You are on page 1of 24

10

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 2:
PARABULA
Ang Tusong Katiwala
Puasa:Pag-aayunong Islam

Mercy
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa
anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na pahintulot ang
tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na ilalathala sa mga
pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive, Cogon
District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:
Mercedes S. Domino

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mercedes S. Domino


Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph.D.
Jocelyn T. Rotersos, R.L.
Mga larawang kuha ni: Mercedes S. Domino
Tagalapat: Mercedes S. Domino
Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, Ph.D.
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico, Ph.D.
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
10

FILIPINO
PARABULA
Ang Tusong Katiwala
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling “Parabula”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang
pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


“Mitolohiya”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at interes. Ito
ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo
o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang kaisipang liberal ng
mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming
makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy
ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa ikalawang linggo ng
Unang Markahan. Ito ay ang mga:
 Aralin 1-Unang Araw: Gamit ng Pandiwa sa Pagsasaad ng Aksiyon, Karanasan,at
Pangyayari
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa(tagaganap, layon, pinaglaanan at kagamita)
1. sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;
2. sa pagsulat ng paghahambing;
3. sa pagsulat ng saloob;
4. sa paghahambing ng ibang kultura at ng ibang bansa; at
5. isinulat na maikling kuwento (walang code)
 Aralin 2- Ikalawang Araw: Isang Pagsusuri sa Parabulang “Ang Tusong Katiwala”
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
- Nasusuri ang tiyak na bahagi na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang-
asal sa napakinggang parabula (F10PN-Ib-c-63)
- Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay
na tanong (F10PB-Ib-c-63)
 Aralin 3- Ikatlong Araw: Pagbibigay- puna sa Estilo ng May-akda Batay sa mga Salita at
Ekspresyong Ginamit
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa
akda, at bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin (F10PT-
Ib-c-62)
 Aralin 4- Ikaapat na Araw: Paggamit ng Angkop na Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na
Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (F10WG-Ib-c-58)
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang kuwento. Sagutin ang tanong na nasa
ibaba. Titik lamang ang isulat.

1. “Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa
inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.” Upang tupdin ang turong ito ng Qur’an,
ano ang isinasagawa ng mga Muslim ?
a. pagsisimba c. pagpipiyesta
b. pagpupulong d. Pagpupuasa

Ang araw na ito’y tinatawag na peggang ng mga taga-Maguindanao.


Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung minsan,ang mga
pagkain sa iba’t ibang bahay ay dinadala sa mosque at ipinakakain sa mga
naroon. Ang kanduli at paliligo ang simula ng gawaing Ramadan sa loob ng
29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.

2. Paano ginamit sa pangungusap ang pandiwang sinalungguhitan sa talata?


a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. pagluluto
3. Paano ipinakita ng akda ang pagkamakatotohanan?
a. Nagpapakain sa mga tao kung may pagdiriwang.
b. Ang peggang ay salita ng mga taga-Maguidanao na tumutukoy sa araw. .
c. Nagluluto ang mga tao upang hindi magugutom.
d. Tanging ang naghahanda ng kanduli ang puwedeng sumali sa Ramadan.
4. Aling kabutihang isinasaad ng talata?
a. paghahanda ng pagkain sa madaking araw c. paliligo sa simula ng Ramadan
b. pamimigay ng pagkain sa mga nagugutom d. paglita ng bagong buwan

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng
kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at
pagbubungkal ng bukirin..

5. Nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Anong uri ng pokus ng pandiwa ang
pangungusap?
a. aktor b. benepaktibo c. ganapan d. sanhi.
6. Anong salita ang ginamit ng may-akda upang ipahayag ang di pagkagusto ng anak sa
pagsasaka?
a. nagbubungkal b. nagmamaktol c. narinig d. binabanggit
7. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay.
a. Ipagtatapat ko sa aking ama na ayaw kong magbungkal ng lupa.
b. Itatapon ko ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa upang wala nang magamit.
c. Mag-aaral ng mabuti upang makapaghanap ng mas mabuting hanapbuhay.
d. Lilipat ng tirahan upang hindi na mapilit na magtrabaho sa bukirin.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang
sa apoy.Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon.
Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal,
kumulo ang tubig. Sa unang palayok ,inilagay ng ama ang carrot. Sa
pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

8. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Alin ang pang-ugnay
na nagsasaad ng pagkasunod-sunod ng pangyayari ang ginamit sa pangungusap?
a. ng b. ang c. saka d. sa
9. Ano ang ipinahihiwatig ng ikalawang pangungusap sa talata?
a. Hindi nag-uusap ang mag-ama.
b. Pinabayaan nilang kumulo ang tubig sa palayok.
c. Pinakuloan nila ang carrot at ilog.
d. Walang ibang tao sa paligid.
10. Kung dudugtungan ang talata, aling sa sumusunod ang mas angkop na idugtong?
a. Sapagkat naging kulay kape ang tubig sa palayok.
b. Kaya naman naging kulay kape ang tubig sa palayok.
c. Pati naging kulay kape ang tubig sa palayok.
d. Walang naging kulay kape ang tubig sa palayok.

Modyul
2 Parabula
Ikalawang Linggo

Pag-aralan sa araling ito ang mga kasanayang lilinang sa kakayahan sa mapanuring pagbasa,
tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling idea o kaisipan, karanasan, at damdamin.

Magkakaroon nang lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sa paggamit ng pang-ugnay o


panandang pandiskurso sa padaragdag at pag-iisa-isa ng impormasyon at sa pagpapahayag ng mga
kaugnayang lohikal.

Malilinang din ang kakayahan nila sa pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon mula sa
parabulang binasa/napakinggan.
Balikan

Makikita sa larawan na ang bata ay nagmamano sa nakatatanda sa kanya.


1. Nasa anong aspekto ng pandiwa ang nagmamano?
2. Ano ang salitang-ugat ng nagmamano?
3. Ano ang kaugnayan ng pagmamano sa kulturang Pilipino?
4. Bakit nagmamano sa nakatatanda ang mga Pilipino?
5. Kung ikaw ay bukal sa loob na magmamano sa nakatatanda, maituturing mo ba itong
kalakasan? Bakit?

Sa pagsagot sa Gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang inyong tamang sagot.

Tuklasin

Ang kasunod na aralin ay aakay sa iyo sa matuwid na landas ng buhay- ito ay ang parabula.
Sinasabing ito ay natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang wika
ng mga taga-Silangan. Nagmumula ang salitang parabula sa salitang Griyego na parabole na
nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Gumagamit ito ng Tayutay
na Pagtutulad at Metapora upang bigyang-diin ang kahulugan.

Basahin:
Puasa: Pag-aayunong Islam
Halaw sa Ingles na isinalin sa Filipino ni Elvira Estravo
Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga Muslim sa Pilipino at Saum sa
Arabic. Ginagawa ito upang tupdin ang turo ng Qur’an na nagsasaad ng ganito: “Kayo na naniniwala!
Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutuhan ang
disiplina sa sarili.”
Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na ang ano mang
masasamang gawi laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Hinihinging
mag-ayuno ang mga Muslim sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng Ramadam, ang ikasiyam na buwan
sa kalendaryong Islam. Napili ang buwang ito dahil dito nangyari ang unang paghahayag ng Qur’an
kay Propeta Mohammad, sa kuweba ng Hira.
Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng hapon, sama-sama o
grupo-grupong naliligo ang mga Muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa. Ang araw na
ito’y tinatawag na peggang ng mga taga-Maguindanao. Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat
bahay. Kung minsan,ang mga pagkain sa iba’t ibang bahay ay dinadala sa mosque at ipinakakain sa
mga naroon. Ang kanduli at paliligo ang simula ng gawaing Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw
batay sa paglitaw ng bagong buwan.
Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat Muslim na may
kakayahang mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na tinatawag na saul. Pagkakain ng saul o
kaya’y bago sumikat ng araw, lahat ng uri ng pagkain, maiinom o ano mang dadaan sa bibig ay
ipinagbabawal. Pagkakain, maaaring bumalik sa pagtulog o magbasa ng Qur’an.
Ipinagpapatuloy ang araw-araw na gawain sa panahong ito ng puasa. Ang ila’y umuuwi nang
maaga sa bahay o nagtitipon sa mosque kasama ang mga kaibigan, nagbabasa ng Qur’an o nag-
uusap ukol sa relihiyon. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtsitsimis.
Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw. Sa ilang pagkakataon, ang pagtigil ng pag-
aayuno ay ginagawa sa bahay ng datu o sinuman sa komunidad na boluntaryong maghahanda ng
pagkain. Tinatawag na pembuka ang paghahandang ito.
- Mula sa Hiyas ng Lahi 9, Vibal Publishing House, 2013

May iba’t iba ang gamit ang pandiwa. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan,
at pangyayari.

Gamit ng Pandiwa:
1. Aksiyon
• May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.
• Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, magma-,mang-, maki-,
mag-an.
• Maaring tao o bagay ang aktor.
Halimbawa:
a. Naglakba si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Ang mga sinalungguhitan ay ang pandiwa samantalang ang nasa kahon ay ang aktor.
2. Karanasan
• Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng
damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o
damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
*Ang mga sinalungguhitan ay ang karanasan at ang mga nakakahon ay ang mga aktor.

3. Pangyayari
• Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa:
a. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid.
b. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

* Ang mga sinalungguhitan ay ang pandiwa at ang mga nasa loob ng kahon ay ang
pangyayari.

GAWAIN 1: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang pandiwang angkop na gamitin sa
pangungusap. Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon,
karanasan, o pangyayari.

nagluluto naliligo nagpupuasa natatapos kumakain

1. ______________ ang mga Muslim sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng Ramadan, ang ikasiyam na
buwan ng kalendaryong Islam.

2. Sama-samang __________________ ang mga Muslim, mga bandang ikaanim ng hapon sa unang
araw ng Ramadan bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa.

3. Ang bawat bahay na may kakayahang maghanda ay ___________________ ng Kanduli na


karaniwang dinadala sa mga mosque upang ipakain sa mga naroroon.

4. Bandang alas tres hanggang alas kuwatro ng madaling araw, ____________________ na ng saul
ang may kakayahang mag-ayuno.

5. Ang pag-aayuno ay ____________________ paglubog ng araw.

Alama mo ba na…
ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan? Realistiko ang banghay
at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring
may sangkap ng misteryo .

Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Matutulungan ka nito sa
pag-uunawa kung paano ba naiiba ang parabula sa ibang uri ng akdang pampanitikan at kung paano
nakatutulong ang pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensahe ng
parabula.

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang
katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag
niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang
sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis
man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una,
‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng
katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang
kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8)
Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga
bagay ng mundong ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na
iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit
na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay
mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga
kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi
kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa
inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito
ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila,
“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng
inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa
paningin ng Diyos.

Gawain 2: Pagsusuri sa Akda


Suriin ang akdang “Ang Tusong Katiwala” batay sa nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasa.

Mga Tanong: Sagot:


1. Ano ang pinag-uusapan sa akda?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Ano ang katangian
ng bawat isa?
3. Ano ang tagpuan ng binasang parabula?
4. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa
akda?

Gawain 3:
Pumili ng tig-isang pangyayari sa akda na nagsasaad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang-
asal. Isulat ang sagot sa kahon na nasa ibaba.

Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal


(Anong pangyayari sa akda ang (Anong pangyayari sa akda ang (Anong pangyayari sa akda
pwede ring mangyari sa tunay na nagdudulot ng kabutihan sa lahat ng ang nagtuturo ng magandang
buhay?) tao?) asal?)
Batayang Kaalaman:

Ang estilong masasalamin sa kabuoan ng parabula ay pagsasalaysay ng sinaunang tradisyon


o kulturang nagtataglay ng aral na maaaring iugnay sa kasalukuyan. Mababakas ito sa paglalahad
ng mga pangyayari gayundin sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda.

Gawain 4: Pagbibigay- puna sa Estilo ng May-akda Batay sa mga Salita at Ekspresyong Ginamit
Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa pamamagitan ng
pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Hanapin sa loob ng kahon ng
mapagpipiliang sagot ang damdaming angkop sa pahayag at isulat ang sagot sa kahon bago ang
bawat bilang. Sa linya ay magbigay-puna o magbigay ng iyong opinyon sa kaangkupan ng
pagkakagamit ng salita o ekspresyong sa estilo, uri, at panahon kung kailan nasulat ang akda.

Mapagpipiliang sagot:
Lungkot, galit, panghihinayang,
Pagtataka, pagkaawa, pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang


nilulustay ng katiwala ang kanyang ari-arian.” Ang masasabi ko tungkol sa
paggamit ng salitang nilulustay ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong


pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” Ang
masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang pangangasiwa
ay____________________________________________________
______________________________________________________________

3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa


pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos. ”Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang aalisin ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito


sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.” Ang masasabi ko
tungkol sa paggamit ng salitang kayamanan ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo.” Ang masasabi ko tungkol sa
paggamit ng salitang mapagkatiwalaan ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagyamanin

Narito ang isa pang halimbawa ng parabula. Basahin at unawain ang nilalaman nito at bigyang
pansin ang mensahe upang mapahalagahan ito bilang akdang pampanitikan .

Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyangnagmamaktol ang kaniyang
anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa
pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhaydahil sa hirap na
nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama anganak at tinawag niya papunta
sa kusina.

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang narinig na ano mang
salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal,
kumulo ang tubig. Sa unang palayok ,

inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong
ng ama.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga
palayok.

“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.

Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin
ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.

“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape.
Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong
tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat
bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala,
ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay
karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.

“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.

“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa
buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil
ng kape?” usal ng ama.

“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging
mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan
ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga
taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya
o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa
nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-
puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag
ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat,
ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa
kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga
pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di
magagandang pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butyl ng kape...” katulad mo mahal na ama.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

GAWAIN 5: Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong.

1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok sa
kumukulong tubig.
2. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang nagging
reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag sa buhay ng tao?
Isagawa

Konsepto:

May tatlong uri ng pang-ugnay sa wikang Filipino. Ito ay ang pang-angkop, pang-ukol, at
pangatnig?
Pang-ukol- kataga, salita o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Tulad ng alinsunod sa/kay, ayon sa/kay, hinggil sa/kay, kay/kina, laban sa/kay, para
sa/ kay, tungkol sa/kay, ukol sa/kay.
Pangatnig- mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay,
o payak na pangungusap. Tula ng at, anupa, bagaman, bagkus, bago, dahil sa, datapwa, kapag,
kaya, kundi, kun, habang, maliban, nang, ngunit, o pagkat, palibhasa, pati, sakali, samantala,
samakatuwid, sa madaling sabi, upang, sanhi, sapagkat, subalit, ni.

Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang


pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunodsunod ng mga
pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka,
unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at
layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-
ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at
resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

Gawain 6:
Isulat sa patlang kung ang pang-ugnay na sinalungguhitan sa bawat pangungusap ay ginagamit
bilang: Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon o Pagpapahayag ng mga kaugnayang
lohikal.

____________________________________________________1. May nagsumbong sa isang taong


mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian kaya’t ipinatawag niya ang
katiwala at tinanong.
____________________________________________________2. Unang tinawag ng katiwala ang
may utang na isandaang tapayang langis.
____________________________________________________3. Saka pinaupo at pinapalitan ng
limampu ang kasulatan.
____________________________________________________4. Gayon din ang ginawa sa isa pa.
Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo.
___________________________________________________5. Kaya naman ang katalinuhan ng
tusong katiwala ay pinuri ng amo.

Gawain 7 : Punan ang puwang ng talata sa ibaba ng angkop na pang-ugnay na mapipili sa loob
ng panaklong. ( at , dahil sa, kaya, laban sa, maliban, para sa, subalit, upang, kapag, ngunit)

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel ________ isang Pinay caregiver na may natatanging
talento sa pag-awit. Siya ay si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa “X Factor Isarael” noong
Enero, 2014. Halos dalawampung taon na siyang nagtatrabaho sa Israel ________ ngayon lang
nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi nagging hadlang ang kalagayan at
edad niya ______________ ipakita ang taglay niyang talent. Sa una’y kabado siya,
_______________ sumubok pa rin siyang mag-audition. Nakatutuwang isiping lumutang ang talent
niya _____________ sa mga mas batang kalahok. Hindi siya sumuko______________ sa huli
nakamit niya ang tagumpay. Hinangaan sa buong mundo ang kanyang talento _________________
determinasyon. __________________ nakausap ko si Osang ay ipararating ko sa kanya ang aking
paghanga. Napatunayan niyang ___________________ sa pagiging mabuting caregiver ay may
kaya pang gawin ang mga Pilipinong tulad niya. ___________________ lahat ng Pilipino ang
tagumpay na ito ni Osang!

Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Isulat sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. “Kayo na naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa
inyo, upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.” Upang tupdin ang turong ito ng Qur’an,
ano ang isinasagawa ng mga Muslim ?
a. pagsisimba c. pagpipiyesta
b. pagpupulong d. Pagpupuasa

Ang araw na ito’y tinatawag na peggang ng mga taga-Maguindanao.


Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung minsan,ang mga
pagkain sa iba’t ibang bahay ay dinadala sa mosque at ipinakakain sa mga
naroon. Ang kanduli at paliligo ang simula ng gawaing Ramadan sa loob ng
29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.

2. Paano ginamit sa pangungusap ang pandiwang sinalungguhitan sa talata?


a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. pagluluto
3. Paano ipinakita ng akda ang pagkamakatotohanan?
a. Nagpapakain sa mga tao kung may pagdiriwang.
b. Ang peggang ay salita ng mga taga-Maguidanao na tumutukoy sa araw. .
c. Nagluluto ang mga tao upang hindi magugutom.
d. Tanging ang naghahanda ng kanduli ang puwedeng sumali sa Ramadan.
4. Aling kabutihang isinasaad ng talata?
a. paghahanda ng pagkain sa madaking araw c. paliligo sa simula ng Ramadan
b. pamimigay ng pagkain sa mga nagugutom d. paglita ng bagong buwan

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng
kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at
pagbubungkal ng bukirin..

5. Nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Anong uri ng pokus ng pandiwa ang
pangungusap?
a. aktor b. benepaktibo c. ganapan d. sanhi.
6. Anong salita ang ginamit ng may-akda upang ipahayag ang di pagkagusto ng anak sa
pagsasaka?
a. nagbubungkal b. nagmamaktol c. narinig d. binabanggit
7. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay.
a. Ipagtatapat ko sa aking ama na ayaw kong magbungkal ng lupa.
b. Itatapon ko ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa upang wala nang magamit.
c. Mag-aaral ng mabuti upang makapaghanap ng mas mabuting hanapbuhay.
d. Lilipat ng tirahan upang hindi na mapilit na magtrabaho sa bukirin.

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang


sa apoy.Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon.
Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal,
kumulo ang tubig. Sa unang palayok ,inilagay ng ama ang carrot. Sa
pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

8. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Alin ang pang-ugnay
na nagsasaad ng pagkasunod-sunod ng pangyayari ang ginamit sa pangungusap?
a. ng b. ang c. saka d. sa
9. Ano ang ipinahihiwatig ng ikalawang pangungusap sa talata?
a. Hindi nag-uusap ang mag-ama.
b. Pinabayaan nilang kumulo ang tubig sa palayok.
c. Pinakuloan nila ang carrot at ilog.
d. Walang ibang tao sa paligid.
10. Kung dudugtungan ang talata, aling sa sumusunod ang mas angkop na idugtong?
a. Sapagkat naging kulay kape ang tubig sa palayok.
b. Kaya naman naging kulay kape ang tubig sa palayok.
c. Pati naging kulay kape ang tubig sa palayok.
d. Walang naging kulay kape ang tubig sa palayok.
Karagdagang Gawain

Magtanong ng mga kasama sa bahay ng ibang parabola. Isalaysay itong muli sa tulong ng
mga pang-ugnay o panandang pandiskurso na ginagamit na:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN
1. d 6. b
2. a 7. c
3. a 8. c
4. b 9. a
5. a 10. b

GAWAIN 1
1. nagpupuasa
2. naliligo
3. nagluluto
4. kumakain
5. natatapos

GAWAIN 2
1. paglulustay ng katiwala sa kayamanan ng kanyang amo
2. katiwala- tuso
amo/ taong mayaman- maunawain
3. Hindi tiyak ang tagpuan
4. nagtuturo ng kabutihang asal
Gumamit ng mga tayutay na metapora at pagtutulad sa pagsasalaysay
Hango sa Banal na Aklat ang kuwentong napapaloob

GAWAIN 3

Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal


(Anong pangyayari sa akda ang (Anong pangyayari sa akda ang (Anong pangyayari sa akda
pwede ring mangyari sa tunay na nagdudulot ng kabutihan sa lahat ng ang nagtuturo ng magandang
buhay?) tao?) asal?)
Ang mapagkakatiwalaan
Isa-isa niyang tinawag ang mga Alam ko na ang aking gagawin! sa maliit na bagay ay
may utang sa kaniyang amo. Maalis man ako sa mapagkakatiwalaan din sa
Tinanong niya ang una, pangangasiwa ay may tatanggap malaking bagay; ang
‘Magkano ang utang mo sa naman sa akin sa kanilang mandaraya sa maliit na
aking amo?’ Sumagot ito, tahanan. bagay ay mandaraya rin sa
‘Isandaang tapayang langis po.’ malaking bagay.
‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo ka’t “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Kaya kung hindi kayo
palitan mo, gawin mong gamitin ninyo ang kayamanan ng mapagkakatiwalaan sa mga
limampu,’ sabi ng katiwala. At mundong ito sa paggawa ng kayamanan ng mundong
tinanong naman niya ang isa, mabuti sa inyong mga kapwa ito, sino ang magtitiwala sa
‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ upang kung maubos na iyon ay inyo ng tunay na
Sumagot ito, ‘Isandaang kabang tanggapin naman kayo sa kayamanan?
trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng tahanang walang hanggan
iyong pagkakautang,’ sabi niya. At kung hindi kayo
‘Isulat mo, walumpu. mapagkakatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino
ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo?

“Walang aliping maaaring


maglingkod nang sabay sa
dalawang panginoon
sapagkat kamumuhian niya
ang isa at iibigin ang
ikalawa, paglilingkuran
nang tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa.
Hindi kayo maaaring
maglingkod ng sabay sa
Diyos at sa kayamanan.”

GAWAIN 4
Mapagpipiliang sagot:
Lungkot, galit, panghihinayang,
Pagtataka, pagkaawa, pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang


Pagtataka
nilulustay ng katiwala ang kanyang ari-arian.” Ang masasabi ko tungkol sa
paggamit ng salitang nilulustay ay angkop sa akda dahil ginamit niya ito upang
ilarawan ang paggamit sa kayamanan ng amo sa hindi makabuluhang bagay.

galit 2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” Ang
masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang pangangasiwa
ay____________________________________________________
______________________________________________________________

lungkot 3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa


pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos. ”Ang masasabi ko tungkol sa paggamit ng salitang aalisin ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

pagkaawa 4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito
sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.” Ang masasabi ko
tungkol sa paggamit ng salitang kayamanan ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

panghihinayang 5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo.” Ang masasabi ko tungkol sa
paggamit ng salitang mapagkatiwalaan ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

GAWAIN 5
1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok sa
kumukulong tubig.
* Ang carrot ay matigas ngunit nang ihinulog sa kumukulong tubig ay lumambot.
Ang itlog ay malambot pero nang ihinulog sa kumukulong tubig ay tumigas
samantalang ang kape nang inilahok sa kumukulong tubig ay natunaw.
Nagdudulot ito ng ibang kulay ay lasa ng tubig.
2. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang nagging
reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag sa buhay ng tao?

GAWAIN 6
1. Pagpapahayag ng kaugnayang lohikal
2. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng impormasyon
3. Pagpapahayag ng kaugnayang lohikal
4. Pagpapahayag ng kaugnayang lohikal
5. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng impormasyon

GAWAIN 7
Punan ang puwang ng talata sa ibaba ng angkop na pang-ugnay na mapipili sa loob ng panaklong.
( at , dahil sa, kaya, laban sa, maliban, para sa, subalit, upang, kapag, ngunit)

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel dahil sa isang Pinay caregiver na may natatanging
talento sa pag-awit. Siya ay si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa “X Factor Isarael” noong
Enero, 2014. Halos dalawampung taon na siyang nagtatrabaho sa Israel ngunit_ ngayon lang
nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi naging hadlang ang kalagayan at
edad niya upang ipakita ang taglay niyang talent. Sa una’y kabado siya, subalit sumubok pa
rin siyang mag-audition. Nakatutuwang isiping lumutang ang talent niya laban sa mga mas
batang kalahok. Hindi siya sumuko kaya sa huli nakamit niya ang tagumpay. Hinangaan sa buong
mundo ang kanyang talento at determinasyon. Kapag nakausap ko si Osang ay
ipararating ko sa kanya ang aking paghanga Napatunayan niyang maliban sa pagiging mabuting
caregiver ay may kaya pang gawin ang mga Pilipinong tulad niya. Para sa lahat ng Pilipino ang
tagumpay na ito ni Osang!

Karagdagang Gawiin: Gamitin ang rubriks.

Mga Pamantayan Puntos


1. Ang kwento at batay sa Banal na Aklat 7
2. Maayos na nailalahad ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari 6
3. Nagagamit ang mga panandang pandiskurso sa pagdaragdag at pag-iisa ng 7
mga impormasyon at pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Kabuuan 20

TATAYAHIN
1. d 6. b
2. a 7. c
3. a 8. c
4. b 9. a
5. a 10. b
Sanggunian
Filipino Modyul Para sa Mag-aaral, ph. 44-55

You might also like