You are on page 1of 25

Filipino sa Piling Larang

(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan ng Akademikong
Sulatin
Filipino sa Piling Larang (Akademik)-Baitang 12
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Akademikong Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gina P. Canlas
Editor: Rodolfo F. De Jesus, PhD
Tagasuri: Jenevieve S. Palattao
Tagaguhit: Remearson J. Araza
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI
Juan C. Obierna
Heidee F. Ferrer, EdD
Rodolfo F. De Jesus, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Schools Division Office, Quezon City


Office Address: 43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan ng Akademikong
Pagsulat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang(Akademik)-


Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahulugan ng Akademikong Pagsulat !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)-Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahulugan ng Akademikong
Pagsulat !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

iv
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Dinisenyo ang modyul na ito upang malinang ang iyong mga kasanayan sa
pagkatuto na ibinatay sa K-12 Pangkurikulum sa Filipino. Hitik sa mga gawaing
pampagkatuto ang modyul na ito upang higit na matiyak na ang bawat kasanayan
sa bawat aralin ay matatamo nang buong husay. Ang mga aralin ay maingat na pinili
ayon sa pamantayan ng kurso at upang makatugon sa pangangailangan ng mga
mag-aaral.
Nagtataglay ang modyul na ito ng mga gawaing lilinang sa iyong kasanayan upang
higit na maunawaan ang Akademikong Pagsulat.

Narito ang Most Essential Learning na lilinangin sa modyul na ito:


1. nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-Oa-
c101);
2. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa (a) Layunin (b)
Gamit (c) Katangian (d) Anyo (CS_FA11/12PN-0a-c-90); at
3. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
(CS_FA11/12EP0a-c-39).

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. naibibigay ang kahulugan ng pagsulat sa pamamagitan ng
pag-uugnay-ugay ng mga salita;
2. nakabubuo ng sariling kongklusyon, rekomendasyon o resolusyon mula
sa matalinong pagsusuri o obserbasyon;
3. nakasusulat ng isang akademikong sulatin ayon sa layunin,
gamit, katangian at ayos batay sa mga ibinigay na larawan; at
4. nakapagsasagawa ng isang pananaliksik ng iba’t ibang anyo ng sulatin
akademiko kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian.

1
Subukin

A. Basahin at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng akademikong


sulatin. Sagutin ang mga tanong sa bawat aytem. Isulat ang letra ng
wastong sagot sa sagutang papel.

Liwanag sa Likod ng mga Pangarap


ni Gina P. Canlas

“Ang kahirapan kailan man ay hindi hadlang sa tagumpay.”


Ito ang kasabihang pinaniwalaan ko simula nang ako ay magkaisip,
magsimulang magtanong at mamulat sa hirap ng buhay.
Panganay ako sa apat na magkakapatid. Walang
permanenteng trabaho ang aking mga magulang. Wala kaming maayos
at magandang tirahan, walang magagarang damit subalit kailan man
ay hindi sumagi sa aking isipan na magreklamo at gumawa ng
kasamaan. Nagsunog ako ng kilay para maabot ang aking pangarap.
Kumapit ako nang mahigpit sa Poong Maykapal. Inalalayan at
sinuportahan ako ng mga mahal ko sa buhay. Naging iskolar ng bayan
at sa kalaunay nagkamit ng karangalan. Permanenteng trabaho ay
agad kong nakamtan. Kaysarap pala ng pakiramdam ng bunga ng
iyong pinaghirapan.
Hindi ko man naranasan ang marangyang buhay, sagana
naman ako sa pagmamahal ng pamilya na naging kalasag ko sa gitna
ng mga kabiguan. Pinanday nila ako ng kagandahang asal upang
maging isang mabuting anak na may takot sa Poong Maykapal.
Narito ako ngayon sa inyong harapan upang magbigay patunay
na habang tayo ay nabubuhay nariyan ang Poong Maykapal na sa atin
ay gagabay.
Kayong mga kabataan, tandaan ninyo na kayo ang gumagawa
ng iyong kapalaran. Magsikap at magtiwala lamang sa Kanya at ang
inyong mga pangarap ay inyo ring makakamtan.

1. Anong uri ng akademikong sulatin ang iyong binasa?


A. bionote C. talumpati
B. lakbay-sanaysay D. replektibong sanaysay

2
2. Anong pangunahing layunin ng akdang binasa?
A. manghikayat C. magbigay ng papuri
B. magbigay aliw D. magbigay ng impormasyon

3. Ano ang paksang inilahad sa akademikong sulatin?


A. pagtitiis C. pagmamahal
B. pagsisikap D. pagtutulungan

4. Panganay ako sa apat na magkakapatid. Walang permanenteng trabaho ang


aking mga magulang. Anong paraan ng pagsulat ang ginamit ayon sa
layunin o pakay?
A. argumentatibo C. ekspresibo
B. deskriptibo D. impormatibo

5. Kayong mga kabataan, tandaan ninyo na kayo ang gumagawa ng iyong


kapalaran. Magsikap at magtiwala lamang sa Kanya at ang inyong mga
pangarap ay inyo ring makakamtan. Anong paraan ng pagsulat ang ginamit
ayon sa layunin o pakay?
A. argumentatibo C. ekspresibo
B. deskriptibo D. impormatibo

6. Anong istilo ang ginamit na panimula sa binasang halimbawa ng


akademikong sulatin?
A. pagtatanong C. paglalarawan
B. pagsasalaysay D. pagbibigay ng kasabihan

7. Anong konklusyon ang ibinigay sa binasang halimbawa ng akademikong


sulatin?
A. Magtulungan para kaunlaran.
B. Magtrabaho para sa kinabukasan.
C. Magsikap upang makamit ang pangarap.
D. Maghintay at ang pangarap ay makakamtan.

8. Anong antas ng wika ang ginamit sa binasang akademikong sulatin?


A. balbal C. pambansa
B. kolokyal D. pampanitikan

9. Maliban sa isa, bakit kailangang isaalang-alang ang mga tuntunin


panggramatika sa pagsulat ng akademikong sulatin?
A. upang magkaroon ng kawastuhan sa pagbabaybay
B. upang mailahad nang wasto at maayos ang mga kaisipan
C. upang makasunod sa tamang pamantayan ng pagbibigay ng
marka
D. upang magkaroon ng tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap

10. Ano ang kapakinabangang dulot ng akademikong sulatin?


A. Mas mapupukaw ang imahinasyon ng manunulat.
B. Magkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan
C. Mas magiging mulat sa kaganapan sa paligid.
D. Magagamit ang kasanayang ito sa pag-aaral at trabahong
mapapasukan.

3
B. Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy na uri ng akademikong pagsulat. Letra
lamang ang isulat sa hiwalay na papel.

A. Bionote C. Buod/Sinopsis E. Katitikan ng Pulong


B. Abstrak D. Lakbay-Sanaysay F. Panukalang Proyekto

11. Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong


papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, teknikal at lektyur.
12. Uri ng lagom na ginagamit sa personal profile ng isang tao.
13. Isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa
komunidad o samahan.
14. Uri ng lagom na ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
15. Opisyal na tala sa pulong.

Balikan

Mga Tala para sa Guro

Matapos maibigay ng guro sa mga mag-aaral ang mga


kasanayang dapat nilang matamo at matapos ding alamin ng
guro ang mga alam na ng mga mag-aaral ay hayaang ipasagot ng
guro sa mag-aaral ang kahulugan ng Pagsulat. Sa pamamagitan
nito ay mas madaling maiuugnay ng guro ang bagong aralin mula
sa gawaing ito.

Naging parte ng buhay natin ang pagsulat. Naaalala mo pa ba nang ikaw ay unang
turuan ng iyong ina sa simpleng pagsulat ng mga letra hanggang sa maisulat mo
nang buo ang iyong pangalan? Hanggang sa ikaw ay tumuntong sa paaralan ay mas
lumawak pa ang iyong kaalaman sa pagsulat. Sa tulong at gabay ng iyong guro ay
natutuhan mo na ang pagbuo ng parirala, pangungusap at talata. Marahil sa mga
natutunan mo sa paaralan ay nakasulat ka na ng sanaysay, tula at maikling
kuwento.

4
Tunay nga na ang pagsulat ay isang obra sapagkat ang iyong mga isinusulat ay
hango sa iyong mga naiisip, nadarama, guniguni at sa malikot mong imahinasyon.

May makikita kang mahahalagang salita sa loob ng bilog. Pag-ugnay-ugnayin mo


ang mga salitang ito upang makabuo ka ng sarili mong pakahulugan sa Pagsulat
sa pamamagitan ng Radial Venn. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na
papel.

simbolo

kaisipan Pagsulat salita

ilustrasyon

Tuklasin

Taon-taon ay maraming kinakaharap na isyung panlipunan ang ating bansa. Iba’t


ibang problema na sumusubok sa katatagan ng bawat Pilipino. Nariyan ang iba’t
ibang sakuna dulot ng kalikasan tulad ng lindol, bagyo, landslide, at iba pa. Sinubok
din tayo ng matinding kahirapan na nagdulot ng kawalan ng matitirahan,
kakulangan sa pagkain, kakapusan sa mapapasukang trabaho at kung ano-ano pa.
Marami mang pagsubok na dumarating sa ating bansa ay hindi pa rin sumusuko
ang bawat isa bagkus ay patuloy pa rin tayong nananalig na ang lahat ng
problemang ito ay kaya nating lampasan sa tulong na rin ng ating Poong Maykapal.
Isa sa matinding pagsubok ngayon na kinakaharap ng ating bansa gayundin ng
buong mundo ay ang nakamamatay na virus na tinatawag na COVID-19.
Nabulabog ang buong mundo dahil sa mabilis na pagkalat ng virus na ito na
humantong sa pagkasawi ng mga tao. Ang virus na ito ay nagsimula sa Central
Chinese City sa Wuhan, lalawigan ng Hubei. Walang pinipili ang virus na ito
sapagkat mayaman, mahirap, bata, matanda ay maaaring dapuan ng nakahahawa
at nakamamatay na sakit na ito. Maging ang ating bansa ay hindi rin nakaiwas sa
pandemyang ito kaya naman agad-agad gumawa ng hakbang ang pamahalaan para
hindi na kumalat pa ang virus na ito.
Nais kong suriin mo ang isyung panlipunang ito, mula rito ay bumuo ka ng sarili
mong kongklusyon, rekomendasyon o resolusyon mula sa iyong matalinong
pagsusuri o obserbasyon sa kinakaharap ng ating bansa. Isulat ang iyong kasagutan
sa hiwalay na

5
Suriin

https://www.google.com/search?q=image%20of%20paper%20and%20ballpen&tbm=isch&
tbs=sur%3Afc&rlz=1C1GGRV_enPH809PH809&hl=en&ved=0CAIQpwVqFwoTCOi_s-
aSkOoCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=657#imgrc=CotlekXw9E3fTM&imgdii=Fwn
UqKEPKVtK9M

Bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon ng sistema o paraan ng


pagsulat ang ating mga ninuno at ito ay tinawag na baybayin. Ang mga sinaunang
akdang pampanitikan ay naisulat sa mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga,
dahon, balat ng punongkahoy. Iniukit din ang makalumang panitikan sa kuweba,
bato at punongkahoy gamit ang matutulis na kawayan, kahoy , bakal at bato.
Subalit nang sakupin tayo ng mga Kastila ay napalitan ang baybayin ng
6
Alpabetong Romano. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay naisulat ang
mga akdang may kinalaman sa relihiyon.

Dahil sa matagal na pananakop ng mga Kastila ay nagising ang mga natutulog na


Kung

babalikan natin ang


kasaysayan ng pagsulat
ay malayo na ang narating nito. Sa kasalukuyang
panahon ay ginagamit pa rin ang pagsulat upang
ipahayag ang mga kaisipan o saloobin ng mga Pilipino
sa makabagong paraan tulad ng blog. May mga nagsusulat ng mga kuwento o nobela
gamit ang wattpad. May mga nagsusulat ng mga komento gamit ang kanilang mga
facebook account. May mga palitan ng kombersasyon gamit ang messenger. Maaari
namang ipadala ang mahahalagang kasulatan, liham, anunsiyo gamit ang e-mail.

https://www.google.com/search?q=wattpad%20pictures&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved=0
CAIQpwVqFwoTCODG7uu0vOoCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=657#imgrc=j63mqmYIyj_
EMM

https://www.google.com/search?q=messenger&tbm=i
sch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved=0CAIQpwVqFwoTCJii
1vzSu-
oCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=657#imgrc=
Co3kdTnQgnNUWM

7
https://www.google.com/search?q=blog+image&source=lnms&
tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjrjYW90rvqAhUnGaYKHSlUBB
UQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=gLf5IZX1Jlv

Nagbago man ang paraan ng pagsulat mula sa pag-usbong ng makabagong


teknolohiya ay iisa lamang ang ipinahihiwatig nito na ang pagsulat ay ang
pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan (Bernales, et al., 2006
sa Arnilla, 2015).

Ayon naman kay Jocson, et al., 2005 sa Arnilla, 2015 ang pagsulat ay
interkomunikasyon ng tao sa pamamagitan ng arbitraryong simbolo na minarkahan
upang makabuo ng isang sistema. Pinaniniwalaan naman nina Xing at Jin banggit
sa Bernales et al., 2006 sa Arnilla, 2015 na ang pagsulat ay isang masaklaw na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang
elemento. Mula sa mga ibinigay na kahulugan ng pagsulat ay masasabi natin na
kinakailangang may kaalaman ang isang tao sa ilang tuntunin sa gramatika, bantas
at iba pa.

Isang uri din ng komunikasyon ang


pagsulat sapagkat anumang iniisip, nadarama at
saloobin ng isang tao ay maaari niyang mailipat
gamit ang mga titik at simbolo.

Sa larangan ng edukasyon ay nililinang ng mga guro


ang limang makrong kasanayan na dapat
matutuhan ng mga mag-aaral tulad ng pakikinig, pagbabasa, pagsasalita, panonood
at pagsulat. Upang mahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng
pagsulat ay nagbibigay ng iba’t ibang gawain ang guro. Isa na rito ay ang
akademikong pagsulat na tumutuon sa isang sistematikong pagsulat ukol sa
karanasang panlipunan na magiging batayan sa mga pag-aaral na magagamit sa
ikauunlad ng bansa. Ito ay may mataas na antas ng pagsulat, mas nangangailangan
ng mahigpit na tuntunin sa pagsulat na kalimitang isinasagawa sa isang
akademikong institusyon. Hangarin nito na makapaglahad ng impormasyon sa halip
na manlibang.

Ayon kay Julian and Lontoc 2017, 9 mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral ang
akademikong pagsulat sapagkat makatutulong ito bilang isang empleyado sa
hinaharap. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon siya ng kasanayan sa pagbuo ng
liham ng aplikasyon na magagamit sa paghahanap ng trabaho. Matututo rin siyang
sumulat ng katitikan sa tuwing may mga isinasagawang pulong sa isang kompanya

8
o organisasyong kinaaaniban. Makasusulat ng isang project proposal o ng isang
pananaliksik at marami pang iba.

Ang akademikong pagsulat ay may simula o introduksiyon, gitna o pagpapaliwanag


sa paksa at wakas na nilalaman ang konklusyon, rekomendasyon o resolusyon. Ang
mga halimbawa ng akademikong sulatin ay bionote, talumpati, panukalang
proyekto, replektibong sanaysay, sintesis/buod, lakbay-sanaysay, abstrak, adyenda,
katitikan ng pulong, posisyong papel, pictorial essay at iba pa.

Ayon pa kay Julian and Lontoc 2017,5-7 ang sumusunod ay dapat isaalang-alang
sa pagsulat ng akademikong sulatin.

dapat maging malinaw ang wikang gagamitin


Wika depende sa target na babasa sapagkat ito ang
magsisilbing daan upang maipaabot ang mensahe
nang buong linaw at tiyak na impormasyon.

kinakailangang may isang paksang iikutan ng mga


Paksa ideya sa pagsulat. Mas mainam na may sapat na
kaalaman sa paksa upang maging makatotohanan ang
mga datos na ibibigay.

ito ang magsisilbing gabay mo sa pagsulat. Ang tiyak


Layunin na layunin ay dapat matamo o matugunan sa iyong
paglalahad ng mga datos o impormasyon.

may iba’t ibang paraan ng pagsulat batay sa layunin o


pakay. Impormatibo ang paraan ng pagsulat kung ikaw
ay magbibigay ng impormasyon. Ekspresibo naman
Paraan ng kung magbabahagi ng opinyon, obserbasyon,
Pagsulat paniniwala na nakabatay sa sariling karanasan.
Naratibo kung ang layunin ay magsalaysay ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Samantalang
deskriptibo naman kung maglalarawan ng katangian,
anyo, hugis at iba pa. At ang pamaraang argumentatibo
ay kung ang layon ay manghikayat.

higit na mahalagang malaman ang mga mahahalaga o di


Kasanayang mahahalagang detalye na dapat isulat. Maging lohikal at
pampag-iisip mapanuri sa mga datos na ibibigay upang maging
malinaw ang paraan ng pagbibigay ng impormasyon.
9
Kaalaman sa
wastong mahalagang matutuhan ang mga tuntunin sa
pamamaraan gramatika, bantas at pagbuo ng pangungusap upang
ng pagsulat maging malinaw at maayos ang gagawing pagsulat.

Kasanayan sa ito ay may kinalaman sa maayos na pagbubuo,


paghahabi ng pag-oorganisa ng mga datos o impormasyon na
mga salita dapat ilahad.

Tunay na magiging makabuluhan ang pagsulat ng akademikong sulatin kung ang


mga ito ay pagtutuunan ng pansin.

Pagyamanin

Madalas ka bang manood ng balita, makinig ng balita sa radyo o dili kaya’y magbasa
ng pahayagan? Ano ba ang kalimitang laman ng mga balita? Tama, halos lahat ng
laman ng balita ay tungkol sa mga ganapanan sa ating lipunan. Sa pamamagitan
ng mga balitang ito ay nagiging mulat tayo sa paligid. Daan din ito upang tayo ay
kumilos bilang isang mamamayan na may pagmamalasakit sa bayan. Ang munting
tinig mo ay may malaking magagawang pagbabago sa pinapasan ng ating bayan.
Kaya huwag kang mahiyang ipahayag ang laman ng iyong puso at isipan.

May inilagay akong mga larawan na sumasalamin sa ating lipunan. Batay sa mga
larawan ay nais kong pumili ka ng isang akademikong sulatin na iyong isusulat.
Ilagay sa hiwalay na papel ang sagot. Sa pagsulat ay dapat isaalang-alang ang mga
sumusunod:
1. layunin- tumutukoy sa pakay sa gagawing pagsulat. Ito ba ay nanghihikayat,
nagbibigay ng impormasyon o magbigay ng pagsusuri sa mga datos
na nakalap.
2. gamit- tumutukoy sa kahalagahan ng akademikong pagsulat.
3. katangian- tumutukoy sa paglalahad ng mga pinagbatayang datos.

10
Maliwanag at organisado ang mga kaisipang ilalahad gayundin ang
mga salitang gagamitin ay dapat pormal. May paninindigan sa mga
isinulat at ang mga sanggunian ay dapat bigyan ng pagkilala.
4.anyo-tumutukoy sa titulo ng pamagat, introduksiyon, katawan at konklusyon.
Isulat ito sa isang malinis na papel.

https://www.google.com/search?q=edukasyon%20sa%20pilipinas%202020%
20larawan&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved=0CAIQpwVqFwoTCLik7p_T
kOoCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=657#imgrc=xD1paZzS2g7qiM

https://www.google.com/search?q=pagbagsak%20ng%20ekonomiya%20larawa
n&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=sur%3Afc&ved=0CAIQpwVqFwoTCKDR4O7QkO
oCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1349&bih=657#imgrc=uN7P85D3PYjbUM

https://www.google.com/search?q=covid+19+sa+pilipinas&tbm=isch&ved=2ahUKEwig-dKipJLqAhUZAqYKHQexCywQ2-
cCegQIABAA&oq=covid+19+sa+pilipinas&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAUQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEA
UQHjIGCAAQBRAeMgQIABAYOgYIABAIEB46BAgAEEM6BQgAELEDUM3SAVi_kQJg9ZYCaANwAHgAgAGhAYgBgxGSAQUxMS4xMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclie
nt=img&ei=mP7uXqDNJ5mEmAWH4q7gAg&bih=657&biw=1349&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=iBol5XMD1hkJ5M

Rubrik sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin


Nagawa nang Nagawa nang Nagawa nang Hindi Nagawa
tama ang may 1-2 mali 3 o higit pang
lahat mali
3 2 1
4
1.Nabaybay
nang wasto
ang mga salita
2.Nagagamit
ang mga
tamang
bantas sa
pangugusap
3.Nailahad
nang maayos
ang mga
kaisipan o
ideya

11
Isaisip

Matapos mong pag-aralan ang kahulugan ng akademikong pagsulat ay nais


kong ibigay mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagpupuno sa
patlang. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na papel.

Natutuhan ko

12
Isagawa

Ngayong natutuhan mo na ang kahulugan at iba’t ibang uri ng akademikong


pagsulat ay nais kong isa-isahin mo ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang
mag-aaral at sa lipunang iyong ginagalawan. Isulat ang iyong kasagutan sa

Kahalagahan ng
Kahalagahan ng
Akademikong Pagsulat sa Akademikong Pagsulat sa
akin bilang isang mag-aaral lipunang aking
ginagalawan

Tayahin

Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa isang buong papel.

1. Patunayan na bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon ng sistema


o paraan ng pagsulat ang ating mga ninuno.
A. Ang mga ninuno natin ay natutong magsulat sa pagpasok nila sa paaralan.
B. Nagboluntaryo ang ilang dayuhan na turuang magsulat ang mga ninuno
natin.
C. Tinuruan silang magsulat ng mga misyonerong Kastila sa pamamagitan ng
Alpabetong Romano.
D. Ang mga sinaunang akdang pampanitikan ay naisulat sa mga biyas ng
kawayan, talukap ng bunga, dahon, balat ng punongkahoy gamit ang
baybayin.

2. Bakit makapangyarihan ang pagsulat sa mahabang panahon ng pananakop


ng mga Kastila?
A. Daan ito upang matugunan ang mga hinaing ng mga Pilipino
B. Nagkaroon ng iba’t ibang kaalaman ang mga Pilipino sa iba’t ibang aralin.
C. Naging instrumento ito upang pumunta sa Europa ang mga Pilipino upang
tumuklas ng karunungan.
D. Daan ito upang magbuklod-buklod ang mga Pilipino na labanan ang
mapaniil na mga mananakop.

13
3. Maliban sa isa, alin sa mga halimbawa ang nagpapatunay na malayo na ang
narating ng panulat sa ating bansa?
A. May mga nagsusulat ng mga kuwento o nobela gamit ang wattpad.
B. May nagpapadala ng mahahalagang kasulatan, liham, anunsiyo gamit ang
e-mail.
C. May mga nagsusulat ng mga komento gamit ang kanilang mga facebook
account.
D. Maraming Pilipino na ang marunong magsulat ng Arabic, Nihongo, Hangul
at iba pa.

4. Ano ang magandang dulot ng pagkatuto sa pagsulat ng mga akademikong


sulatin?
A. Mas lalawak ang imahinasyon sa pagsulat ng mga kuwento.
B. Mapapaigting ang pagtagni-tagni ng mga kaisipan sa paksa.
C. Magiging mahusay sa paglalatag ng mga pangangatuwiran hinggil sa paksa.
D. Magkakaroon ng kasanayan sa pagbuo ng project proposal, katitikan ng
pulong, at iba pa na magagamit sa trabaho.

5. Ano ang pangunahing layunin ng akademikong pagsulat?


A. magbigay-aliw C. maghatid ng impormasyon
B. magbigay-puna D. magpagaan ng damdamin

B. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang paraan ng pagsulat batay sa layunin o pakay. Letra lamang ang isulat sa
papel.

A. argumentatibo C. ekspresibo E. naratibo


B. deskriptibo D. impormatibo

6. Ang ating pambansa bayani na si Jose Protacio Rizal y Alonso Realonda ay


ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Siya ay ikapito sa
labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.

7. Sa aking pananaw ay kinakailangan ang mahigpit na paggabay ng mga


magulang sa kanilang mga anak lalo na sa paggamit ng gadget upang hindi
maapektuhan ang kanilang kalusugan.
8. Halos hindi na makilala ang itsura ng ama niyang may dinadalang matinding
karamdaman dulot ng kanser. Hapis ang mukha, laylay ang balikat, lamlam
ang mga mata, at mapusyaw ang kulay ng kanyang balat.

9. Isang araw ay may narinig siyang balita na pinapauwi na ang lahat ng OWF
sa Pilipinas dahil sa pagkawala ng trabaho dulot ng Covid19. Agad-agad
niyang tinawagan ang kanyang asawa upang alamin ang katotohanan.
Pagkatapos mag-usap ng mag-asawa sa messenger ay halos manlumo siya
dahil sa mga utang na hindi pa nababayaran. Ngunit sa bandang huli ay
napagtanto niya na ang lahat ng problemang ito ay pagsubok lamang.

14
10. Ayon sa datos ng World Health Organization ay tumataas na ang bilang ng mga
d inadapuan ng sakit na Covid19 hindi lamang sa ating bansa maging sa buong
mundo. Kinakailangang mag-ingat ang lahat ng mamamayan upang hindi
dapuan ng nakahahawang sakit na ito. Panatilihing malinis ang katawan
gayundin ang kapaligiran upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.

C. Isulat ang letra na tumutukoy sa Maling bahagi ng pangungusap. Kung


wasto, piliin ang letrang E na nagsasaad na walang mali sa
pangungusap.

11. Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga grapikong marka


A B
na kumakatawan sa espisipikong lingguwistikong pahayag. Wasto.
C D E

12. Sa larangan ng edukasyon ay nililinang ng mga guro ang limang makrong


A
kasanayan at dapat matutuhan ng mga mag-aaral tulad ng pakikinig,
B C
pagbabasa, pagsasalita, panonood at pagsulat. Wasto.
D E

13. Isang uri rin ng komunikasyon ang pagsulat sapagkat anumang iniisip,
A
nadarama at saloobin ng isang tao ay maaari niyang mailipat gamit ang
B C
mga titik at simbolo. Wasto.
D E

14. Ang akademikong pagsulat ay may simula o introduksiyon, gitna o


A
pagpapaliwanag sa paksa at wakas na nilalaman ang konklusyon,
B C
rekomendasyon o resolusyon. Wasto.
D E

15. Mahalagang alam nang mga mag-aaral ang tuntunin sa gramatika, bantas
A B
at pagbuo ng pangungusap upang maging malinaw at maayos ang
C
gagawing pagsulat. Wasto.
D E

15
Karagdagang Gawain

Alam kong mula sa mga ginawang pagtalakay at mga gawain ay


malinaw na sa iyo ang kahulugan at iba’t ibang uri ng Akademikong Pagsulat.
Ngayon naman ay nais kong magsagawa ka ng pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

Iba’t ibang
anyo ng kahulugan kalikasan katangian
akademikong
sulatin
1.

2.

3.

4.

5.

16
Sanggunian

Arnilla, Arvim Kim A.,2015. Gabay sa Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik sa


Filipino:Quezon City: Jobal Publishing House.

Julian, Aileen B. and Nestor S. Lontoc. 2017. Pinagyamang Pluma Filipino sa


Piling Larang. Quezon City: Phoenix Publishing House.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office-Quezon City

43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila

Telephone No.: 8352-6806/6809 Telefax: 3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

18

You might also like