You are on page 1of 17

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Christ John T. Calvario
Editor: Noreen Gasco

Tagasuri: Lilibeth L. Laroga, Roseller Regulacion, Cienny Light C. Ombrosa,


Ma. Lourdes L. Man-on

Tagaguhit:

Tagapamahala: Bianito Dagatan


Casiana P. Caberte
Marina S. Salamanca
Carmela M. Restificar
Jupiter I. Maboloc
Josephine D. Eronico

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging
mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong
pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus tungkol sa Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo


at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya na nahahati sa sumusunod na paksa:

Paksa 1- Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin


Paksa 2- Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya (Ika-16-20 Siglo)

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya.
(MELC1)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:


 Nasusuri ang mga paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya;
 Naipapaliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng kolonyalismo;
 Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Halina’t sagutan ang mga sumusunod na
gawain. Ito ay makatutulong sa iyong pang unawa sa ating paksa.

Aralin Mga Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at

1 Imperyalismo sa Timog at Kanlurang


Asya

Tara na at umpisahan mo na ang iyong gawain. Sa pagkakataong ito ay simulan mong alamin
ang tungkol sa Kolonyalismo at Imperyalismo at Kanlurang Asya .

3
Balikan

Gawain 1: I-List to Graph Mo!


Panuto: Sa bahaging ito, ay muling tatandaan ang mga nilalaman sa nakaraang modyul tungkol
sa Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at kanlurang Asya. Isulat ang
hinihinging detalye sa bawat kahon sa iyong sagutang papel

Mga Dahilan sa
Pagpunta ng mga
Kanluranin sa Asya

Tuklasin

Gawain 1: HULA–RAWAN!
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang pangalan ng mga bansa ayon sa larawan
ng kanilang watawat sa bawat bilang.

P R U A P I N
1. 2.

E G L N A E
3. 4.

4
N T E L N S
5.

Suriin

Sa bahaging ito ay inaasahan na matututunan mo ang mga dahilan, paraan at


epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Europeo sa Asya partikular ang Timog
at Kanlurang Asya. Maaari mong balikan ang mga kasagutan at katanungan na iyong
nabuo sa unang bahagi ng modyul na ito upang malaman kung tama ito at nasagot ang
iyong mga naunang katanungan.

PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS NG MGA BANSANG KANLURANIN


Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na
Portuges ang naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco da
Gama sapagkat nalibot niya ang ”Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika na siyang nagbukas ng
ruta patungong India at sa mga Islang Indies.
Tin

India

Cape of Good Hope


5
Kung noon ay Italy, lalo na ang Venice ang nag-iisang nagkontrol sa rutang
pangkalakalan patungong Silangan. Ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasan ng mga
Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na maggalugad sa ibang panig ng
daigdig. Sumunod naman ang mga bansang Spain, Netherlands, France, England, Russia,
Germany, at Amerika sa paggalugad at pagtuklas ng mga teritoryo sa iba’t ibang panig ng
mundo.
Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling pinakamakapangyarihan na bansa sa mundo
sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain. Nanguna sa mga ito ang Portuges at Spain na
naging matindi ang pagpapaligsahan sa paggalugad sa mundo at pagsakop ng mga lupain. Sa
matinding pagtutunggalian ng dalawang bansa ay namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko
para maiwasan ang paghantong sa digmaan ng paligsahan ng mga ito. Taong 1494 ay nagtalaga
ng “line of demarcation” o hangganan kung saang bahagi ng mundo maggalugad ang dalawang
bansa. Ayon sa Tratadong Tordesillas, ang Portuges ay maggagalugad sa bandang silangan
samantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran. Nang maipatupad ang desisyong ito ay
nakapaglayag na ang Espanya sa bandang kanluran kung saan marami nang teritoryo sa
kontinenting Amerika ang nasakop. Ang Portuges naman ay nakuha lang ang Brazil. Ganoon pa
man, hinayaan na ng Espanya na manatili sa Portuges ang Brazil habang ang Pilipinas naman na
nasa silangan na nasakop naman ng Espanya ay nanatili naman dito. Ang hindi naiwasan na
digmaan ng Portuges at Espanya ay sa Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na
pinagkukunan ng mga rekado. Sa pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong 1529, nakuha ng
Portuges ang Moluccas. Maliban sa Moluccas ay nakakuha rin ito ng teritoyo sa India.
Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya. Noong 1502 nagbalik at
nagtatag si Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan sa may Calicut sa India.Nooong 1505
ipinadala si Francisco de Almeida bilang unang Viceroy sa silangan .Sa pamumuno ni Alfonso
de Albuquerque, 1510 nasakop ang Ormuz sa Golpo ng Persia(Iran ngayon).Diu at Goa sa India,
Aden sa Red Sea, Malacca sa Malaya at Moluccas sa Ternate, Macao sa China at sa
Formosa(Taiwan ngayon). Mga daungan ang piniling sakupin ng Portugal upang makontrol ang
kalakalan .Noong una ang motibo o paraan lang ay pangkabuhayan o pang-ekonomiya lamang
hanggang sa ipinasok ang Kristiyanismong Katolisismo sa mga nasasakupan ng Portugal. Sa
kalagitnaan ng 16 na siglo ang Portugal ay may malawak ng sakop sa Asya. Noong 1580,
sinakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon.Nang makalaya ang Portugal noong 1640 ang kanyang
mga kolonya ay nakuha na ng England at France.
Maliban sa Espanya at Portuges, nakipagpaligsahan rin ang Inglatera. Sa pamamagitan ng
Italyanong marinero na si John Cabot, napasailalim ng Inglatera ang Nova Scotia Canada. Nang
matalo ng Inglatera ang Spanish Armada noong 1588 ibinuhos ng Inglatera ang kanyang
atensiyon sa kalakalan. Sa pamamagitan ng East India Company, naitatag ng Inglatera ang
sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatag rin ito ng permanenting panirahan sa Hilagang
Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ng Ceylon, Malaya, at Singapore pati na rin ang Australia,
New Zealand, at mga pulo sa Hilagang Pasipiko.
Ang England sa India, noong 1600 ginamit ang British East India Company ,isang pangkat ng
mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng pamahalaang Ingles ng kaukulang kapangyarihan
upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang interes nito sa ibayong
dagat. Pagdating ng 1612 nabigyan ng permiso ang Ingles para makapagtatag ng pagawaan sa
Surat. Hindi nagustuhan ng Portugal dahil sila ang naunang nanakop. Pagdating ng 1622,
tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban sa Portuguese dahil dito nakapagtatag ng sentro ng
kalakalan sa kanluran at silangang baybayin ng India.Ang British East India Company ay
nakakuha na ng concession (pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa Madras
mula sa rajah ng Chandragiri. Noong 1668 pinaupahan na ni Haring Charles ang pulo ng
Bombay. Sa taong 1690 sa delta ng Ganges nakakuha ng kapirasong lupain ang Ingles sa

1
pagpayag ni Emperador Aurangzeb ang lider ng Imperyong Mogul. Dito naitatag ang lungsod ng
Calcutta.Madaling nasakop ang India dahil watak-watak ang mga estado nito at mahina ang
liderato ng Imperyong Mogul na siyang naghahari sa India. Noong una pangkabuhayan ang
dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang makita ang malaking pakinabang sa likas na
yaman nito tuluyang sinakop ang India ng England.
Ang France naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuha rin nito ang
Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18 siglo nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin
China, Cambodia, at Annam. Ang mga teritoryong ito ang buong kolonyang French Indo-China.
Ang France ang pangatlong bansa na gustong masakop ang India. Ang ginawa ng
France ay nakipagsabwatan sa pinunong lokal ng Bengal. Ginamit ang French East India
Company na naitatag noong 1664. Nakapatatag ang France ng pamayanang pangkomersyal sa
Pondicherry,Chandarnagore, Mahe at Karikal. Nagtapos ang interes na ito ng nagkaroon ng
labanan sa Plassey ng Pitong Taong Digmaan sa pagitan ng England at France. Sa tulong ni
Robert Clive, ang nagtatag ng tunay na pundasyon ng Ingles sa India. Ang England ang
nagtagumpay laban sa France. Ang England ang nananatiling matatag na mananakop ng India.
Ang Netherlands sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin
saisang bahagi ng India. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies (Indonesia sa
kasalukuyan).

KANLURANG ASYA
Sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Kanlurang Asya ay hindi pa
nagkakainteres ang mga Kanluranin dahil ito ay sakop ng mga Turkong Ottoman. Ang
naghahari sa panahong ito ay ang relihiyong Islam. Noong 1507, nakuha ang Oman at Muscat
ng mga mangangalakal na Portugues ngunit pinatalsik naman ng mga Arabe noong 1650. Noong
1907, ang Bahrain ay naging protectorate ng Britanya ngunit hindi rin nagtagal, pinatalsik ang
mga British ng isang Heneral na si Shah Reza Pahlavi ang mga British.
Ang Portugal, England at France ang mga bansang Kanluranin na nakarating sa India. Sa
pag-iral ng prinsipyong pang-ekonomiyang merkantilismo ang mga bansang Kanluranin ay may
iisang layunin sa pagpunta sa Asya, ang makasakop ng mga lupain. Sa huli ang England ang
nagtagumpay para maisakatuparan ang interes sa likas na yaman at mga hilaw na materyales ng
India. Samantalang ang Kanlurang Asya ay hindi agad nasakop dahil sa panahong ito
pinaghaharian pa ito ng napakalakas na imperyong Ottoman, at pinagpatibay ng pagkakaisa dahil
sa relihiyong Islam na ipinalaganap at tinanggap sa rehiyon.

MGA EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT


KANLURANG ASYA (Ika-16-20 Siglo)

Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng pananakop ng mga


Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga sumusunod na aspeto ay nagpapakita kung
paano nagbago ang pamumuhay ng mga katutubo. Nang tuluyang pinamahalaan ng mga
Kanluranin ang Timog at Kanlurang Asya ang mga sumusunod na aspeto ay nagpapakita kung
paano nagbago ang pamumuhay ng mga Asyano .
Ang Indian at mga Arabe ay lubhang naapektuhan. Pinakinabangan nang husto ang mga
likas na yaman at mga hilaw na sangkap bunga ng nagaganap na Rebolusyong Industriyal na
nagdulot ng pagdagsa ng mga Kapitalista sa mga kolonya. Ang mahabang panahon ng
pananakop ng mga Imperyong Europeo sa Asya ay naging daan sa pagkakaroon ng mga

2
pamilihan paglalagyan ng mga produktong galing sa mga bansang mananakop at pagkukunan ng
mga hilaw na materyal na kailangan ng mga bansa sa pagbuo ng kanilang mga produkto.
Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan kaya minabuti ng mga
bansang mananakop na maglagay na rin ng mga pabrikang bubuo sa mga hilaw na materyal na
galing sa mga kolonya. Ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano ay unti unting
naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan. Malaking kita at pakinabang ang naibigay ng mga
pamilihan sa antas ng ekonomiya ng mga Europeong bansa ngunit nanatiling nakatali ang
ekonomiya ng mga kolonya dito. Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, kalsada ang mga
mananakop upang maging mabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto. Dahil dito ay
isinilang ang mga Asyanong naging mangangalakal o middleman ng mga produkto kaya sila ay
umunlad din sa kanilang mga pamumuhay at nanatiling mga tagapagtaguyod ng mga batas na
magpapatibay sa kolonisasyon. Sila ay mga nabigyan ng puwesto sa pamahalaan at ekonomiya
kaya naging mahirap ang mga ginawang pag-aalsa ng ilang mga patriotikong Asyano sa dahilang
sila ay hindi sumusuporta sa mga nasabing kilusan. Nais nilang manatili ang sistemang
pinatatakbong direkta o di direkta sa pamamagitan nila ng mga dayuhan. Sila ngayon ang
nagsamantala hanggang sa maging mayaman at makapangyarihan sa bansa. Inayos ang
kalusugan ng mga mamamayan kaya nagtayo ng mga ospital para magamot ang mga maysakit at
mabigyan ng lunas ang mga sakit na laganap bago dumating ang mga mananakop .
Sa pagdating ng mga Kanluranin ang kalagayan ng mga katutubo ay hiwa-hiwalay na
estado na iba-iba ang namumuno. Nagtatag ang mga mananakop ng isang pamamahala. Ngunit
ang mga matataas na posisyon ay para lamang sa mga Kanluranin at ang mababang posisyon ay
para sa mga katutubo. Naalis sa kolonya na pamahalaan ang sariling bansa. Ipinakilala ng mga
Kanluranin ang Kaisipan na nagbigay ng hindi pagkakasundo-sundo ng mga Asyano sa
pamamahala. Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga Kanluraning bansa at nagkaroon
ng “fixed border” o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
Maging ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga Asyano ay pinalitan
ng mga dayuhan kaya naging mabuti itong behikulo sa kanilang matagal na pananakop..
Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at mga Kanluranin para makuha ang katapatan
ng kolonya.Pinanghimasukan ang tradisyon ng mga katutubo. Ang mga kaugalian ay ginaya at
nahaluan tulad sa mga pagkain at istilo ng pamumuhay.
Ang edukasyon ay naging instrumento rin para payapain ang mga Asyanong naghahangad
ng pagbabago sa dahilang ang mga nakapag-aral na ito ang nagdala ng bagong mga ideolohiya
tungo sa pagbabago sa kanilang mga bansa. Ito ang ginamit ng mga katutubo para makalaya sa
kamay ng mga mananakop. Nang matuto ang mga kolonya na ipaglaban ang kanilang karapatan
at nagising ang damdamin para sa pagmamahal sa bayan reporma ang kanilang sigaw
samantalang ang mas nakakarami ay separasyon naman ang nais. Ang paghahati na ito ng antas
ng uri ng mga mamamayan ay nagresulta sa dalawang sanga: Una, ang pagtatatag ng nasyon-
estado sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga batas at Saligang Batas, Pangalawa, ang paglago ng
dating bayan na pinanatili ang dating kalinangan bago dumating ang mga dayuhang mananakop.
Ang liberal na mga kaisipan ay nakatulong sa pagpukaw ng damdaming makabayan o
nasyonalismo sa mga bansang Asyano. Ito ang naging simula ng pagbubuo pa ng mga kilusang
nasyonalismo na naglalayong magpalaya ng mga bansang Asyano sa kamay ng mga dayuhan.

3
Isaisip

Gawain 1: Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo...Tayahin Mo!


Panuto: Lagyan ng E_kung Ekonomiya, P_kung Pulitika, at S/K_kung Sosyo-Kultural na
epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya.

_____1. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na


materyales at pamilihan ng produktong Kanluranin.
_____2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
_____3. Nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ang teritoryo
ng bawat bansa.
_____4. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
_____5. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo
Upang mapanatili ang katapatan ng kolonya.
_____6.Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
_____7. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang
sariling bansa gamit ang sariling sistema.
_____8. Nailipat sa Europa ang mga kayamanan ng Asya na dapat
pinakinabangan ng mga Asyano.
_____9.Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan.
____10. Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magamit sa
pagpapatakbo ng pamahalaan, ekonomiya at iba pang aspeto ng buhay.

Isagawa

Gawain 1: Mananakop na Kanluranin


Panuto: Punan ang talahanayan at isulat ang sumusunod:
Ang mga bansang Kanluranin na nanakop at ang mga bansa na nasakop ng mga bansang
Kanluranin.

Mga Bansang Kanluranin Mga Bansang Nasakop sa Asya

1.

2.

3.

4.

5.

4
Gawain 2: Map-Kulay
Panuto: Kulayan ang mga bansang Asyano na sinakop ng mga Kanluranin ayon sa mga
itinakdang kulay.

Portugal - berde France - asul England - pula

5
Tayahin

Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?


A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng
mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang
bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

2. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa


rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas

3. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga
bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa
mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang
mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng
pananakop ng mga Kanluranin
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at
dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga
produktong Kanluranin

4. Ang Netherlands sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin saisang
bahagi ng India. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies. Ano ang kasalukuyang pangalan
ng teritoryong East Indies?
A. Indonesia B. Malaya C. Singapore D. Ceylon

5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa
pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na ang mga kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan
ng India
C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati” at
“female infanticide”
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding” at
“concubinage”

6
6. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga
bansa
C.Maaring lumaki ang kita sa mga usaping black market
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa

7. Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na


Portuges ang naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco da
Gama sapagkat nalibot niya ang ”Cape of Good Hope” na siyang magbubukas ng ruta patungong
India at sa mga Islang Indies. Saang kontinente matatagpuan ang “Cape of good Hope”?
A. Aprika B. Europe C. Timog Amerika D. Hilagang Amerika

8. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga rekado ng mga Europeong


mananakop lalong lalo na ng Portugal at Spain.
A. Siam B. Malaya C. Moluccas D. Ceylon

9. Ang France ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuha rin nito ang Louisiana sa
Amerika. Noong ika-18 siglo sa Asya nasakop ng France at naging kolonya ang mga teritoryong
sakop ng rehiyong French Indo-China. Anu-ano ang mga bansa o teritoryong sakop ng rehiyong
ito?
A. Cambodia, Thailand, at Malaysia C. Annam, Laos, Singapore at Siam
B. Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam D. Cambodia, Burma, India, at Laos

10. Ang mga sumusunod na bansa sa ibaba ay mga Europeong nag-unahan sa pananakop ng mga
bansa at teritoryo sa Timog at Kanlurang Asya MALIBAN SA ISA .

A. Portugal B. Spain C. England D. Amerika

7
Susi sa Pagwawasto

Tuklasin Tayahin
Isaisip
1. A 1. E
1. Portugal 2. D 2. S/K
2. Spain 3. B 3. P
3. England 4. A 4. P
4. France 5. C 5. S/K
5. Netherlands 6. B 6. E
7. A 7. P
8. C 8. E
9. B 9. P
10. D 10. S/K
11.

Isagawa

Gawain 1

Mga
Bansang Mga Bansang Nasakop sa Asya
Europeo
• Sa pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong 1529, nakuha ng
Portuges ang Moluccas. Nakakuha rin ito ng teritoyo sa India.
• Sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque, 1510 nasakop ang
1. Portugal Ormuz sa Golpo ng Persia (Iran ngayon).Diu at Goa sa India, Aden
sa Red Sea, Malacca sa Malaya at Moluccas sa Ternate, Macao sa
China at sa Formosa(Taiwan ngayon). Noong 1507, nakuha ang
Oman at Muscat ng mga mangangalakal na Portugues
2. Spain Pilipinas
• Sa pamamagitan ng British East India Company, naitatag ng
Inglatera ang sentro ng kalakalan sa India. Sinundan ito ng pagsakop
ng Ceylon, Malaya, at Singapore.
3. England • Noong una pangkabuhayan ang dahilan ng England sa pagpunta sa
India. Nang makita ang malaking pakinabang sa likas na yaman nito
tuluyang na itong sinakop.
• Noong1907, ang Bahrain ay naging protectorate ng Britanya.
• Noong ika-18 siglo nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin China,
4. France Cambodia, at Annam. Ang mga teritoryong ito ang buong kolonyang
French Indo-China.
• Sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin sa
5. Netherlands isang bahagi ng India. Napasailalim nito ang East Indies (Indonesia

8
Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Adelna A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erna C. Golveque, August
M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario,
at Randy R. Mariano. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba - (Modyul ng
Mag-aaral). Pasig City: Eduresources Publishing, Inc. and Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like