You are on page 1of 25

Komunikasyon at

Pananaliksik sa wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Konsepto ng Wika

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Senior High School
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aira Janel A. Nuñez
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit: Aira Janel A. Nuñez
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Buenafe E. Sabado, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: navotas.city@deped.gov.ph
____________________________________________
11
Komunikasyon
at Pananaliksik
sa Wika at
Kulturang
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1
Konsepto ng Wika: Wika, Wikang
Pambansa, Wikang Panturo at
Wikang Opisyal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Asignatura at Baitang) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamagat ng Aralin !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Pamagat ng
Aralin) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Magandang Araw! Ikaw ba ay mag-aaral na nais ipagpatuloy ang iyong
pagkatuto sa pamamagitan ng modyul na ito? Kung ganun ay binabati kita!
Natupad mo ang iyong layunin sa pagtanggap ng hamon ng pagkatuto sa iyong
sariling pagsusumikap.

Nilikha ang materyal na ito upang matugunan ang tawag ng patuloy na


pagkatuto sa panahon ng pandemyang ito. Ito na ang tinatawag nating new normal
at inaasahan ang iyong pagsusumikap na maisagawa ang mga inihandang aralin,
gawain at mga pagsusulit upang higit na mapaunlad ang iyong kaalaman.

Ang modyul na ito ay tungkol sa unang apat na konsepto ng wika

Konseptong Pangwika:

 Wika
 Wikang Panturo
 Wikang Pambansa
 Wikang Opisyal

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;


1.Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika;

1
Upang maging handa sa mga aralin susubukin natin ang iyong
kaalaman tungkol sa ating paksa. Sagutang ang mga sumusunod na gawain
sa iyong sagutang papel.
GAWAIN A. PAGTATAPAT
Panuto: Tukuyin ang kaugnay na mga kahulugan na nasa Hanay B at
iugnay ito sa mga nakatala sa Hanay A. Paghusayan!
HANAY A HANAY B
1. Wika a. Sa unang bahagi ng Artikulo 14
Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng
1987,
ang pambansang wika ng Pilipinas
ay Filipino
2. Wikang Panturo b. Isang wikang binigyan ng
natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang
gagamitin sa mga opisyal na
transaksyon pamahalaan.
3. Wikang Pambansa c. Masistemang gamit sa
pakikipagtalastasan na binubuo ng
mga simbolo at panuntunan.
4. Wikang Opisyal d. Sa Konstitusyon ng 1987 iniatas ang

paggamit ng Filipino bilang wikang


gagamitin sa pagtuturo sa mga
paaralan.

2
Aralin
Konsepto ng Wika:
Wika, Wikang Pambansa,
1 Wikang Panturo at
Wikang Opisyal
Alam mo ba na ang mundo ay umiikot sa pagpapalitan at pagtanggap ng
mensahe na tinatawag nating komunikasyon. Dito natin mapapatunayan
ang halaga ng wika sa bawat isa. Sa pamamagitan ng komunikasyon,
patuloy na nagkakaunawaan at umuunlad ang mundo. Halika at unawain
natin ang komunikasyon at ang mga konsepto ng wika.
Ang Komunikasyon
Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na “communis” na
nangangahulugang karaniwan o panlahat. Ito ay isang intensyonal o
conscious na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng
simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o
emosyon mula sa isang indibidwal mula sa iba.
Sa pamamagitan nito, naipoproseso ang pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-
berbal.
Mahalagang maunawaan ang tamang komunikasyon upang
maiwasang ang di-pagkakaunawaan dahil sa maling paggamit nito. Paano
natin maisasakatuparan ang maayos na komunikasyon? Kinakailangan
nating maunawaan ang wika at ang mga konsepto nito.

Bago natin simulan ang pagtalakay sa aralin, balikan natin ang iyong kaalaman
tungkol sa wika. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.

1. Ano ang wikang Pambansa?


2. Ano ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan?
3. Ano kauna-unahang wikang pambansa?

3
Mga Tala para sa Guro

Kasanayang Pampagkatuto
- Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng
mga konseptong pangwika.
- Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo, talumpati, at mga panayam.

Mga mahahalagang tanong:


1. Ano ang kahulugan at kabuluhan ng wika, wikang
Pambansa, wikang panturo at wikang opisyal?
2. Ano ang kasyasayan ng wikang pambansa?
3. Ano-ano ang mga batas at kautausan na may
kinalaman sa pagpapatupad ng wikang Pambansa?

4
Gawain A.
Panuto: Punan ang K-W-L Chart sa ibaba. Isulat sa K-know ang iyong alam na tungkol sa
wika. Isulat sa W-want ang iyong gusto pang malaman tungkol sa wika, at isulat naman sa L-
learned kung ano na ang mga ideyang iyong natutunan tungkol sa wika.

(K) (W) (L)


Know Want to know Learned

Ano ang iyong Anong ang iyong gustong Ano ang iyong
nalaalaman? malaman? natutunan?

5
Mahalagang maunawaan mo ang tamang komunikasyon upang
maiwasang ang di-pagkakaunawaan dahil sa maling paggamit nito. Paano
natin maisasakatuparan ang maayos na komunikasyon? Kinakailangan
nating maunawaan ang wika at ang mga konsepto nito.
Mga Konseptong Pangwika (Wika, Wikang Panturo, Wikang Opisyal,
Wikang Pambansa)
Sa araling ito, matutukoy mo ang unang pangunahing konsepto ng
wika. Ano-ano nga ba ang mga ito? Ipagpatuloy ang pagbabasa upang
matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika na ito.

WIKA
Kahulugan at Kabuluhan Nito
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sinasabing lahat ng wika
ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema kung saan ang
maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang
ponema ay pinagsama-sama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng
salita na tinatawag na morpema. Sintaksis naman ang tawag sa
makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga pangungusap. At kapag
nagkaroon na ng ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao,
tinatawag na itong diskors. Sa pamamagitang ng wika, nangyayari ang
komunikasyon mula sa tunog at mga nabuong salita, pinagsasama-sama ito
upang maging pangungusap na makapaghahayag ng ideya na kauna-
unawa. Sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng wika, magkakaroon
ng palitan ng ideya at maayos na daloy ng komunikasyon.
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay arbitrayo – pinili ito at isinaayos ayon sa
napagkasunduan ng tao sa iisang pook o lugar. Dala ng impluwensya
ng dayuhan na nagkaroon ng ugnayan sa mga pook sa bansa sa
panahon ng pananakop, nagkaroon ng iba’t ibang dayalekto o wikang
ginagamit sa iba’t ibang pook sa bansa.
Halimbawa:
Tagalog Pampanga Pangasinan Aklan Waray
baliktad baligtad baliktar baliskad balikad

6
2. Ang wika ay daynamiko – dahil sa iba’t ibang impluwensya sa wika,
nagkaroon na ng napakaraming baryasyon ang wika. Kaya’t hindi ito
nakabase sa isang istandard na wikang ginagamit. Nagkaroon na ng
pagbabago sa paggamit nito dahil sa iba’t ibang nagsulputang
baryasyon o istilo ng paggamit nito gaya ng mga beki language, ang
popular na pabaligtad ng mga salita gaya ng pare-repa, idol-lodi at
marami pang iba.
3. Ang wika ay kultura – ang wika ang sumasalamin sa kulturang iyong
pinagmulan kung kaya’t ang wika ay siyang pagkakakilanlan. Ang
paggamit ng wikang Filipino ay tanda ng iyong pagka-Pilipino.

WIKANG PAMBANSA
Kahulugan at Kabuluhan nito

Upang magkaroon ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wikang


ginagamit, nagkaroon ng paggalaw upang magtalaga ng isang wikang
magiging daan sa pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng
isang bansa. Ang wikang pambansa ay ang kinikilalang pangkalahatang
midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng lahat ng
mamamayan ng isang bansa.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Maraming pangyayari na may kinalaman sa pagtatatag ng wikang


pambansa. maaari mong basahin ang buong salaysay tungkol sa kaysayan
nito sa link na ito http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/ . Kung
walang kakayahan, narito ang sipi ng salaysay ni Hen. Roberto T.
Añonuevo, Direktor ng Komisyon ng Wikang Filipino na pinamagatang
Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang
Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa
layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay
sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang pambansang wika ay
ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na
pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa
madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng
pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga
kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano),
Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu
(Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang
pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga
mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na
pahayagan, publikasyon, at manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si
Sotto dahil sa kapansanan; samantalang si Butu ay namatay nang di-
inaasahan.

7
Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng
wikang pambansa ng Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing
kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.
Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at
pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang
Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt
Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang
Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng
Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman, noong 1942 ay inihayag
ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine Executive
Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapuwa
Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong
kapuluan. Nagwakas ang gayong ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa
pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa
mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang
matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring seminar
ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP
(1941–1946). Halimbawa, iminungkahi ang paglalaan ng pitak o seksiyon
para sa wikang pambansa sa mga pahayagang pampaaralan nang
masanay magsulat ang mga estudyante. Pinasimulan noong
panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang Diksiyonaryong Tagalog.
Lumikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong larang ang termino
ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at heometriya.
Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago
naging opisyal noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong
1950. Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang
mulang Marso tungong Agosto. Itinampok ang lingguwistikang pag-aaral
sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Filipinas noong panahon
ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa
ang mga palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa.
Nailathala ang English-Tagalog Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-
diksiyonaryo. Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng
Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang
Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay
maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na
linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga
katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga
salita mula sa mga dayuhang wika.” Sa panahon ni Ponciano B.P. Pineda,
ang SWP ay nagbunsod ng mga pananaliksik na may kaugnayan sa sosyo-
lingguwistika, bukod sa pagpapalakas ng patakarang bilingguwal sa
edukasyon. Naipalathala ang mga panitikan at salin para kapuwa
mapalakas ang Pilipino at iba pang katutubong wika.

Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas


ng 1986, at sa naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng
Filipinas ay “Filipino.” Kung paniniwalaan ang nasabing batas, “habang
nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin nang
nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba
pang wika.”

8
WIKANG PANTURO

Kahulugan at Kabuluhan Nito

Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon. Ginagamit pangtalakayan sa pagitan ng guro at mag-aaral
upang higit na maging mabisa ang pagkatuto ng mag-aaral. Bukod dito, ito
rin ang wikang itinalaga sa mga sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
pampagtuturo.

Mother Tongue-Based Multilinggual Education

Dahil sa iba’t ibang wikang ginagamit sa bansa, ang Mother Tongue-


Based Multilinggual Education ang siyang memoranda na ibinaba upang
payagan na gamitin sa pagtuturo ang wikang ginagamit sa tahanan. Sa K to
12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging
opisyal na wikang panturo mula sa kindergarten hanggang grade 3.

WIKANG OPISYAL
Kahulugan at Kabuluhan Nito

Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas upang maging wikang


opisyal sa talastasan ng pamahalaan. Dapat itong gamitin bilang opisyal na
komunikasyon ng estado sa kanyang mamamayan at sa iba pang bansa sa
daigdig.

Bago maging ganap na opisyal ang isang wika, maraming pag-aaral


ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat-dapat na wika
para sa bansa. Tinitiyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa
buong kapuluan at binigyang daan ito sa pamamagitan ng pag-sasaalang-
alang ng iba’t ibang salik.

9
Dahil na rin sa pagiging daynamiko ng wika, umusbong ang napakaraming pagbabago dito.
Narito ang talaan na nagpapakita ng kasaysayan ng wika ayon sa mga batas at kautusan na naipatupad
upang iyong maunawaan ang pagbabagong naganap dito.

Mga Batas at Kautusan na may Kinalaman sa Kasaysayan ng Wikang


Pambansa
PANAHON NG KASTILA- Espanyol ang ginagamit na wikang opisyal at
wikang panturo.
PANAHON NG AMERIKANO- Napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang
wikang opisyal at ito rin ang naging tanging wikang panturo batay sa
rekomendasyon Komisyong Schurman noong ika-4 ng Marso 1899.
PANAHON NG REBOLUSYONARYO- Sa panahon ng pakikibaka para sa
Kalayaan ng bansa, ginamit ng mga rebolusyonaryo ang wikang tagalog
sa mga komunikasyon tulad ng mga kasulatan.
 Konstitusyong Probisyunal ng Biak-na-Bato (1897) – itinatag
ang tagalog bilang wikang opisyal.
 Artikulo XIV Sek. 3 ng Saligang Batas (Pebrero 8, 1935) –
isinaad dito na “ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa batay
sa mga katutubong wikang umiiral sa bansa”
 Batas Komonwelt 184 (Nobyembre 13,1936) – pinagtibay ito ng
Batasang Pambansa na lumilikha ng isang Surian ng Wikang
Pambansa na may tungkuling mag-aral ang mga wikang katutubo
at suriin ito upang magin batayan ng wikang pambansa.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 (Disyembre 30,1937) –
ipinalabas ng ama ng wikang pambansa na siPangulong Manuel L.
Quezon na wikang tagalog ang magiging batayan ng wikang
pambansa sapagkat ito ay may hawig sa mga wikang katutubo na
ginagamit sa bansa.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) –
pagpapalimbag ng “A Tagalog-English Vocabulary” at “Ang Balarila
ng Wikang Pambansa”. Nakasaad din dito ang pagtuturo ng
wikang tagalog sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa
buong kapuluan noong Hunyo 14, 1940.

10
PANAHON NG PAGSASARILI
 Batas Komonwelt Blg 570 (Hunyo 7, 1940) – ipinagtibay na ang
wikang tagalog ang wikang pambansa
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1949) - mula sa
Tagalog ay ginawang Pilipino ang tawag sa wikang Pambansa ayon sa
kalihim ng Kagawaran ng edukasyon na si Jose F. Romero.
 Artikulo 14 Sek. 6 ng Saligang Batas – pinagtibay ng bagong
konstitusyo ng Pilipinas na ang wikang Pambansa ay Filipino at dapat
pa itong payabungin at payamanin salig sa umiiral na wika sa bansa
at sa mga iba pang wika.
 Commision on Higher Education CHED Memorandum Blg. 59
(1996) – nagtatadhana ng siyam na yunit ng Filipino sa
pangkalahatang edukasyon.
 Proklamasyon Blg 1041(Hulyo 1997) – nagtatakda ng pagdiriwang
ng Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto taon-taon sa mga sangay
ng pamahalaan at paaralan upang magsagawa ng mga gawain
kaugnay ng pagdiriwang.

Binabati kita sa pagbabasa sa nakaraang aralin. Ngayon naman ay


susubukin natin kung lubos mo itong naunawaan.

GAWAIN A. PAGTUKOY SA KAHULUGAN AT KABULUHAN NG


KONSEPTO NG WIKA

Panuto: Itala sa talahanayan ang mga ibinigay na kahulugan o kabuluhan


ayon sa konsepto ng wika. Iguhit ang talahayan sa isang malinis na papel at
isulat ang iyong sagot sa tamang hanay.

11
Konsepto ng Wika Kahulugan at Kabuluhan

WIKA 

WIKANG PAMBANSA

WIKANG PANTURO

WIKANG OPISYAL

Kahulugan at Kabuluhan

 Pag-implementa ng Mother Tongue-Based Education

 Ang mga materyales tulad ng libro at iba pang mga kagamitan sa pag-
aaral ay nakasulat sa wikang itinalaga.

 Upang magkaroon ng pagkakaisa, kinakailangang makapagtatag ng


iisang gagamiting wika na gagamitin ng mamayan sa isang bansa.

 Daynamiko. Pabago-bago dala ng mga nagsusulputang impluwensya


sa kasalukuyang panahon gaya ng beki language, pagbaligtad ng
baybay bilang ekspresyon tulad ng pare na naging repa, idol na
naging lodi.

 Nagtatag ng isang organisasyon na mag-aaral sa iba’t ibang wika sa


bansa upang masala at mapag-aralan kung ano ang karapat-dapat
gamitin na alam ng nakararami.

 Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at


isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura

 Pagtatalaga ng isang wikang gagamitin ng pamahalaan sa


komunikasyon sa loob at labas ng bansa

12
 Pagtatatag ng opisyal na wikang gagamitin sa edukasyon partikular
sa mga paaralan bilang midyum ng pagtuturo.

GAWAIN B. PAGTUKOY
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong hinggil sa kasaysayan ng
Wikang Pambansa.

_______1. Ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.


_______2. Ang tawag sa komisyong nararapat itatag ng kongreso na
magsasagawa ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad ng Filipino at iba
pang mga rehiyunal na wika sa bansa.
_______3. Ang wikang batayan ng wikang pambansa.
_______4. Probisyon sa Konstitusyong 1987 na nagtatakda sa wikang
Filipino bilang wikang pambansa.
_______5. Petsa kung kailan ipinroklama ang Tagalog bilang wikang
pambansa.

Tandaan!
Ang binasa ay tungkol sa kahulugan at kabuluhang ng kosepto ng
wika. Upang subukin ang iyong lubos na pag-unawa sa paksa
paghambinging ang apat na kosepto ng wika gamit ang venn diagram.
Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Wika at Wikang Pambansa
gayundin ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal.
WIKA WIKANG PAMBANSA
Pagkakatulad
Pagkakaiba
Pagkakaiba

13
Paglikha ng Grapikong Presentasyon (Timeline)

Panuto: Sa pagtatapos ng ating araling ito, ikaw ay gagawa ng grapikong


presentasyon ng isang artistikong timeline o time table na nagpapakita ng
kasaysayang ng pagtatag ng wikang pambansa.

Makikita natin kung hanggang saan ang iyong kaalaman sa paksa.


Subukang sagutan ang maikling pagsusulit sa ibaba.

MAIKLING PAGSUSULIT (TAMA O MALI)

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung tama o mali ang mga
pangungusap sa ibaba.

______1. Maraming wika ang umiiral sa bansa, kailangang gamitin din ito ng
lahat o ng nakararami.

______2. Ang wikang opisyal ang midyum na wika upang gamitin sa


edukasyon, sa mga paaralan at mga kagamitang pampaaralan.

14
______3. Itinatag ni Henry Gleason ang Mother Tongue-Based Education.

______4. Ang wika ay daynamiko sapagkat ito may isang istandard na wika
na dapat lamang gamitin.

______5. Maaaring gumamit ng iba’t ibang wika na iyong nais sa


komunikasyon sa loob at labas ng bansa

Natapos mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. At naniniwala akong


buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking pagbati. Iminumungkahi
kong sagutin mo ang karagdagang gawain upang higit mong matiyak na talagang
naunawaan mo na ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito. Simulan mo na!
Malaki ang ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng mga tao. Sa loob
ng radial circle, isulat ang kahulugan at kahalagahan ng wika sa ating pakikipag-
ugnayan sa kapwa.

WIKA

15
Sanggunian

https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/konseptong-pangwika

https://prezi.com/km_9bz3r6vz0/mga-konseptong-pangwika/

https://www.studyblue.com/notes/note/n/konseptong-pangwika/deck/17989746

http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

http://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan

http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-filipino

http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/order/2013/DO_s2013_034.pdf

https://www.scribd.com/doc/56032425/Multilinggwalismo-Salbabida-Ng-Wikang-Filipino-at-
MgaDayalekto-Bagong-Kahingian-Sa-Global-is-a-Dong

file:///C:/Users/mlmcantillo/Downloads/Tanggol_Wika_30_Hunyo_2015.pdf

http://www.academia.edu/7593747/Kasaysayan_ng_wikang_filipino

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like