You are on page 1of 39

8

Cover-Page-Araling
-Panlipunan-8_Kasaysayan_ng_Daigdig.docx

Simplified Lessons
Araling Panlipunan
Quarter 3

PAG-AARI NG PAMAHALA
HINDI IPINAGBIB

1
Department of Education ● Division of Iloilo City
Pambungad na Mensahe
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa mga mag-aaral ng Araling


Panlipunan na nasa ika- walong na baiting. Layon nito na magbigay kaalaman sa mga
pangyayaring naganap sa ating kasaysayan noong panahon ng Hellenic. Sa pagsagot ng
mga katanungan at mga pagsasanay sa modyul na ito, payuhan ang mga mag-aaral na
gumamit ng ibang papel sa pagsulat ng mga sagot at pagwawasto.

Para sa Mag-aaral:

Sa pagtatapos nang modyul na ito ay inyong lubos na mauunawaan ang mga


pangyayaring nagbigay daan sa ating kasaysayan. Basahin at unawaing mabuti ang
bawat nilalaman ng modyul na ito. Himayin at iugnay
ang mga pangyayaring naganap sa kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan. Sagutan
ang mga pagsasanay sa abot ng inyong kaalaman. Isangguni ang inyong mga sagot sa
susi ng mga tanong pagkatapos ng aralin.

May mga aralin sa loob ng modyul na ito. Ang bawat aralin ay binubuo ng
sumusunod na bahagi at kaukulang simbolo:

Alamin
Ito ang kasanayan o kompetensi na dapat mong
matutunan sa bawat aralin.

Subukin
Ang bahaging ito ay binubuo ng sampung tanong na
pagsasanay upang matataya ang iyong kaalaman.

Balikan
Ito ang bahagi na binibigyan ka ng pagsusuring tanong.
Ito ay makatutulong sa iyo na maiugnay ang nakaraang aralin sa
kasalukyang aralin.

Tuklasin
Sa bahaging ito ang bagong aralin ay ipakilala sa iyo sa
iba’t-ibang paraan: sa kuwento, sa awit, sa tula, sa panimulang
suliranin, sa gawain o sa situwasyon.

Suriin
Ang seksyon na ito ay magbibigay sa iyo ng pamamaraan kung paano
gawin ang aralin. Nagbibigay din ito ng maikling pagtatalakay sa topiko o
konsepto.

Pagyamanin
Ito ay binubuo ng mga bagay o pagsasanay na dapat mong gawin
upang mapalalim pa lalo ang iyong kaalaman sa aralin.

2
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isaisip
Ito ay mga mahahalagang konsepto na dapat mong pag- ukulan ng
pansin, at magsisilbing patnubay sa pagbubuod ng iyong kaalaman sa
topikong inilahad.

Isagawa
Ang bahaging ito ay magbibigay ng gawain na makakatulong sa ng
iyong kaalaman sa totoong buhayo mga alalahanin.

Tayahin
Ito ay isa pang pagsasanay na mayroong sampung tanong na
magsusuri ng antas ng iyong kasanayan sa kompetensi ng araling
natutunan.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito magbibigay ng karagdagang gawain upang
pagyamanin ang iyong kasanayan sa araling natutunan. Makatutulong ito sa
iyo na mapanatili ang natutunang kaisipan. Pwede ka nang magsimula!

3
Department of Education ● Division of Iloilo City
Aralin Pag-usbong ng Renaissance
1
Alamin
Sa aralin na ito ay bibigyang kahulugan at tatalakayin natin ang mga mahahalagang impormasyon at
pangyayari sa panahon ng Renaissance bilang isa sa mga salik sa paglakas ng Europe.
Susuriin ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa panahon
Renaissance.

Subukin
Panuto: Suriin ang mga pahayag at punan ang mga patlang upang mabuo ang tinutukoy na salita. Gamitin
ang ibinigay na unang titik ng salita bilang gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Pahayag:
1. Pangalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig. E __ __ __ __ __
2. Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego
at Romano. H __ __ __ __ __ __ __ __
3. Kilala sa kanyang Batas ng Universal Gravitation. N __ __ __ __ __
4. Bansang may kabiserang lungsod na Rome. I __ __ __ __
5. May-akda ng pinakabantog na “Romeo at Juliet”. S __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

Balikan
Magbigay ng mga impluwensiyang dulot ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon (Middle
Ages) sa Europe gamit ang diamond map.

Impluwensiya
ng Gitnang
Panahon
(Middle Ages)

Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin
ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

*Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan?

*Saang bansa kaya matatagpuan ang mga


nasa larawan?

*Sa iyong palagay, ano kaya ang


ipinapahiwatig ng mga larawan?

4
Department of Education ● Division of Iloilo City
Suriin

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang
Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan.
Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtatangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang
Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa,
bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.
Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit sa Italy isinilang ang Renaissance ay dahil sa
magandang lokasyon nito. Nagkaroon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at
Europe. Itinuturing din na pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome. Pagtataguyod ng mga maharlikang
angkan sa mga taong mahusay sa sinig at masigasig sa pag-aaral. Mayroong mga unibersidad na nagtaguyod
ng mga kulturang klasikal, teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng mga Griyego at Romano.
Sa pagtatapos ng Middle ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang
kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-
ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong
pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang Humanismo. Ang Humanismo
ay kilusang intelektwal na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang kulturang Griyego at Romano dahil
naglalaman ito ng lahat ng aral upang magkaroon ng moral at epektibong buhay. Humanista o humanist -
tawag sa mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Ito ay mula sa
salitang Italian na ibig sabihin ay “guro ng humanidades.” Pinag-aaralan dito ang wikang Latin at Greek,
komposisyon, retorika, kasaysayan,pilosopiya,matematika at musika.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T-IBANG LARANGAN

LARANGAN ng SINING at PANITIKAN

FRANCESCO PETRARCH (1304- GIOVANNI BOCCACIO (1313- DESIDERIUS ERASMUS (1466-


1374) 1375) 1536)
Pinakamahalagang sinulat niya sa Matalik na kaibigan ni Petrarch. “Prinsipe ng mga Humanista.” May
Italyano ang Songbook, isang Ang kanyang pinakmahusay na akda ng In Praise of Folly kung
koleksiyon ng mga sonata ng pag- panitikang piyesa ay ang saan tinuligsa niya ang hindi
ibig sa pinakamamahal niyang si Decameron na isang koleksiyon na mabuting gawa ng mga pari at mga
Laura. nagtataglay ng isandaang (100) karaniwang tao.
nakatatawang salaysay.
WILLIAM SHAKESPEARE
(1564-1616) NICOLLO MACHIAVELLI (1469- MIGUEL DE CERVANTES (1547-
Ang “Makata ng mga Makata.” 1527) 1616)
Naging tanyag na manunulat sa Isang diplomatikong manunulat na Isinulat niya ang nobelang Don
Ginintuang Panahon ng England. taga-Florence, Italy. May akda ng Quixote de la Mancha, aklat na
Ilan sa mga sinulat niya ang mga The Prince. Napaloob sa aklat na kumukutya at ginawang katawa-
walang kamtayang dula gaya ng: ito ang dalawang prinsipyo: Ang tawa sa kasaysayan ang
Julius Caesar, Romeo at Juliet, layunin ay nagbibigay matuwid sa kabayanihan ng mga kabalyero
Hamlet, Anthony at Cleopatra, at pamamaraan at wasto ang nilikha noong Medieval Period.
Scarlet. ng lakas.

5
Department of Education ● Division of Iloilo City
LARANGAN ng PAGPIPINTA

MICHELANGELO BUONAROTTI LEONARDO DA VINCI (1452-1519)


(1475-1564) Pinakatanyag na obra maestra ay ang Huling Hapunan (The Last
Pinakasikat na iskultor ng Supper) na nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang
Renaissance. Unang obra maestra Kanyang labindalwang disipulo at ang Mona Lisa. Hindi lang siya
ay ang estatwa ni David. Ipininta kilalang pintor, isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor,
din niya sa Sistine Chapel ang siyentista,musikero at pilosoper.
kwento sa Bibliya tungkol sa
pinagmulan ng sandaigdigan
hanggang sa pagbaha. RAPHAEL SANTI (1483-1520)
Pinakabantog niyang likha ang La “Ganap na Pintor”,”Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng
Pieta, estatwa ni Kristo Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance ng kanyang mga
pagkatapos ng kaniyang likha. Ilan sa mga tanyag niyang gawa ay ang obra maestrang Sistine
Krusipiksyon. Madonna, Madonna and the Child at Alba Madonna.

LARANGAN ng AGHAM

NICOLAS COPERNICUS (1473-1543) GALILEO GALILEI (1564-1642)


Inilahad niya ang Teoryang Heliocentric; Ang pag-ikot ng Isang astronomo at matematiko noong 1610.
daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot Malaki ang naitulong ng kaniyang
din ito sa paligid ng araw. Pinasinungalingan ng teoryang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan
ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ang Teoryang Copernican (Heliocentric
ng sansinukob na matagal ding tinangkilik ng simbahan. Theory).

ISAAC NEWTON (1642-1727)


Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang Batas ng Universal Gravitational, ang
bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon (gravitation) at siyang dahilan kung bakit nasa
wastong lugar ang kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit
bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.
Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga
nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at
naghahangad ng kasagutan sa kaniyang mga tanong.

Pagyamanin
A. Panuto: Suriin at punan ng mga angkop na impormasyon ang concept definition map upang makabuo
ng konsepto. Isulat ito sa sagutang papel.

KAHULUGAN
RENAISSANCE MGA SALIK SA PAGSIBOL NG
RENAISSANCE SA ITALY

6
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isaisip

Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga
pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang panahon patungo sa modernong panahon.

Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay-daan sa pagyaman ng


kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral,pagmamasid, at pananaliksik. Ang
transisyong ito ay nagbigay-daan din sa pag-usbong ng Rebolusyong Intelektuwal at malawak na kaalaman
sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot
ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod-buklod ng mga bansa sa katotohanang ang
pagpapahalaga sa Kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan.

Isagawa
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag ng anumang bagay sa ating bansa, anong
bagay at saang larangan mo pipiliing makapagbahagi ng mga ito? Maaaring iguhit (poster) o gumawa ng
isang sanaysay (essay) na hindi bababa sa limang pangungusap ang ambag sa isang short bondpaper.

Rubrik para sa Essay: Rubrik para sa Poster:


 Nilalaman- 10  Kaugnayan sa paksa- 10
 Organisasyon ng mga Ideya- 10  Pagkamalikhain- 10
 Lalim ng Refleksyon- 10  Presentasyon ng Ideya- 10
Kabuuang Puntos-----30 Kabuuang Puntos----- 30

Tayahin
I.Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na personalidad. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat sa sagutang papel.
A.Isaac Newton F.Nicollo Machiavelli K.Giovanni Boccaccio
B.Miguel de Cervantes G.Leonardo da Vinci L.Francesco Petrarch
C.Michelangelo Buonarotti H.Nicolas Copernicus M.Decameron
D.Galileo Galilei I.Desiderius Erasmus N.Don Quixote dela Mancha
E.Raphael Santi J.Isotta Nogarola O.William Shakespeare

1. Isang diplomatikong manunulat na taga-Florence, Italy at may akda ng “The Prince”.


2. Ang “Ama ng Humanismo”. Isinulat niya sa Italyano ang “Songbook”.
3. Tinaguriang “Makata ng mga Makata” at may akda ng tanyag na “Romeo at Juliet”.
4. “Prinsipe ng mga Humanista”. May akda ng “In Praise of Folly”.
5. Pinakasikat na iskultor ng Renaissance at may obra maestra ng David.

II.Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (√) kung tama ang pahayag at
ekis (X) kung mali. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

______ 1. Ang Renaissance ay muling pagsilang. Nangangahulugan itong muling pagkabuhay ng mga
kulturang may kinalaman sa mga Griyego at Romano.
______ 2. Ang Humanismo ang mga taong nagtaguyod ng Renaissance at nag-aral upang muling
mapanumbalik ang klasikal na panahon ng Greece at Rome.
______ 3. Pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome dahil ito
ay naglalaman ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang epektibong buhay at
moral.
______ 4. Itinuring ang Italy bilang tunay na sinilangan ng Renaissance dahil lamang sa magandang lokasyon
nito na angkop sa pakikipagkalakalan.
______ 5. Ang pag-usbong ng Renaissance ang naghudyat sa pagbibigay atensiyon sa tao at sa kanyang
mga gawa.

7
Department of Education ● Division of Iloilo City
Karagdagang Gawain
Ipahayag ang sariling saloobin tungkol sa maaaring maging dulot o epekto sa pamumuhay ng mga
tao sa pag-usbong ng Renaissance sa Europe. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel

KAHALAGAHAN/
IMPLUWENSIYA SOSYO-
POLITIKA
NG RENAISSANCE KULTURAL

Rubriks sa Pagmamarka:
EKONOMIKO  Kaangkupan sa Paksa- 10
 Orihinalidad ng Ideya- 10
Kabuuang Puntos- 20

Aralin Unang Yugto ng Imperyalismong


2 Kanluranin

Alamin
Sa aralin na ito ay tatalakayin natin ang Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Susuriin ang
mga dahilan at pangyayari ng unang Yugto ng Kolonyalismo.

Subukin
Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik upang makabuo ng tamang salitang maglalarawan sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. PSICSE 2. RUEPEO
Mga sangkap na ginagamit sa Pangalawa sa pinakamaliit na
pagluluto. kontinente sa daigdig.

3. HELIRINOY 4. IGTON
Paniniwala ng isang tao at Isa sa mga yamang mineral na
pagsamba sa kanilang pinaniniwalaang na ninanais makamit ng tao at
Diyos. sumisimbolo ng kayamanan.

Balikan
Panuto: Magbigay ng mga ambag ng Renaissance sa kasaysayan ng daigdig. Isulat sa sagutang papel.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE

Panuto: Suriin ang larawan. Sagutin ang mga tanong sa


Tuklasin sagutang papel.

1.Ano ang mga nakikita mo sa larawan?


2.Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng larawan o ano
ang mahihinuha mo tungkol sa ipinahihiwatig ng larawan?

8
Department of Education ● Division of Iloilo City
Suriin

UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN


(Mga Dahilan at Salik ng Eksplorasyon)

Noong ika-15 siglo nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi
pa nararating ng mga Europeo.
Ang eksplorasyon ay nagbibigay daan sa KOLONYALISMO ito ay ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
T Imperyalismo- ay tumutukoy sa patakaran ng isang bans ana palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
A pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikang kaayusan ng isa o higit pang bansa.
N Eksplorasyon- paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ito ay ang paglalakbay,
D paghahanap at pagtuklas ng mga bagay o lugar.
A Kanluranin (Western Countries)- sa araling ito ay tumutukoy sa mga bansang matatagpuan sa Europa o Europe.
A Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo ay naganap ang Unang Yugto ng Imperyalimong Kanluranin. Kung
N hindi sana sa pagiging mausisa ng Renaissance hindi maisasakatuparan ang paglalakbay ng Europeo sa malawak
na karagatan noong ika-15 siglo, pagsuporta sa monarkiya sa mga manlalakbay, pagkakatuklas at pagpapaunlad sa
mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Dahil dito nagkaroon ng matinding epekto ang
eksplorasyon sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa kabuuan ang panahon ng eksplorasyon ay naging
dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.

Mga Motibo at Salik sa Ekplorasyon

Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Ang kanilang
kaalaman tungkol sa Asya ay limitado at hango lamang sa mga tala ng mga
manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta,napukaw ang kanilang
paghahangad na makarating dito dahil sa paglalarawan ay mayaman ang lugar na
ito. Ang aklat na THE TRAVELS OF MARCO POLO (circa 1298) ipinabatid nito sa
mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga
Europeo na marating ang China. Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si
Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Nakadagdag ang tala nina
Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga
bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinaana sa
kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Muslim.

Marco Polo- Isang Maliban sa mga nabanggit na motibo at salik na naghikayat sa mga Europeo na
Italyanong adbenturerong pumunta sa Asya at iba pang panig ng daigdig, mayroon pang tatlong bagay na
mangangalakal na taga-
itinuturing na dahilan para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:
Venice. Siya ay
1.Paghahanap ng Kayamanan (Gold)
nanirahan sa China sa
panahon ni Kublai Khan
2.Pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God)
ng dinastiyang Yuan sa
halos 11 taon at
KAYAMANAN 3.Paghahangad sa katanyagan at karangalan (Glory)
nagsilbing tagapayo nito.
KAYAMANAN
Ninais ng mga bansang Europeo na magkaroon ng maraming BULLION (ginto o pilak) dahil ito sa patakarang
merkantilismo.Hangad nila ang mga produktong galing sa Asya tulad ng asukal, seda at pampalasa. Ang mga
pampalasa o SPICES ay maaaring gamitin sa pagpreserba ng pagkain, lalo na ng karne, at bilang medisina. Sa
katunayan ang mga pampalasa at iba pang produkto mula sa Asya ay kinalakal ng mga mangangalakal na Venetian
(taga- Venice) sa Europe at sila lamang ang tanging nagbenta nito. Ito ang dahilan kung bakit ang kakaunting ginto sa
Europe ay umunti. Ang mangangalakal na ito ay isa sa mga pangunahing bumubuo sa BOURGEOISIE o gitnang uri
sa Europe.
RELIHIYON
Isa sa mga dahilan ng mga Europeo sa paglalakbay at kolonyalismo ay upang ipalaganap ang Kristiyanismo.
Ito ay isa sa mga naging mabisang paraan ng pananakop ng mga Kanluraning bansa.

9
Department of Education ● Division of Iloilo City
KATANYAGAN
Malaki ang ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga manlalakbay na Europeo na makarating
sa mga bagong lupain. Napukaw din ng Renaissance ang interes ng mga Europeo na tumuklas ng mga bagong
lupain. Dahil ang pananaw sa daigdig sa panahon ng Renaissance ay humanistiko at hindi nakasentro sa diyos gaya
ng sa Middle Ages, nagkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan ang tao. Ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong
patunayan ang kanyang galing. Hangad niyang maging sanhi ito ng katanyagan hindi lamang ng sarili kundi ng
bansang kinabibilangan.
PAG-UNLAD NG TEKNOLOHIYA
Partikular sa pag-unlad ng teknolohiya ay ang paggawa ng sasakyang pandagat at instrumentong kailangan
nila sa paglalalyag. ANO ANG CARAVEL? Ang caravel ay sasakyang pandagat na may tatlo hanggang apat na poste
na pinagkakapitan ng layag. Dahil sa laki ng caravel mas maraming tao at kagamitan tulad ng baril at kanyon ang
kaya nitong dalhin sa paglalakbay. Ang astrolabe ay ginamit upang malaman ng manlalayag ang latitude sa
pamamagitan ng pagtingin sa posisyon ng araw, buwan, at bituin. ANO ANG COMPASS? Ang compass ay upang
malaman ang direksyon ng barko kahit gabi o maulap ang panahon. Si prinsipe Henry ng Portugal na kinilala bilang
“Henry the Navigator” ay nakatulong sa pagpapamalas ng interes at kaalaman sa paglalakbay at pagsuporta sa
ekspidesyon.

MGA EUROPEONG NANGUNA SA PANAHON NG PAGTUKLAS AT


PAGGALUGAD (AGE OF DISCOVERY AND EXPLORATION)

Nagsimula noong 1450-1750 na siglo. Panahon kung saan nagkaroon ng ugnayan ang mga tao sa limang
kontinente ng daigdig. Ito rin ang naging hudyat sa pagsisimula ng panahon kung saan nangibabaw ang Europe
sa mundo. Ito ay naganap sa pangunguna ng Portugal at Spain sa kagustuhang makahanap ng bagong rutang
daanan.

Ang Portugal ang kauna-unahang Europeong


Ekspedisyon ng PORTUGAL bansa na nagpadala ng mga ekspedisyon.

Ang Portugal ay yumaman mula sa kalakalan sa Africa ngunit nais pa rin nilang makahanap ng rutang
daanan patungo sa India. Mga daungan ang piniling sakupin ng Portugal upang makontrol ang kalakalan.

BARTHOLOMEW DIAS FRANCISCO DE ALMEIDA


-Narating ang pinakadulong bahagi ng Africa – - Noong 1505 ipinadala siya bilang unang Viceroy
“Cape of Storms” o “Cape of Good Hope” sa silangan sa Indian Ocean.
-Natuklasan niya ang daanan patungong India (Viceroy- itinalagang mamuno sa isang bansa,
kung saan naghikayat sa marami pang mga lalawigan, o kolonya bilang kinatawan ng pinuno na
pagtuklas. tulad ng hari.)

PEDRO CABRAL VASCO DA GAMA ALFONSO DE


-Noong 1550 ay narating niya -Unang Europeo na namuno sa ALBUQUERQUE
ang baybayin ng Brazil. isang ekspedisyong Portuguese - Narating ang Goa sa India
palibot sa Cape of Good Hope at noong 1510.
narating niya ang Calicut, India.

Spain ang naging pinakamahigit na


Ekspedisyon ng SPAIN katunggali ng Portugal sa larangan ng pag-
unlad at pagtuklas.

CHRISTOPHER COLUMBUS JUAN PONCE DE LEON


-Nagmula sa Genoa, Italy -Naglakbay upang hanapin ang
-Naglayag sa tulong ni Queen Isabella ng Spain at binigyan ng “fountain of youth” sa Florida.
pera upang bumili ng tatlong barko- ang Niña, Pinta at Santa
Maria
-Umalis sa Spain noong August 1492 at tumahak patungong VASCO NUÑEZ DE BALBOA
Atlantic Ocean. -Siya ang nakadiskubre ng Pacific
-Nakarating niya ang ilang teritoryo sa Carribean o West Ocean.
Indies at natuklasan ang tinatawag na “New World”-America.
10
Department of Education ● Division of Iloilo City
AMERIGO VESPUCCI HERNANDO CORTEZ
-Nakatuklas sa mga lupaing tinawag ngayong Amerika.
-Pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci. -Siya ang nakadiskubre ng Mexico.

FERDINAND MAGELLAN (1519-1522) FRANCISCO PIZZARO


-Isang Portuguese ngunit ang paglalayag ay sinuportahan ng
Spain.
-Nakatuklas ng Pilipinas noong 1521 na may hangaring
-Siya ang nakadiskubre ng Peru.
makarating sa Moluccas.
-Isang malaking hakbang sa larangan ng paglalayag;
pagkaraan niya ay nagawa ng mga Europeo na ikutin ang
mundo sa paglalayag.

Treaty of Tordesillas- ay isang kasunduan o tratado sa


pagitan ng Portugal at ng Espanya noong 1494, kung saan
nagkasundo sila na hatiin ang lahat ng mga lupain sa Mundo
na nasa labas ng Europa para sa pagitan ng dalawang mga
bansa nila, na hindi isinasaalang-alang kung sinuman ang
naninirahan na sa mga lupaing ito. Si Papa Alejandro VI ang
papa noong panahon ng kasunduan. Gumuhit si Papa
Alejandro VI ng isang likhang-isip na guhit na 2,193 mga
kilometro papunta sa kanluran ng Kapuluan ng Kabo Berde, at
ibinigay niya sa Portugal ang mga lupain na nasa silangan ng
guhit na ito; at ibinigay naman niya sa Espanya ang mga
lupain na nasa kanluran ng guhit na ito.

Ekspedisyon ng Ekspedisyon ng FRANCE


ENGLAND

JOHN CABOT SAMUEL DE CHAMPLAIN


-Isang Italyanong manlalayag na ipinadala -Itinatag ang Quebec noong 1608 bilang unang
ni King Henry VII ng England upang permanenteng kolonya ng French sa North America.
tumuklas na iba pang lupain. - “The Father of New America”
-Nakarating siya sa Nova Scotia, Canada. Itinayo niya ang “fur trade” para suportahan ang New
France (Eastern Canada).
HENRY HUDSON
-Isang English na manlalayag. JACQUES CARTIER
-Narating niya ang Hudson Bay at Hudson -Nakarating sa St.Lawrence River noong 1535 at
River na ipinangalan sa kanya. inangkin para sa France ang lupain na kilala ngayon
bilang eastern Canada- New France.

Ang pagbenta ng Fur o mabalahibong balat ng hayop ay ang pangunahing pinagkukunan ng yaman ng mga French.

Pagyamanin
Panuto: Punan ang data retrieval chart ng mga wastong impormasyon tungkol sa Panahon ng Pagtuklas at
Paggalugad. Magbigay ng lima (5). Isulat ito sa sagutang papel.
Bansang Pinagmulan Manlalayag Natuklasan/Narating

11
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isaisip

Ang Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin ay nagsimula noong ika-15 na siglo na


pinangunahan ng mga bansa mula sa Europa. Nagkaroon ng eksplorasyon o mga paglalakbay upang
marating ang iba pang lupain sa daigdig at mapalawak ang kapangyarihan Europeo.
Ang paglalakbay at pagtuklas ay bunsod ng iba’t ibang mga dahilan at motibo tulad ng paghahanap
ng spices o pampalasa na kinakailangan ng mga Europeo sa pagkain at iba pang gamit. Isa sa mga naging
dulot ng pagtuklas at pagbabago sa teknolohiya ay paggawa ng mga sasakyang pandagat at iba pang
kagamitan para sa paglalayag sa mga malalawak na karagatan. Ilan pa sa mga salik ng ekplorasyon ay
pagpaparami ng kayamanan, pagpapalaganap ng kristiyanismo at upang makakuha ng higit pang
katanyagan.
Sa ika-15 siglo ang Europe ay nahati sa mga nation state na nagpaligsahan para sa kapangyarihan.
Ang naging dulot ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga nation state sa pangunguna ng Portugal at Spain sa
eksplorasyon sa malalawak na karagatang noong 15 siglo at ang ibang bansa pa sa Europe tulad ng
Netherlands, England, at France.
Dahil sa mga paglalayag at paglalakbay ay narating ang iba’t ibang lupain sa daigdig lalo na ang
ekspedisyon ni Magellan kung saan narating ang Pilipinas. Napalawak ng mga bansang Kanluranin o
Europeo ang kanilang mga nasasakupan at kapangyarihan gamit ang iba’t ibang pamamaraan.
Ang Panahon ng eksplorasyon o pagtukals at paggalugad ay nagdulot ng pagbabago sa kinagisnang
paniniwala at kaalam ng mga tao sa daigdig.

Isagawa
Pumili sa mga dahilan ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin na sa palagay mo ay posibleng
mangyari sa kasalukuyang panahon. Pagkatapos makapili, ay gumawa ng maikling sanaysay (essay), tula o
spoken poetry upang ipahayag ang iyong kaisipan tungkol sa napiling dahilan. Gawin ito sa isang short
bondpaper.
Rubrik para sa Essay: Rubrik para sa Spoken Poetry/Tula:
 Nilalaman- 10  Kaugnayan sa paksa- 10
 Organisasyon ng mga Ideya- 10  Nilalaman- 10
 Lalim ng Refleksyon- 10  Presentasyon ng Ideya- 10
Kabuuang Puntos-----30 Kabuuang Puntos----- 30

Tayahin

Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at
Mali kung hindi.

___________ 1. Dahil sa mga aklat na naisulat ng ilang mga manlalakbay ay nahikayat ang mga Europeo na
maglayag at pumunta sa iba pang lupain.
___________ 2. Ang Imperyalismo ay pagpapalawak ng isang imperyo at pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa kaya ito ay matatawag ding pananakop.
__________ 3. Ang kaalaman at kahusayan sa karagatan ni Marco Polo ay nagpamalas ng interes at
pagsuporta sa mga ekspidesyon ng iba pang manlalakbay na Europeo.
___________ 4. Malaki ang ginampanan ng Middle Ages sa paghahangad ng mga manlalakbay na Europeo
na makarating sa mga bagong lupain at naging sanhi ito ng katanyagan hindi lamang ng sarili kundi ng
bansang kinabibilangan.
___________ 5. Mahalaga ang spices o pampalasa sa Europe dahil ginagamit ito sa pagpreserba ng mga
pagkain at ginagamit din sa mga medisina, pabango, kosmetiks at marami pang iba kaya ito ay maituturing na
katumbas ang halaga sa ginto.

12
Department of Education ● Division of Iloilo City
Karagdagang Gawain
Ang Pilipinas ay narating ni Ferdinand Magellan noong 1521 na naglayag sa pangalan ng Espanya o Spain.
Bilang isang Pilipino, ano sa tingin mo ang nangyari sa Pilipinas ng dumating ang mga Espanyol? Ano-ano ang mga
impluwensiyang dulot ng mga Espanyol sa pamumuhay at kultura ng mga Pilipino? Ipahayag ang sagot sa
pamamagitan ng isang sanaysay na hindi bababa sa limang pangungusap. Isulat ito sa isang buong papel.

Rubrik sa Pagmamarka:
 Nilalaman- 10
 Organisasyon ng mga Ideya- 10
 Lalim ng Refleksyon- 10
Kabuuang Puntos-----30
Aralin Epekto ng Unang Yugto ng
3 Imperyalismong Kanluranin

Alamin
Sa aralin na ito ay tatalakayin at susuriin natin ang mga epekto ng Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin.

Subukin
Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (√) ang mga pahayag na naglalarawan sa
mga resulta ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin at ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

________ 1. Nagkaroon ng mga pagbabago sa mga ruta at daanan sa pakikipagkalakalan.


________ 2. Ang mga karagatan ay naging daan tungo sa pagpapalawak ng Imperyong Europeo.
________ 3. Nakilala ang Europe sa iba’t ibang panig ng daigdig.
________ 4. Maraming mga manlalayag ang namatay sa kanilang paglalakbay.
________ 5. Nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa iba’t ibang lahi sa daigdig.

Balikan
Panuto: Tukuyin kung anong bansang Kanluranin ang nakatuklas o sumakop sa mga sumusunod na lupain.

PORTUGAL SPAIN ENGLAND FRANCE NETHERLANDS

____________1. Philippines ______________2. Florida ____________3. Calicut, India


____________4. Mexico ______________5. Brazil ____________6. Peru

Tuklasin
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa sagutang papel.

1.Suriin ang larawan, sa iyong palagay, ano ang


naging kalagayan ng mga lupaing nasakop ng mga
Kanluranin?

13
Department of Education ● Division of Iloilo City
Suriin KAHALAGAHAN AT EPEKTO NG UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO
AT KOLONYALISMONG KANLURANIN
 Naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europe.
 Bumagsak ang mga Imperyong Aztec at Inca kaya nagkaroon ng malawakang lupain
ang mga Espanyol.
 Sa Europe makikita ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin dahil sa pagkakaroon ng mas maraming
ginto at pilak.
 Dumami ang mga uri ng pagkain at populasyon sa Europe.
 Lumaganap ang mga sakit tulad ng bulutong, lagnat, tigdas o tipus.
 Nagkaroon ng Columbian Exchange o pagpapalitan ng mga halaman, hayop at kahit pa sakit.
 Nagkaroon ng bagong lahi na tinatawag na Mestizo.
 Nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa iba’t ibang pangkat/lahi ng tao.
 Natutunan nila ang tunay na heograpiya ng daigdig.
 Ang pandaigdigan kalakalan ay mabilis na umunlad.
 Malaking halaga ng ginto at pilak ang nadala pabalik sa Europe mula sa mga kolonya
na nagresulta sa Commercial Revolution o pag-unlad ng ekonomiya ng Europe.

 Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanyol at Portuguese ay nagbigay-daan sa


malawakang pagkatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyon na hindi pa
natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayan ng Kanluran at Silangang rehiyon ng daigdig.
 Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
 Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa Silangan.
 Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng kawalan ng kasarinlan o
kalayaan, at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.
 Nagkaroon ng kalakalan ng mga alipin na galing sa Africa upang tustusan ng lakas paggawa sa North at
South America dahil sa marami sa mga katutubo nito ang namatay sa mga sakit.
 Nasira ang kultura ng mga Africans at nabawasan ang populasyon ng Africa.

Pagyamanin
Marami ang naging epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismong Kanluranin sa
Europe at daigdig. Mahalaga ba ang mga kaganapan sa panahong ito? Ano-ano kaya ang kahalagahan ng
panahon ng pagtuklas, paglalayag at paggalugad? Dugtungan ang panimulang pahayag sa ibaba. Isulat ang
mga ito sa sagutang papel.

Ang panahon ng pagtuklas at paggalugad ay mahalaga dahil….


1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________________
Isaisip

Napakalaking epekto ang nagawa ng daang taon ng kolonyalismo at imperyalismo sa mga bansang nasa
Silangan at Timog-Silangang Asya. Ang kalakhang pamamaraan na ginamit noon ay ang relihiyon at ang paghahati-
hati upang masakop ang mga naturang bansa para sa kanilang mga rekurso at dagdag na lakas paggawa. Ang
naging epekto nito ay makikita sa pamumuhay at kultura ng mga bansa, halimbawa na lamang ng Katolisismo sa
Pilipinas na bunga ng pagsakop ng Espanya.

Malaki at marami ring mga pagbabago ang naganap tulad ng pamamalakad at uri ng pamahalaan,
naaapektuhan din ang mga kabuhayan, lumago ang teknolohiya, naimpluwensiyahan ng mga Kanluranin ang
paniniwala, pagpapahalaga, edukasyon, sining at kultura ng mga bansang nasakop lalo na sa Timog, Timog-silangan
at Kanlurang Asya.
14
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isagawa
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nasakop ng mga Espanyol noong ika-15 na siglo. Ano-ano ang
naging pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol? Sumulat ng isang sanaysay sa
pagpapahayag ng iyong mga sagot. Maaaring magsaliksik sa internet ng mga karagdagang ideya o
impormasyon tungkol sa panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas. Gawin ito sa isang short bondpaper.
Rubrik sa Pagmamarka:
 Nilalaman- 10
 Organisasyon ng mga Ideya- 10
 Lalim ng Refleksyon- 10
Kabuuang Puntos-----30

Tayahin
Panuto:Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Maraming mga lupain ang nasakop ng mga Kanluranin sa Asya dahil sagana ito sa mga likas na yaman.
2. Dahil sa imperyalismo at kolonyalismo ay lumaki ang populasyon ng Europe.
3. Ang mga Portuguese ang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas dahil si Ferdinand Magellan ay nagmula sa
Portugal.
4. Ang kolonyalismo ay nagdala ng paghihirap sa mga bansang nasakop dahil sa kawalan ng karapatang mamahala
sa sariling lupain.
5. Kinokontrol ng mga Kanluraning bansa ang politika ng bansang nasakop ngunit hindi ang kabuhayan nito.

Karagdagang Gawain
Bilang isang Pilipino at Asyano, paano ka magiging kabahagi ng pag-unlad ng iyong rehiyon at sa
buong bansa sa makabagong panahon. Ipahayag ito sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay. Isulat ito
sa isang buong papel.

Aralin Ang Rebolusyong Siyentipiko at


4 Panahon ng Enlightenment
Alamin
Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment.

Subukin
Panuto: Basahin at tukuyin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isinulong niya ang aral tungkol sa paghihiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay ng


ehekutibo,lehislatura at hukuman sa isang pamahalaan.
A. Voltaire C. Thomas Hobbes
B. Baron de Montisquieu D. John Locke

2. Ginamit niya ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
A. John Locke B. Voltaire C.Isaac Newton D. Thomas Hobbes

3. Paniniwalang ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang mga heavenly body ay umiikot dito.
A. Geocentric B. Heliocentric C. Scientia D. Ether

15
Department of Education ● Division of Iloilo City
Balikan
Panuto: Suriing mabuti ang mga salita sa Hanay B at pagtambalin ito sa inilalarawan sa Hanay A.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_________ 1. Mga mananakop na Español a. astrolabe
_________ 2. Instrumentong nakatutulong sa mga
manlalakbay sa pag-alam ng posisyon b. reconquista
ng kanilang barko
_________ 3. Sasakyang pandagat na may tatlo o c. caravel
apat na poste na pinagkakabitan ng layag
_________ 4. Tuwirang pananakop ng isang d. circumnavigation
makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa e. conquistador
_________ 5. Ang pagbawi ng mga lupain sa Iberian
Peninsula mula sa mga Muslim f. kolonyalismo

Tuklasin

Ano ang nakikita mo sa larawan at ano ang


ipinapahiwatig nito? Ipaliwanag.

Suriin
Ang Rebolusyong Siyentipiko
Ang Rebolusyong Siyentipiko ay tumutukoy sa panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na
nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang ika-17 na siglo. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa
pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.

 Ang dating impluwensya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil
sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya”.
 Ang medieval na pagtingin sa kalawakan ay maiuugat sa mga pananaw ng dalawang Greek na sina Aristotle
at Ptolemy.
 Ayon kay Ptolemy, ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang ibang mga heavenly body ay umiikot dito sa
pabilog na pagkilos, o ang teoryang geocentric.
 Ayon naman kay Aristotle ang kalangitan ay binubuo ng puro at espirituwal na elementong tinatawag na
ether, at ang daigdig ay binubuo ng apat na elemento-lupa, tubig, apoy at hangin.

Mga Bantog na Siyentista sa Panahon ng Rebolusyong Siyentipiko


Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban (Universe)
NICOLAUS COPERNICUS
Isang Polish na siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492. Kasabay ng pagsimula ng
kaniyang propesyong siyentipiko ay ang panahon ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa America.
Ayon kay Copernicus, “ang daigdig ay umiikot sa kanyang axis”. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog
na taliwas sa mga naunang paniniwala ng mga tao na ito ay patag at kapag narating na ng isang
manlalakbay ang dulo nito ay maaari siyang mahulog. Idinagdag pa niya na ang araw ang siyang nasa
sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban.
Ang teoryang ito ay nakilala bilang Teoryang Heliocentric.

16
Department of Education ● Division of Iloilo City
JOHANNES KEPLER
Isang Aleman na astronomer, natural scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay bumuo ng isang
pormula tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at sa araw na di gumugalaw sa
gitna ng kalawakan. Ito ay tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-pareho
sa bilis ng kanilang paggalaw ngunit bumibilis ito kung papalapit sa araw at bumubagal kung ito’y papalayo.

GALILEO GALILEI
Siya ay nagmula sa Italy. Nabuo niya ang kaniyang imbensyon na teleskopyo noong 1609 at naging dahilan
ng kanyang pagdiskubre sa kalawakan. Ang kaniyang pagtanggap sa teorya ni Copernicus ay ginamit na
dahilan upang siya’y mapasailalim sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan kaya naging daan
sa kanyang habang buhay na “house arrest”. Ngunit matapos ang mga retraksiyon ay nagpatuloy pa rin
siya sa mga siyentipikong pagtuklas na naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika.

Ang Panahon ng Enlightenment


Ang pagbabago sa siyensiya (science) ay naging daan sa mga pilosopo at mga mapag-isip (thinkers) na
magkaroon ng ideya na kung ang sistematikong batas ay maaaring kasagutan sa paglikha ng sansinukuban at natural
na kapaligiran, ito ay maaari ring maging gabay upang ang pampulitika, pangkabuhayan at panlipunang pakikipag-
ugnayan ay maipaliwanag ng analitikong pangangatwiran. Ang siyentipikong pag-iisip at pamamaraan ay tunay na
may malaking impluwensiya sa mga pampulitikang teorya.
Ang Panahon ng Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 na siglo,
maaari ring sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang
iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag
na paniniwala noong Middle Ages.
Ang mga ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may
kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya at maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala
bilang mga philosopher o pangkat ng mga tao na humihikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman at edukasyon sa
pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng
katarungan sa lipunan

Mga Makabagong Ideyang Pampolitika

Baron de Montesquieu
Isa pa sa mga kinilalang pilosopo sa larangan ng politika na nagmula sa France. Siya ay naniniwala sa
ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamhalaan; ang
lehislatura (legeslative) na nag pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo (executive)
na nagpapatupad ng batas; at ang hukuman (judiciary) na tumatayong tagahatol.

Thomas Hobbes
Ginamit ni Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya
ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa
tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong pangyayari. Sa kaniyang
pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na “Leviathan” noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na
walang pinuno at ang posibleng maging direksyon nito tungo sa magulong lipunan.
Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan
na kailangang iwanan niya ang lahat ng kanyang kalayaan at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil
sa kasunduang ito,pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Hindi na bibigyan
pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatuwiran ang pamamalakad.

17
Department of Education ● Division of Iloilo City
John Locke
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay si John Locke na may paniniwala kagaya ng kay Hobbes na
kinakailangan magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Ngunit naiiba siya sa
paniniwala na ang tao sa kanyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral,
at mayroong natural na klarapatan ukol sa buhay, kalayaan, at pag-aari.
Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kanyang kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay
di na kayang pangalagaan at ibigay ang kanyang mga natural na karapatan. Binigyang diin din niya na kung ang
tao ay gumagamit ng pangangatuwiran sila ay nakararating sa pagbubuo ng isang pamhalaang may mabisang
pakikipag-ugnayan na makatutulong sa kanila ng pinuno.
Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng lathalaing “Two Treatises of
Government”. Ang kanyang sulatin ay naging popular at nakaimpluwensiya sa kabuuuan ng Europe at maging sa
kolonya ng England, ang Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ay naging basehan ng mga Amerikano na lumaya
sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay naging
mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles. Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan
sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan.

Voltaire o Francois Marie Arouet


Si Voltaire na isa ring Pranses ay sumulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng
France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang beses na pagkakabilanggo at ng lumaon siya ay pinatapon
sa England. Piunagpatuloy niya ang pagsusulat sa England at binigyan niya ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni
Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton.

Pagyamanin
Panuto: Suriin ang mga pahayag at sagutin sa sagutang papel.
A. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paniniwala ni John Locke kay Thomas Hobbes? Ipakita sa
pamamagitan ng isang venn diagram.
B. Sa mga mga paniniwalang nabanggit, alin dito ang higit mong pinaniniwalaan? Ipaliwanag ang sagot.

Isaisip

Ang Rebolusyong Siyentipiko ay ginamit ng mga marurunong sa agham at pangangatwiran upang


baguhin ang tradisyunal na awtoridad at lumang kaisipan o ideya tungkol sa relihiyon, politika, ekonomiya at
lipunan.
Ang Teoryang Heliocentric ay nagtuturo na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at ang mundo ay
umiikot dito kabilang ang iba pang planeta.
Si Nicolaus Copernicus, isang Polish ang nagbigay ng bagong pagtuklas na ang araw ang nasa gitna
ng kalawakan at hindi ang mundo na ayun sa simbahan.
Si Johannes Kepler ang bumuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika ukol sa posibleng
pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan na tinawag na
ellipse.
Si Galileo Galilei naman ang Italyanong siyentipiko na nakapagimbento ng teleskopyo at naging daan
sa pagpapatibay na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan.
Ang siyentipikong pag-iisip at pangangatuwiran ay naging mabisang pamamaraan upang tignan ang kaugnayan
nito sa aspetong pampulitika ng lipunan.
Sina Thomas Hobbes at John Locke ang dalawang pilosopo sa politika na may malaking impluwensiya
sa pagbabago ng pamahalaan sa Europe.

Isagawa
Batay sa paksang tinalakay, alin sa Teoryang Heliocentric at Geocentric (paniniwala na ang mundo
ang nasa gitna ng kalawakan) ang iyong pinaniniwalaan? Ipahayag ito sa pamamagitan ng isang tula o
spoken poetry. Gawin at isulat ito sa isang short bondpaper.

Rubriks para sa Spoken Poetry/Tula:


Kaugnayan sa paksa- 10 Nilalaman- 10 Presentasyon ng Ideya- 10
18
Department of Education ● Division of Iloilo City
Kabuuang Puntos----- 30
Tayahin
I,Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang tamang sagot na nasa loob ng kahon.
Isulat lamang ang titik sa sagutang papel.

A. Galileo Galilei D. Johannes Kepler G. Nicolaus Copernicus


B. Heliocentric Theory E. Geocentric Theory H. Scientia
C. Ellipse F. Teleskopyo

1. Ito ay nangangahulugang “kaalaman”


2. Siya ang sumuporta sa Teoryang Heliocentric at naparusuhan ng “house arrest” ng simbahan dahil sa
kanyang mga nadiskubre.
3. Ito ay paniniwala na ang mundo ang sentro ng sansinukob at hindi ang araw.
4. Siya ang nagsabi na ang pagbilis at pagbagal ng paggalaw ng mga planeta ay depende sa distansya nito
mula sa araw.
5. Siya ang nagpakilala na ang araw ang sentro ng kalawakan at hindi ang mundo.

II. Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na mga pahayag. Kung ito ay kaganapan sa Rebolusyong
Siyentipiko ay isulat ang OO at HINDI kung ito ay salungat.

_________ 6. Nagkaroon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala at naging simula ng panahon


ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento.
_________ 7. Nagkaroon ng mga teorya na ang daigdig ang sentro ng kalawakan at teorya na ang araw ang
sentro ng sansinukob.
_________ 8. Higit na sinunod ang mga katuruan ng Simbahan sa panahong ito.
_________ 9. Ang panahong ito ay ginamit ng mga marurunong sa agham upang baguhin ang tradisyunal na
pananaw at paniniwala tungkol sa relihiyon, politika, at iba pa.
_________ 10. Binigyan ng Kalayaan ang mga siyentista na ibahagi ang kanilang mga natuklasan kahit ito ay
salungat sa paniniwala ng simbahan.

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba.
Paano binago ng bagong kaisipan nina Kepler at Galileo ang pagtingin ng mga tao sa
daigdig? Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang mga pagtuklas na ito? Ipaliwanag.

Aralin Ang Rebolusyong Industriyal


5
Alamin

Sa aralin na ito ay susuriin natin ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Industriyal.

Subukin
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

A.Steam engine B.Telepono C.Telegrapo D.Cotton gin E.Spinning jenny

_____1. Nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya.


_____2. Gamit sa paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak.
_____3. Nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala at kamag-anak sa ibang lugar.
19
Department of Education ● Division of Iloilo City
Balikan
Panuto: Punan ang mga kahon upang mabuo ang mga konsepto tungkol sa mga ideya at kaisipang
pampolitikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Thomas Hobbes John Locke Baron de Montesquieu

Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan. Paano kaya ang pamumuhay kung wala ang mga ito? Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Suriin
Ang Rebolusyong Industriyal ay isang transisyonal na panahon (c. 1760 – 1840) sa Europa at
America na nakatuon sa pagbabago sa mga proseso ng paggawa, mula sa pagbuo ng mga produkto sa
pamamagitan ng kamay papunta sa paggamit ng mga makinariya at awtomisasyon. Ito ay mas
mailalarawan sa mabilis na pag-unlad sa iba’t ibang industriya dahil sa mga makabagong makinarya,
paggamit ng steam engine, at bagong paraan ng paglikha ng mga kemikal at mga proseso sa pagkuha
sa bakal.

ANG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL


o Ang Great Britain ang nagpasimula dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na naging
pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika.
o Noong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng
sistemang domestiko (domestic system) ang pagprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang
halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema na matagal ang paggawa. Ang mayayaman lamang
ang may oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ila pang gamit sa
tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon.
o Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikano na si Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong
para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga materyal sa bulak na dati ay ginagawa ng
halos 50 manggagawa. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at nakatulong ito sa malaking
produksiyon sa paggawa ng tela sa United States.
o Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus ng mga tela at naging
mura na itong bilhin. Halimbawa ang makinang spinning jenny ni James Hargreaves na nagpabilis sa
paglalagay ng mga sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong manggawa ay maaari nang gawin
ng isa lamang sa tulong ng nabanggit na makinarya.
ILAN SA MGA IMBENSYONG TEKNOLOHIKAL
Steam engine ni James Watt. Newcomen steam engine ni Thomas Water frame ni Richard
Naging daan para maragdagan ang Newcomen at Watt engine na naimbento Arkwright na
suplay ng enerhiya na noong 1705-1760 na nakatulong sa nakapaghabi nang mas
magpapatakbo sa mga pabrika. pagpump ng tubig na ginamit para manipis subalit mas
Nakatulong ito sa mabilis na makapagsuplay ng tubig na magbibigay ng matibay na sinulid.
pagdala ng mga produkto sa iba’t enerhiyang hydroelectric na nagpatakbo
ibang lugar. ng mga makinarya sa mga pabrika.

20
Department of Education ● Division of Iloilo City
ILAN SA MGA IMBENSYON SA TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON

Naimbento ni Richard Ang telepono na naimbento ni Ipinakilala naman ni Samuel


Trevithick ang noong 1804 Alexander Graham Bell noong Morse ang telegrapo na
ang unang steamed-powered 1876 na nakatanggap ng nakatulong para makapagpadala
locomotive na nagbigay-daan parangal sa United States sa ng mga mensahe sa mga kakilala
sa pagbubukas ng mga riles. kanyang imbensyon. at kamag-anak sa ibang lugar.

EPEKTO NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

AGRIKULTURA
Ang Europa ay may malaking populasyon sa labas ng mga siyudad dahil ang pangunahing
hanapbuhay noon ay ang pagsasaka. Matapos ang ilang mga inobasyon at mga inbensyon na nakatulong sa
mabilis na pagtatanim ng mga butil, ito ay ang dulot ng ekponensyal na paglaki ng surplus sa agrikultura at sa
hindi na pangangailangan ng madaming tao para sa pagtatanim at pag-aani.
Ito ay nagdulot ng pagkaunti ng mga manggagawa sa bukirin at pagsisimula ng pagtingin ng mga tao
sa siyudad bilang lugar kung saan makakakuha ng karagdagan na kita kung hindi permanente na
hanapbuhay. Nagsimula ang migrasyon ng mga tao mula sa mga rural na pamayanan papunta sa urban na
siyudad.
INDUSTRIYA NG TEXTILE
Ang industriya ng tela at sinulid ang pangunahing naapektuhan ng rebolusyong industriyal. Ang
paggawa ng textile noon ay isang mano-manong gawain na nangangailang ng mahabang oras para matapos
lamang ang isang hakbang ng proseso (hal. Pagtatanggal ng buto sa bulak, pagpusod nito papunta sa
pagiging hibla ng sinulid, paghahabi ng tela at iba pa). Ang mga kagamitan ng mga manggawa noon ay mga
simpleng makina para lamang mapadali ang manwal na gawain ng mga mangagawa.
TRANSPORTASYON
Ang naging tagumpay ng rebolusyong industriyal ay nakasalalay sa kakayahan na ihatid ng mga
negosyante ang hilaw na materyales at ang mga tapos na produkto sa mga lugar na patutunguhan nito.
Maaaring hindi naganap ang rebolusyong industriyal kung nanatiling primitibo ang paraang paglalakbay ng
mga tao sa lupa at sa tubig.

Pagyamanin
Panuto: Tukuyin at suriin ang pagsisimula, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Industriyal sa Europe.
Gawin ito sa sagutang papel.

PAGSIMULA KAGANAPAN EPEKTO

Isaisip

Nagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao ang rebolusyong industriyal. Karamihan
sa mga pagbabagong ito ay nararamdaman pa rin ng mga tao sa modernong panahon. Isa sa idinulot nito ay
ang pagbibigay tuon ng mga tao sa kahalagahan ng industriyalisasyon sa pag- unlad ng mga bansa.
Ang populasyon ay nagsimula lumipat sa mula sa mga rural na probinsya papunta sa urban na
siyudad. Ito ay nagdulot ng maraming mga komplikasyon sa pamumuhay ng mga taong nakatira sa parehong
lokasyon. Maraming mga panlipunang isyu ang nagsimulang makita sa pagbabago ng paraan ng pamumuhay
ng mga taong lumipat ng tirahan.
Ang rebolusyong industriyal ay nagtulak sa mga tao sa landas ng industriyalisasyon. Kung hindi dahil
sa rebolusyong ito ay hindi natin mararanasan ang mga ginhawa ng modernong panahon. Ngunit kailangan pa
rin tingnan ang mga naging negatibong aspeto na nagsimula sa panahon na ito. Karamihan ng mga isyung
kinakaharap ng mga tao ngayon ay nagsimula dito at lalo pa itong lumalala sa kasalukuyan, tulad nang di
pantay na distribusyon ng yaman at mabilis na pagkasira ng kalikasan.
21
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isagawa
Gumawa ng isang malayang tulang pasasalamat tungkol sa pagbabagong dulot ng mga
naimbentong kagamitan noon at nagagamit mo sa kasalukuyang panahon. Ipahayag sa malayang tula
ang kahalagahan at epekto ng mga bagay na ito sa iyong buhay. Gawin sa isang short bondpaper.

Rubriks sa Pagmamarka:
 Nilalaman- 15
 Organisasyon ng mga ideya- 10
 Impact- 5 Kabuuang puntos---- 30

Tayahin
Panuto: Suriin at unawain ang sumusunod na pahayag. Tukuyin at isulat ang sagot sa sagutang
papel.
A. Punan ang patlang

1. Ang Rebolusyong Industriyal ay nagsimula sa bansang ________________.


2. Ang pagprodyus ng tela noon ay ginagawa sa mga tahanan na tinawag na sistemang
_________________ bago pa maimbento ang mga makinarya.
3-4. Sa mga bansang ___________________ at __________________ nagkaroon ng malaking
pagbabago sa aspetong agrikultura at industriya.
5. Ang _________________________ ay panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula ng
gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksyon.
B. Tama o Mali
____________ 6. Naidulot ng Rebolusyong Industriyal ang pagbibigay-tuon ng mga tao sa kahalagahan
ng industriyalisasyon sa pag- unlad ng mga bansa.
____________7. Ang rebolusyong industriyal ay nagtulak sa mga tao sa landas ng industriyalisasyon.
Kahit walang rebolusyong industriyal mararanasan pa rin natin ang mga ginhawa ng modernong
panahon.
____________8. Ang industriya ng tela at sinulid ang pangunahing naapektuhan ng rebolusyong
industriyal.
____________9. Ang naging tagumpay ng rebolusyong industriyal ay nakasalalay sa kakayahan na ihatid
ng mga negosyante ang hilaw na materyales at ang mga tapos na produkto sa mga lugar na
patutunguhan nito.
____________ 10. Ang Rebolusyong Industrial ay nagdulot ng pagkaunti ng mga manggagawa sa bukirin
at pagsisimula ng pagtingin ng mga tao sa siyudad bilang lugar kung saan makakakuha ng karagdagan
na kita kung hindi permanente na hanapbuhay

Karagdagang Gawain
Magmasid sa loob ng inyong tahanan o sa paligid. Maghanap ng limang bagay na para sa iyo ay nagpabago
at nagpagaan sa iyong pamumuhay. Itala ang mga bagay na ito at ibigay ang kanilang kahalagahan. Isulat sa
sagutang papel.
BAGAY KAHALAGAHAN

1.

2.

3.

4.

5.

22
Department of Education ● Division of Iloilo City
Aralin Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan
6 sa Rebolusyong Pranses at Amerikano

Alamin
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at
Pranses.

Subukin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ito ay naglalarawan sa lipunan at
pamahalaang Pranses. Isulat ang tsek (/) kung sa tingin mo ay tama at ekis (X) kung hindi sa sagutang papel.

_______ 1. Ang France ay pinamumunuan ng isang hari.


_______ 2. Ito ay isa sa mga bansang makikita sa kontinente ng North America.
_______ 3. Ang lipunang France ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates.

Balikan
Panuto: Ipaliwanag ang dahilan at epekto ng mga sumusunod na panahon ng paglawak ng
kapangyarihan ng Europe. Gawin ito sa sagutang papel.
DAHILAN/PAGSIMULA KAGANAPAN EPEKTO/RESULTA

Rebolusyong Siyentipiko

Enlightenment

Rebolusyong Industriyal

Tuklasin Panuto: Kilalanin ang mga nasa larawan at


ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1.Sino sa mga nasa larawan ang iyong kilala?


2.May kinalaman kaya siya/sila sa mga
pagbabagong naganap sa daigdig?

Suriin
ANG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN

Malaki ang ginampanan ng Scientific Revolution (1500’s-1600’s) sa pagbabago ng pagtingin ng mga


Europeo sa daigdig. Ang tagumpay ng agham ay nagpatunay sa lakas ng ‘reason’ o ‘katwiran’. Napag-isipang
kung ito ay nagagamit sa pag-unawa sa ‘physical world’ (physics, geology, chemistry, biology at mga tulad
nito) bakit hindi ito gamitin upang maunawaan ang tao at ang kanyang lipunan? Ang pagtatangkang ito ay
nagtulak sa pag-usbong ng Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) o Rebolusyong Pangkaisipan.

REBOLUSYONG PANGKAISIPAN
Tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Madalas na
nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo’t higit sa mga taong nasanay sa isang tahimik at
23
Department of Education ● Division of Iloilo City
konserbatibong pamumuhay. Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa nito
sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang
mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon at maging sa
edukasyon.Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa
paggamit ng ‘reason o katuwiran’ sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitikal at pang-ekonomiya.
Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.

Mga Kaisipang Politikal at Pang-ekonomiya


 Kinilala ang kaisipang balance of power ni Baron de Montesquieu na tumutukoy sa paghahati ng
kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura at hudikatura). Ayon sa kaniya, ang
paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksiyon sa mga
mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.
 Isa sa itinuturing na maimpluwensyang philosophes si Francois Marie Arouet na mas kilala sa tawag na
Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika at maging
drama. Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali tulad ng mga pari,
aristocrats at maging ang pamahalaan.
Isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay si Jean Jacques Rousseau. kinilala dahil sa
kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal
(individual freedom). Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala na
ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa ‘kabutihan’ ng tao. Ayon sa kaniya, ‘likas na
mabuti ang tao’. Nagiging masama lamang ang tao dahil sa impluwensya ng lipunang kaniyang
kinabibilangan. Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang aklat na “The Social
Contract”. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa
‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will) na naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France.
 Pinalaganap ni Denis Diderot ang ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-
volume na Encyclopedia na tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-
iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala,
pilosopiya at relihiyon.
 Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya. Katulad ni Quesnay,
naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang
British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.

Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Marami sa mga may pinagaralang Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang
babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian. Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng
talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons noong 1600’s
tuwing nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng 1700’s, ang kababaihang mula sa
gitnang-uri ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon. Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-
class at noble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal.

REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN AT IMPLIKASYON


Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay
naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga
pagtatanong tungkol sa absolutong monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang
galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyunal na rehimen sa America at
France.
Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog America at Great Britain. Ito ang
unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga
prinsipyong rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789. Itinuturing na mas malaki ang
naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europa at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito
ang tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantay-pantay at
ang kapatiran.
Ang digmaan para sa kalayaan sa America ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano.
Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis
24
Department of Education ● Division of Iloilo City
na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang
sabihin ang kanilang mga hinaing.
Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na
hukbo na magiging tagapagtanggol sa British. Ang Digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng
United States of America.
Buwan na ng Agosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng
Ang Deklarasyon ng Kalayaan Britanya at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan
Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang puwersa ni George Washington na umatras sa labanan.
ang Britanya sa Atlantiko upang tuluyang durugin at Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo
pahinain ang puwersang Amerikano. Upang sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na
matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo
Kongresong Kontinental na aprubahan ang lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si
Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre,1776 ay
dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas naglunsad siya at ang kanyang hukbo ng isang sopresang
Jefferson, isang manananggol. Binigyang diin ng pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni
dokumento na ang dating mga kolonya ay di na Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang
kasalukuyang teritoryo ng Britanya. Sila, sa panahong kaniyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila
iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t
katawagang Estados Unidos ng Amerika. sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa New York.

Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan

Ang bansang France ay tradisyunal na kalaban ng British at ang mga French ay naging lihim na taga-
suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng
pagkilala ng pamahalaang Pranses ang United States of America bilang isang malayang bansa. Nagpadala sila ng
mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. Kaya dahil
sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya na sakupin ang timugang bahagi ng kolonya isa-
isa. Noong Disyembre, 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia.
Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na
nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston at
pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng British.

ANG REBOLUSYONG PRANSES


ANG KALAGAYAN NG LIPUNANG PRANSES NOONG 1789
Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon na ang
pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon
sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine right theory. Ito ay ang
paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang
bansa.
Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang
estate ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay
binubuo ng mga maharlikangPranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakararaming bilang
ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol,
doktor, at mga manggagawa.
Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng malaking halaga para itaguyod
ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di
ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang
magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga
bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito ang
tagumpay na Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa
pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses.

25
Department of Education ● Division of Iloilo City
Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran King Louis XVI
Taong 1789 nang ang Constituent Assembly, ang bagong
katawagan sa Asembleyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang
bagong saligang-batas. Ang pambungad na pananalita ng saligang-
batas ay tungkol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at
Mamamayan. Binigyang-diin nito na ang lipunang Pranses na
kinakailangang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-
pantay at kapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791,
ay lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa
pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang kapangyarihan ng mga
nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan
para sa Asembleang bubuo ng mga batas ay idinaos.

Pagyamanin
Panuto: Suriin at ipaliwanag ang mga philosophes at kanilang mga kaisipan at ideyang
ipinalaganap. Gawin ito sa sagutang papel.

Philosophes Kaisipan/Ideya Kahalagahan


Jean Jacques Rousseau

Francois Quesnay

Mary Wallstonecraft

Francois Marie Arouet


(Voltaire)

Denis Diderot

Isaisip

Impluwensiya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan


Nagbigay ang ‘pagkamulat-pangkaisipan’ ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa
kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili
ng sariling pilosopiya.
Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba’t ibang pananaw ang kanilang natutuhan sa panahong ito. Marami ang
natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal na sinunod. Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa
estruktura ng lipuan samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng
rebolusyon: Ang Rebolusyong Politikal.
Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang
naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang
mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya
sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang
naglunsad ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa France noong 1789 at nagbuo ng isang republika nang
lumaon.
Ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ang kawalan ng katarungan ng
rehimen, oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan, walang hangganang kapangyarihan ng hari, personal
na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng
pamahalaan.

Malaki ang kaugnayan ng “rebolusyong pangkaisipan” sa mga rebolusyong inilunsad sa mga bansa ng Estados
Unidos at Pransya noong sila pa ay pinakikilos ng mga malalaking imperyo at monarkiya. Sa panahon ng “rebolusyong
pangkaisipan,” hindi lamang umusbong ang pagiging malikhain ng mga tao, umusbong ang mga kamalayang makabayan at
26
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isagawa
Ipahayag ang sariling kaisipan tungkol sa mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa isang
short bondpaper.
Ano-ano ang pagkakatulad ng
Rebolusyong Amerikano at Pranses?

REBOLUSYONG AMERIKANO REBOLUSYONG PRANSES

Paano nagkaugnay ang Rebolusyong


Pangkaisipan sa Rebolusyong
Amerikano at Pranses?

Tayahin
Panuto: Suriin at ipaliwanag sa tatlo (3) hanggang limang (5) pangungusap ang sumusunod na tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang Rebolusyong Pangkaisipan?
2. Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano?
Rubriks sa Pagmamarka: A. Nilalaman at Kaangkupan sa Tanong- 10 puntos
B. Kaayusan ng Ideya- 5 puntos Kabuuan: 15 puntos
.

Karagdagang Gawain
Mayroon bang pagkakatulad ang karanasan ng mga Amerikano sa karanasan ng mga Pilipino sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol at iba pang lahi noon? Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga karanasang ito sa pamamagitan ng venn diagram. Gawin ito sa isang buong papel.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatutulad

Aralin Ikalawang Yugto ng Imperyalismong


7 Kanluranin

Alamin
Sa araling ito ay susuriin natin ang mga dahilan, pangyayari, at epekto ng ikalawang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin.

27
Department of Education ● Division of Iloilo City
Subukin

Panuto: Suriin at piliin sa loob ng kahon ang konseptong inilalarawan ng bawat pahayag at isulat angtamang
sagot sa sagutang papel.

kolonya manifest destiny white man’s burden protectorate Europe


concession sphere of influence imperyalismo westernization Africa Asia

____________________1. Pagkakanluranin ng mga bansa sa Asia at Africa


__________________2. Ang mga bansa sa kontinenteng ito ang nangunang manakop ng mga lupain sa Asia,
Africa at America.
__________________3. Karapatang bigay ng Diyos sa United States na magpalawak at angkinin ang buong
kontinente ng Hilagang America.
__________________4. Mga bansang isinailalim at pinamamahalaan ng mananakop sa pamamagitan ng
pagtatatag ng mga institusyon tulad ng gobyerno, batas at sistema ng edukasyon.
__________________5. Bansang binibigyan ng proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa.

Balikan
Panuto: Ibigay ang naitulong ng mga imbensyon at bagong pananaw na nagbigay daan sa ikalawang yugto
ng kolonisasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Steam engine –
2. Teoryang Heliocentric –
3. Teleskopyo-

Tuklasin
Panuto: Basahin at suriin ang teksto. Isulat ang iyong reaksyon hinggil sa nilalaman nito.
Manifest Destiny, Continued: McKinley Defends U.S. Expansionism
Hold a moment longer! Not quite yet, gentlemen! Before you go I would like to say just a word about the
Philippine business. I have been criticized a good deal about the Philippines, but don’t deserve it. The truth is I didn’t
want the Philippines, and when they came to us, as a gift from the gods, I did not know what to do with them. When
the Spanish war broke out Dewey was at Hongkong, and I ordered him to go Manila and to capture or destroy the
Spanish fleet, and he had to; because if defeated, he had no place to refit on that side of the globe, and if the Dons
were victorious they would likely cross the Pacific and ravage our Oregon and California coasts. And so he had to
destroy the Spanish fleet, and did it! But that was as far as I thought then.
When I next realized that the Philippines had dropped into our laps I confess I did not know what to do with
them. I sought counsel from all sides-Democrats as well as Republicans-but got little help. I thought first we would
take only Manila; then Luzon; the other islands perhaps also. I walked the floor of the White House night after night
until midnight; and I am not ashamed to tell you, gentlemen, that I went down on my knees and prayed Almighty God
for light and guidance more than one night. And one night late it came to me this way-I don’t know how it was, but it
came: (1) That we could not give them back to Spain-that would be cowardly and dishonorable; (2) that we could not
turn them over to France and Germany-our commercial rivals in the Orient- that would be bad business and
discreditable; (3) that we could not leave them to themselves-they were unfit for self-government-and they would
soon have anarchy and misrule over there worse than Spain’s was; and (4) that there was nothing left for us to do but
to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them, and by God’s grace do the
very best we could by them, as our fellow-men for whom Christ also died. And then I went to bed, and went to sleep,
and slept soundly, and the next morning I sent for the chief engineer of the War Department (our map- maker), and I
told him to put the Philippines on the map of the United States (pointing to a large map on the wall of his office), and
there they are, and there they will stay while I am President!

28
Department of Education ● Division of Iloilo City
Suriin
Ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Ang Pananakop sa Makabagong Panahon

Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot ang mga barkong
Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang Portugal, Spain, Netherlands, France, at Britain at nagtayo ng mga
kolonya sa Asia at America.
Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng ika-20 na siglo, habang
nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang
Unang Digmaang Pandaigdig noong 1941 ay panahon ng mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o westernization
ng ibang lupain.

Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Pananakop

 Manifest Destiny – ayon sa doktrinang ito may karapatang bigay ng Diyos ang United States na magpalawak
at angkinin ang buong kontinente mng Hilagang America.
 White Man’s Burden – pinaniniwalaan ng mga Europeo na tungkulin nila at ng kanilang mga inapo na
panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop
 Pagbabagong pampulitika, pangkultura, at pangkabuhayan na naganap sa mga bansang sinakop
 Malaking pangangailangan sa pagkain, hilaw na sangkap para sa mga bagong industriya ng tela, makinarya,
at iba pa at biglang paglaki ng populasyon
 Teknolohiya tulad ng mga bagong imbensyon sa transportasyon, komunikasyon, armas, pagsasaka at
paggawa ng produkto
 Sistemang kapitalismo o paghahangad ng malaking tubo ng mga kapitalista na paiikutin sa loob ng isang
ekonomiyang pamilihan (market economy). Mabibigyan lamang ng katuparan ang sistemang ito kung may
mga kolonya ang mga mayayamang bansa. Ang mga kolonyang ito ang nagbigay ng pagkakataong
pangkabuhayan at pampulitika sa mga nais makipagsapalaran upang magkaroon ng mataas na posisyon sa
pamahalaan at magkamal ng maraming salapi at kapangyarihan.

Uri Ng Mga Teritoryong Itinatag

 Kolonya – mga bansang isinailalim at pinamamamahalaan ng mananakop sa pamamagitan ng pagtatatag ng


mga institusyon tulad ng gobyerno, batas at sistema ng edukasyon.
Halimbawa: Pilipinas (Spain), India at Malaysia (Great Britain)
 Protectorate – bansang binibigyan ng proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa. Hal. Puerto Rico (USA)
 Concession – may mahihinang bansa na nagbibigay ng konsesyon sa mga makapangyarihang bansa tulad
ng mga espesyal na karapatang pangnegosyo, (karapatan sa daungan o paggamit ng likas na yaman).
 Sphere of influence – yaong isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ng
makapangyarihang bansa ang pamahalaan at pulitika. Ang ganitong uri ng imperyalismo ang namayani sa
China. Pinaghati-hatian ito ng Germany, France, Portugal, at Great Britain

Lawak Ng Kolonya Ng Mga Mananakop

 Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, halos lahat ng Africa, Asia, at South America ay nasakop ng mga Europeo.
 Pinakamalawak ang kolonya ng Britain sa lahat ng mga mananakop. Kasama sa bansang sakop nito sa
Africa ang Sierra Leone, Liberia, Nigeria,Tanganyika, Congo-Bechuanaland, South Africa, Egypt, Sudan,
Besotuland, Transvaal, Union of South Africa at Gold Coast.
 Sa paglakas ng ekonomiya ng United States sinuportahan ng mga pinuno nito ang patakarang
pagpapalaganap ng bansa. Sa tagumpay ng United States sa Spanish-American War noong 1898 nakuha
nito ang Pilipinas, Guam, Puerto Rico at Cuba. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig nakuha nito ang
Samoa at ang Hawaii.

29
Department of Education ● Division of Iloilo City
Imperyalismong Ingles sa Timog Asia, Australia at New Zealand
Ang British East India Company sa India ay naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang
mga kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, inilipat ang kontrol ng kompanya sa
pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain noong huling bahagi ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng
imperyo ang India. Ang iba pang pook na naging protectorate ng Britain at nakaligtas sa mga bansang mananakop ay
ang Australia at New Zealand. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa America.
Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles (British) ang lumipat dito at ito na ang naging simula ng
pagtatatag ng mga kolonya sa Australia at New Zealand. Ito ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain
ay magagamit na tirahan ng dumaraming tao.

Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop


Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado. Ang tagumpay ng America laban sa
Spain noong 1898 ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico, at Pilipinas. Ang Guam ay naging himpilang-
dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang himpilang-dagat sa Caribbean. Matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig, nakuha rin nila ang Samoa na naging mahalagang himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita
ang Pearl Harbor na siyang pinakatampok na baseng pandagat ng United States sa Pacific.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo

 Epekto ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop


Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay ginamit ng mga
mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng
pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa paggawaan ng barko sa hukbong sandatahan.
 Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop
Bunga ng kolonisasyon ang mga pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura
 Epekto ng Imperyalismo
Ang imperyalismo sa Africa at Asia ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang katutubong
populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan.

1. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa;


2. Pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensyang
Kanluranin; at
3. Sa usapin ng hangganang Pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo
bunga ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan.

Pagyamanin
Panuto: Isa-isahin ang mga epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon. Paghambingin ang
mga epekto kung ito ba ay nakabubuti o nakasasama. Pagtimbangin kung alin ang mas nakararami. Isulat ito
sa nakahandang eskala. Isulat sa sagutang papel.

Mabuti Masama

30
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isaisip

 Ang imperyalismong lumaganap sa Africa at Asia noong ika-19 na siglo ay dulot ng hangarin ng mga
Kanluranin para may mapagkukunan ng hilaw na materyales at mapagtatambakan ng mga labis na
produkto dahil sa ekonomiyang kapitalista sa resulta ng Rebolusyong Industriyal.

 Ang mga teknolohikal at siyentipikong tuklas at pagbabago ay nakapagpalakas ng loob sa mga


Europeo na maglakbay ng malayuan. Dahil sa pagkakaimbento ng mas matibay at mabilis na
steamboat at pagkaimbento sa telegraph, naging possible ang komunikasyon kahit nasa malayong
lugar.

 Edukasyon at pagkamulat ng nasakop sa mga kaisipang liberal ang pinakamabuting bunga ng


pananakop

 Malawakan ang masamang epekto ng imperyalismong Kanluranin sa mga bansa at sa mamamayan ng


Asia at Africa.

Isagawa
Gumawa ng poster o slogan na nagpapakita ng iyong saloobin o damdamin tungkol sa naging epekto
ng ikalawang yugto ng kolonisasyon sa ating bansa. Gamitin ang kahon sa susunod na pahina.
Poster at Slogan Puntos
Rubriks sa Pagmamarka:
Kaangkopan sa paksa 15
Pagkamalikhain 15
Kalinisan at Kaayusan 10
Kabuuang Puntos 40

Tayahin
Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa sa
sagutang papel. (Tatlong puntos bawat kasagutan)

1. Alin sa mga mananakop ang pinakamahusay mamahala? Patunayan.


2. Ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng pananakop? Isa-isahin.
3. Bakit naging madali sa mga Kanluranin ang manakop ng mga bansa? Ipaliwanag.
4. Paano napasali ang United States sa pananakop ng bansa?
5. Ano sa palagay mo ang epekto ng kolonisasyon sa sumusunod na mga bansang Asyano sa kasalukuyan?
India? China? Pilipinas?

Karagdagang Gawain
Gumuhit ng mapa ng daigdig na nagpapakita sa mga kolonya ng mga bansang imperyalista o
mananakop. Kulayan ang bawat imperyo. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.

Aralin Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europe


8 at Iba’t-ibang Bahagi ng Daigdig

Alamin
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba’t-ibang bahagi ng
daigdig.

Subukin
31
Department of Education ● Division of Iloilo City
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa
bawat patlang,

pagkakabuklod-buklod kamalayan pamamayani kabutihan sugpuin


Pamamahayag mapaniil Pamilihan kasarinlan panghihimasok

1. Ang karaniwang tugon ng pamahalaan sa rebelyon ay________________ito.


2. Ang mga programa at proyekto ng pamahalaan ay para sa ________________ng mga mamamayan.
3. Hindi nakabubuti sa ating bansa ang___________________________ng ibang bansa sa ating mga
patakaran.

Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod at piliin ang angkop na salita o lupon ng mga salita sa ibaba na
ilalagay sa bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag tungkol sa mga dahilan, uri, at lawak ng pananakop ng
mga Kanluranin.
Iba’t-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa paggamit ng
(1)_________________________. Ayon sa doktrinang ito may karapatang bigay ang Diyos sa
(2)____________________ na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America. Paniniwala
naman ng (3)______________________ na tungkulin ng mga Europeo at kanilang mga inapo na panaigin ang
kanilang maunlad na (4)_____________________sa mga katutubo ng mga kolonyang nasakop.

Bunsod ng pangangailangan sa (5)____________________, pagsunod sa sistemang kapitalismo at


paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga (6)______________ang magpalawak ng teritoryo ay naganap ang
(7)_______________yugto ng pananakop. Maraming pagbabagong (8)_________________,
(9)_________________at pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang sinakop. Ang (10)__________________ay
pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa. (11)______________ay ang pagbibigay ng
espesyal na karapatang pangnegosyo at ang (12)_______________________ay isang lugar kung saan kontrolado
ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
United States hilaw na materyales Kanluranin Ikalawang protectorate manifest destiny
White man’s burden politikal kultural Concession Sphere of influence kabihasnan
Europe

Tuklasin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong na may kaugnayan sa kahalagahan ng pag-usbong ng nasyonalismo
sa Europa at iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ipaliwang ang ibig sabihin ng sumusunod na pahayag: “Ang tao ay isinilang na may kalayaan at karapatan”.
2. Ano-ano ang mga bagay na sa palagay mo ay may kaugnayan sa katagang “Nasyonalismo”?
3. Kung ang iyong nanay, tatay, kapatid, o iba pang miyembro ng pamilya ay nasa ibang bansa upang magtrabaho,
masasabi mo bang sila ay may pagmamahal sa bayan? Sa paanong paraan?

Suriin Ang Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europe at


Iba’t- ibang Bahagi ng Daigdig

NASYONALISMO SA EUROPE
Ang unang yugto ng pagkabuo ng nasyonalismo sa Europe ay sinasabing kinakitaan ng katapatan sa
grupong lingguwistiko at kultural at ang pagnanais na makalaya mula sa control ng dayuhan. Kalaunan, umunlad ito
tungo sa kilusang nagtataguyod ng kagalingan ng bansang kinabibilangan at pakikipaglaban sa Karapatan ng
mamamayan na maitakda ang sariling kapalaran. Ang halibawa nito ay ang Rebolusyong French.
Congress of Vienna. Ang Congress of Vienna ay ipinatawag noong 1814 upang pagtibayin ang Treaty of
Paris na nagwakas sa mga digmaang inilunsad ni Napoleon at upang buuing muli ang estrukturang political ng
Europe. Nilahukan ito ng Austria, Prussia, Denmark, Bavaria, Saxony, at Russia. Ang resulta ng nasabing kongreso
32
Department of Education ● Division of Iloilo City
ay ang restorasyon ng mga dinastiya sa kanilang trono at ang paghahati-hati ng mga nanalong bansa sa tinatawag na
spoils of war, o mga nakamit na tagumpay, pribilehiyo, o materyal na bagay mula sa digmaan. Ang nanalong mga
bansa ay Great Britain, Prussia, Russia, at Austria samantalang ang natalo ay France. Napalitan ng Austria, sa ilalim
ni Clemens von Merttenich, ang France bilang makapangyarihang puwersa sa rehiyon.
Germany. Ang Germany ay binubuo ng magkakahiwalay na estado na nasa ilalim ng pamumuno ng Austria.
Noong Marso 1848, nagkaroon ng demonstrasyon at pag-aalsa sa Berlin, kabisera ng Prussia. Ang Prussia ay isang
dating makapangyarihang kaharian sa lupain ng kasalukuyang Poland at hilagang Germany. Ang tagumpay ng
nasabing rebelyon ay humantong sa pagpayag ni Frederick Wiliam IV, hari ng Prussia, sa ilang konsesyon tulad ng
pagbuwag sa sensura at paghanda ng isang Konstitusyon at Assembly. Sa Frankfurt Assembly noong 1848, may 800
German ang dumalo upang magkaroon ng nagkaisang Germany. Ito ay naisakatuparan lamang sa pamamagitan ni
Otto von Bismarck. Si Bismarck ay itinalagang Punong Ministro ng Prussia noong 1862. Ang pagbubuklod ng
Germany ang pinakamahalagang pamana ni Bismarck. Ipinahayag ang pagkatatag ng Imperyong German sa
Palasya sa Versailles noong 1871. Naluklok si Bismarck bilang kauna-unahang Chancellor ng Imperyong German.
Dahil dito, umusbong ang Germany bilang isa sa mga pinakamapamgyarihang bansa sa daigdig. Nagpatuloy ito sa
pagiging monarkiya hanggang sa katapusan ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Italy. Hati at nasa ilalim ng mga dayuhang pamumuno ang mga estado ng Italy. Ang hangarin tungo sa
pagkakaisa ang nagtulak sa mga rebolusyonaryong Italian na magtatag ng mga kilusan. Ang hangaring ito ang
dahilan ng pagkabuo ng Risorgimento o ang kilusan upang makamtan ang pagkakaisa at kalayaan. Bahagi ng
kilusang ito ang pangkat ng Carbonari (charcoal burner) na nagpulong sa mga kagubatan upang planuhin ang
kanilang paglaban. Ninais nilang patalsikin ang rehimeng naitatag ng Congress of Vienna. Noong 1820, nag-alsa
ang mga Carbonari laban kay Ferdinand I (hari ng Naples at Sicily sa Timog Italy). Nagpadala ng hukbo ang Austria
upang sugpuin ang mga nag-aalsa at napigilan ang mga rebolusyon sa Italy sa tulong ng mga puwersa sa Europe.
Gayunpaman, nang lumaon, naisakatuparan din ang hangarin ng mga Italian tungo sa pagkakaisa. Ang Italy ay
nagkabuklod-buklod noong 1861, nang ang lahat ng estado sa Italy, maliban sa Rome at Venice, ay mapasailalim sa
hari ng Sardinia at ng konstitusyong liberal. Kasunod nito binago ni Victor Emmanuel ang kanyang titulo. Mula sa
pagiging hari ng Sardinia, kinilala siya bilang hari ng Italy.
France. Ang mga pag-aalsang naganap sa France ay maituturing na karugtong ng mga ideyang ipinaglaban
ng Rebolusyong French (1789-1790s). Ang July Revolt ay noong 1830 ay nagsilbing reaksyon sa mga restriksyong
ipinatupad ni Haring Charles X hinggil sa pamamahayag at sa pagbuwag sa Chamber of Deputies o ang lehislatura.
Hindi nakayanan ni Charles X na sugpuin ang rebelyon kung kaya tumakas siya papuntang Great Britain. Pinalitan
siya ng kasapi ng Dinastiyang Bourbon, si Louis Philippe. Si Louis Philippe ay ginawaran ng titulong King of the
French. Ang kanyang titulo ay mapapansing nakabatay hindi sa estado kundi sa mamamayan. Ang kanyang rehimen
ay kinakitaan ng pagiging matatag na ideya ng popular sovereignty at pagwawakas sa monarkiyang nakabatay sa
karapatang banal.
Imperyong Austria-Hungary. Ang pag-aalsa sa Austria ay kasunod ng mga pag-aalsa sa France noong
1848. Ito ay nakatuon sa mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ni Metternich. Nagsama-sama sa mga
kalsada ng Vienna ang mga manggagawa, magsasaka, at estudyante. Tumakas si Metternich papuntang Great
Britain. Ipinagkaloob ni Haring Ferdinand I ang mga kahilingan ng mga rebolusyonaryo, kasama na rito ang
pangakong konstitusyong liberal para sa imperyo. Samantala, sa Hungray na noon ay bahagi ng imperyo, ay masidhi
ang paghihingi ng Kalayaan. Malakas naman ang sigaw para sa pambansang awtonomiya ng mga Croat, Slovak, at
iba pang mga pangkat etniko na sakop ng teritoryo. Aksidenteng napatay sa isang demonstrasyon ang asawa ni
Prinsipe Alfred Windischgratz, punong military ng Prague (kasalukuyang kabisera ng Czech Republic). Sa galit nito,
winasak niya ang lungsod ng Prague hanggang sa matalo ang mga radikal at maluklok sa kapangyarihan ang bayaw
niya na si Felix Schwarzenberg bilang punong ministro. Hinimok ni Windischgratz si Haring Ferdinand I na ibigay ang
trono sa kanyang 18 taong gulang na pamangkin na si Franz Joseph. Umakyat sa trono bilang Emperor ng Austria si
Franz Joseph noong 1848.

NASYONALISMO SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG DAIGDIG


Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union. Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa
daigdig. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Ika-13 na siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa
Asia at sinakop ang mga mamamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas sa
pananalita, pananamit asat kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas ng
Russia, tumalo, at nakapabagksak sa mga Tartar sa labanan sa Oka si Ivan The Great.
Nasyonalismo sa Latin America. Pagkatapos makamit ng United States ang kanilang kalayaan mula sa Great Britain,
nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang pagkamuhi sa
33
Department of Education ● Division of Iloilo City
awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa
pangangalakal. Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng makabansang damdamin. Hindi
ito nakapagtataka. Maraming Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol at may pananampalatayang Katoliko
Romano. Nag-alsa ang mga kolonya ng Espanya sa Latin America sa iba’t-ibang panahon at sa ilalim ng iba-ibang
pinuno. Si Simon Bolivar, ang tinaguriang “tagapagligtas”, ang nagnais na palayain ang South America laban sa mga
mananakop. Noong 1816 pinamunuan ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng South America.
Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya ang mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang
kanyang hukbo. Ang kanyang tagumpany humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang
pampang ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator, at pagkatapos, naging pangulo.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang isang Timeline sa ibaba ng mga mahahalagang rebolusyong naganap sa Europe at iba’t-ibang
bahagi ng daigdig na nagging ugat ng nasyonalismo. Isulat ang buod ng mga pangyayari sa bawat kahon sa ibaba.

1816 1820 1821 1830 1848


181181
6
181618
20

Isaisip

 Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa ideya ng pagkamakabansa o pagmamahal sa bans ana bunsod ng


pagkakapareho sa lahi, wika, relihiyon, kultura, at pagpapahalaga.
 Sa Europe, makikita ang diwa ng Rebolusyong French sa mga rebelyong naganap na nakatuon sa pagtutol
sa tradisyunal na monarkiya, pagkakaroon ng kinatawan sa pamahalaan, at pagkakaroon ng konstitusyon.
Ang kaayusang political na nilikha ng Congress of Vienna ang nagsilbing mitsa sa pagsiklab ng mga
rebeyong naganggit.
 Ang nasyonalismo ay nag-uugat sa mga kaisipang pinalaganap ng mga pilosopo na namulat sa katotohanan
na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya, at maging maligaya.

34
Department of Education ● Division of Iloilo City
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang tula o sanaysay na naglalaman ng sariling saloobin tungkol sa kahalagahan ng
nasyonalismo. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Rubriks sa Pagmamarka:

Tula/Sanaysay Puntos
Kaalaman sa paksa 10
Kalidad ng impormasyon 10
Istilo at pamamaraan ng pagsulat 10
Kabuuang puntos 30

Tayahin
Panuto: Suriin at ipaliwanag sa tatlo (3) hanggang limang (5) pangungusap ang bawat na tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang Nasyonalismo?
2. Paano umusbong ang Nasyonalismo sa Europe at iba’t-ibang bahagi ng daigdig?

Rubriks sa Pagmamarka:
A. Nilalaman at Kaangkupan sa Tanong- 10 puntos
B. Kaayusan ng Ideya- 5 puntos
Kabuuan: 15 puntos

Karagdagang Gawain
Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba na nagpapahalaga tungkol sa Nasyonalismo. Gawin sa
isang buong papel.

LESSON CLOSURE
Sa araling Pag-usbong ng Nasyonalismo…

Isa sa mahalagang kaisipan ay…

Ito ay mahalaga sapagkat…

Isa pang mahalagang ideya ay…

Nararapat itong tandaan dahil…

Sa pangkabuuan…

35
Department of Education ● Division of Iloilo City
IKATLONG MARKAHAN
Lagumang Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Bansa kung saan isinilang ang Renaissance dahil sa magandang lokasyon nito.
A. Italy B. Greece C. Portugal D. France

2. Tinaguriang “Prinsipe ng mga Humanista” at may akda ng In Praise of Folly kung saan tinuligsa niya
ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
A. Desiderius Erasmus C. William Shakespeare
B. Miguel de Cervantes D. Francesco Petrarch

3. Paniniwala na inilahad ni Nicolas Copernicus na ang araw ang sentro ng sansinukob.


A. Heliocentric B. Ether C. Divine Theory D. Geocentric

4. Ang mga sumusunod ay mga bansang nanguna sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin. Alin
ang hindi?
A. Greece B. Spain C. Portugal D. England

5. Alin sa mga sumusunod ang naging pangunahing motibo na naghikayat sa mga kanluranin upang
marating ang Asya at iba pang lugar?
A. Kayamanan, Kristiyanismo, Katanyagan C. Kayamanan, Kaunlaran, Kasanayan
B. Pampalasa, teknolohiya, katanyagan D. Relihiyon, Pampalasa, Yamang-Tao

6. Nakatuklas ng Pilipinas noong 1521 na naging dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
A. Pedro Cabral B. Ferdinand Magellan C. Amerigo Vespucci D.Hernando Cortez

7. Ang pagbenta ng fur o mabalahibong balat ng hayop ay ang pangunahing pinagkukunan ng yaman ng
bansang ________.
A. Spain B. France C. Portugal D. England

8. Isinulong niya ang aral tungkol sa paghihiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay ng


ehekutibo,lehislatura at hukuman sa isang pamahalaan.
A. Voltaire B. de Montisquieu C. Thomas Hobbes D. John Locke

9. Tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.


A. Conquistador B. Kolonyalismo C. Circumnavigation D. Reconquista

10. Siya ang nagsabi na ang pagbilis at pagbagal ng paggalaw ng mga planeta ay depende sa distansya
nito mula sa araw.
A. Galileo Galilei B. Johannes Kepler C. John Locke D. Copernicus

11. Naimbento ni James Watt naging daan para maragdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa
mga pabrika.
A. Steam Engine B. Teleskopyo C. Water Frame D. Spinning Jenny

36
Department of Education ● Division of Iloilo City
12. Ito ay mailalarawan sa mabilis na pag-unlad sa iba’t ibang industriya dahil sa mga makabagong
makinarya, paggamit ng steam engine, at bagong paraan ng paglikha ng mga kemikal at mga proseso
sa pagkuha sa bakal.
A. Rebolusyong Industriyal B. Renaissance C. Enlightenment D. Imperyalismo

13. Alin sa mga sumusunod ang paniniwala ni Francois Quesnay?


A. Malayang ekonomiya C. Tatlong sangay ng pamahalaan
B. Kalayaang pang-indibidwal D. Maayos na pamahalaan

14. Ito ay tumutukoy sa ideya ng pagkamakabansa o pagmamahal sa bans ana bunsod ng


pagkakapareho sa lahi, wika, relihiyon, kultura, at pagpapahalaga.
A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Kaisipan

15. Ang kongresong ito ay ipinatawag noong 1814 upang pagtibayin ang Treaty of Paris at upang buuing
muli ang estrukturang political ng Europe.
A. Congress of Vienna B. Spoils of War C. Treaty of Paris D. Natural Law

16. Tumutukoy sa mga pribilehiyo, o materyal na bagay mula sa digmaan.


A. Frankfurt Assembly B. Spoils of War C. Risorgimento D. Divine Theory

17. Layunin ng mga bansang kasapi nito ang mapanatili ang kapayapaan sa Europe.
A. Risorgimento B. Quadruple Alliance C. Allied Powers D. Central Alliance

18. Isang radikal na kilusan sa Germany na nabuo upang magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong
German.
A. King of the French B. Burschenschaften C. Central Alliance D. Risorgimento

19. Kilusang itinatag ng mga rebolusyonaryong Italian upang makamtan ang pagkakaisa at Kalayaan.
A. Spoils of War B. Risorgimento C. Alliance D. Concession

20. Kasunduang nagwakas sa mga digmaang inilunsad ni Napoleon Bonaparte ng France.


A. Protectorate B. Treaty of Paris C. Treaty of Spain D. Manifest Destiny

37
Department of Education ● Division of Iloilo City
Susi sa Pagwawasto
Subukin Balikan Tayahin
Aralin 1 1. Europe I. II.
2. Humanismo 1. F 1. /
3. Newton 2. L 2. x
4. Italy
3. O 3. /
5. Shakespeare
4. I 4. x
5. C 5. /
Aralin 2 1. Spices 1.Tama
2. Europe 2. Tama
3. Relihiyon 3. Tama
4. Ginto
4. Tama
5. Tama
Aralin 3 1. / 1. Spain 1.Tama
2. / 2. Spain 2. Tama
3. / 3. Portugal 3. Mali
4. X 4. Spain
4. Tama
5. / 5. Portugal
6. Spain
5. Mali
Aralin 4 1. B 1. E 1.H 6. OO
2. D 2. A 2. A 7. OO
3. A 3. C 3. E 8. Hindi
4. F
4. D 9. OO
5. B
5. G 10. OO
Aralin 5 1. E 1.Great Britain
2. D 2. domestiko
3. C 3. Great Britain
4. United States
5. Rebolusyong Industriyal
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Tama
Aralin 6 1. /
2. X
3. /
Aralin 7 1. Westernization
2. Europe
3. Manifest destiny
4. Kolonya
5. Protectorate
Aralin 8 1. sugpuin 1. manifest destiny
2. kabutihan 2. United States
3. panghihimasok 3. White man’s burden
4. kabihasnan
5. hilaw na materyales
6. kanluranin
7. Ikalawang
8. kultural
9. politikal
10. protectorate
11. concession
12. sphere of influence
Lagumang 1-5. A 11-15. A
Pagsusulit 6-10. B 16-20. B

Mga Sanggunian:

 Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig (Modyul ng Mag-aaral)


 https://mendeleevap.wordpress.com/2013/03/12/aralin-24unang-yugto-ng-imperyalismong-kanluranin/

38
Department of Education ● Division of Iloilo City
Bumuo sa Pagsulat ng Simplified Lessons ng Araling Panlipunan 8

Manunulat: Jenelyn B. Paid, T I


Joanna D. Quintilla, T I
Rudylyn L. Toreta, T II
Gegi T. Baylon, T II
Novie Lynn A. Pitajen, T I
Cynthia V. Booc, T II
Gertrude P. Jacinto, T II
LJ Faith A. Sibonga, T I
Louela G. Sorongon, T I
Mary Erien M. Casimero, T I
Erma R. Gemudiano, MT I
Rialin June P. Apresurado, MT I

Tagapatnugot: Liberty P. Lego, Ph. D, EPS Social Studies


Maria Theresa J. Valbarez, HT IV
Pete S. Palomar, HT III

Tagasuri: Liberty P. Lego, Ph. D, EPS Social Studies


Cynthia J. Punzalan, EPS Filipino
Jerson B. Labos, EPS ESP
Leila G. Valencia, EPS LRMDS
Jezereel Grace G. Tiron, Program Development Officer II
Maria Theresa J. Valbarez, HT IV
Susan D. Malco, MT I
Rialin June P. Apresurado, MT I
Arnold M. Peñas, TI, Editor, LRMDS
Bernie P. Alcedo, Librarian II

Tagalapat: Rialin June P. Apresurado, MT I

Tagapamahala: Ma. Luz M. De los Reyes, CESO V


Schools Division Superintendent
Arlo L. Villalva, CID Chief
Liberty P. Lego, Ph. D, EPS Social Studies
Jezereel Grace G. Tiron, Program Development Officer II

39
Department of Education ● Division of Iloilo City

You might also like