You are on page 1of 14

10

FILIPINO
Ikalawang Markahan- Modyul 1:
MITOLOHIYA
Karapatang sipi @ 2020 ng Deped Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga video nang walang nakasulat na
pahintulot ang tagapaglathala at may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-aklat
na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at Inilimbag sa Pilipinas ng Deped Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto


Drive, Cogon District, Tagbilaran City Bohol.

May-akda:
Jasmin M. Lim

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph,D.
Jocelyn T. Rotersos, R L.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jasmin M. LIm


Tagasuri: Wilfreda O. Flor, Ph.D.
Josephine D. Eronico, Ph,D.
Jocelyn T. Rotersos, R L.

Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson


Tagalapat: Georgie M. Gulle
Tagapamahala: Bianito D. Dagatan, Ed.D, CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restificar, Ph D.
OIC-CID Chief

Josephine D. Eronico, Ph D.
EPS, LRMDS
Wilfreda O. Flor, Ph D.
EPS Filipino

Inilimbag sa Pilipinas sa Pansangay ng Bohol


Department of Education-Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone No. (038)412-4938 (038) 411-2544 (308) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
Email address: Deped.bohol@deped.gov.ph
10

FILIPINO
IkalawangMarkahan-Modyul 1:
Mitolohiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling “Mitolohiya”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang
pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


“Mitolohiya”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Unang
Linggo
MITOLOHIYA
Alamin
Sa

katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto
ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol
ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising
ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel
ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa unang
linggo ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:
 Aralin 1-Unang Araw: Paglalahad ng Pangunahing Paksa at Ideya Batay sa
Binasang Mitolohiya
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan.(F10PN-IIa-b-71)

 Aralin 2-Ikalawang Araw: Pagsasama ng mga salita upan g makabuo ng


ibang kahulugan.
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan (collocation) (F10PT-IIa-b-71)

 Aralin 3-Ikatlong Araw: Pagsusuri sa Elemento ng Mitolohiya


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang
mitolohiya (F10PB-IIa-b-73)

 Aralin 4-Ikaapat na Araw: Paghahambing sa Mitolohiyang Pilipino sa


Mitolohiya ng Bansang Kanluranin.
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:

Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang Kanluranin sa mitolohiyang


Pilipino. (F10PU-IIa-b-73)

Matutunghayan sa araling ito ang tungkol sa mitolohiya, bilang isa sa mga panitikan ng
Hawaii. Ang mga araling ito at gagabay sa inyo upang maunawaan mo kung masasalamin ba
ang kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala at kultura nga mga bansa sa Hawai sa akdang
babasahin. Mahihinuha mo rin kung mayroon ba itong pagkakatulad asa mga Pilipino.
Ang pagsagot ng mga tanong ay nagpapaunlad sa kasanayan mo sa pag-unawa ng
iyong binabasa. Higit pa rito ay mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagpapaliwanag o
pagpapahayag ng sariling ideya o kaisipan.

Balikan

Gawain 1: Lagyan ng tsek ( /) ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa Mitilohiya.
Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap na magpapahayag tungkol sa
mitolohiya.
____1.Ang mga tauhan ay mga Diyos at Diyosa na may taglay na kakaibang pangyayari.
_____2.Ito ay nagsasaad ng realidad at tumatalakay sa pawang katotohanan lamang.
_____3. Naglalahad ng katangian na nagsasaad ng kalakasan at kahinaan ng tauhan.

_____4. Nagtataglay ng sukat at tugma.


____5. May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon.
Pangungusap: _____________________________________________________________
__________________________________________________________.
Sa pagsagot sa Gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat
ang inyong tamang sagot.

Tuklasin

Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay


sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa
pakisasalamuha sa mga tao.

Basahin at unawain ang Mitolohiya na Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan,


(Pinagyamang Pluma, pahina 155 – 160). Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na gawain.

Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

May isang diyosa ng makalumang kalupaan at diyos ng kalangitan na ang pangalan ay


si Haumea at Kane Milohai. Sila ay mayroong anim na anak na babae at pitong anak na lalaki.
Habang lumalaki ang mga anak ay nawawala ang kapayapaan ng pamilya lalo na sila Pele,
an ng diyosa ng apoy, at Namaka, ang diyosa ng tubig. Nagkaroon sila ng matinding alitan, na
kahit ang magulang nila ay hindi maawat, sa paniniwala ni Namaka na inagaw ni Pele ang
kabiyak niya.
HINDI NGA TOTOO YAN!
Hindi ba kayo titigil?!
SINUNGALING!
Tigilan niyo na iyan mga anak!
Hanggang sa kinakailangan nilang lumipat sa ibang lugar dahil sa isang trahedyang
nangyari at naiwan nila si Namaka.

Si Hi'iaka na nagmula sa itlog na napisa nung lumipat ang kanilang mag-anak sa isang isla
ay isa dalaga na. Ang mga tao ay namangha sa kagandahan nila Pele at Hi'iaka, pati rin
sa pagsasayaw ni Hi'iaka ng hula. Subalit, napilitan silang lumipat ng tirahan dahil
ang mga apat na diyosa sa islang ito ay tinabunan nila ng niyebe ang tahanan ng mag-anak
ni Pele dahil ang atensyon ng mga tao sa isla ay natatapat sa dalawang magkapatid kaya
nagalit
ang mga diyosa sa kanila at nagpasya na palayasin sila sa isla.
Wooh!
Ang galing!
Grabe!!
Astig kayo!
Wow!
Maganda at magaling pa!
Nakahanap din sila ng isang ligtas na lugar sa pamilya niya na ang Mauna Loa, ang
pinakamataas na bundok. Subalit hindi basta sumuko si Namaka, pinilit niyang pinaabot ang
mga alon na pinakawalan niya sa tuktok ng bundok pero hindi rin nagpatalo si Pele.
HINDI AKO MAGPAPATALO!!
SUMUKO KA NA!!
Sa wakas nagamit din niya ang apoy upang makaganti kay Namaka. Bagam’t nanalo
siya sa labanan nila ni Namaka labis na nanghina ang kanyang katawang lupa ni Pele at
siya’y namatay. Ngunit ang kanyang espiritu ay nanatili at nagagawa nitong baguhin ang
kanyang anyo sa anumang itsurang nais niya.
Minsan sa kanyang pamamasyal nagbabalat-kayo siyang napakagandang dalaga at nakita
niya ang makisig na binata na si Ohi'a na sinubukan niyang akitin ito ngunit buong galang
siyang tinanggihan nito dahil may kabiyak na siya. Nakita nga ni Pele si Lehua na maghatid
ito ng pananghalian ni Lehua kita niya kung papaano niyakap at hinagkan ni Lehua ang
kanyang asawa.Bigla siyang nakaramdam ng galit dala ng matinding panibugho at kumawala
ky Pele ang matinding apoy na tumama kay Ohi’a kaya ito’y nagging isang sunog na puno.
Nakita ito ni Lehua at walang tigil siya lumuha sa puno at kay Pele. Lumambot ang puso ni
Pele at ginampanan niya ang kahilingan ni Lehua na gawin siyang bulaklak para magsama
sila ng kabiyak niya.
Gagampanan ko ang iyong kahilingan na ika'y maging halaman. Pasensiya na.
Buhayin mo ang asawa ko o gawin mo akong isang halaman para makasama ko siya parang
awa mo na diyosa, Pele!
Mula noo’y naggin halamang may pino at magandang pulang bulaklak si Lehua na
ikinapit niya sa puno na si Ohi’a.
Subalit hindi pa rito nagtatapos ang kwento sa pagseselos ni Pele. Isang araw,
inutusan ni Pele si Hi'iaka ang kanyang paboritong kapatid na sunduin ang kanyang
kasintahang si Lohi'au at pumayag si Hi'iaka sa isang kondisyon na alagaan ni Pele ang
kanyang hardin. Napakarami ang halimaw at mga panganib ang daraanan ni Hi'iaka at
napatagal ang kanyang paglakbay. Naabotan niya si Lohi’au na nakasakit kaya kinakailangan
pa niyang pagalingin bago pa sila maglakbay pauwi. Nahulog ang loob nila sa isa’t-isa ngunit
malaki ang paggalang ni sa kanyang ate at hindi siya gagawa ng anumang ikakasakit nito
kaya nakuha niya itong labananUmabot ng apatnapung araw na ang lumipas at hindi
mapakali si Pele sa tagal ni Hi'iaka. Kung ano-ano na ang naisip niya at inakala niya na baka
inakit ni Hi'iaka si Lohi'au.
NASAAN NA KAYO HI'IAKA, LOHI'AU??!!
Sa tinding selos ay sumabog ang lava sa bulkan at nasunog niya ang hardin.Nang Makita
ni Hi ‘iaka na natabunan ang kanyang hardin at si Hope na kanyang kaibigan
ipinagdaramdam
niya ito at ikinagalit kaya upang makaganti niyapos niya nang halik si Lohi’au na siyang
muling nagpasabog sag alit ni Pele. Pinasabog ni Pele ang bulkan at dumaloy ang lava at
namatay si Lohi’au
Napagtanto ni Hi'iaka na mahal na mahal pala niya si Lohi'au nung namatay siya.
Humingi ng tulong at nagpakiusap si Hi'iaka sa kanyang kuya na si Kane-milo na kunin ang
kaluluwa ni Lohi'au sa kailaliman ng lupa at ibinalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawang-
lupa.
Sa huli ay pinagsisihan ni Pele ang kanyang nagawa sa kanyang pinakamamahal niyang
kapatid at hinayaan sila Hi'iaka at Lohi'au na mamuhay nang tahimik at payapa. Bilang
pagpapakita ng pagsisisi at pagmamahal ni Pele sa kanyang kapatid, ang masaganang
pagsibol at pagpatuloy ng kung anumang itanim nila Hi'iaka at Lohi'au sa kanilang lupain ay
ang kagagawan ni Pele.

Ang pangunahing kaisipan/paksa ay tumutukoy sa diwa o kung ano ang nais ipaunawa
ng may akda tungkol sa paksa na babasahin ng kanyang mga mambabasa.

Pantulong na kaisipan/Ideya -nagtataglay ng mahalagang impormasyon o mga detalye na


sumusuporta sa pangunahing kaisipan.Ito rin ang gumagabay sa mambabasa upang
maunawaan ang nilalaman ng talata.
Halimbawa:
Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. Kapag matatag ang loob ng isang
tao ay nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Ano man ang pagsubok na dumating ay hindi
niya ito inaayawan. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap. Kaya, mahalagang ang isang tao
ay may matatag na kalooban.
Ang sinalungguhitang pangungusap ay ang pangunahing paksa at ang iba pang mga
pangungusap ay pantulong na ideya.
Narito ang isa pang halimbawa:
Si Leo ay palaging maagang dumarating sa paaralang. Gusto niya kasing makapagbasa
pa ng kaniyang mga aralin bago dumating ang guro. Palagi siyang sumasagot kapag may
tanong ang kanyang mga guro. Pagdating ng bahay, ginagawa niya muna ang kanyang mga
takdang- aralin bago maglaro o manonood ng telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit matataas
ang kanyang nakukuhang marka.
Ano ang masasabi natin tungkol sa nabasa?
1. Maagang pumasok si Leo para makapag-aral.
2. Siya ay nakakasagot kapag may tanong sa klase.
3. Inuna niyang gawin ang kanyang mga gawaing pampaaralan.
4. Matataas ang kanyang mga marka.
Ano ngayon ang pangunahing kaisipan ng sanaysay?
Mabuting estudyante si Leo.
Ang mga naitalang kaisipan bilang 1-4 sa itaas ay pantulong na ideya o kaisipan.

Gawain 2

Panuto: Narito ang mga kaisipang napapaloob sa mitolohiyang binasa, lagyan ng tsek (/) ang
kahong katapat kung ito ay Pangunahing kaisipan at ekis (x) kung ito ay pantulong na Ideya.

1. Nagkaroon ng matinding alitan si Namaka at Pele sa paniniwala ni Namaka na


inagaw ni Pele ang kabiyak niya na naging dahilan na nagkagulo at
nagkawatak-watak ang lanilang pamilya.
2. Inakala ni Pele na baka inakait ni Hi’iaka si Lohian na kasintahan niya sapagkat
natagalan na itong bumalik kaya sa tinding selos ay sumabog ang lava ng
bulkan at naging sanhi ng pagkasunog ng hardin ni Hi’iaka.
3. Biglang nakaramdam ng galit si Pele dala ng matinding panibugho kay Lehua
dahil sa asawa nito ng makisig na binata na si Ohia na natitipuan niya kaya pinatamaan niya ng
apoy si Ohia at naging sanhi ng pagkasunog ng ni Lehua at naging puno.
4. Ang labis na pagseselos na kahit walang sapat na dahilan ay nagdala ng gulo at
kapahamakan..
5. Upang makahiganti ay niyapos ng halik ni Hi’iaka si Lohian na siyang muling
nagpasabog sa galit ni Pele at pinasabog niya ang bulkan, dumaloy ang lava at namatay si
Lohian.

Suriin

Susuriin mo ngayon ang nilalaman ng binsang halimbawa ng Mitolohiya, si Diyosang Pele at


Diyosang Namaka na magkapatid subalit nagging mortal na magkaaway. Dahil sa hindi nila
pagkakasundo’y naapektuhan na rin maging ang kanilang magulang at mga kapatid.

Nasiyahan ka ba sa binasa mong mitolohiya? Naramdaman mo ba ang emosyong


naghari sa mga tauhan sa akda?

Ngayon ay handa ka nang sagutin ang sumusunod na mga Gawain batay sa


akdang iyong binasa.

Gawain 3
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Anong Mensahe ang nais iparating ng Mitolohiya sa mambabasa?
2. Masasabi bang nagging epektibo ang Mitolohiya sa pagpaparating ng mensaheng ito?
Patunayan
3. Bakit mahalaga ang pagkilala(Pagbabasa, pakikinig o panonood ) ng mga mitolohiya?
*Kolokasyon/Collocation – punong salita na dinagdagan ng ibang salita at nakakabuo
ng ibang kahulugan. Ginagamit ang kolokasyon upang magkaroon ng iba pang kahulugan ang
mga salita batay sa isa pang salita. Nilalayon nitong magamit ang isang punong salita sa iba
pang salita. Pinayayaman nito ang salita at bokabularyong mga mag-aaral.
Halimbawa:
ulan

alat Tubig pampaligo

kanal

Pagyamanin

Elemento ng Mitolohiya
1.Tauhan
Ang mga tauhan sa Mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan
2.Tagpuan
May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinaunang panahon
3. Banghay
a. maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian
b. maraming tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari
c. nakatuon sa mga suliraninat paano ito malutas
d. ipinapakta ang ugnayan ng tao at ang diyos
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo pagbabago ng panahon at interaksiyong
nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema
a. magpaliwananag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga kapani-paniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
Isaisip
Ang kapamgyarihang taglay ni Diyosang Pele ay hindi nagwawakas sapagkat hanggang
sa kasalukuyang panahon ay marami pa ring paniniwala at kaugalian ang patuloy na
sisinasagawa ng mga tao na nag-uugat sa paniniwala sa kanya. Basahin ang mga ito sa
ibaba.

Mga Paniniwala at Pamahiing Kaugnay ni Diyosang Pele


Hanggag sa kasalukuyang panahon , maraming paniniwala at kaugalian ang patuloy
na isinasagawa ng mga mamayan sa isal ng Hawaii upang maiwasan daw magalit ang
diyosang si Pele katulad ng pagbati ng “Aloha ’ kung may masasalubong na magandang
babaeng may mahaba at nakalugay na nuhok o kaya’y matandang babaeng nakaputi. Ang
mga pagkain , bulaklak at alak ay iniaalay rink ay diyosang Pele.
Ipinagbabawal din sa isla ang pagpitas ng pulang bulaklak ng lehua dahil nga sa
paniniwalang ang halamang ohi’a lehua ay nagmula kina Ohi’a at Lehua , ang mag-asawang
labis na nagmamahalan at ayaw maghiwalay subalt nagging mga halaman nang dahil kay
diyosang Pele . Naniniwala ang mga taong kapag piñatas ang bulaklak ng lehua ay uulan
nang malakas na tila ba pagbagsak ng mga luha ni Lehua dahil ayaw niyang mawalay sa
kanyang kabiyak.
At higit sa lahat huwag na huwag daw mag-uuwi ng mga batong nagmula sa lava ng
bulkan dahil sa paniniwalang apag ginawa mo ito, kahit nasaan ka na ay aanihin mo ang galit
at paghihiganti ni diyosang Pele at magdadala ito sa iyo ng kamalasan . Katunayan ,
napakaraming bato ang ipinababalik sa koreo ng mga taong nag-uwi nito upang mabago ang
mga kamalasang maari nang madala sa kanila ng mga bato.

Basahin ang Mitolohiya ng Pilipinas na pinamagatang Mariang Makiling pagkatapos


ihambing ito sa binasang mitolohiya ng Hawaii, Si Pele ang Diyos ng Apoy at Bulkan

Mariang Makiling
Sa muling-pagsasalaysay ni Manny G. Asuncion
Melbourne-Australia
May 24, 2014

Sa Lalawigan ng Laguna, naniniwala ang mga tao na sa bundok ng Makiling ay


naninirahan ang isang magandang diwatang nagngangalang Mariang Makiling. Ayon sa
kuwento ng mga matatanda, noong panahon daw ang Laguna ay pinamumunuan ng
dalawang bathala-sina Dayang Makiling at Gat Panaho.
Ang mga bathalang ito raw ay mayroong magandang anak na dalaga na
pinangalanan nilang Mariang Makiling. Dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan, si
Maria ay siyang tanging lakas at ligaya ng kanyang mga magulang.

Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kay Mariang Makiling naiwan ang
pamumuno ng nasabing lalawigan.

Kaiba sa mga naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang


mga nasasakupan. Tuwing umaga ng tiyangge, bumababa siya sa bundok Makiling at
nakikihalu-bilo sa mga taumbayan. Kasama ng dalawang katulong na mga katutubo, namimili
sila ng mga kagamitan at ang ipinamamalit ay mga gintong piraso ng luya.

Totoong napakabuti niya sa mga mamamayan doon. . Ang bundok na kanyang


tinatahanan, na sagana sa mga gulay at bungang-kahoy ay bukas para sa ibig mamitas
doon. Pati na ang mga ibon at hayup sa gubat ay siyang paraiso ng mga mangangaso.

Handa rin siyang tumulong sa mga nangangailangan. Tulad ng kanyang ina,


namumudmod siya ng mga ginintuang luya sa bakuran ng mg taong nasa gipit na kalagayan.

Sa mga ikakasal, nagpapahiram siya o nagbibigay ng mga bagay na hindi nila


makayang bilhin, tulad ng mga malasutlang damit pangkasal o mga kasangkapan para sa
kasalan. Anupat napakabait ni Mariang Makiling sa kanyang mga nasasakupan.

Subalit dumating ang panahong ang mga tao ay waring nalimot na ang mga kabutihang
ipinagkaloob sa kanila ni Mariang Makiling. Karamihan sa kanilay di man lamang marunong
tumanaw ng utang na loob. Walang patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok
Makiling sa pagkakaingin at sa pagpatay nang walang habas sa mga ibon at hayup na
naninirahan doon.

Dahil dito, nagalit si Mariang Makiling at pinagbawalan na ang taong mangaso o


mamitas ng mga gulay at prutas sa naturang bundok.

Sa anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang


kalangitan kaalinsabay ng dumaragundong na kulog at matatalim na kidlat at
nagaalimpuyong bagyo.

At higit sa lahat, hindi na siya bumaba ng bundok Makiling para makisalamuha sa mga
mamamayan doon.

Sa ngayon, ang tanging matatamis na alaala na lamang ng panahong si Mariang


Makiling ay nagpapakita sa tao ang naiwan sa mga taumbayan ng Laguna.

Subalit may ilan pa rin ang nagsasabing, kapag kabilugan ng buwan, makikita raw ang
isang napakagandang babaing may mahaba’t maitim na buhok at matamis na umaawit sa
madawag na kagubatan ng bundok Makiling.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang titik na nagtataglay ng wastong sagot.

1. Ano ang tawag sa mga kuwento na tungkol sa mga diyos at diyosa?


a.Alamat b.Dagli c.Epiko d. Mitolohiya
2. Ano ang bagay na nagging kasangkapan ni Pele sa kanyang pakikipaglaban?
a. apoy b. espada c. ginto d. tubig
3. Siya ang pangunahing tauhang nagging tagapagligtas ng kanyang pamilya subalit nagdala
rin ng maraming kapahamakan sa iba dahil sa kanyang pagiging mainitin ang ulo at labis na
pagseselos.
a. Haumea Pele b. Hi’iaka c. Namaka d. Pele
4. Tumutukoy sa diwa o kung ano ang nais ipaunawa ng may akda tungkol sa paksa na
babasahin ng kanyang mga mambabasa.
a. Paksang pangungusap b. Pangunahing kaisipan
c. Pantulong na kaisipan d. mahalagang kaisipan
5. Ano ang naging resulta ng matinding alitan nina Pele at Namaka?
a. Nagkawatak-watak ang kanilang pamilya b. Nagalit si Pele kay Hi'iaka dahil sa selos
c. Namatay ang si Hi’iaka d. Nagpalipat-lipat sila ng tirahan.
6. Ito ginagamit upang magkaroon ng iba pang kahulugan ang mga salita batay sa isa pang
salita. Ang punong salita na dinagdagan ng ibang salita at nakakabuo ng ibang kahulugan.
a. Konotasyon b. Kolokasyon c. Epitimolohiya d. Etimolohiya
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paniniwala kaugnay sa Diosyang Pele?
a. Ipinagbabawal din sa isla ang pagpitas ng pulang bulaklak ng lehua
b. Naniniwala ang mga taong kapag pinitas ang bulaklak ng lehua ay uulan nang
malakas na tila ba pagbagsak ng mga luha ni Lehua
c.Huwag daw mag-uuwi ng mga batong nagmula sa lava ng bulkan dahil sa
paniniwalang kapag ginawa mo ito, kahit nasaan ka na ay aanihin mo ang galit at paghihiganti
ni diyosang Pele at magdadala ito sa iyo ng kamalasan.
d. kapag kabilugan ng buwan, makikita raw ang isang napakagandang babaing may
mahabat maitim na buhok at matamis na umaawit sa madawag na kagubatan ng bundok.
8. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan?
a. Ang banghay ay napapalooban ng masalimuot at kawing kawing na mga pangyayari.
b. Tumalalakay sa mga pangyayari na nagsasaad ng pawang katotohanan.
c. Ang mga tauhan ay pawang mga karaniwang mamamayan sa komunidad.
d. Ang tema ay nakatuon sa pagpapaliwanag sa natural na pangyayari, pinagmulan ng
buhay sa daigdig at ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa.
9. Bakit mahalaga ang mitolohiya?
a. Nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at mga nakatatakot na
puwersa sa daigdig.
b. Mababasa dito ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon.
c. Nagtuturo ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan.
d. lahat ng nabanggit.
10. Alin sa mga pangungusap ang pangunahing paksa?
1. Pinagsisihan ni Pele ang kanyang nagawa sa kanyang pinakamamahal na kapatid. 2.
Hinayaan niya sina Hi'iaka at Lohi'au na mamuhay nang tahimik at payapa. 3.Tinutulungan niya
sila sa kanilang mga pananim bilang tanda ng kanyang pagsisisi.4.Ang masaganang pagsibol at
pagpatuloy ng kung anumang itanim nila Hi'iaka at Lohi'au sa kanilang lupain ay kagagawan ni
Pele.
a. 1 b. 2 c. 3 4. 4

You might also like