalagang konsepto ng aralin at


sumangguni sa Modyul ng Mag-aaral sa Kasaysayan ng Daigdig, pahina 300 – 307
upang mapalalim pa ang iyong kaalaman.
Dahil sa mga kaganapan sa Europe sa huling bahagi ng Middle Ages,
nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin ng mga Europeo sa daigdig at pumasok ang
Europe sa panahon ng Renaissance.
Ang Renaissance ay tumutukoy sa kilusang intelektuwal o kultural na nagtangkang
muling buhayin ang kaalaman at kultura mula sa sinaunang kabihasnan ng mga
Griyego at Romano sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan, kultura at wika nito.
Ito rin ay nangangahulugang muling pagsilang o “rebirth”
Ang Renaissance ay nagsimula sa mga lungsod sa Hilagang Italy tulad ng
Florence.Venice at Milan dulot ng magandang lokasyon ng mga ito, pinagmulan ng
kadakilaan ng sinaunang Rome at mga unibersidad na naitaguyod upang
manapanatiling buhay ang kulturang klasikal, mga teknolohiya at pilosopiyang
kaalaman.
Ang mga tagapagtaguyod ng Renaissance ay nakilala bilang mga Humanist o
Humanista dahil ang pinagtuunan nila ng pansin ay ang mga asignatura sa
humanidades gaya ng wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, agham,
matematika, pilosopiya, sining at maging sa musika. Si Francesco Petrarch ang
itinuturing na “Ama ng Humanismo”.
Ilan sa mga kilalang humanista na kilala sa iba’t ibang larangan ay sina Leonardo da
Vinci, Michelangelo, Niccolo Machiavelli, William Shakespeare, Galileo Galilei at marami
pang iba.
Ang impluwensya ng Renaissance ay matatagpuan sa humanistikong pananaw
sa daigdig.
Pinagtuunan ng pansin ng Renaissance ang kakahayan ng taong maabot ang
pinakamataas na potensyal nito sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at talento.
Bagamat limitado sa pagkakataon at karapatan, may mga kababaihan ding
nagkaroon ng ambag sa Humanism. Ilan dito ay sina Isotta Nogarola, Laura Cereta at
iba pa, na nakilala sa larangan ng sining, panitikan at mga kaisipang teolohikal at
sekular.

III.Mga Gawain

A. Gawain1: Break the Code


Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang
sagot sa patlang. Ang unang tatlong letra ng tamang sagot ay malalaman sa
pamamagitan ng pagsira/pagtingin sa code. Matapos masira ang code, isipin ang
kasunod na mga letra upang mabuo ang tamang sagot.
Halimbawa:

Ang 2 -1 –14 ang nagmamay-ari o namamahala ng bangko.


Sagot: BAN K E R

A-1 B-2 C-3 D-4 E-5 F-6 G-7

H-8 I-9 J-10 K-11 L-12 M-13 N-14

O-15 P-16 Q-17 R-18 S-19 T-20 U-21

V-22 W-23 X-24 Y-25 Z-26

1.Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang”


o 18- 5- 2 .

2. Umusbong ang Renaissance sa bansang 9-20-1 .

3. Ang 8-21-13 ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na


naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at
Rome.

4. Sa larangan ng sining at panitikan ang kinikilalang“Ama ng


Humanismo”ay si 6-18-1 .

5. Ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” at sumulat ng tanyag na


dulang “Romeo at Juliet ay si 23-9-12 .

6. Si 12-5-15 ay nakilala sa kanyang obra maestra na “Huling


Hapunan” (Last Supper)

7. Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance na gumawa ng estatwa ni David


ay si 13-9-3 .

8. Ang teoryang Heliocentric ay inilahad ni 13-9-3 .

9. Ang astronomo at matematiko na si Galileo Galilei ang nakaimbento


ng 20-5-12 .

10. Ang higante ng siyentipikong Renaissance at nakatuklas ng “Law of


Gravity” ay si 19-9-18 .
B. Gawain 2: I-Tweet Mo!

Panuto: Suriin ang sining at panitikan ng Pilipinas. Gumawa ng isang mensahe sa


iyong TWITTER Account na magpapakilala sa sining at panitikan na akda ng mga
Pilipino upang makilala sa buong daidig. Basahin ang rubric upang maunawaan
ang pamantayan sa gawaing ito at basahin ang paliwanag sa ibaba upang
maunawaang mabuti ang gawain.

10 8 6 4
Nilalaman Ang text ay Ang text ay Ang text ay Ang text ay
napakaayos maayos na medyo hindi maayos
na inilahad at nailahad maayos na na nailahad
naipaliwanag at nailahad at at
naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
Originality/ Ang tweet ay Di gaanong Medyo hindi Hindi
Creativity nagpapakita makita ang gaanong makitaan ng
ng orihinalidad at makita ang orihinalidad at
orihinalidad at at di gaanong orihinalidad at hindi
nakakukuha nakakukuha medyo di nakakukuha
ng atensyon ng ng atensyon ng gaanong ng atensyon ng
magbabasa magbabasa nakakukukha ng magbabasa
atensyon ng
magbabasa
Pagbuo ng Walang mali sa May ilang mali Apat ang mali sa Higit sa apat
mensahe gramatika at sa gramatika at gramatika at ang mali sa
baybay ng baybay ng salita baybay ng salita gramatika at
salita baybay ng
salita
IV. Tayahin: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” at sumulat ng “Romeo at


Juliet”?
A Leonardo da Vinci C Nicollo Machiaveli
B Miguel de Cervantes D William Shakespeare

2. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?


A. dahil sa magandang lokasyon nito
B . dahil sa mayayaman ang mga Europeo.
C. dahil ito pinagmulan ng mga sinaunang Europeo.
D. dahil sa maraming mga intelektwal na Europeong naninirahan dito.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng paglaganap ng Renaissance sa labas


ng Italy?
A. dahil sa mga batang iskolar
B. dahil sa pagkakaroon ng digmaan.
C. dahil sa mga negosyante o mangangalakal.
D. dahil sa mga diplomatikong palabas-labas ng bansa dahil sa trabaho at
interes.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa epektong dulot ng Renaissance?


A . Nagpaningas sa Rebolusyong Intelektual.
B . Nagpaunlad sa doktrinang pansimbahan.
C . Nagpasulong ng paglago ng mga pambansang estado.
D. Tumulong sa mga tuklas ng heograpiya at mga eksplorasyong maritime.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kinakitaan ng katangian ng Renaissance?


A. Pagkilala sa mga dakilang humanista.
B . Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan.
C . Paglikha ng iba’t ibang anyo ng sining.
D . Pagbibigay halaga sa tao at sa ikabubuti nito.

V. Karagdagang Gawain : Concept Frame


Panuto: Suriin ang panahon ng Renaissance sa pamamagitan ng paglagay ng mga
impormasyon sa Frame.

KAHULUGAN SALIK SA PAGSIBOL NG RENAISSANCE SA ITALY 2.


1.
KABABAIHAN SA AMBAG SA KABIHASNAN (Sino ang may akda-
RENAISSANCE DECAMERON, IN PRAISE OF FOLLY, THE PRINCE,
DON QUIXOTE DE LA MANCHA MADONNA AND
THE CHILD)
3. 4.

Sanggunian:

Aralin 1
Renaissace Period: Timeline, Art and Facts accessed August 7, 2020

Inihanda ni:
PEDRO N. BORLAGDATAN
Master Teacher II-AP

You might also like