You are on page 1of 15

9

FILIPINO
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Mga Akdang Pampanitikan ng
Kanlurang Asya

Aralin 3: Maikling Kuwento


Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas
sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot ang
tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na ilalathala sa mga
pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:

Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri:

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rovelyn L. Taylaran

Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.


Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Mga larawang guhit ni: Rovelyn L. Taylaran

Tagalapat: Rovelyn L. Taylaran

Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V


Schools Division Superintendent

Carmela M. Restificar, Ph.D.


OIC-CID Chief

Josephine D. Eronico, Ph.D.


EPS, LRMS

Wilfreda O. Flor, Ph.D.


EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling “Maikling Kuwento”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili,
pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay -sa aaral.
mag

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Maikling
Kuwento”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga


gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng
konsepto ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano
sumibol ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa
pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa
lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin na may iba’t ibang kompetensi para sa
ikatlong linggo ng Ikatlong Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 3.1 - Unang Araw: Pagsusuri sa Uri ng Tunggalian sa Kuwento

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Nasusuri ang tunggalian (tao vs tao at tao vs sarili) sa kuwento batay sa


napakinggang pag-uusap ng mga tauhan (F9PN_IIId-e-52)

Aralin 3.2 - Ikatlong Araw: Pagtukoy sa Pinagmulan ng Salita

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Natutukoy ang pinagmulan ng salita (etemolohiya) (F9PT-IIId-e-52)

Aralin 3. 3 - Ikaapat na Araw: Wastong Gamit ng Pandang Pandiskurso

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng


mga pangyayari sa lilikhaing kuwento (F9WG-III-d-54)

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at
isulat sa sagutang papel ang titik na nagtataglay ng wastong sagot.
“Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng iyong kinakain?”
Anim sa kanila nag dagling sumasagot:”Amang Hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming
pagkain”.Ngunit ang ikapitong prinsesa ay laging tahimik lamang.
Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito:”Ama, Diyos
po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa
Kanya”.
Ang sagot na ito’y kinagalit ng palalong hari. “Lumayas ka!” sigaw niyon, at inutusan nito ang
isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.
Halaw sa Akdang: “Sino ang Nagkaloob?

1. Ang pahayag na nasa itaas ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang ____________.


A. Tao vs.sarili B. Tao vs. tao C. Tao vs. kalikasan D. Tao vs. lipunan

2. Anong katangian ng amang hari ang makikita sa naturang pahayag?


A. Maalalahanin B. Mapag-aruga C. Mapagmahal D. Mayabang

3. Kung ikaw ang prinsesa, magagawa mo rin ba ang ginawa niya?


A. Oo, dahil ang Diyos ang nagkaloob ng lahat.
B. Hindi, dahil ama ko siya
C. Oo, dahil walang masama sa tinuran ng prinsesa at sinabi lamang niya ang totoo.
D. Hindi, dahil iginagalang ko po ang aking ama

4. Ang salitang lamig kapag nilagyan ng panlaping nasa uring gitlapi na um at inuulit ang unang pantig
ng salitang-ugat na la ay magiging lumalamig na ang ibig sabihin ay ___________.
A. Giniginaw B. Kasalungat ng init C. Kawalang sigla D. Malamig

5. Sa salitang nagmaang-maangan ang diwata, ano ang salitang-ugat sa salitang sinalungguhitan?


A. Angan B. Maang-maangan C. Maang D. Nagmaang

6. Sa bilang 22, ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. Bobo B. Hangal C. Mangmang D. Nagkunwaring walang alam

7. Ano ang tamang pagpapantig ng salitang “kinaumagahan”?


A. ki + na + umaga + han C. kina + umaga + han
B. ka + in + um + aga + han D. ka + in + umaga + han

8. Masyadong dinamdam ng Amang Hari ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya itong
itakwil. Palibhasa’y ama, _______________ napatawad niya rin ito. Anong panandang
pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. Pagdating ng panahon B. Pagkaraa’y C. Sa dakong huli’y D. Sa wakas

9. ____________, hinuhugot natin ang lakas na ito sa paniniwala nating hindi tayo bibigyan ng isang
problemang hindi natin kakayanin. Anong panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. Sa aking palagay B. Sa kabilang dako C. Sa ganang akin D. Sa paniniwala

10. Si Gng. Reyes ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahihirap at laging handang tumulong sa
nangangailangan. ____________, bukas-palad siya sa mahihirap. Anong panandang pandiskurso ang
angkop sa patlang?
A. Sa kabilang dako B. Sa ganang akin C. Sa madaling salita D. Sa paniniwala

Aralin
3
MAIKLING
Ikatlong
Linggo
KUWENTO
Matutunghayan mo sa araling ito ang maikling kuwento ng Pakistan na
pinamagatang Sino ang Nagkaloob? na isinulat ni Ailene G. Baisa-Julian, et.al. Bahagi rin ng aralin
ang pagtalakay sa panandang pandiskurso na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari na
makatutulong sa lilikhaing kuwento.

Dito lilinangin sa iyo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa maikling kuwento. Dito mo rin
mababatid ang iyong angking kakayahan o kasanayan sa pagsulat at pagsagot sa mga gawain. Higit
pa rito, marami kang mapupulot na aral na tiyak magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay.

Tuklasin
Ang sabi ng nakararami, huwag daw tayong magsawang magpasalamat kahit na sa maliliit na
biyayang natatangggap natin.

Gawain 1: Kanino ba nanggagaling ang mga biyayang tinatamasa mo? Nagpapasalamat ka ba para sa
mga ito? Sa listahan sa ibaba ay isulat mo ang mga biyayang natanggap at tinatanggap. Pagkatapos,
ipaliwanag mo kung bakit pinasalamatan mo ang mga biyayang natanggap.

Suriin
Simulan natin ang iyong pag-aaral….
Tunggalian – Ito ay ang katawagan sa pagkakaiba ng kaisipan ng dalawa o
higit pang tauhan. Ito ay maaaring magdulot ng away o komprontasyon.
Uri ng Tunggalian:

1. Tao laban sa Sarili – ang kalaban ng pangunahing tauhan ang kanyang


sarili. Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa
pagdedesisyon sa tama o mali.
2. Tao laban sa Tao – ang kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang
tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na eksena.
3, Tao laban sa Kalikasan – ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga
pwersa ng kalikasan.
4. Tao laban sa Lipunan – ang pangunahing tauhan ay nakikipagbanggaan sa
lipunan.
Basahin mo…

Sino ang Nagkaloob?


Pakistan

Isang mayabang na hari ang may pitong anak na dalagang may nakasisilaw na kagandahan at
busilak na kawalang-malay. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak, lalo na ang pinakabata.
Hindi lamang iyon ang pinakamaganda sa lahat kundi siya ring pinakamahusay magluto sa buong
kaharian. Tuwing umaga, bago pulungin ang korte, tinatawag at tinatanong niya ang kanyang mga
anak: Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng inyong kinakain?
Anim sa kanila ang dagling sumasagot: Amang hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming pagkain.
Ngunit ang ikapitong prinsesa ay laging tahimik lamang.

Isang araw pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito: Ama, Diyos po ang
nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa kanya. Ang
sagot na ito ay ikinagalit ng palalong hari: Lumayas ka! sigaw niyon, at inutusan nito ang isang alila
para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.

Habang ang dalaga ay nakaupo sa gubat, at malungkot na pinag-iisipan ang kanyang kasawian, siya
ay nakatulog. Kinaumagahan ay nagising siya sa malamig at malamyos na himig ng isang plawta.
Dumilat siya at nakita ang isang binatang tumutugtog ng plawta. Nang tanungin ng prinsesa ang
lalaki kung paano ito napunta sa gubat, sumagot ang lalaki: Pinapastulan ko po ang mga kalabaw ng
aking amo, at kahapon ay nawalan ako ng isa. Kaya natatakot akong umuwi, at lagi kong tinutugtog
ang aking plawta para maakit bumalik ang nawawalang kalabaw. Pero kayo, magandang prinsesa,
paano kayo napunta rito sa gubat?

Ang sagot ng prinsesa: Hindi rin ako makauwi. Bakit di ka maging katulong ko, at magkasama tayong
hahanap ng matitirhan. Pumayag ang binata sila ay naglakbay patungo sa silangan. Maghapon
silang naglakbay nang gutom at uhaw. Nang humahaba na ang mga anino at lumalamig na ang
hangin, sila ay dumating sa mga pader ng isang siyudad. Ang sabi ng prinsesa: pumasok ka sa
siyudad at hanapin doon ang pinakamayamang mag-aalahas. Sabihin sa kanyang isang prinsesa
ang naghihintay sa kanya sa labas ng pader.

Madaling nakabalik ang lalaki, kasama ng pinakamayamang mag-aalahas ng siyudad. Bilang kapalit
ng kaakit-akit na kuwintas na may pambihira at napakamamahaling mga bato, ibinigay ng mag-
aalahas ang lahat ng hinihiling ng prinsesa – isang kabayong may montura (saddle) para sa kanya,
salapi, at para sa binata ay isang barong angkop sa isang katulong ng maharlika.

Nagpatuloy sa paglalakbay ang prinsesa at ang binata. Sa wakas, dumating sila sa isang lugar na
nagustuhan nila, at ang prinsesa ay nagpasiyang magpatayo roon ng sarili niyang munting palasyo.
Tinuruan din niya ang hamak na pastol ng kalabaw ng tungkol sa mga sining ng pakikipaglaban at ng
kapayapaan.

Isang araw, habang sila ay namamasyal, sinabi ng prinsesa sa binata: Pakikuha mo ako ng kaunting
inumin at ako ay namamatay sa uhaw.

Ang binata ay agad naghanap ng tubig. At dahil Diyos ang nagkakaloob, ay madaling nakakita ang
binata ng isang batis ng malamig na tubig. Pinuno niya ang isang tasa at paalis na siya nang
makakita ng magaganda’t nagkikislapang mga rubi na nasa ilalim ng tubig. Pumulot siya ng ilan at
inipit ang mga iyon sa mga lupi ng kanyang turban.

Pagkaraan ng isang buwan at kalahati, ang palasyo ay yari na, at ang prinsesa at ang kanyang
katulong ay lumipat na roon. Madalas kunin ng lalaki sa kanyang turban ang mga rubi, at
pinaglalaruan niya ang mga ito. Isang araw, naisip niyang kung susundan niya ang batis, maaaring
makita niya ang pinagmumulan ng gayong kagandahang hiyas.

Inihatid siyang palayo nang palayo ng batis sa silangan, hanggang matagpuan niya ang sariling
nakatayo sa tapat ng pader ng isang malaking pasyo. Ang batis ay umaagos sa ilalim ng pader.
Gumapang siyang papasok at naglibot-libot doon. Tila walang tao sa palasyo. Sa wakas, nabuksan
niya ang isang tarangkahan patungo sa isang patyo sa loob na inaagusan ng batis ding iyon. At doon
sa tabi ng batis ay nakalagay ang ulo ng isang magandang babae, may dugong pumapatak mula
roon. Ang mga patak ng dugo ay nagiging mga rubing kumikislap pagbagsak sa tubig. Sa di-
kalayuan, nakabuwal ang walang ulong katawan ng babae. Tumakbo siyang palayo ngunit natalisod
siya sa isang makapal na tablang nakabuwal sa lupa. Biglang-bigla, lumipad ang putol na ulo at
muling umugnay sa katawan, at ang babae ay muling nabuhay. Naaawang tinignan ng babae ang
natakot na binata at sinabi, Binata, anong kapalaran ang nagdala sa iyo rito? Tumakbo ka para
makaligtas, kung hindi ay aabutan ka rito ng genie at lulurayin ka niya.

Naglakas-loob ang binata at nagtanong ito: Sino ka? Ako ay anak ng Hari ng mga diwata, sagot ng
babae. Ang pangalan ko ay Lai Pari o Pulang Diwata. Ibig akong maging asawa ng genie na may-ari
ng palasyong ito, pero galit ako sa kanya. Kaya ikinukulong niya ako rito. Tuwing umaga, bago siya
umalis para maghanap ng makakain, inilalagay niya ako sa mahiwagang tablang ito at ang ulo ko ay
natatanggal. At pagbalik niya sa gabi, binubuhay niya ako muli. Nadidinig kong dumarating na siya.
Dali, ibalik mo sa dati ang tabla para mamatay akong muli, at magtago ka at galit iyon.

Sinunod ng binata ang utos ng Pulang Diwata, at katatago pa lamang niya ng mabilis na pumasok
ang umungol na genie. Nakakaamoy ako ng tao! Nakakaamoy ako ng tao!
Mabilis na binuhay ng genie ang babae at winika: Nakaaamoy ako ng tao at ako ay gutom na gutom.
Sabihin mo sa akin kung nasaan ang tao para makain ko siya. Ngunit nagmaang-maangan ang
Pulang Diwata. Kaya muli siyang pinatay ng genie at ito ay nagpatuloy sa pangangaso.

Pagkaalis ng genie, pagapang na lumabas mula sa pinagtataguan ang binata at muli niyang binuhay
ang babae sa pamamagitan ng mahiwagang tabla. Nagplano sila ng pagtakas. Sinabi sa kanya ng
Pulang Diwata na pumanaog siya sa isang munting kuwartong madilim, na katatagpuan niya ng
isang loro sa isang gintong hawla. Pag nangangaso ang genie, iniiwan niya ang kanyang kaluluwa sa
lorong iyon, at kung wala siyang kaluluwa, mamamatay siya, paliwanag ng diwata, Dali, dalhin mo sa
akin ang loro.

Kadadala pa lang ng binata ng loro nang biglang ang mundo ay waring niyanig ng kulog at bagyo. Sa
pagsambulat ng usok ay lumitaw ang genie, na halos mabaliw sa galit. Tiyak na papatayin niya ang
dalawa. Ngunit mabilis na kinuha ng Pulang Diwata ang loro mula sa hawla, at sinakala ang ibon.
Pagdaka ay bumagsak sa lupa, ang genie at namatay parang bato.

Nakatakas ang dalawa mula sa palasyo ng genie, dala-dala ang mahiwagang tabla. Isinama ng
binata sa pag-uwi ang Pulang Diwata. Masiglang tinanggap ng prinsesa ang diwata, at madaling
naging parang magkapatid ang dalawang babae. Tuwing gabi, nahihiga sa mahiwagang tabla ang
Pulang Diwata, ang kanyang ulo ay natatanggal sa kanyang katawan, at ang dugo ay nabubuong
bunton ng kumikinang na mga rubing walang kapantay sa kagandahan. Tuwing umaga, ginagalaw
ng prinsesa at ng binata ang tabla, at ang Pulang Diwata ay muling nabubuhay.

Pagkaraan ng ilang panahon, nagpasiya ang Pulang Diwata na umalis para sa isang mahabang
paglalakbay. Gayunman, bago umalis, nagtayo siya ng isang bagong palasyo para sa prinsesa sa
tulong ng mahiwagang tabla, at inanyayahan nila ang maraming panauhin sa malaking handaan sa
bagong palasyo.Kabilang sa mga panauhin ay ang amang hari ng prinsesa. Ang prinsesa mismo ang
nagluto ng mga paboritong pagkain ng hari para sa handaang iyon.

Nang makaupo na ang mga panauhin para sa handaan, ang hari ay napaiyak, ang mga luha ay
gumugulong sa kanyang balbas. Ang lasa ng mga masarap na pagkain ay nagpagunita sa kanya ng
anak na dalagang noong nagdaang panahon ay nagluluto ng gayong pagkain para sa kanya.
Kaydalas niyang pagsisihan ang pagpapalayas sa anak, at kaydalas niyang hanapin iyon sa
kagubatan ngunit hindi siya nagtagumpay.
Tinanong ng Pulang Diwata ang hari kung anong dahilan ng kalungkutan nito. Sinabi ng hari kung
ano ang nangyayari. Nagtanong ang diwata: Pero mahal pa po ba ninyo ang inyong anak? Ang sabi
ng hari: Oo, ang tanging hiling ko lamang ay makita siya bago ako mamatay.

Bilang sagot, pumalakpak ang Pulang Diwata, at hayun! Sa harap ng hari ay nakatayo ang prinsesa,
ang nawalang anak na dalagang ngayo’y nasa hustong gulang na, hindi ikapito o pinakabata sa
katalinuhan.

Nagyakap at napaiyak ang dalawa. Sa wakas, lumuhod ang prinsesa at nagwika: O, Ama kong Hari,
hindi po ba ang Diyos na Mabait, ang Diyos na Mahabagin, ang siyang nagkakaloob sa lahat ng
bagay? Tignan ninyo kung paanong ibinigay Niya sa akin ang palasyong ito at ang malaking
kayamanang mga rubi, samantalang hindi man lamang ninyo matagpuan ang isang nawawalang
anak.

Napagtanto ng hari ang kanyang pagkakamali. Oo, sabi niya, ang Diyos ang tunay na nagkakaloob
ng lahat. At ang hari at ang kanyang anak ay nabuhay na maligaya mula noon.

Gawain 2: Basahin at suriin ang mga pahayag ng mga tauhan sa kuwentong Sino ang Nagkaloob?
Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa pahayag at patunayan.

“Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng iyong kinakain?” Anim
sa kanila nag dagling sumasagot:” Amang Hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming pagkain”
Ngunit ang ikapitong prinsesa ay laging tahimik lamang.
Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito:” Ama, Diyos po
ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat n gating kinakain, kinukuha natin sa Kanya”.
Ang sagot na ito’y kinagalit ng palalong hari. “Lumayas ka!” sigaw niyon, at inutusan nito ang
isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.

Uri ng Tunggalian

Patunay
Pagyamanin
Konsepto:

Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga


salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon.
Nagmula ang salitang etimolohiya sa Griyegong salita na etumologia na ang ibig sabihin ay
may ibig sabihin o may kahulugan.

Gawain 3: Ibigay ang pinag-ugatan ng mga salitang may salungguhit. Gawing batayan ang kasunod
na halimbawa. Pagkatapos, gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.
Halimbawa: Salita: lulurayin
Pinagmulan:lu (pag-uulit ng unang pantig ng salita-ugat) + luray (salitang ugat) + in (Panlapi)
lu + luray + in = lulurayin
Pangungusap: Ang sinumang magtatangka na itakas ang babae ay lulurayin ng genie.

1. Nagkakaloob ng pagkain 6. Napagtanto ang pagkakamali


2. Kaakit-akit na kuwintas 7. Malungkot na pinag-isipan
3. Umugnay ang ulo sa katawan 8. Kinaumagahan nagising
4. Nagmaang-maangan ang Diwata 9. Hahanap na matitirhan
5. Pagsambulat ng usok 10. Lumalamig na ang hangin

Isaisip
Nakatutulong sa pagbibigay linaw at ayos ng pahayag ang paggamit ng panandang
pandiskurso. Maaaring ang pananda ay maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o di kaya ay maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Ginagamit din
ang mga ito upang ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa,
opinyon at paglalahat.
Ang sumusunod ay halimbawa ng mga panandang pandiskurso.
1. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bandang huli
nang sumunod na arawpagkatapos sa dakong huli
2. Panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso

Ang sumusunod ay uri ng panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso:


A. Pagbabagong-lahad
kung tutuusin sa ganang akin
Sa ibang salita kung iisipin
B. Pagtitiyak
kagaya ng tulad ng
C. Paghahalimbawa
halimbawa sa pamamagitan isang
magandang halimbawa ay
D. Paglalahat
sa madaling sabi bilang
pagtatapos bilang paglalahat
E. Pagbibigay- pokus
Pansinin na tungkol
bigyang pansin ang
F. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari
ang sumunod una ang katapusan
3. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng may akda
kung ako ang tatanungin sa aking palagay
sa tingin ko kaya lamang bagaman

Gawain 4: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Kopyahin sa sagutang papel at bilugan ang
panandang pandiskursong ginamit.

1. Sa tingin ko ang mga Pilipino ay may matibay na pananampalataya sa Diyos.

2. Kung tutuusin ay napakarami na nating pinagdaanan bilang mamamayang Pilipino.

3. Ngunit nanatili pa ring tayong matatag, kagaya ng punong kawayan na yumuyukod kapag may
bagyo ngunit tumatayong muli at hindi nababali.

4. Bagaman mahirap ay sinisikap nating pagaanin ang buhay.

5. Sa aking palagay, hinuhugot natin ang lakas na ito sa paniniwala nating hindi tayo bibigyan ng
isang problemang hindi natin kakayanin.

Isagawa
Gawain 5: Kapag maganda ang panittikang ating binasa tumatatak sa ating isipan ang mga pahayag
at pangyayari mula rito. Ating balikan ang mga pahayag na mula sa kuwento at itala sa nakalaang
kahon ang kaisipang makikita rito. Isulat din ang damdamin mo ukol sa pahayag.

Mga Pahayag Mula sa Ang Kaisipang Makikita sa Ang Damdamin Ko Ukol sa


Kuwento Pahayag Pahayag

Dahil hindi niya nagustuhan Ang hari ay Ang damdamin ko ukol dito ay
ang sagot ng ikapitong
prinsesa inutusan ng hari ang
isang alila para ilabas ang
prinsesa at iwan ito sa gitna ng
gubat.
Ang ama ay Ang damdamin ko ukol dito ay
Nang makaupo na ang mga
panauhin para sa handaan,
ang hari’y napaiyak, ang mga
luha’y gumugulong sa kanyang
balbas. Ang lasa ng masarap
na pagkain ay nagpagunita sa
kanya ng anak na dalagang
noong nagdaang panahon ay
nagluluto ng gayong pagkain
para sa kanya.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa sagutang papel
ang titik na nagtataglay ng wastong sagot.

“Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng iyong kinakain?”
Anim sa kanila nag dagling sumasagot:”Amang Hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming
pagkain”.Ngunit ang ikapitong prinsesa ay laging tahimik lamang.
Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito:”Ama, Diyos
po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa
Kanya”.
Ang sagot na ito’y kinagalit ng palalong hari. “Lumayas ka!” sigaw niyon, at inutusan nito ang
isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.
Halaw sa Akdang: “Sino ang Nagkaloob?

1. Ang pahayag na nasa itaas ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang ____________.


A. Tao vs.sarili B. Tao vs. tao C. Tao vs. kalikasan D. Tao vs. lipunan

2. Anong katangian ng amang hari ang makikita sa naturang pahayag?


A. Maalalahanin B. Mapag-aruga C. Mapagmahal D. Mayabang

3. Kung ikaw ang prinsesa, magagawa mo rin ba ang ginawa niya?


A. Oo, dahil ang Diyos ang nagkaloob ng lahat.
B. Hindi, dahil ama ko siya
C. Oo, dahil walang masama sa tinuran ng prinsesa at sinabi lamang niya ang totoo.
D. Hindi, dahil iginagalang ko po ang aking ama

4. Ang salitang lamig kapag nilagyan ng panlaping nasa uring gitlapi na um at inuulit ang unang pantig
ng salitang-ugat na la ay magiging lumalamig na ang ibig sabihin ay ___________.
A. Giniginaw B. Kasalungat ng init C.Kawalang sigla D. Malamig

5. Sa salitang nagmaang-maangan ang diwata, ano ang salitang-ugat sa salitang sinalungguhitan?


A. Angan B. Maang-maangan C. Maang D. Nagmaang

6. Sa bilang 5, ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. Bobo B. Hangal C. Mangmang D. Nagkunwaring walang alam

7. Ano ang tamang pagpapantig ng salitang “kinaumagahan”?


A. ki + na + umaga + han C. kina + umaga + han
B. ka + in + um + aga + han D. ka + in + umaga + han

8. Masyadong dinamdam ng Amang Hari ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya itong
itakwil. Palibhasa’y ama, _______________ napatawad niya rin ito. Anong panandang
pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. Pagdating ng panahon B. Pagkaraa’y C. Sa dakong huli’y D. Sa wakas

9. ____________, hinuhugot natin ang lakas na ito sa paniniwala nating hindi tayo bibigyan ng isang
problemang hindi natin kakayanin. Anong panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. Sa aking palagay B. Sa kabilang dako C. Sa ganang akin
D. Sa paniniwala
10. Si Gng. Reyes ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahihirap at
laging handang tumulong sa nangangailangan. ____________, bukas-palad
siya sa mahihirap. Anong panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
A. Sa kabilang dako B. Sa ganang akin C. Sa madaling salita D. Sa paniniwala

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
1. B 6. D
2. D 7. B

3. C 8. C

4. A 9. A

5. C 10. C

TUKLASIN
Nasa pamamatnubay na ng guro ang pagmamarka

SURIIN

Tao laban sa tao – Patunay: Pinilit ng Amang Hari ang bunsong anak na prinsesa na sumagot sa
tanong na “Sino ang nagkakaloob ng iyong kinakain?”. Sinabi ng prinsesa na ang Diyos ang
nagkaloob ng lahat. Dahil sa tinuran ng anak, nagalit ang amang hari at pinalayas ang prinsesa sa
kanilang tahanan.

PAGYAMANIN
1. Pinagmulan: nag (panlapi) + ka (panlapi) + ka (panlapi) + loob (salitang-ugat)
Nag + ka + ka + loob
Pangungusap: Ang Panginoon ay nagkakaloob ng pagkain araw-araw.
2. Pinagmulan: ka (panlapi) + akit (pag-uulit sa salitang ugat) + akit (salitang-ugat)
Ka + akit + akit
Pangungusap: Ang babaeng Pilipina ay kaakit-akit, mayumi at maganda.
3. Pinagmulan: um (panlapi) + ugnay (salitang ugat)
Um + ugnay
Pangungusap: Ngayon lang ako nakarinig ng kuwento na umugnay ang ulo sa katawan ng tao.
4. Pinagmulan: nag (panlapi) + maang (pag-uulit sa salitang ugat) + maang (salitang-ugat) + an (panlapi)
Nag + maang + maang + an
Pangungusap: Nagmaang-mangan ang Diwata nang makita niya ang Genie.
5. Pinagmulan: pag (panlapi) + sambulat (salitang-ugat)
Pag + sambulat
Pangungusap: Sa pagsambulat ng usok ay lumitaw ang genie na halos mabaliw sa galit.
6. Pinagmulan: na (panlapi) + pag (panlapi) + tanto (salitang-ugat)
Na + pag + tanto
Pangungusap: Sa huli napagtanto ng hari ang kanyang pagkakamali.
7. Pinagmulan: pag (panlapi) + in (panlapi) + i (pag-uulit sa unang pantig na salitang ugat) + isip (salitang-
ugat) + an (panlapi)
Pag + in + I + isip + an
Pangungusap: Malungkot na pinag-iisipan ang kanyang pagkakamali.
8. Pinagmulan: ka (panlapi) + in (panlapi) + um (panlapi) + aga (salitang-ugat) + han
(panlapi)
Ka + in + um + aga + han
Pangungusap: Kinaumagahan, umuwi ang Prinsesa sa kanilang tahanan.
9. Pinagmulan: ma (panlapi) + ti (pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat) +
tira (salitang-ugat) + han (panlapi)
Ma + ti + tira + han
Matitirahan (pagkakaltas)

Pangungusap: Wala na akong matitirhan dahil nasunog ang aming bahay.


10. Pinagmulan: la (pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat) + um (gitlapi)
+ lamig (salitang-ugat)
La + um + lamig

ISAISIP
1. Sa tingin ko
2. Kung tutuusin
3. Kagaya ng
4. Bagaman
5. Sa aking palagay

ISAGAWA
Ang Kaisipang Makikita sa Pahayag Ang Damdamin Ko Ukol sa Pahayag

Ang hari ay mayabang at mapagmataas. Ang damdamin ko ukol dito ay nakalulungkot at


Nagawa niyang itakwil ang sariling anak dahil nakapanglulumo dahil isa siyang ama na dapat
nais niyang kilalanin siya ng lahat. Ang umintindi o umunawa sa anak. Karapatan nila
mahalaga sa kanya ay kapangyarihan at na buhayin at pakainin ang anak dahil iyon ang
kasakiman. Nakalimutan niya na mayroon tungkulin ng magulang.
siyang mga anak na mas mahalaga pa sa
anomang yaman na mayroon siya.

Ang ama ay nagsisisi sa kanyang ginawa sa Ang damdamin ko ukol dito ay pagkatuwa dahil
anak na prinsesa. Naalala ng ama ang napagtanto ng ama ang kanyang pagkakamali.
masasarap na luto ng anak kaya sobra siyang Lahat tayo ay nagkamali at sa pagkakamali
nangungulila nito. matuto tayong humingi ng tawad at
magpatawad.

TAYAHIN

1. B 6. D
2. D 7. B

3. C 8. C

4. A 9. A

5. C 10. C

Sanggunian:
Pluma 9, pahina 306 - 310
https://bit.ly/2Pys7qa

You might also like