You are on page 1of 22

4

FILIPINO
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan
at Pagsasalaysay Muli ng mga
Napakinggang Teksto Gamit ang
Sariling Salita; at Pagbibigay ng
Angkop na Pamagat sa Talatang
Binasa
Filipino – Ikaapat na Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Pagsasalaysay


Muli ng mga Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita; at
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Talatang Binasa

Karapatang-sipi ©2020 ng DepEd Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video, nang walang nakasulat na pahintulot
ang tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat na
ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon District, Tagbilaran City, Bohol.

Mga May-akda:
Raquel R. Sabalones

Patnugot: Flora R. Palmero

Mga Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Raquel R. Sabalones

Editor: Flora R. Palmero


Tagasuri: Wilfreda O. Flor, PhD, Josephine D. Eronico, PhD, at Jocelyn T. Rotersos
Tagaguhit: Joseph Roland A. Reyes
Tagalapat:
Tagapamahala: Bianito A. Dagatan, EdD, CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, PhD
OIC – CID Chief
Josephine D. Eronico, PhD
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor, PhD
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education – Region VII, Central Visayas
Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone: (038) 412 – 4938 (038) 411 – 2544 (038) 501 – 7550
Telefax: (038) 501 – 7550
E-mailAddress: deped.bohol@deped.gov.ph
4
FILIPINO
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan
at Pagsasalaysay Muli ng mga
Napakinggang Teksto Gamit ang
Sariling Salita; at Pagbibigay ng
Angkop na Pamagat sa Talatang
Binasa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling “Pag-uugnay ng Sariling Karanasan at Pagsasalaysay
Muli ng mga Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita; at Pagibigay ng Angkop
na Pamagat sa Talatang Binasa”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong institusyon upang magabayan at matulungan na makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan
ang pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 na siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa “Pag-uugnay ng Sariling Karanasan at Pagsasalaysay Muli ng mga
Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita; at Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
sa Talatang Binasa.”

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

iv
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

v
Alamin

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang modyul na ito bilang kagamitan sa pag-
aaral nitong panahon ng bagong normal. Sa kabila ng krisis na ating hinaharap sa
kasalukuyan, ang iyong pagkatuto ay dapat maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong
modyul sa pag –aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa
paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging
kaakibat sa papapaunlad ng bansang Pilipinas.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong
kakayahan at interes. Sa modyul na ito ay pag-aaralan ang mga kasanayang lilinang sa
kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagpapahayag ng sariling idea o kaisipan, karanasan,
at damdamin. Magkakaroon ka nang lubos na kaalaman sa pag-uugnay ng sariling karanasan
sa napakinggang teksto.
Ang modyul na ito ay may tatlong kompetensi para sa ikaanim na linggong gawain.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:

 naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto (F4PS-III-g-4);

 nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa (F4PB-IIIg-8; at

 naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita. (F4PS-III-h-6.6)

1
A. Panuto: Pakinggan ang babasahing teksto ng magulang/ sinumang miyembro ng
pamilya na pinamagatang “Ang Batang si Efren.” Isulat sa papel ang titik
ng tamang sagot.

Ang Batang si Efren


Nasa ikaapat na baitang si Efren. Bata pa lamang siya, nakagisnan na niya ang
pagkamasipag. Masipag siya sa mga gawain sa bahay. Sa paaralan lagi siyang nangunguna sa
paglilinis ng silid-aralan kahit hindi siya pinag-utusan ng guro. Lagi siyang nag-aaral ng kanilang
aralin. Hindi siya nakipag-away sa mga kaklase. Kaya parating mataas ang kanyang mga marka.
Dahil bukod sa kasipagan, matalino rin siya. Ang nais niya sa sarili na tumulong sa anumang gawain
kahit saang lugar.

1. Sino ang pinag-usapan sa teksto?


a. Allan b. Efren c. Alfred d. Jhon

2. Ano ang ginawa ni Efren sa paaralan?


a. palaging nangunguna sa paglilinis ng silid-aralan
b. ayaw tumulong
c. nakikipag-away
d. huli sa klase

3. Alin ang maibibigay mong pamagat sa teksto?


a. Ang Mga Ginagawa ni Efren sa Paaralan
b. Ang mga Ginagawa ni Efren sa Paaralan
c. Sa Paaralan
d. Si Efren

4-5. Magbigay ng dalawang pangungusap tungkol sa karanasan ni Efren habang siya ay nag-
aaral.
4. _________________________________________________________________________

5. _________________________________________________________________________

B. Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat sa sumusunod na talata.

6. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming


suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t-isa.
a. Pamilya b. Pilipino c. Ang Mag-anak d. Ang Pamilyang Pilipino

7. Ang niyog ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit. Natatangi sa lahat ng puno
ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon,
shampoo, at iba pa.
a. Ang niyog b. Ang mga Gamit ng Niyog
c.Ang Kalusugan d.Ang Punong Niyog

Modyul Pag-uugnay ng Sariling Karanasan


6
Ika-anim na
at Pagsasalaysay Muli ng mga
Napakinggang Teksto Gamit ang
Linggo

2
Sariling Salita; at Pagbibigay ng
Angkop na Pamagat sa Talatang
Binasa
Balikan
Basahin ang maikling talata.

Ako si Tina. Araw ng Sabado noon, isinama ako ni Nanay sa Tagbilaran upang
dumalo sa kaarawan ng aking pinsan. Kadalasan, maraming tao ang pupunta sa pagdiriwang
ng kaniyang kaarawan. Bilang paghahanda, nagluluto sila ng iba’t-ibang pagkain. Bigla
akong napalabas ng bahay nang marinig ko ang sigawan. "Hayan na!", sigaw ng mga
panauhin. Lumabas na ang aking pinsan na mala-prinsesa sa kaniyang kasuotan. May
programang inihandog ang kaniyang mga magulang. Lubos na nasiyahan ang lahat ng
dumalo. Hinding-hindi ko talaga malilimutan ang araw na iyon.

Tungkol saan ang teksto? Saan ito nangyari? Ano-ano ang mga naranasan ni Tina sa
pagdalo niya sa kaarawan ng kaniyang pinsan? Batay sa teksto, ano ang maaring angkop na
pamagat nito? Isasalayasay muli ang teksto gamit ang sariling salita.

Sa pagsagot sa Gawain, itala itala ang mga karanasan ni Tina sa nabasang


teksto sa itaas.

Tuklasin

Panuto: Pakinggan ang kuwento, “Ang Batang Mahilig sa Gadget”, na babasahin ng


magulang/sinumang miyembro ng pamilya. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

3
Isulat sa papel ang iyong sagot.

Ang Batang Mahilig sa Gadget


Sa lugar ng San Pablo, may isang batang mahilig sa gadgets. France ang kaniyang
pangalan. Halos lahat ng kaniyang oras inilaan niya sa celpon. Wala siyang magagawa kundi
maglalaro nito. Wala na siyang oras sa pag-aaral. Hindi siya tumutulong sa mga gawain sa
bahay. Ang pinagtutuunan lamang niya sa buhay ay ang celpon. Pati pag-aaral ay kaniyang
napapabayaan. Bagsak ang lahat niyang marka. Hindi nakatiis ang mga magulang sa ginawa
ng kanilang anak. Pinag-uusapan at sinasabihan ang anak na huwag ibubuhos ang lahat ng
panahon sa gadget. Kailangang pagbubutihin ang pag-aaral at sundin ang ipapagawa ng mga
magulang. Namulat siya sa katotohanan na hindi pala mabuti ang pagiging mahilig sa gadget.
Mahalaga ang gadget, pero gamitin ito nang maayos na paraan. Sinisisihan niya ang sobrang
mahilig sa paggamit n celpon. Mula noon, minabuti na niya ang kaniyang pag-aaral.

Tanong:

1. Sino ang pinag-usapan sa teksto?


2. Ano-anong mga naranasan ni France sa pagiging mahilig sa gadget?
3. Alin ang angkop na pamagat sa teksto?
4. Isasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita.

Suriin

Ang pag-uugnay ng sariling karanasan ay sitwasyon kung saan ikaw mismo ay


nakaranas ng bagay na tinutukoy. Isang pangyayari sa buhay ng iba na nakaramdam ng sakit
kaguluhan at kasiyahan na maaaring hindi malilimutan sa buhay ng isang nilalang higit
kailanman.
Ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa talatang binasa ay mas mainam na paraan
upang higit na malaman kung naunawaan ng tao ang kaniyang binasang talata. Ito rin ay susi
sa pag-unawa sa binasa.
Ang pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sariling salita ay
mabisang paraan para lubos na maunawaan ang binasang teksto at masasanay sa pagsasalita
sa mahahalagang detalye ng teksto. Isa naman itong paraan na masasabi ang mga pangyayari
nito na may tamang pagkakasunod-sunod.

4
Pagyamanin
A. Panuto: Pakinggan ang kuwento, “Mga Gawain ni Jason”, na
babasahin \
ng magulang/sinumang miyembro ng pamilya. Sagutin ang
mga
tanong tungkol dito. Isulat sa papel ang iyong sagot.

Mga Gawain ni Jason


Masinop na bata si Jason. Nais niyang gawin ang kaniyang mga gawain sa takdang
panahon. Maaga pa lamang ay naghahanda na siya sa pagpasok sa paaralan. Pagkatapos ng
kaniyang klase ay umuwi kaagad siya upang pakainin ang kaniyang mga alagang baka. Sa
hapon ay pumupunta siya sa palengke upang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng
gulay. Pag-uwi sa bahay ay tumutulong din siya sa paghahanda ng pagkain.

1. Ano-ano ang mga karanasan ni Jason sa kaniyang mga ginagawa sa bahay?

a. ______________________________________________________________

b. ______________________________________________________________

B. Panuto: Piliin sa kahon ang mga karanasang ginagawa ni Jason sa bahay.


Punan ang patlang para makompleto ang pangungusap. Isulat sa inyong
sagutang
papel.

pagtitinda pagpasok pakainin


tumutulong pumupunta

1. Umuwi siya kaagad pagkatapos ng klase upang_________ang kaniyang mga


alagang baka.

2. Pag-uwi sa bahay ay_________din siya sa paghahanda ng pagkain.

3. Maaga pa lang ay naghahanda na siya sa__________sa paaralan.

4. __________ siya sa palengke upang tulungan ang kaniyang nanay.

C. Panuto: Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Magkaiba ang kambal na sina Beth at Seth. Palaaral si Beth. Lagi niyang binabasa
ang kaniyang mga aralin. Palagi tuloy matataas ang kaniyang mga marka sa paaralan.
Taliwas naman sa kaniya si Seth. Mahilig siyang maglaro. Madalas ay lumiban pa siya sa
klase para lang makapaglaro. Kaya naman5 marami sa kaniyang marka ang bagsak. Palagi
tuloy siyang napagalitan ng kaniyang ina.
1. Ano ang maibigay mong angkop na pamagat sa talata?

D. Panuto: Pakinggan ang kuwento, “Ang Pagsisi”, na babasahin ng magulang/sinumang


miyembro ng pamilya. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat sa papel
ang
iyong sagot.

Ang Pagsisisi

Si Jean ay nasa ikaapat na baitang. Siya ay matalino, kaya laging nangunguna sa


kanilang klase. Isang araw may ipinagawa sa klase ang kanilang guro sa Araling Panlipunan.
Sa kanilang pangkat, siya ang pinili ng guro na maging pinuno. Hindi alam ng kanilang guro
na isa sa mga kaklase ni Jean na si Jessa ay mas mahusay sa proyektong ipinagawa ng guro.
Dahil kay Jessa, unang natapos ang kanilang grupo. Pinuri ng guro si Jean. Nagkunwari
naman ito na siya lang mismo ang gumawa ng kanilang proyekto. Tinanong ng guro Si Jean
tungkol sa mga paraan sa paggawa sa proyekto. Wala siyang nasabing paraan kung paano ang
paggawa sa proyekto hanggang ipinagtapat na lamang niya ang totoo na hindi siya ang
gumawa kundi si Jessa, isa sa kasamahan niya sa pangkat. Humingi siya ng tawad at
pinagsisihan ang kaniyang pagsinungaling. Sinabi niyang hindi na niya uulitin pa ang
nagawang mali. Pinatawad naman siya ni Jessa at ng kanyang guro.

1. Batay sa tekstong napakinggan, sino ang nagsinungaling?


2. Saan nangyari ang usapan?
3. Bakit laging nangunguna si Jean sa kanilang klase?
4. Paano nalaman ng guro at ng mga kaklase na nagsinungaling si Jean?

Isaisip

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Ang _______________ay sitwasyon kung saan ikaw mismo ay nakaranas ng


bagay na tinutukoy.
a. pag-uugnay ng sariling karanasan b. pag-ugnay sa iba
c. pakikipag-ugnay d. sariling salita

2.Ang ______________ sa talatang binasa ay mas mainam na paraan upang higit na


malaman kung naunawaan ng tao ang kaniyang binasang talata. Ito rin ay susi sa
pag-unawa sa binasa.

6
a. pagbibigay ng wakas b. pagbibigay ng ibang wakas
c. pagbibigay ng angkop na pamagat d. pagigay ng pamagat sa teksto
3.Ano ang maaring gamitin sa pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto?
a. larawan b. aklat
c. sariling salita d. pagguhit
(4-8) Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Isang araw habang nanood ng telebisyon si Dan may babaeng sumilip sa


bintana. Takot na takot si Dan dahil may dinadala itong sandata at gusto siyang
patayin nito. Sinabi niya sa sarili, nasaan ako? Isang panaginip lang pala ang
pangyayaring naganap.

4. Ano ang naging karanasan ni Dan sa kanyang panaginip?


a. Siya ay nanood ng telebisyon b. May babaeng sumilip sa kanya
c. May dalang sandata d. Gusto siyang patayin ng babae

5. Alin ang angkop na pamagat sa talata?


a. Ang Panaginip ni Dan b. Habang Nannood ng Telebisyon
c. May Nakita Siyang Babae d. Isang Pangyayaring Naganap

(6-8.) Isalaysay muli ang talata gamit ang sariling salita. Isulat ito sa sagutang
papel.

Isagawa

A. Panuto: Ibigay ang sariling karanasan sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsulat ng


mga
pangungusap. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1.___________________________________________________________________
__

2.___________________________________________________________________
__

B. Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng bawat talata.
Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Ang niyog ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit. Natatangi ito sa lahat ng
puno ng niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng
sabon, shampoo, at iba pa.
a. Ang niyog b. Ang mga Gamit ng Niyog
c. Ang Kalusugan d. Ang Punong Niyog

7
2. Ako ay natakot sa COVID-19. Kaya iniiwasan ko ang paglabas sa bahay para hindi
mahawa nito.
a. Ang Pagkatakot sa COVID-19
b. COVID
c. Ang Pagkatakot
d. Ang Pag- iwas sa COVID

3. Isa sa mga tradisyon nating mga Filipino ay ang kapistahan. Ipinagdiriwang ito sa
pamamagitan ng paghahanda ng mga pagkain. Isa pang kilala nating tradisyon ay
ang
bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain.
May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga
lalawigan.
a. Mga Tradisyon
b. Iba’t-ibang Tradisyon ng mga Filipino
c. Iba’t-ibang tradisyon ng Mga Filipino
d. Ang mga Tradisyon

4. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuting


pagtanggap
sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay
abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang
pamilya
ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan
din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.
a. Ang Mabuting Pagtanggap ng Panauhin
b. Panauhin
c. Ang mabuting pagtanggap Ng Panauhin
d. panauhin

C. Panuto: Pakinggan ang kuwento, “Sina Rina at Roy”, na babasahin ng


magulang/sinumang miyembro ng pamilya. Sagutin ang mga tanong tungkol
dito. Isulat sa papel ang titik ng wastong sagot.

Sina Rina at Roy

Sa lugar ng San Agustin, may kambal na sina Rina at Roy. Magkaiba ang katangian ng
dalawa. Laging nag-aaral si Rina. Lagi niyang binabasa ang kaniyang mga aralin. Ito ang
naging dahilan kung bakit palaging matataas ang kaniyang mga marka sa paaralan. Taliwas
naman sa kanya si Roy. Mahilig siyang maglaro. Madalas ay lumiliban pa siya sa klase para
lang makapaglaro sa kaibigan niya. Kaya naman marami sa kaniyang marka ay bagsak. Palagi
tuloy siyang napapagalitan ng kaniyang ina.

1.Sino-sino ang mga tauhan nito?


a. sina Ruth at Roy
b. Rina

8
c. Roy
d. ina

2. Saang lugar nangyari ang teksto?


a. sa paaralan
b. sa San Agustin
c. sa bahay ni Rina
d. sa palaruan

3. Bakit palaging matataas ang marka ni Rina?


a. bagsak ang marka
b. palaging nagbabasa
c. Palaaral si Rina
d. Pinapagalitan ng nanay

4. Paano ipinakikita ni Roy ang kaniyang pag-aaral?


a. Palaging nagbabasa
b. Palaaral
c. lumiliban sa klase
d. Palaging pumasok

5. Dahil bagsak ang mga marka ni Roy, ano ang nagawa ng kanyang nanay?
a. hindi pinapagalitan
b. palaging sinisisi
c. walang kibo
d. palagi tuloy siyang napapagalitan

D. Panuto: Pakinggan ang teksto tungkol sa “Mga Paraan sa Pagsisipilyo” na babasahin ng


magulang/sinumang miyembro ng pamilya. Isalaysay muli ang iyong
napakinggang teksto sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga pangungusap na
na nasa ibaba. Kopyahin sa papel ang bawat pangungusap at isulat sa linya ang
bilang 1-4 bilang sagot.

Mga Paraan sa Pagsisipilyo

Narito ang mga paraan sa pagsisipilyo ng ngipin. Una, ihanda ang sipilyo,
toothpaste at baso. Lagyan ng toothpaste ang sipilyo. Lagyan din ng tubig ang baso. Sipilyuhin
ang ngipin sa taas, baba, kaliwa, at kanan. Magmumog ng tubig upang matanggal ang bula sa
bibig. Huwag kalimutang hugasan ang sipilyo bago itago sa lalagyan.

1. _______Sipilyuhin ang ngipin nang taas, baba.


2. _______ Ihanda ang sepilyo, toothpaste at baso.
3. _______ Huwag kalimutang hugasan ang sepilyo.
4. _______ Magmumog ng tubig.

9
Tayahin
A. Panuto: Pakinggan ang babasahing teksto ng magulang/ sinumang miyembro ng
pamilya na pinamagatang “Ang Batang si Efren.” Isulat sa papel ang titik
ng tamang sagot.

Ang Batang si Efren


Nasa ikaapat na baitang si Efren. Bata pa lamang siya, nakagisnan na niya ang
pagkamasipag. Masipag siya sa mga gawain sa bahay. Sa paaralan lagi siyang nangunguna sa
paglilinis ng silid-aralan kahit hindi siya pinag-utusan ng guro. Lagi siyang nag-aaral ng
kanilang aralin. Hindi siya nakipag-away sa mga kaklase. Kaya parating mataas ang kanyang
mga marka. Dahil bukod sa kasipagan, matalino rin siya. Ang nais niya sa sarili ay tumulong
sa anumang gawain kahit saang lugar.

1. Sino ang pinag-usapan sa teksto?


a. Allan b. Efren c. Alfred d. Jhon
2. Ano ang ginawa ni Efren sa paaralan?
a. palaging nangunguna sa paglilinis ng silid-aralan
b. ayaw tumulong
c. nakikipag-away
d. huli sa klase

3. Alin ang maibibigay mong pamagat sa teksto?


a. Ang Mga Ginagawa ni Efren sa Paaralan
b. Ang mga Ginagawa ni Efren sa Paaralan
c. Sa Paaralan
d. Si Efren

4-5. Magbigay ng dalawang pangungusap tungkol sa karanasan ni Efren habang siya ay


nag-
aaral.

B. Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat sa sumusunod na talata.


6. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming
suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t-isa.
a. Pamilya b. Pilipino c. Ang Mag-anak d. Ang Pamilyang Pilipino

7. Ang niyog ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit. Natatangi sa lahat ng puno
ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon,
shampoo, at iba pa.

10
a. Ang niyog b. Ang mga Gamit ng Niyog
c.Ang Kalusugan d.Ang Punong Niyog

8. Isasalaysay ang kuwento tungkol kay Efren sa pamamagitan ng isang pangungusap

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng iyong sariling karanasan tungkol sa Pagdiriwang ng Iyong Kaarawan.

_________________________________________________________________________
__

_________________________________________________________________________
_

_________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________
__

11
Susi sa Pagwawasto
Subukin

1.b
2.a
3.b
4.Palaging nangunguna sa paglilinis ng silid-aralan
5.Palaging nag-aaral ng kanyang aralin
6.d
7.b
8.magkaiba ang sagot

Balikan

1.Ang pagdalo ni Tina sa kaarawan ng kanyang pinsan


2.sa Tagbilaran
3.Naranasan niya ang sigawan ng mga tao sa tila mala-prisesang suot ng pinsan
4.Ang Kaarawan ng Pinsan ni Tina
5.Magkaiba ang sagot

Tuklasin

1.Si France
2.wala na siyang oras sa pag-aaral
3.Ang Batang Mahilig sa Gadget
4.magkaiba ang sagot

Pagyamanin
A. magkaiba ang sagot

B.
1.pakainin
2.tumutulong
3.pagpasok
4.pumupunta

C.
1.Sina Beth at Seth
2.Palaaral si Beth, si Seth ay mahilig maglaro
3.Dahil madalas siyang lumiban sa klase
4.Si Beth, dahil siya ay palaaral at matataas ang kanyang mga marka
5.Ang Magkakambal

D.
1.Si Jean
2.sa paaralan
3.Dahil siya ay matalino
4.Nang tinanong siya ng guro at walang nasabi sa mga paraan sa paggawa ng proyekto

Isaisip
12
1.a
2.b
3.c
4.d
Isagawa
A.
1-2. magkaiba ang sagot
B.
1.b
2.a
3.b
4.a

C
1.a
2.b
3.c
4.c
5.d

D.
1.2
2.1
3.4
4.3

Tayahin

A.
1.b
2.a
3.b
4.Laging nangunguna sa paglilinis ng silid-aralan
5.Hindi siya nakipag-away sa mga kaklase

B.
6.d
7.b
8.magkaiba ang sagot

Karagdagang Gawain
 Magkaiba ang sagot

13
Sanggunian
Books
Lalunio, Lydia P., et.al. 2010. Hiyas sa Pagbasa 4. Quezon City : LG&M Corporation.
Agarrado, Patrica Jo C., et.al. 2016. Alab Filipino 5. Quezon City Vibal Group, Inc.
Lalunio, Lydia P., et.al. 2010. Hiyas sa Pagbasa 4. Quezon City : LG&M Corporation.

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bohol Division

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone: (038) 412 – 4938 (038) 411 – 2544 (038) 501 – 7550
Telefax: (038) 501 – 7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph

15

You might also like