You are on page 1of 16

Araling

8
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao
(Wika at Relihiyon)
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Minoan at Mycenaean at Kabihasnang
Klasikal ng Greece
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Elvira B. Perocho
Tagasuri: Joelita C. Salmasan

Tagapamahala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

Faustino N. Toradio, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Jupiter D. Maboloc PhD


EPS, Araling Panlipunan

Josephine D. Eronico PhD


EPS, LRMDS

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph

1
8

Araling Panlipunan
Ikaapat Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao
(Wika at Relihiyon)

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiyang Pantao(Wika at Relihiyon)
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Heograpiyang Pantao(Wika at Relihiyon).
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan


sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

3
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Modyul na ito bilang kagamitan sa pag-aaral
nitong panahon ng bagong normal. Sa kabila ng krises na ating kinaharap sa kasalukuyan, ang
pagkatuto ay dapat maipagpatuloy. Magiging kasama mo itong modyul sa pag-aaral ng Araling
Panlipunan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang
natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapwa at magiging kaakibat sa pagpapa-unlad ng bansang
Pilipinas.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulogan ng konseptong
nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang
kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang
damdaming makabansa.

`Ang mga salitang ginagamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabolaryo. Ang daloy
ng mga aralin ay dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Pagkatapos mong pag-aaralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:


1. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig
(Wika at Relihiyon).

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng inyong tamang
sagot.
1. Ito’y tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi at pangkat-etniko. .
A. Heograpiya C. Heograpiyang Pantao
B. Heograpiya ng Daigdig D. Heograpiyang Pisikal

2. Ito’y nangangahulugang buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan
nito.
A. Wika B. Lahi C. Religare D. Pangkat-etniko

3. Alin sa sumusnod ang kinabibilangan ng wika ng Pilipinas?


A. Afro-Asiatic B. Austronesian C. Niger-Congo D. Sino-Tibetan

4. Si Kendra ay nakatira sa Estados Unidos at gamit niya ang wikang Ingles. Ano ang
pagkakakilanlan o identidad ni Kendra ayon sa pahayag?
A. Lahi B. Relihiyon C. Pangkat-etniko D. Wika

5. Ayon sa talaan ng mga pangunahing relihiyon sa daigdig, alin ditto ang may
pinakamaraming tagasunod?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo

6. . Ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito.


A. Non-Tonal B. Tonal C. Tono D. Wika

7. Alin ay hindi kabilang sa saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?


A. Lahi B. Pangkat-etniko C. Rehiyon D. Wika

5
8. Si Bon ay isang kristiyano at isang empleyado. Nakasanayan niyang simulan ang kanyang
gawain sa mataimtim na pagdarasal. Kadalasan hindi siya nakaligtas sa mga taong
mapanghusga sa kanya. Batay sa sitwasyon, ano ang kahalagahan ng kanyang ginagawa?
A. Ito’y nakasanayan na niyang gawain sa araw-araw.
B. Kailangan niya itong gawin upang ipakita sa kanyang mga kasamahan.
C. Ito’y gabay ng kanyang pagkilos sa pang-araw-araw niyang pamumuhay.
D. Lahat ay tama

9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng relihiyon MALIBAN sa isa.


A. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
B. Naging salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian.
C. Naging dahilan sa pag-unlad at pag-iral ng mga kultura.
D. Naging sandigan ng tao kapag nasa kagipitan lamang.

10. Ayon sa pie grap, kung ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa daigdig, pang-
ilan naman ang Hinduismo?
A. Pangalawa B. Pangatlo C. Pang-apat D. Panglima

Aralin Heograpiyang Pantao (Wika at


Relihiyon)
1

Balikan
1. Ano ang heograpiya?
2. Anu-ano ang mga tema sa pag-aaral ng heograpiya?
3. Paano ito nakatulong sa paghubog ng mga sinaunang tao?

Tuklasin

Larawan A Larawan B

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan A at B?
2. May kinalaman ba ito sa paghubog ng isang tao o pangkat? Pangangatwiranan.

6
Suriin

Ang heograpiyang pantao ay isang sangay ng heograpiya na nag-aaral sa mga tao at ang
kanilang komunidad, kultura, ekonomiya at ang pakikipag-ugnayan sa kapaligiran nito sa
pamamagitan ng pag-aaral sa kanilang mga relasyon sa iba’t ibang mga lokasyon.
Ang saklaw sa pag-aral ng heograpiyang pantao ay ang wika, lahi, relihiyon at pangkat-etniko.
A. Wika - ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakilanlan o
identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7, 105 buhay na wika at
nakapaloob ito sa language family o mga wikang magkakaugnay-ugnay at may iisang pinag-ugatan.
Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsanga-
sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Uri ng Wika
A. Tonal – ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito.
B. Non –Tonal o Stress – ang pagbabago ng tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa
kahulugan ng salita at pangungusap.

Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig:


Pamilya ng Iilan sa mga bansang gumagamit Buhay na Bahagdan ng
Wika Wika gumagamit ng wika
Afro-Asiatic Algerian, Bahrain, Saudi Arabia 366 5.81
Austronesian Chile, Indonesia, Philippines 1,221 5.55
Indo-European Spain, Russia, Italy, Norway 436 46.77
Niger-Congo Negeria, South Africa, Cuba 1,524 6.91
Sino-Tibetan China, Burmese, Thailand 456 20.34

B. Relihiyon - ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa
isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Ito’y nagmula sa salitang “religare” na ang
ibig sabihin ay buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito. Ang relihiyon
ay:
 naging batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay
 naging salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian pagkasawi ng maraming buhay
 dahilan ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura

Sa panahon ng ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing
–gabay sa kanilang pamumuhay ngunit hindi katulad sa kasalukuyan may organisado at sistematikong
mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig malaki ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng
tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan.

7
Pamprosesong Tanong:
1. Ibigay ang sarili mong ideya. Ano ba ang wika?(5 puntos)
2. Bakit mahalaga sa iyo ang wika at relihiyon bilang isang indibidwal?(10 puntos)
3. May impluwensya ba ang iyong pananampalataya sa pandemyang kinaharap natin ngayon?
Patunayan.(10 puntos)

Pagyamanin

Cross Word Puzzle

8
Panuto: Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa
inilarawan ng bawat bilang at isulat ang bawat titik ng inyong sagot sa mga nakalaang kahon.
1 2
3 4

5 6

7 8

10
Pahalang Pababa
1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may maraming tagasunod

3. Sistema ng mga paniniwala at ritwal 4. Wikang may maraming gumagamit

7. Pagkakakilanlang bayolohikal ng pangkat ng tao 5- Salitang ugat ng relihiyon

9. Pamilya ng wikang Filipino 6. Salitang Greek ng mamamamayan

10. Matandang relihiyonng umunlad sa India 8. Pangkat ng taong may iisang


kultura at pinagmulan

Isaisip

Heograpiyang Pantao

Wika Relihiyon
- kaluluwa ng kultura - kalipunan ng mga paniniwala at ritwal
- pagkakilanlan at identidad sa ng isang pangkat sa kinikilalang
mga taong kabilang sa isang makapangyarihan na naging batayan sa
pangkat na binubuo ng 7,105 na kanyang pang- araw-araw na pamumuhay
wika at tinatayang may136
language family sa buong daigdig

Lahi – pagkakakilanlang biyolohikal ng pangkat ng tao


Pangkat-etniko – pinag-uugnay ng magkakatulad na
Kultura, pinagmulan, wika at relihiyon
Etniko - nagmula sa salitang “ethnos” ibig sabihin ay mamamayan

9
Isagawa

Gawain 1: Reflection Journal


Gumawa ng Reflection Journal. Gawing gabay ang tanong:
1. Bilang isang mag-aaral, paano nahubog at napalawak ang inyong pang-araw-araw na
pamumuhay sa larangan ng wika at relihiyon? (10 puntos).

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng inyong
tamang sagot.

1. Ito’y tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi at pangkat-etniko. .


A. Heograpiya C. Heograpiyang Pantao
B. Heograpiya ng Daigdig D. Heograpiyang Pisikal

2. Ito’y nangangahulugang buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan
nito.
A. Wika B. Lahi C. Relihiyon D. Pangkat-etniko

3. Alin sa sumusnod ang kinabibilangan ng wika ng Pilipinas?


A. Afro-Asiatic B. Austronesia C. Niger-Congo D. Sino-Tibetan

4. Si Kendra ay nakatira sa Estados Unidos at gamit niya ang wikang Ingles. Ano ang
pagkakakilanlan o identidad ni Kendra ayon sa pahayag?
A. Lahi B. Relihiyon C. Pangkat-etniko D. Wika

5. Ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito.


A. Non-Tonal B. Tonal C. Tono D. Wika

6. Ayon sa talaan ng mga pangunahing relihiyon sa daigdig, alin ditto ang may pinakamaraming
tagasunod?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo

7. Alin ay hindi kabilang sa saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?


A. Lahi B. Pangkat-etniko C. Rehiyon D. Wika

8. Si Bon ay isang kristiyano at isang empleyado. Nakasanayan niyang simulan ang kanyang
gawain sa mataimtim na pagdarasal. Kadalasan hindi siya nakaligtas sa mga taong
mapanghusga sa kanya. Batay sa sitwasyon, ano ang kahalagahan ng kanyang ginagawa?
A. Ito’y nakasanayan na niyang gawain sa araw-araw.
B. Kailangan niya itong gawin upang ipakita sa kanyang mga kasamahan.
C. Ito’y gabay ng kanyang pagkilos sa pang-araw-araw niyang pamumuhay.

10
D. Lahat ay tama

9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng relihiyon MALIBAN sa isa.


A. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
B. Naging salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian.
C. Naging dahilan sa pag-unlad at pag-iral ng mga kultura.
D. Naging sandigan ng tao kapag nasa kagipitan lamang.

10. Ayon sa pie grap ng mga pangunahing relihiyon sa daigdig pang-ilan ang mga nasa grupo
ng non-religious ?
A. Pangalawa B. Pangatlo C. Pang-apat D. Panglima

Karagdagang Gawain
Panuto: Sa isang long bond paper, gumuhit ng isang simbolo na nagpapakita ng
kahalagahan ng wika at relihiyon ng inyong pamilya sa pang-araw-araw na pamumuhay at
ipaliwanag ang bawat simbolo na may tatlo hanggang limang pangungusap. Gamitin ang
rubriks
sa ibaba.

RUBRIKS
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Bigat ng mensahe sa paglalarawan 10
Presentasyon Kalinisan, kulay at kagandahan 10
Pagkamalikhain Nakagaganap ng naiiba sa
Malayang pagpahayag ng sariling interpresentasyon 10
Kabuuang Puntos

11
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayahin
1. C 1. C
2. C 2. C
3. B 3. B
4. D 4. D
5. D 5. B
6. B 6. D
7. C 7. C
8. C 8. C
9. D 9. D
10. B 10. C

Pagyamanin

1W I 2 K A
3 R E L I H 4 I Y O N R
N I
5R 6E D S
E T O T
7L A H I E 8E I
I N U T Y
G O R N A
9A U S T R O N E S I A N
R P K I
E I O S
A M
10 H I N D U I S M O

12
Sanggunian

Soriano, Celia D., et al. Kayamanan III Ksaysayan ng Mundo: REX Book Store, Inc.,
2008

Blando, Rosemarie C., et al, Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of


Education, 2014.

Vivar, Teofista L., et al. Kasyaysayan ng Daigdig. Manila City, Philippines: Ibon
Publishing, 2002

Mateo, Grace Estella C., et al. Kasyasayan ng Daigdig. Manila City, Vibal Publishing
House, Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph

13
14

You might also like