You are on page 1of 31

7

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Unang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya
(Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya (Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eduardo Q. Dela Cruz
Tagasuri: Angelica M. Burayag PhD
Mary Jane P. Soriano
Rodel D. Lintag
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Brenda Rose H. Muñoz
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD/ Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD/ Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD/ Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag/ Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P) Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7
Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Unang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya
(Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-
ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

II
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:

➢ Mga ruta ng ugnayan ng mga Europeo sa mga Asyano.


➢ Mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya.
➢ Paggalugad at pagtuklas ng mga bansang kanluranin.
➢ Mga nakuhang teritoryo ng mga bansang kanluranin sa unang bahagi ng
Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naiisa-isa at natatalakay ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa


pananakop ng mga Kanluranin sa unang yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Asya (ika-16 hanggang ika-17 Siglo).
2. Natutukoy ang mga bansang mananakop at mga bansang sinakop sa
rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya
3. Naipaliliwanag ang mga dahilan, pamamaraan, at epekto sa unang yugto
ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (ika-16
hanggang ika-17 Siglo)
4. Nasusundan sa pamamagitan ng mapa ang mga ruta ng kalakalan ng mga
Europeo sa mga Asyano sa Unang Yugto ng Pananakop.

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-


estado sa aspetong pulitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng
isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.
A. Imperyalismo C. Merkantilismo
B. Kolonyalismo D. Sosyalismo

2. Ito ay nagsimula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay


magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng
mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para
sasariling interes.
A. Kapitalismo C. Kristiyanismo
B. Kolonyalismo D. Krusada

3. Si __________ ay Italyanong adbenturero mula sa Venice, Italy. Nanirahan siya


sa China sa panahon ni Kublai Khan. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang
bansa, inilarawan niya ang kagandahan at karangyaan ng Asya.
A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Marco Polo

4. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang” na


nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350. Sa panahong ito natuon ang
pansin ng tao sa Humanismo.
A. Reneissance C. Rennaisance
B. Renesance D. Renaissance

5. Ito ay prinsipyong ginamit sa unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin, na


kung may maraming ginto at pilak may pagkakataon maging mayaman at
makapanyarihan ang isang bansa.
A. Humanismo C. Merkantilismo
B. Komunismo D. Sosyalismo

6. Ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari


upang mabawi ang banal na lupain mula sa kamay ng mga Turkong Muslim.
A. Mga Krusada C. Mga Manlalayag
B. Mga Katipunero D. Mga Rebolusyonaryo

2
7. Ito ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na
nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India, China at iba pang
bahagi sa Asya.
A. Alexandria C. Israel
B. Constantinople D. Jordan

8. Siya ang nagtakda ng line of demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng


Spain at Portugal kung saan ang España ay maggagalugad sa Kanluran at ang
Portugal sa Silangan.
A. Pope Alexander IV C. Pope Alexander VI
B. Pope Alexander V D. Pope Alexander VII

9. Siya ang tinaguriang ”The Discoverer of New World”.


A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartholemeu Diaz D. Ferdinand Magellan

10. Siya ang Portuges na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya.


A. Bartholomeu Diaz C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Vasco Da Gama

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay madali


mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman ang
nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa ang
aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawain.

3
Unang yugto ng
Aralin
Imperyalismo at
1 Kolonyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya

Balikan

Panuto: Isulat ang mga naging ambag ng bawat imperyo. Hanapin ang sagot
sa loob ng kahon na nasa ibaba at isulat sa sagutang papel.

SUMERIAN BABYLONIAN CHALDEAN HEBREO HITTITE

Mga Pagpipilian:

Hanging Gardens
Bakal Bibliya Zodiac Sign Gulong
of Babylon
Hammurabi Monoteismo Ziggurat Cuneiform Judaismo

4
Tuklasin

Gawain:

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at ilagay ang tamang pangalan sa
kahon sa ibaba ng larawan.Pumili ng kasagutan sa mga pagpipilian na nasa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

Mga Pagpipilian:

Marco Polo Bartholomeu Diaz Vasco Da Gama

Ferdinand Magellan Christopher Columbus Prinsipe Henry

Alam mo ba na napakaraming bansa sa Europa ang gumalugad sa Asya? Ang


mga tao sa larawan sa itaas ay ang mga naging dahilan o namuno sa mga naganap
na paggalugad. Ngayon, alamin mo na ang mga dahilan kung bakit ginalugad at
sinakop ng mga kanluranin ang Asya partikular ang Timog at Kanlurang Asya.

5
Suriin

Marahil ay nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang


nakasakop sa mga bansa sa Asya. Napakalayo ng Europa sa mga bansa sa Asya pero
nakarating pa rin sila at nanakop pa ng mga teritoryo. Ang pananakop na ito ay
nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Asyano. Maaaring mabuti at di
mabuting pagbabago.

Handa ka na bang suriin ang pagdating ng mga Europeo sa mga bansang


Asyano. Alam mo ba ang nag-ugnay papuntang Asya? Ilang ugnayan ang nangyari
sa pagitan ng Asya at Europa? Alam mo ba ang dahilan na nagbunsod sa mga
kanluranin na magtungo sa Asya? Halina at iyong suriin ang kasagutan sa mga
katanungang ito.

Bago ang pagtuklas at pananakop ay may ugnayan nang nagaganap sa mga


Europeo at mga Asyano. Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan
ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinaka-tagpuan nila
ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya. Una, ang Hilagang
ruta, na nagsisimula sa China at binabagtas ang mga disyerto ng Samarkand at
Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa Lungsod ng
Constantinople.

HILAGANG RUTA

6
Pangalawa, ang Gitnang Ruta, mula sa India, ang mga kalakal ay dinadala ng
mga sasakyang pandagat hanggang Ormuz sa Golpo ng Persia. Mula rito ang mga
kalakal ay inihahatid sa pamamagitan ng mga kamelyong naglalakbay patungo sa
mga lungsod ng Antioch, Aleppo at Damascus.

PANGGITNANG RUTA

At ang huli, ay ang Timog na Ruta na nagsisimula sa India babagtasin ang


Karagatang Indian, babaybayin ang Arabia tuloy sa Read Sea hanggang sa
makarating sa Cairo o Alexandria sa Egypt.

TIMOG NA RUTA

7
Pagkilala sa kahulugan:

1. IMPERYALISMO – Nagmula sa salitang latin na “Imperium” na ang ibig


sabihin ay command. Nagsimulang gamitin sa panahon ng Imperyong Roma.
Nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-
estado sa aspetong pulitikal, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng
isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.

2. KOLONYALISMO – nagsimula sa salitang latin na “COLONUS” na ang ibig


sabihin ay magsasaka. Isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng
mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa
sariling interes. Kadalasan, ang una nilang ginagawa ay pakikipagkaibigan at
pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na nila ang loob ay saka nila
isasakatuparan ang tunay nilang hangarin na pagsamantalahan at
pakinabangan nang husto ang likas na yaman ng kolonya, magtatatag ng
pamahalaang kolonyal at magtatakda ng paniningil ng buwis at magsasagawa
ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop.

MGA DAHILAN NA NAGBUNSOD SA MGA KANLURANIN NA MAGTUNGO


SA ASYA

1. Ang mga Krusada –


naganap mula
1096 hanggang
1273. Ang mga
krusada ay isang
kilusan na
inilunsad ng
simbahan at ng
mga Kristiyanong hari upangmabawi ang banal na lugar, ang
Jerusalem sa Israel. Hindi man lubusang nagtagumpay ang mga
krusadang ito, marami ring mabuting naidulot ito. Nagkaroon ng
ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at nakilala nila ang produkto
ng Silangan tulad ng pampalasa, mamahaling bato, pabango,
sedang tela, porselana, prutas at iba pa na nakabighani sa mga
Europeo. Ang Krusada ang nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng
Europa at Asya. Naging masigla ang palitan ng kalakalan kaya
maraming Europeo ang nagkainteres na makarating sa Asya.
Maraming Europeo ang naghanap ng mga ruta para makarating
lang sa Asya.

8
2. Paglalakbay ni Marco Polo –
isang Italyanong
adbenturerong
mangangalakal na taga-
Venice. Siya ay nanirahan sa
China sa panahon ni Kublai
Khan ng Dinastiyang Yuan
nang higit sa11 na taon. Sa
panahong ito, siya ay nagsilbing tagapayo ni Kublai Khan at siya ay
itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng
Emperador. Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan,
pati na sa Siberia. Noong 1295 bumalik sya sa Italya at isinulat ang
aklat na The Travels of Marco Polo. Inilahad niya ang magagandang
kabihasnan sa mga bansa sa Asya lalo na sa China, na inilarawan
ang karangyaan at kayamanan nito. Maraming adbenturerong
Europeo ang namangha at nahikayat na makarating at
makipagsapalaran sa Asya.

3. Ang Renaissance
– nagsimula sa
Italya noong
1350. Isa itong
kilusang
pilosopikal na
makasining at
dito binigyang-
diin ang pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at
Rome. Pinalitan nito ng makaagham na pag-iisip ang mga pamahiin.
Masasabing ang pangunahing interes ay labas sa saklaw ng
relihiyon. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin
ay “Muling Pagsilang”.

Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong


ng makabagong panahon. Matatandaan natin na noong gitnang
panahon ang Simbahang Kristiyano ang may malakas na
impluwensiya sa tao. Nakasentro ang buhay ng tao sa relihiyon.
Ngunit nang ang simbahan lalo na ang mga pinuno nito, mula Papa,
mga Obispo at kaparian ay nasangkot sa imoral na gawain,
pagpapayaman at pagmamalupit sa mga taong hindi karelihiyon,
nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang
mga tao hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran at pulitika. Sa

9
panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at
disenyo, sa pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-uugali at sa
paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal. Indibidwalismo ang
binigyang pansin ng Renaissance kaya hindi nakapagtataka na
maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao. Ang malayang
pag-iisip ng tao ang nagpalawak ng kanyang ideya at pananaw sa
buhay kaya dito nagsimula ang pagbabago sa sining at agham.
Nariyan din ang pagtuklas ng maraming bagay sa kapaligiran,
pagkakaroon ng maraming imbensyon na nagpalakas sa mga
industriya at kalakalan, at ang pagkakaroon ng pagbabago sa
pananaw sa relihiyon at pulitika. Ang Renaissance ang siyang
nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at
negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot
ng mga pagbabago sa gawaing pang-ekonomiya.

4. Ang Pagbagsak ng Constantinople- na(bahagi ng Turkey sa


kasalukuyan) ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa
kontinente ng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan
mula Europa
patungong
India, China at
iba pang
bahagi ng
Silangan na
napasakamay
ng mga
Turkong
Muslim noong
1453. Ito rin
ang teritoryong madalas daanan noong panahon ng Krusada. Kung
matatandaan natin nang lumakas ang Turkong Muslim at sinakop
ang Jerusalem, nanganib ang Constantinople na bumagsak din sa
mga Turkong Muslim, kaya humingi ng tulong ang Emperador ng
Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim at mabawi
ang Jerusalem. Sa loob ng panahon ng Krusada, napigil ang
paglalakbay ng Muslim patungong Europa ngunit nang masakop ng
Turkong Muslim ang Silangang Mediterranean ay lubusan na ring
sinakop ang Constantinople noong 1453 at ang naging resulta ay
ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ng
kalakalan mula sa Europa patungong Silangan. Ang ugnayan ng
mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay naputol mula nang
masakop ng mga Turkong Muslim ang ruta ng kalakalan. Sa mga
mangangalakal na Europeo tanging mga Italyanong mangangalakal

10
na taga-Venice, Genoa at Florence ang pinayagan ng mga Turkong
Muslim na makadaan sa ruta. Ang mga kalakal na nakukuha sa
Asya ng mga Italyano ay dinadala sa kanlurang bahagi ng Europa
tulad ng Portugal, Spain, Netherlands, England at France. Dahil dito
napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na
Europeo. Pinangunahan ito ng mga Portuges at sinundan ng mga
Espanyol, Dutch, Ingles, at Pranses. Napakahirap at mapanganib
ang paglalayag dahil wala pang maunlad na gamit sa paglalakbay
sa dagat. Noong ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na
kagamitang pandagat tulad ng astrolabe na kung saan ginagamit ito
upang malaman ang oras at latitude samantalang ang compass ay
ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.

5. Ang Merkantilismo –
Sa Europa umiral ang
prinsipyong pang-
ekonomiya na kung
may maraming ginto at
pilak, may
pagkakataon na
maging mayaman at
makapangyarihan.
Kinailangan ng mga
Europeo na
makahanap ng mga
lugar na
mapagkukunan ng
likas na yaman at
hilaw na sangkap. Ang
panahon ng eksplorasyon ay nag-iwan ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng lipunan at kabihasnan ng mundo. Ang pang-
katubigang kalakalan at pananakop ng mga bansang Europeo ay
naging daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Europa. Ang
pamamaraan sa pakikipagkalakalan at ang pagbabangko ay
napaunlad kaya ito ay nagdulot ng malaking kita sa mga bansang
Europeo. Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na
makarating sa Asya ang naging daan para sumigla ang palitan ng
kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong mangangalakal at
makilala ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman, mga hilaw na
materyales na panustos sa industriya.

11
Gawain 1:

PANUTO: Punan ang bawat kahon ng titik para mabuo ang salitang tinutukoy ng
ibinigay na kahulugan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.
Nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ibig sabihin ay magsasaka. Isang
patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit
ang likas na yaman ng sinakop na bansa para sa sariling interes.

2.
Dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong
politikal, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahinang
nasyon-estado upang maging makapangyarihan.

3.
Asyanong lugar na bumagsak sa mga Turkong Muslim. Ito ay napakahalagang
bahagi ng ruta ng kalakalan ng seda na isinara ng mga Muslim sa mga
mangangalakal na Europeo maliban sa mga taga-Italya.

4.
Ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.

5.
Ginagamit upang malaman ang oras at layo ng isang barko pahilaga o patimog
ng ekwador.

6.
Prinsipyong pang-ekonomiya kung saan makapangyarihan ang bansang may
pinakamaraming ginto at pilak

7.
Nangangahulugang “Muling Pagsilang” ng kulturang Griyego at Romano at
paglaganap ng kaisipang Humanismo mula Italya patungong Europa.

8.
Italyanong manlalakbay na nakarating sa Asya at isinulat ang kanyang
magandang karanasan at nakitang karangyaan ng Asya.

9.
Serye ng kilusan na inilunsad ng simbahang Katoliko upang mabawi ang
banal na lupain ng mula sa mga Turkong Muslim.

10.
Lungsod na tinawag na banal na lupain ayon sa simbahang Katoliko na nais
mabawi sa mga Turkong Muslim.

12
PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS NG MGA BANSANG KANLURANIN

Pagkilala sa
mahahalagang tao, bansa
at pangyayari

2.Prinsipe Henry ng Portugal-


1.Portugal at Espanya- 2 Nagpadala ng mga paglalayag sa
bansang nanguna at nagtunggali
karagatang Atlantiko, baybayin ng
sa paghahanap at paggalugad ng Africa, ang isa sa kanyang
mga bagong ruta at lupain sa manlalayag ay nakarating sa Cape
ibang panig ng daigdig. Verde Island( baybayin ng Africa)
noong 1456.

4. Vasco de Gama- manlalayag na


3. Bartholomeu Diaz- manlalayag Portuges na nakadaan sa baybayin
mula Portugal na nakarating ng ng Aprika, nakarating sa dulo nito,
Cape of Good Hope sa dulo ng ang Cape of Good Hope na syang
Aprika noong 1488 nagbukas ng ruta patungong India
at sa mga islang Indies noong 1498

5.Christopher Columbus- Isang Italyanong manlalayag na nakarating sa


bahagi ng kontinente ng Amerika sa daang Karagatang Atlantiko. Hinimok
niya ang hari ng Portugal na suportahan siya sa kanyang ideya na maaari
siyang makarating sa bahagi ng Asya gamit ang rutang pakanluran ngunit
hindi nya ito pinayagan. Bumaling ito sa Espanya at sinuportahan siya sa
hangaring makapaggalugad ng maraming lupain. Kay Columbus ibinigay ng
Amerika ang karangalang “Discoverer” nito, kahit may mga una ng mga
taong nakarating sa lugar na ito.

13
6. Ferdinand Magellan-(1519-1521) unang manlalayag na Portuges na
nakaikot sa buong mundo sa isang hiwalay na paglalayag. Pinatunayan ng
kanyang paglalayag na ang mundo ay bilog: Una, noong panahon ni Vasco
de Gama papuntang silangan at ikalawa noong bigyan sya ng suporta ng
Spain upang maglayag papuntang silangan gamit ang pakanlurang ruta.
Nakarating sa Pilipinas noong 1521. Noong mapatay si Magellan sa
Pilipinas si Juan Del Cano ang isa sa kanyang mga kasamahan na
nagpatuloy ng paglalakbay pabalik sa Espanya.

7. Amerigo Vespucci-(1499-1502, panahon ng paglalayag) Italyanong


manlalayag na nakarating din sa bahagi ng Amerika sa tulong ng Espanya.
Sa kanya hinango ang pangalang Amerika, kahit pinaniniwalaang dapat
kay Columbus mapunta ang karangalan, ang pagtanggi ni Columbus na
tawaging bahagi ng Asya ang bahagi ng Amerika na kanyang natuklasan
ang naging dahilan ng paggawad kay Vespucci ang karangalang sa kanya
pinangalanan ang kontinente ng Amerika, ayon sa ibang mananaliksik.

8. Portugal- Ang nagbigay ng hamon 9. Tratadong Saragosa- Matinding


sa iba pang bansang Europeo na pinag-agawan ng Spain at
maggalugad sa ibang panig ng Portugal ang Moluccas dahil ito
daigdig tulad ng Spain, England, ang pangunahing pinagkukunan
France, Netherlands, Russia, ng mga pampalasa. Sa tratadong
Germany, at Amerika. ito, nakuha ng Portugal ang
Moluccas.

10. Line of Demarcation- (Ayon sa Tratadong Tordesillas). Sa matinding


tunggalian ng Spain at Portugal, namagitan ang Santo Papa. Noong May 4,
1493, nagtakda ng line of demarcation ang Papa Alexander VI. Ang Spain ay
maaaring maggalugad sa bahaging kanluran, ang Portugal ay maaari
lamang sa bahaging silangan. Nang maipatupad ang desisyong ito, ang
Spain ay nakapaglayag na sa bandang kanluran na kung saan marami ng
teritoryo sa kontinente ng Amerika ang nasakop. Nakuha naman ng
Portugal ang Brazil. Hinayaan na ng Espanya na manatili ito sa Portugal.
Ang Pilipinas naman na nasa silangan na nasakop ng Espanya ay nanatili
naman dito.

14
Gawain 2:

Panuto: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na
tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. CASSLUMO – Matinding pinag-aagawan ng Spain at Portugal ang lugar na ito


dahil sa pampalasa.
2. COVAS ED MAGA – Manlalayag na Portugues na nakadaan sa baybayin ng
Aprika.
3. GORIAME CCIPUVES – Sa kanya hinango ang pangalang Amerika.
4. THOLOBARMEU ZADI – Manlalayag mula Portugal na nakarating sa Cape of
Good Hope sa dulo ng Aprika.
5. DINFERAND LLANGEMA – Unang manlalayag na nakaikot sa buong mundo
sa isang hiwalay na paglalayag.

Mga Nakuhang Teritoryo ng mga bansang Kanluranin sa unang bahagi ng


Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya:

Mga Lupaing nakuha ng Portugal

- Nagbalik si Vasco de Gama at


1502 nagtatag ng sentro ng kalakalan
sa may Calicut, India.

1505 - Ipinadala si Francisco de Almeida


bilang unang Viceroy sa silangan.

-Alfonso de Albuquerque- nasakop ang


Ormuz sa Golpo ng Persia (Iran ngayon)
Diu at Goa sa India, Aden sa Red Sea,
1510 Malacca sa Malaya at Moluccas sa
Ternate, Macao sa China, at
Formosa(Taiwan ngayon).

15
Mga daungan ang piniling sakupin ng Portugal
upang makontrol ang kalakalan. Noong una ang
motibo lamang ay pangkalakalan at ekonomiko,
ngunit ipinasok ang Kristiyanismo sa mga
nasakupan. Sa kalagitnaan ng 16 na siglo, ang
Portugal ang may malawak na sakop sa Asya.
Noong 1580, sinakop ng Spain ang Portugal ng 60
taon. Noong makalaya ang Portugal, ang mga
sakop nito ay nakuha na ng England at France.

Sa pamamagitan
ng Italyanong
marinerong si
John Cabot-
nakuha ang Nova
Scotia, Canada.

1690 sa delta
ng Ganges
nakakuha ng
kapirasong Permanenteng
lupain ang panirahan sa
Ingles Hilagang
Amerika.

Mga
Lupaing
Nakuha ng
England

Pagsakop sa
India – noong Ceylon, Malaya,
1600, ginamit at Singapore
ang British
East India
Company
Nasakop rin ang
Australia, New
Zealand at
Hilagang
Pasipiko.

16
Lupaing Nakuha ng
Netherlands:
East Indies-Indonesia
sa kasalukuyan.

Kanlurang Asya
Sa unang yugto ng imperyalismo at
kolonyalismo sa Kanlurang Asya,
hindi pa nagkainteres ang mga
Kanluranin dahil ito ay nasa ilalim
ng malakas na pamumuno ng
Imperyong Ottoman.
1507- nakuha ng mga Portuges ang
Muscat, Oman ngunit pinatalsik sila
ng mga Arabe.
1907- Ang Bahrain ay naging
protectorate ng England, ngunit
pinatalsik ni Shah Reza Pahlavi ang
mga British. Nagpatunay na ang
Kanlurang Asya ay hindi nagalaw ng
mga Europeo lalo na sa unang yugto
ng imperyalismo, dahil sa malakas
na imperyong Ottoman at pinag-iisa
ng relihiyon Islam.

GOLD, GOD, GLORY (3G)

Yan ang mga salita na pangunahing layunin ng mga Europeo


kung kaya’t ginusto nilang manggalugad ng ibang lugar
partikular sa Asya .

17
Gawain 3:

PANUTO: Isulat ang mga pangalan ng mga bansang nasakop ng apat na bansa na
nasa chart. Pumili ng mga kasagutan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Portugal Espanya England Netherlands

Mga pagpipilian:

India
Calicut, India Muscat, Oman Australia Malacca

New Zealand
Ormuz Aden sa Red Sea Goa East Indies

Pilipinas
Diu Nova Scotia, Canada Ceylon Singapore

Formosa
Malaya Hilagang Pasipiko Macao Bahrain

18
Pagyamanin

Matapos mong masuri ang mga nagsilbing ruta ng kalakalan, mga dahilan
ng paggalugad, mga kilalang tao, at mga nakuhang mga bansa ng mga Europeo,
masusubok naman ang iyong husay at galing sa pagpapayaman sa kaalaman sa
leksyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga nakahandang pagsubok batay sa iyong
natutuhan.

Gawain 1:

PANUTO: Dugtungan ng mga letra o salita para mabuo ang ipinahihiwatig ng mga
nasa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.The Travels of _ _ R _ _ _ O_ _ 2.Pagbagsak ng C _ N _T A _T _N O _ L _

3.Mga Krusada sa _ E _ U _A _ _M 4. R _N A _S _ _N _ _

5. M_RKA_T_L_SM_

19
Gawain 2:

PANUTO: Sinong mga mahahalagang tao ang tinutukoy ng mga sumusunod na mga
pangungusap? Pumili ng sagot sa kahon at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

___________1. Tinaguriang discoverer ng New World o Amerika.

___________2. Ipinangalan sa kanya ang America.

___________3. Pinatunayan ng kanyang paglalakbay na ang mundo ay bilog.

___________4. Portuguese na nakarating sa Cape of Good Hope.

___________5. Portuges na nakadaan sa baybayin ng Aprika.

___________6. Unang viceroy ng Portugal sa Asya.

___________7. Nagpatuloy ng paglalakbay ni Magellan pabalik ng Espanya.


___________8. Ipinangalan sa kanya ang Pilipinas.

___________9. Hinati niya ang mundo sa paggalugad sa pagitan ng Espanya at


Portugal.

__________10. Italyanong marinerong nakarating sa Nova Scotia para sa


Inglatera.

Bartholomeu Juan Sebastian Amerigo


John Cabot
Diaz del Cano Vespucci
Pope Alexander Christopher Vasco De Ferdinand
VI Columbus Gama Magellan
Miguel Lopez de Francisco de Prinsipe
Haring Philip II Legazpi Almeida Henry

20
Isaisip

Malugod kitang binabati. Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok na


inihanda upang masukat ang iyong kaalaman at natutuhan sa leksyon. Sa
puntong ito, muling hahasain ang iyong kaalaman kung ganap na ang iyong
pagkatuto.

Sagutin ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Alin sa mga dahilan sa pagpunta ng mga kanluranin sa Asya ang higit na


nakaimpluwensiya sa kanilang desisyon sa pananakop? Ipaliwang ang iyong
napili.
__________________________________________________________________________.
2. Paano tinanggap ng mga Asyano ang mga naganap na pananakop? Ganoon
din ba ang iyong gagawing pagtanggap? Ipaliwanag ang sagot.
__________________________________________________________________________.

3. Sa iyong palagay, nakatulong ba o hindi nakatulong sa mga bansa sa


Asya ang mga dahilang ito sa pananakop ng mga kanluranin?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
____________________________________________________________________.

Isagawa

Gawain

Panuto: Punan ang tsart. Magbigay ng mabuti at hindi mabuting epekto sa naibigay
na paksa o sitwasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

HINDI
MABUTING
PAKSA MABUTING
EPEKTO
EPEKTO

Pananakop at Paggalugad ng mga Europeo


sa iba’t ibang lugar partikular sa Timog at
Kanlurang Asya.

21
Tayahin

Gawain:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Pumili ng kasagutan sa kahon. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Constantinople Imperyalismo Kolonyalismo


Krusada Marco Polo Merkantilismo
Renaissance Portugal at Espanya Vasco de Gama
Ferdinand
Amerigo Vespucci Christopher Columbus
Magellan
Astrolabe Pope Alexander VI Compass
England at
Amerika at France China at North Korea
Netherland

1. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-


estado sa aspetong pulitikal, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng
isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.

2. Ito ay nagsimula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.


Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang
makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.

3. Si ____________________ ay Italyanong adbenturero mula sa Venice, Italy.


Nanirahan sa China sa panahon ni Kublai Khan. Sa kanyang pagbabalik sa
kanyang bansa, inilarawan niya ang kagandahan at karangyaan ng Asya.

4. Nagsimula sa Italya noong 1350. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay
“Muling Pagsilang”. Sa panahong ito natuon ang pansin ng tao sa Humanismo.

5. Prinsipyong ginamit sa unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin, na kung


may maraming ginto at pilak may pagkakataon maging mayaman at
makapanyarihan ang isang bansa.

6. Mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang


mabawi ang banal na lupain mula sa kamay ng mga Turkong Muslim.

7. Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing


pamilihan ng mga produktong Asyano na galing sa Asya.

8. Dalawang bansang nanguna at nagtunggali sa paghahanap at paggalugad ng


mga bagong ruta at lupain sa ibang panig ng daigdig.

22
9. Siya ang nagtakda ng line of demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng
Spain at Portugal kung saan ang España ay maggagalugad sa Kanluran at ang
Portugal sa Silangan.

10. Sa kanya ipinangalan ang Amerika.

11. Manlalayag mula Portugal na dumaan sa Cape of Good Hope at nakarating sa


India gamit ang pasilangang ruta.

12. Portuges na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya

13. Siya ang tinaguriang ”The Discoverer of New World”.

14. – 15. Dalawang maunlad na kagamitang pandagat na naimbento ng mga Europeo


upang mas maging magaan ang paglalayag sa karagatan

Karagdagang Gawain

Ako ay nasisiyahan sapagkat iyong pinatunayan ang husay at galing sa mga


gawaing inihanda para sa iyo. Ang positibong pananaw sa malayang pag-aaral ang
daan upang ang kamangmangan ay hindi maging hadlang upang ikaw ay matuto sa
iyong mga paa. Ang karagdagang gawain ito, ang magpapalalim upang ikaw ay
magpatuloy na matuto.

Gawain:

Panuto: Suriin ang larawan na nasa ibaba at sagutin ang pamprosesong tanong.
Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Sa iyong palagay, sino ang nakinabang sa ginawang pananakop ng mga kanluranin


sa Asya? Ipaliwanag kung paano nakinabang at isulat ang sagot sa tatlong
pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

23
24
Subukin Balikan Suriin
SUMERIAN Tuklasin
1. A
2. B 1.Gulong Gawain 1
1.Marco Polo
3. D 2.Cuneiform 1.Kolonyalismo
4. D 2.Bartholomeu 2. Imperyalismo
5. C BABYLONIAN 3.Constantinople
Diaz
6. A 3.Hammurabi 4. Compass
7. B 3.Vasco De Gama 5. Astrolabe
8. C CHALDEAN 6. Merkantilismo
9. C 4.Hanging Garden 4. Ferdinand 7. Renaissance
10. C of Babylon Magellan 8.Marco Polo
5.Ziggurat, 9. Mga Krusada
6.Zodiac Sign 5. Christopher 10. Jerusalem
Suriin Columbus
Gawain 2 HEBREO
1. Moluccas 7.Bibliya 6. Prinsipe Henry
2. Vasco De 8.Judaismo
Gama 9.Monoteismo
3. Amerigo
Vespucci HITITTE
Pagyamanin
4. Bartholomeu 10.Bakal
Gawain 1
Diaz 1.The Travels of Marco Polo
5. Ferdinand Suriin 2.Pagbagsak ng Constantinople
Magellan 3. Mga Krusada Sa Jerusalem
Gawain 3
ENGLAND 4. Renaissance
1.Nova Scotia 5. Merkantilismo
Canada Gawain 2
Suriin 1.Christopher Columbus
2.India
3.Ceylon 2. Amerigu Vespucci
Gawain 3 3. Ferdinand Magellan
4.Malaya
PORTUGAL 4. Bartholomeu Diaz
5.Singapore
1.Calicut, India 5. Vasco De Gama
6.Australia
2. Ormuz 7.New Zealand 6. Francisco De Almeida
3. Diu, India 8.Hilagang Pasipiko 7. Juan Sebastian Del Cano
4. Goa, India 9.Bahrain 8. Haring Philip II
5. Aden, Read Sea 9. Pope Alexander VI
10. Hilagang
6 Malacca 10. John Cabot
Amerika
7. Moluccas
NETHERLANDS
8. Macao
1.East
9. Formosa
Indies.Indonesia
10. Muscat, Oman
ESPANYA
1.Pilipinas
2.Portugal
Susi sa Pagwawasto
25
Isaisip
◼ DEPENDE SA PAG-UNAWA NG MGA MAG-AARAL.
Posibleng sagot
1. Ang paglalakbay ni Marco Polo dahil nakabuo siya ng isang aklat na nakapang –
engganyo sa mga Europeong adventurer na magpunta sa Asya.
2. Dahil sa kalupitan ng mga mananakop ay napilitang tanggapin ng mga bansang Asyano
ang pangyayaring ito subalit maraming pagtatangka ng paghihimagsik ang naganap.
3. Sa aking palagay ay nakabuti ang pananakop dahil nagkaroon ng pagbabago sa mga
bansang Asyano particular sa pamumuhay, kultura at paniniwala.
Isagawa
Posibleng sagot
MABUTING EPEKTO
Ninais nilang marating ang ibang lupain sa labas ng Europa upang maikalat ang
Relihiyon.
HINDI MABUTING EPEKTO
dahil sa mga pananakop at paggalugad nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga
katutubo at mga dayuhan.
Tayahin Karagdagang Gawain
1. Imperyalismo
2. Kolonyalismo Gawain
3. Marco Polo
Posibleng sagot
4. Renaissance
5. Merkantilismo Para sa akin ay parehong
6. Krusada may pakinabang ang
7. Constantinople nakuha subalit mas Malaki
8. Portugal at ang sa mga kanluranin.
Espanya
9. Pope Alexander VI Nakontrol ng mga
10. Amerigo Vespucci kanluranin ang kalakalan.
11. Vasco De Gama
12. Ferdinand Natutu naman sa
Magellan kulturang kanluranin ang
13.Christopher mga Asyano.
Columbus
14.Astrolabe
Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.(Pahina 196-206).

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management


and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like