You are on page 1of 25

10 FILIPINO

Unang Markahan – Modyul 5:


EPIKO
Epiko ni Gilgamesh
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa
anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot ang
tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na ilalathala sa mga
pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive, Cogon
District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:
Mercedes S. Domino

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mercedes S. Domino


Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.
Tagaguhit:
Tagalapat: Ginalyn Quimson
Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, Ph.D.
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico, Ph.D.
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
10

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 5:
Epiko
Ang Epiko ni Gilgamesh
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling “Epiko”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang
pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


“Tula”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

ii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

iii
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na
kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo
rin kung paano sumibol ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito
humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit
dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay
alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa ikalimang linggo ng
Unang Markahan. Ito ay ang mga:
 Unang Araw: Paghihinuha sa Mga Katangian ng mga Piling Tauhan sa mga Epiko
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko (F10PN-Ie-f-65)

 kalawang Araw: Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon sa Kinaharap na Suliranin ng


Tauhan
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan (F10PB-Ie-f-
65)

 Ikatlong Araw: Pagsulat ng Buod Gamit ang Angkop na Hudyat sa Pagsusunod-sunod


ng mga Pangyayari
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (F10WG-Ie-
f-60)
 Aralin 4- Ikaapat na Araw: Pangangatuwiran sa kahalagahan ng Epiko sa Isang Bansa
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na
Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng
isang bansa (F10PB-Ie-f-66)
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang kuwento. Sagutin ang tanong
na nasa ibaba. Titik lamang ang isulat.

1. Anong uri ng tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan


na nagtatagalay katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi
ng mga diyos at diyosa?
a. korido b. Epiko c. alamat d. mitolohiya
2. Ano ang pamagat sa pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-
unahang dakilang likha ng panitikan?
a. Ibalon b. Illiad at Odessy c. Gilgamesh d. Beowulf
3. “Nanaisin ko pang mautas ang buhay, kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa pagkaalipin.”
Ano ang ipinapakita ng taong nagsabi ng pahayag na ito?
a. katalinuhan b. katapangan c. kadalubhasaan d. katigasan
4. Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit ano.Anong
damdamin ang namamayani sa nagsasalita?
a. panghihinayang c. panunumbat
b. pagkalito d. pagmamalaki?
5. Sa inyong palagay, bakit kailangang maranasan ng pangunahing tauhan ang mga
pagsubok / suliranin sa buhay?
a. Upang sila ay makatulong.
b. Siya ang may karapatan sa lahat ng nasasakupan.
c. Para maging bayani sa kanyang panahon.
d. Kapaki-pakinabang sa bayan.
6. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang
nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nagyari sa akin?” Anong matinding
damdamin ang isinasaad ng pahayag?
a. pagdadalamhati c. panlulumo
b. panghihinayang d. pagmamalaki
7. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya.
Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad
kong nakakahiya ang pagkamatay.” Ano ang katangian ng tauhan na mahihinuha batay
sa kanyang pahayag?
a. matakutin b. mapagkumbaba c. mahiyain d. mandaraya
8. “Mananalangin ako sa dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang
mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip.” Ano ang
katangian ng nagsasalita sa pahayag?
a. maka-diyos c. makabayan
b. makatao d. makakalikasan
9. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang
mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na
inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal. Ano ang kultura
ng pinagmulan ng akda?
a. may palatuntunan na isasagawa bago ang kasalan
b. Nag-aalay ng pagkain ang pamilya ng lalaki sa pamilya ng babaeng ikakasal
c. Ang seremonyang sinusunod ay iniaalay sa pamilya ng lalaking ikakasal
d. Nagbabalot ng pagkain ang babaeng ikakasal para sa lahat na dumalo
10. “Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw
at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang
alaala.” Ano ang panandang pandiskurso ang ginamit sa akda?
a. kanya c. sa loob
b. at d. sa huli

Unang
Markahan
5 MITOLOHIYA
Ikalimang
LINGGO

Matutunghayan sa araling ito ang tungkol sa mitolohiya, bilang isa sa mga panitikang
Mediterrnean. Ang mga araling ito at gagabay sa inyo upang maunawaan mo kung
masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala at kultura nga mga bansa sa
Mediterranean sa akdang babasahin. Mahihinuha mo rin kung mayroon ba itong pagkakatulad
asa mga Pilipino.
Ang pagsagot ng mga tanong ay nagpapaunlad sa kasanayan mo sa pag-unawa ng
iyong binabasa. Higit pa rito ay mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagpapaliwanag o
pagpapahayag ng sariling ideya o kaisipan.

Balikan

Malinaw na ba sa inyo kung ano ang epiko? Isang epiko mula sa Mesopotamia ang pag-aralan
natin. Ayon kay Joshua J. Mark, ang Mesopotamia (mula sa salitang Griyego na
nangangahulugang “sa pagitan ng dalawang ilog”) ay sinaunang rehiyon sa silangang
Mediteranean, sa hilagang-silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa Timog-Silangan ay
ang talampas ng Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhan bahagi nito ay ang Iraq samantalang
ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang “dalawang ilog” na tinutukoy ng
pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jarirah (ang
isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent
kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia.
MOTIBASYUNAL NA TANONG:
1. Nakabasa na ba kayo ng epiko?
2. Ano-anong mga epiko ang nabasa ninyo?
3. Alam ba ninyo kung saan nagmula ang epiko?
4. Nais ba ninyong malaman ang pinagmulan nito?

Sa pagsagot sa Gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang


inyong tamang sagot.

Tuklasin

Basahin ang mga teksto sa loob ng kahon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang epiko ay tulang pasaylaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan aybuhat sa lipi ng mga
diyos o diyosa? Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kanyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na epos na ang ibig sabihin ay
salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinalaysay.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin upang
hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw
sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa
matinding suliranin, dahil ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula( Grisanto C.
Rivera, 1982).

Ang epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-
unahang dakilang-likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang
tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh”( salitang Sumerian para sa Gilgamesh), hari ng
Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang isang Epiko. Ang kauna-
unahang buhay na bersyon na ito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18
siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit ( unang salita ng manuskrito na ginamit
bilang pamagat, Shūtur eli sharrī) ( “ Surpassing All Other Kings”). Ilan lamang sa mga tablet
(Manuskritong nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy o bakal) nabuhay. Ang huling bersyon
ay nasulat noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may incipit na Sha Naqba īmuru ( “He
who Saw the Deep”), sa makabagong salita: ( “He who Sees the Unknown”).
Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet na bersyon ang nakuha. Ang
ilang sa magagaling na kopya ay natuklasan sa guho ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng
Assyrian na si Ashurbanipal.
The Epic of Gilgamesh, kinuha noong Nobyembre 30, 2014
Mula sa en. Wikipedia.org/wiki/Epic of Gigamesh

Kasaysayan ng Epiko

Mula sa about.com
Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson

Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang
kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong
Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.
Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC.
Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and Odyssey.
Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri ng mga tauhan,
ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito'y naging inspirasyon ng iba pang kilalang
manunulat ng epiko. Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius, Ovid,
Lucan, at Statius.
Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito'y karaniwang nagsisimula sa
isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga
pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad
ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan
nito ay maharlika.
Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano.
Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhanng Iliad ni Homer na umalis sa Troy
at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng mga kilalang manunulat noong
Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang sulatin
niya ang Paradise Lost.
Napakaraming epikong naisulat noong Medieval, bagamanito'y hindi madalas
basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa. Sa Italy
ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The
Divine Comedy. Ito'y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ngmaraming
dantaon. Si T.S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana.
Ang Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.
Isa sa mga kilalang epikongEspanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na
sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de
Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period).
Isa sa mga kilalang epikong Frenchnoong Middle Ages ay ang Chanson de Roland. Ito
ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux
noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.
Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong
bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang huli ay kuwento ni
Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang
impluwensya sa literaturang German.
Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa Anglo-
Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga kuwento ng pag-
iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuring epiko. Ang Piers Plowman
ay mahaba,subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde,
na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at ikalabinlimang siglo.
Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga epiko ay
natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng
pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong 'grupo sa Mountain Province at
sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga
mamamayang Kristiyano.
Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at
mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon
ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.

Epic Literature, kinuha noong Disyembre 3, 2014


Mula sa ancienthistory.about.com/od/literat3/qt/EpicPoetry.htm

Suriin

Basahin mo…

Babasa ka ngayon ng isang halimbawa ng Epikong mula sa Mesopotamia.

Mula sa Epiko ni Gilgamesh


salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco

Mga Tauhan:

Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama


Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo
sa tahanan ng Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain
ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.

1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na
ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa
kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y
makalaya sila sa kaniya.
2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang
dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik
na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa
kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay
sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang
diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng
Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh
at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang
kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa
matinding karamdaman.
3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi
niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag
ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang
nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang
kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo
ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin
ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang
kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at
kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga
kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo
sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik
4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain
at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip
sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako
sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng
korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang
panahon. Sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na
tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din
ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo,
at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin
si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si
Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat
ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala sa
iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang
kagubatan at takot na takot.”
5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak
siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may
ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit
ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip.
Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y
nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang
napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh.
“Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang
mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”
6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay
palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay
binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang
pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na
siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung
araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si
Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-
hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay,
ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.
7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at
gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

Nasiyahan ka ba sa binasa mong epiko? Naramdaman mo ba ang emosyong


naghari sa mga tauhan sa akda?

Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga Gawain batay sa


akdang iyong binasa.

Gawain1: Ang namumukod na katangian ng mga tauhan ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng
supernatural na kapangyarihan. Basahin ang “Mula sa Epiko ni Gilgamesh” at hinuhain ang
katangian ng bawat tauhan dito.

Ako si Gilgamesh. Ako ay may Ako si Enkido. Sa taglay kong supernatural


kapangyarihang na kapangyarihan, kaya kong
___________________________ ____________________________________
_____________________________________ _
________ ____________________________________
Katangian ng mga
__ tauhan ng Epikong
Gilgamesh
Ako si Urshanabi. Ako ay isang Ako si Utnapishtim. Mula sa mga diyos,
mamamangkang may kapangyarihang taglay ko ang kapangyarihang
____________________________________ __________________________________
________________________
________________________
Gawain 2: Isulat sa isang talata ang iyong sariling pananaw kung paano nagkakaiba at
nagkakatulad ang mga epikong pandaigdig.

Pagyamanin

Biag ni Lam-ang
ni Pedro Bucaneg
(Epiko ng Ilokano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-


asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit nang magsilang
ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at pinatay ang
maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga
Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa
kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.
Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at
siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang
magiging ninong.
Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama,
sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay
malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang
ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na
makaalis.
Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ay isang mahiwagang
tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman
mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay
ang mgakabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog.
Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at
nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay
at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang,
isang haliging kawayan.
Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang
sabi nila'y huwag matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si
Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig
ng marami, kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng
kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng
sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba
niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya
ang mga nakalaban.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng
mga dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga
isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang sa pagtungo sa Kalanutian
upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-
ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.
Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang.
Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong
bundok.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol
ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang
tandang. Muling tumayo ang bahay.
Napansin si Lam-ang.Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais
pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung
magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.
Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang
mga magulang ni Ines.
Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan.
Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian,
kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na
may mangyayari sa kanya. Na siya ay makakain ng pating berkahan. Ipinagbilin ni
Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.
Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines
ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan
ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok
ang tandang at tumahol ang aso.
Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si
Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.
Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At
namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

Ang ating buhay ay bahagi ng isang malawak na pagpaplano ng Panginoon. Minsan


ipinararanas Niya ang samu’t saring dagok sa buhay sa kadahilanan Siya lamang ang
nakakaalam. Kadalasan pa nga ay saka na lang natin mauunawaan kung ang suliranin ay
nalutas na.

Gawain 3:
Sa epikong “Biag ni Lam-ang”, ang pangunahing tauhan na si Lam-ang ay
dumaranas din ng iba’t ibang suliranin. Ibigay ang iyong interpetasyon kung bakit kaya
ipinararanas ito sa kanya.

Suliranin ng tauhan Sariling interpretasyon sa kinaharap


na suliranin ng tauhan
1. Nalaman ni Lam-ang na pinugutan ng ulo ng
mga Igorot ang kanyang ama. Gusto sana
lusubin ni Lam-ang ang mga Igorot pero hindi
siya pinayagan ng kanyang ina.

2. Hindi pwedeng pakasalan ni Lam-ang si Ines


kung hindi siya makapagbibigay ng kayamanan
sa mga magulang ng dalaga.

3. Pagkatapos ng kasal, kailangang tupdin ni


Lam-ang ang kaugalian ng kanilang nayon na
manghuhuli ng isadang rarang. Kung saan
manganganib ang kanyang buhay dahil may
maraming pating sa lugar na panghuhulihan ng
rarang.

4. Nang mamatay si Lam-ang, nagkahiwa-


hiwalay ang kanyang mga buto ay kailangan
pang ipasisid ito ni Ines upang mabuo.
Gawain 4:
1. Sa anong panahon kaya naisulat ang “Biag ni Lam-ang”? Patunayan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit kailangang pag-aralan ang epikong ito maging sa makabago o modernong


panahon?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Ano ang kahalagahan ng epikong “Biag ni Lam-ang” bilang akdang pandaigdig na


sumasalamin ng isang bansang Pilipinas?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isaisip
Batayang Kaalaman:

Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag? Sa ating


wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng
mga pahayag o maging interaksyunal.
Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag:
1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa
panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:una, pangalawa, pangatlo, nang,
noon, pagkatapos, sumunod, samantala
1. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod: dahil dito, bunga
nito, resulta ng sa mga pangyayaring ito, kung gayon, samakatuwid, dulot
nito, sa gayon
2. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring gamitin
ang mga salitang:
sa halip na sa kabilang dako, di tulad ng sa kabilang banda, higit pa rito, sa
magkatulad na dahilan
3. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga
salitang:
kabilang dito, at, saka, bukod dito, karagdagan dito
4. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:
sa madaling salita, sa totoo lang, higit sa lahat, tunay na
5. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay maaaring
gamitin:
Halimbawa nito, dagdag pa rito, Bilang karagdagan, kabilang dito ang
sumusunod
Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawang pangkat
ang mga pangatnig.
1.Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na makatatayong
mag-isa, tulad
ng: at, ngunit, ni, datapwat, saka, pero, maging, o, pati, subalit, at iba pa.
2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad ng:
kung, kaya, pag, kapag, dahil sa, kung gayon, palibhasa, sapagkat, at iba pa.
Ngayong napag-aralan mo na ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag,
sagutin ang mga pagsasanay na kasunod upang lalo pang lumalim ang iyong pagkaunawa.

Ang “Tuwaang” ay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ring libangan tuwing may
libing, kasal at ritwal ng pagpapasalamat para sa saganang ani, o sa isang matagumpay na
pangangaso.
Sa bawat awit ng epikong Tuwaang ay ipinakikilala ang mang-aawit gamit ang isang
tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang
tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng
mang-aawit at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. May higit sa 50 na
mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.

Si Tuwaang at Ang Dalaga ng Buhong ng Langit


Isang Buod ng Epiko ng mga Bagobo

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang
kaniyang kapatid na si Bai.

Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi
ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy,
isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap
sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para
ipatawag si Tuwaang.

Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring


mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-
agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang
sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.

Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng


binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.

Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa


kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit.
Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.

Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata
ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang
pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok nito.

Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya
mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang
dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.

Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng
Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit
magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng
Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at
pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at
namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab
ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na
tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.

Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa


Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya;
tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.

Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na


nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at
ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap
ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang
bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.

Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga
savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng
mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang
dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran
ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang
gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa
pangalawang bagay.

Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat
ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni
Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata siTuwaang sa labas ng bahay.
Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na
lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na
lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.

Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang
isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon
naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman
ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na
nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang
sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.

Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.

http://www.thephilippineliterature.com/si-tuwaang-at-ang-dalaga-ng-buhong-na-langit/
Isagawa

Gawain 4:
Basahin ang “Si Tuwaang at Ang Dalaga ng Buhong ng Langit” at isulat ang buod nito.
Isaalang-alang ang wastong gamit ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad
sa pagsulat ng buod.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos Puntos na


Nakuha
1. Malinaw na naipahayag ang mensahe ng buod 6
2. Nabanggit nang malinaw ang layunin ng may-akda sa 5
pagsulat ng napanood
3. Malinaw ang pagkapahayag ng opinyon bilang reaksyon sa 6
napanood
4. Binubuo ng tatlong talata na magkakauganay ang sinulat 3
Kabuuan 20
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang kuwento. Sagutin ang tanong
na nasa ibaba. Titik lamang ang isulat.

1. Anong uri ng tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtatagalay katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa?
b. korido b. Epiko c. alamat d. mitolohiya
2. Ano ang pamagat sa pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-
unahang dakilang likha ng panitikan?
a. Ibalon b. Illiad at Odessy c. Gilgamesh d. Beowulf
3. “Nanaisin ko pang mautas ang buhay, kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa
pagkaalipin.” Ano ang ipinapakita ng taong nagsabi ng pahayag na ito?
a. katalinuhan b. katapangan c. kadalubhasaan d. katigasan
4. Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit ano. Anong
damdamin ang namamayani sa nagsasalita?
a. panghihinayang c. panunumbat
b. pagkalito d. pagmamalaki?
5. Sa inyong palagay, bakit kailangang maranasan ng pangunahing tauhan ang mga
pagsubok / suliranin sa buhay?
a. Upang sila ay makatulong.
b. Siya ang may karapatan sa lahat ng nasasakupan.
c. Para maging bayani sa kanyang panahon.
d. Kapaki-pakinabangan sa bayan.
6. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang
nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nagyari sa akin?” Anong
matinding damdamin ang isinasaad ng pahayag?
a. pagdadalamhati c. panlulumo
b. panghihinayang d. pagmamalaki
7. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-
hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa pakikipaglaban, kaysa
katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.” Ano ang katangian ng tauhan na
mahihinuha batay sa kanyang pahayag?
a. matakutin b. mapagkumbaba c. mahiyain d. mandaraya
8. “Mananalangin ako sa dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang
mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip.” Ano ang
katangian ng nagsasalita sa pahayag?
a. maka-diyos c. makabayan
b. makatao d. makakalikasan
9. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang
mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na
inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal. Ano ang
kultura ng pinagmulan ng akda?
a. may palatuntunan na isasagawa bago ang kasalan
b. Nag-aalay ng pagkain ang pamilya ng lalaki sa pamilya ng babaeng ikakasal
c. Ang seremonyang sinusunod ay iniaalay sa pamilya ng lalaking ikakasal
d. Nagbabalot ng pagkain ang babaeng ikakasal para sa lahat na dumalo
10. “Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong
araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao
bilang alaala.” Ano ang panandang pandiskurso na nagsasaad ng pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari ang ginamit sa akda?
a. kanya c. sa loob
b. at d. sa huli

Karagdagang Gawain
Magsagawa ng panayam sa isang lolo o lola o kahit sino sa inyong pamilya.
Magpakuwento sa kanila ng mga mito sa inyong lugar. Isulat sa short bondpaper at
isalaysay muli ang mito ayon sa iyong pagkakaintindi. Sikaping isaalang-alang ang
iba’t ibang gamit ng pandiwa upang mailahad nang malinaw ang mga pangyayari sa
mito.
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
1. b 6. c
2. c 7. b
3. b 8. a
4. a 9. b
5. c 10. d

TAYAHIN
1. b 6. c
2. c 7. b
3. b 8. a
4. a 9. b
5. c 10. d

Sanggunian

Filipino Modyul Para sa Mag-aaral, ph. 2-27


https://www.youtube.com/watch?v=4ncDxrKIFr0

You might also like